WONHYE IV (Chapter 4)

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

Wonyoung's Pov

[KINABUKASAN]

Katulad nang napag-usapan namin kahapon, dalawang oras pa bago mag alas nuwebe nag-ayos na kami. Simple lang naman yung mga suot namin, para lang kaming papasok sa university.

Bago pa kami makapasok sa building ng NW Entertainment nakita namin yung lalaki kahapon, naka-uniform parin siya pero yung buhok niya hindi na naka-brush up at iba narin ang kulay nun.

"Excuse me?" parang timang si Chaewon, hinarang pa yung lalaki. "Pwede ko bang makuha yung pangalan mo?" natawa yung lalaki, kita ko namang tinignan ni Chaewon yung kaliwang dibdib na bahagi ng uniform nung lalaki.

"Tingin mo uniform 'to sa school?" ngumiti yung lalaki. "I can't imagine that the CEO of this company just send you a personal message, you girls look so weird specially you." tinitigan niya si Chaewon. "Anu nga palang ginagawa niyo dito?"

"May meeting kami with the CEO?" natawa yung lalaki sa sinabi ni Chaewon.

"CEO? Hahahahahahaha, ako nga hindi pa siya nakikita tapos kayo haharapin niya? WOW ang unfair nun para sakin ah." naglakad na siya papasok kaya sumunod na kami.

"Good morning po." bati sakaniya nung mga nasa lobby, para namang nagulat siya.

"Kanino ba kayo nag-good morning? Sakin o sakanila?" tinuro niya pa kami.

"Sa inyo po." tumango yung lalaki.

Naglakad na siya ulit, susunod na sana kami sakaniya nang pigilan naman kami nang isang staff.

"Meeting with the bosses?" sambit nung isang babae, tumango naman kami. "7th floor." sabi niya sa isang lalaki, sinamahan naman kami nung lalaki papunta sa elevator.

"7th floor." sambit niya dun sa babaeng nakaupo sa harap nang mga buton sa loob ng elevator. *Grabe naman dito?!* *Special treatment?* *O sadyang lahat nang pupuntahan namin, iba iba yung staff?*

Paglabas namin nang elevator meron namang lalaking nag-bow samin at hinatid kami sa harap ng isang pintuan. Si Eunbi-unnie yung nagbukas nun, isa isa naman kaming pumasok at nag-bow.

"Have a seat." nagkatinginan naman kami bago isa isang umupo.

"Si Kim?" saad nung isang lalaki.

"You know him, para siyang tatay niya." tinitignan lang namin yung mga nagsasalita.

"Nandito na daw siya, pero hindi siya haharap sakanila." tumingin sila samin.

"Wala namang bago sa batang yun, pamisteryoso. Simulan nalang natin yung meeting." isa isa kaming inabutan nang folder.

"Kung anu yung nakita at makikita niyo sa email at mga papel na yan, yun din yung ibibigay namin sa inyo. Ang kailangan niyo lang ay sundin yung dalawang rules nang kompanya, una honesty kahit tungkol pa saan 'yan ang kailangan lang namin ay katotohanan, pangalawa transparency what you see is what you get, kung sino ang totoong kayo huwag kayong matakot na ipakita yun samin at ganun din kami sa inyo." tinignan niya kami isa isa. "Klaro?" tumango kami.

Mas naging malinaw naman samin lahat ngayon, dahil sa tuwing may hindi kami maintindihan sa mga nakasulat nasasagot nila kami at napapaliwanag nila nang maayos.

"Nasa bandang dulo yung page nang kontrata yung pipirmahan niyo, basahing mabuti." nilipat naman namin sa bandang dulong page yung mga papel na hawak namin. *Parang bio data lang yun, pero kinabahan ako sa nakasulat sa pinakababang parte nung papel.* 'Once you lie, everyone around you will treat you the way you should be treated. A liar should be treated like a thief who stole the truth from the others.' -CEO Kim Minju. napalunok ako at napakamot pa sa ulo ko.

Nang macheck na nila kung totoo at tama yung mga pinagsusulat namin, may tinawagan yung isa sakanila. *Bali anim silang lahat, na kumausap samin.*

"The meeting is already done." kumunot yung noo niya. "Yes Mr. Kim." binaba na niya yung cellphone niya. "Makaka-uwi na kayo, salamat ulit sa pagpili sa amin." tumayo na kami at nag-bow sakanila.

Sumakay na kami sa elevator.

"Ibig bang sabihin nito artist na nila tayo?" si Hitomi.

"Parang ganun na nga." natatawang sagot ko.

Sakto namang pagkabukas nung pinto ng elevator sa unang palapag dumaan yung lalaking nakasabay namin kanina, medyo nagulat kami hindi lang dahil sa nakashorts na siya ngayon pero yung paglalakad niya kasi akala mo batang binigyan ng candy tumatalon talon pa. Sinundan lang namin siya hanggang sa makalabas na kami ng building.

"Why are you gilrs following me?" nakapamewang pa siyang humarap samin, may huminto namang kulay itim na sasakyan sa likuran niya. "Bye!" kumaway siya samin bago sumakay sa sasakyang kulay itim.

"Ang gwapo niya talaga." si Chaewon.

"Kaso hindi mo parin nakuha yung pangalan niya." pang-aasar ni Chaeyeon-unnie kay Chaewon.

Pagkarating namin sa dorm namin mayroong dalawang babae na naghihintay samin nagkukwentuhan sila habang nakasandal sa isang sasakyan.

"Sila na ata yan?" banggit nung maliit sakanilang dalawa.

"Annyeonghaseyo?" nag-bow kami sakanila.

"Ako pala si Manager Park." yung matangkad sakanilang dalawa.

"Ako naman si Manager Han." nakipag kamay kami sakanilang dalawa.

"Sa dorm nalang po muna tayo?" aya ni Eunbi-unnie.

Nasa baba lang naman yung dorm namin kaya nakapasok kami kaagad dun.

"Maganda naman itong dorm niyo." si Manager Han.

"Pero kailangan parin nating sundin yung utos ng kompanya na ilipat kayo sa ibang dorm, yung medyo malapit sa kompanya at mas malaki dito." si Manager Park, pinaupo na muna namin sila tsaka naglabas si Eunbi-unnie ng makakain namin.

"Ngayon na po ba kami lilipat?" si Chaeyeon-unnie.

"Kung pwede naman, yun din kasi yung gusto ng kompanya. Pero kung gusto niyo naman pwede naman nating ipagpa-bukas, paniguradong hindi pa kayo nakakapag-ayos." paliwanag ni Manager Han.

"Hindi naman po ganun karami yung mga gamit namin, pero mas mabuti nga po sigurong bukas nalang." si Eunbi-unnie.

"Hmm, babalik nalang kami bukas. Alas otso nang umaga dapat nakahanda na kayong lahat." tumayo na si Manager Park.

"Hindi na po kayo kakain?" si Minjoo.

"Tama na samin yung inumin, sige magkita nalang tayo bukas." tumayo din kami at agad na nag-bow sakanila, si Yuri at Chaewon na yung naghatid sakanila sa labas.

"Mag-ayos na tayo." si Eunbi-unnie.

Hindi naman ako nahirapan sa pag-aayos sa mga gamit ko dahil hindi naman yun nadagdagan, hindi tulad sa mga kasama ko dito sa kwarto na araw araw atang may bitbit na bagong gamit. Binalutan ko naman nang kulay coral at pink na cover yung lata ng alak na binigay sakin ni Hyewon *Mahirap na at baka malagay pa ako sa alanganin.* Nilagay ko yun sa isang maliit na box kasama yung wallet at cellphone niya.

Ako ata yung pinaka-unang natapos mag-ayos sa aming apat, yung mga nasa kabilang kwarto kasi naglalaro nalang sila nang kung anu sa sala kaya sumali narin ako.

"Minjoo, ikaw na." si Chaeyeon-unnie, tumayo si Minjoo at kumuha nang papel sa box.

"Busog?" si Chaewon.

"Pangalan nga, busog?" binatukan siya ni Eunbi-unnie, tinuro ako ni Minjoo.

"Wonyoung?" si Chaeyeon-unnie, umiling si Minjoo.

"Hyewon?" si Chaewon, napatingin ako sakaniya.

"Tama." si Minjoo.

"Paanong naging si Hyewon si Wonyoung?" di makapaniwalang sambit ni Eunbi-unnie.

"Diba nga lagi silang magkasamang kumakain? Kaya parang si Wonyoung si Hyewon." napabuntong hininga ako, *Akala ko alam na rin niya.*

"Sali ka? Ikaw naman." tinulak pa ako ni Eunbi-unnie, tumayo na ako at kumuha nang papel. *Washing Machine?* pumwesto na ako sa harap nila.

"Umiikot?" si Chaewon.

"English nga diba?" inis na sambit ni Minjoo.

"Washing robot!" sigaw ni Chaewon.

"Paanong robot?" si Chaeyeon-unnie.

"Nagro-robot dance siya eh." nagkibit balikat pa si Chaewon.

"Washing machine kasi." si Eunbi-unnie.

Tuloy kami sa paglalaro hanggang sa sumali narin yung tatlo, natapos lang ata kami nang makaramdam na kami ng gutom.

"Alas tres na pala." si Eunbi-unnie, nagmadali naman siyang pumunta sa kusina kasunod si Yuri at Chaeyeon-unnie.

"Grabe parang sobrang bilis nang lahat." si Nako.

"Hanggang ngayon nga hindi parin ako makapaniwala, parang mahika lang yung mga nangyayari." si Chaewon.

"Anu kayang magiging reaksyon nung tatlong lalaki kapag nalaman nilang idol na tayo?" si Minjoo. "Paniguradong tuwang-tuwa si Yujin." dagdag niya pa.

"Syempre tuwang-tuwa yun, biruin mo yung girlfriend niya, yung kapatid niya tapos ako na pinsan niya idol na, palakpak tenga nun." si Chaewon.

"Pero nakakatuwa yung tatlong kasama natin ngayon noh, kahit busy sila nagagawa parin nilang suportahan tayo." si Hitomi.

"Syempre susuporta talaga yun lalo na si Felix-oppa, eh yung boyfriend ni Nako anu nang ganap?" singit ko.

"Hindi parin nga nagtetext o tumatawag sakin eh, halos oras oras ko na ngang ginagawa yun pero wala siyang sinasagot maski isa." tumingin siya sa cellphone niya bago napabuntong hininga.

"Hayaan mo, kapag 'yan lang talaga nagloloko ako babanat diyan." si Chaewon. "Kita niyo ba 'tong biceps ko, taob siya dito." natawa naman kami kay Chaewon.

"Kain ka naman kahit konti." pang-aasar ni Minjoo sakaniya.

"Baka gusto mong iuntog kita sa abs ko loko ka." lalo pa kaming natawa.

"Iuntog kita sa pader gusto mo? Tsaka paniguradong hindi magloloko yun." pagdepensa ni Nako.

"Siguraduhin niya lang, ilang lalaki ang babanat sakaniya." saad ko.

"Ihain niyo na 'to!!" sigaw ni Chaeyeon-unnie, agad naman kaming sumunod.

Napuno nang tawanan yung pananghalian namin, kahit wala na sa oras. Nang maghapunan na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
51 streak #1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)