WONHYE IV (Chapter 11)

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

Chaewon's Pov 

 

Umiinom ako nang tubig nang lumapit sakin yung manager namin nila Solar-unnie.

"Emergency ata." kinuha ko yung cellphone ko na inaabot niya. *Wonyoung?*

"Hello?"
: May ginagawa ka ba ngayon?
"Kakatapos lang nang interview namin, bakit may problema ba?"
: Wala na kasi talaga akong matawagan, wala pa sila tito sa bahay nila
"Teka anu bang nangyayari?" kumaway na ako kay Solar-unnie at Wheein-unnie, mukha namang nagets na nila yung sinasabi ko kaya tumango nalang sila.
: Pumutok na yung panubigan ko, Chaewon! Hindi ko na kaya!
"Ang dami mo pa kasing paligot ligoy, sige na papunta na ako diyan."

Halos paliparin ko na yung sasakyan ko para lang makapunta kagad ako sa bahay nila, badtrip pa 'tong mga sasakyan na 'to.

"ALA UNA NA BAKIT ANG DAMI NIYO PARIN SA KALSADA!!!" inis na sigaw ko, nakita ko naman yung mga christmas light sa kalsada. "WALA AKONG PAKE KUNG DECEMBER NA, MAGSILAYAS KAYO MUNA SA DAAN!!" anong oras na pagala gala pa kayo. "MATAGAL PA YUNG PASKO!!" binusinahan ko na sila.

Pagkarating ko sa bahay nila Wonyoung sakto namang kakaparada lang din nila tito sa tapat ng bahay nila.

"Tumatawag si Wonyoung, anong problema?" salubong sakin ni tita yung mom ni Yuri.

"Pumutok na daw po yung panubigan niya." agad naman kaming pumasok sa bahay nila Hyewon. 

"Kuhain mo kay tito mo yung gamit ko." tumango naman ako at pinuntahan si tito.

"Yung mga gamit daw po ni tita." agad naman siyang may inabot saking maliit na bag, bumalik ako sa bahay nila Hyewon kasunod si tito.

"Kailangan na natin siyang itakbo sa hospital, baka maubusan na nang hangin yung bata." lumapit naman si tito kay Wonyoung, at binuhat siya papunta sa sasakyan ko dahil yun yung pinakamalapit na sasakyan sa gate nila Hyewon.

Nasa backseat si tita at si Wonyoung, habang ako nasa passenger's seat at tinatawagan parin yung mga kaibigan namin tapos si tito na yung nagdrive. *Bakit walang sumasagot sa inyo.* tinawagan ko si Hyewon pero nakapatay ata yung cellphone niya *Alam mo nang kabuwanan ng girlfriend mo langya ka talaga!!*

"One more push, kailangan mo nang mailabas yung kabuan nang ulo niya." lalo akong nagpapanik sa sigaw ni Wonyoung. "Mamamatay yung anak mo kung hindi siya kagad makakahinga ng maayos kailangan niya nang hangin, isipin mo pinakahuling magfoform sa katawan nang bata ay yung lungs niya kung hindi mo siya malalabas baka makalimutan niya kung paanong huminga." napakamot ako sa ulo ko. *Anu sabi ni tita?* buti nalang at may sumagot na sa mga tinatawagan ko.

"Hello?"
: Napatawag ka?
"Papunta kami sa hospital ngayon, si Wonyoung manganganak na."
: Sige papunta na ako, si Hyewon?
"MIA."
: Ngayon talaga?
"Basta pumunta ka nalang."
: Gigisingin ko na rin si Chaeyeon, bye.

*Buti nalang gamer 'tong mokong na 'to.*

"2:45am December 4 baby girl, alalahanin mo yung sinabi ko Chaewon." tinype ko naman sa cellphone ko yung sinabi ni tita at sinend sa mga kaibigan ko. *Magsigising naman kayo!* "May heartbeat yung bata pero hirap siyang huminga." tinype ko ulit yung sinabi ni tita at sinend sakanilang lahat, nilingon ko si Wonyoung nakapikit siya habang tuloy tuloy na tumutulo yun luha niya. "Kailangang umiyak nung bata."

"KANG HYEWON-AH!" sigaw ko, mukhang umipekto naman yun dahil biglang umiyak yung bata.

"Too much." sambit ni tita, napakamot naman ako sa ulo ko.

Nakarating na kami sa hospital, agad nilang tinakbo yung bata sa loob nang hospital habang si Wonyoung inihiga sa stretcher.

"Chaewon?" nakapikit parin siya, hinawakan ko yung kamay niya, pinasok na siya sa operating room.

"Bakit po sa operating room?" tanong ko kay tita. *Alam kong hindi na siya manganganak pero.... basta!*

"May pasyente kasi sa ICU ngayon, kung sa delivery room siya ipapasok baka mapasa sa pasyenteng nasa ICU yung bacteria na dala niya. Pareho pa nilang ikamatay yun."

"Bakit pinagtabi pa po yung delivery room tsaka yung ICU kung magiging ganun naman po pala?" napabuntong hininga siya.

"Yun yung pagkakamali sa hospital na 'to." napatango nalang ako.

"Nasaan na si Wonyoung?" si Eunbi-unnie.

"Tinatahi nalang siya." sagot ko kahit hindi naman talaga ako sigurado.

"Maayos naman yung bata?" marahan kong hinila si tita.

"Siya yung nagpaanak kay Wonyoung, si tita nalang tanungin niyo." sambit ko.

"Magpasalamat nalang tayo sa bata dahil pinilit niyang mabuhay, masyado nang mahabang oras yung lumipas bago pa siya mailabas kung tutuusin dapat CS na yung panganganak niya. Pumutok yung panubigan ni Wonyoung at walang sumusuporta sa bata para makahinga siya sa sinapupunan ni Wonyoung, kaya nung mailabas na siya halata yung hirap niya nang paghinga paniguradong magiging komplekasyon yun sakaniya. Pero subukan nating labanan nang panalangin." sumandal ako sa pader. *Basta nakakabadtrip si Hyewon!!* *Nasaan na ba kasi siya?* lumabas na yung doktor mula sa operating room.

"Yung kamag-anak ng pasyente?" si tita nalang yung lumapit sa kaniya, tutal mas magkakaintindihan naman sila.

---------------------------------------------

Nailipat na nang kwarto si Wonyoung pero wala parin si Hyewon, kompleto na kami dito sa hospital at siya nalang yung kulang.

"Wala ba talagang nakakaalam kung nasaan siya?" napatingin kaming lahat kay Yujin bago umiling, sinikatan na kami nang araw wala parin siya.

"Chaewon umuwi ka nalang muna, wala ka pang pahinga." si Chaeyeon-unnie.

"Ayos lang ako, gusto ko kung sakaling may balak talaga siyang pumunta dito ako unang susuntok sakaniya." lumapit ako kay Eunbi-unnie na nasa gilid nang kama ni Wonyoung. "Unnie ikaw nalang yung magpahinga muna." umiling siya.

"Dito lang ako." napalingon ako sa mga kasama ko, tumango lang sila.

"Gigisingin ko lang sila Kkura sa labas nang makakain na tayo." si Chaeyeon-unnie.

"Sasama nalang ako kela dudes." lumabas na kami ni unnie nang kwarto at naabutan naming tumutuka sila Yena, Yunjin at Kkura.

"Kkura?" paggising sakaniya ni Chaeyeon-unnie. "Bumili nalang muna kayo ng pagkain." tumayo naman si Kkura kasunod yung dalawa.

Sumama nalang din si Chaeyeon-unnie samin, baka daw kasi makasalubong namin si Hyewon mabugbog pa namin siya. *Oo sasali talaga ako!* *Hindi ko alam kung anong trip netong si Hyewon eh, sobrang nakakabadtrip!!*

"Magkakape ba kayo?" si Chaeyeon-unnie, tumango nalang kaming apat bago naghanap nang mauupuan.

"Dudes, nababadtrip talaga ako kay Hyewon." sambit ko.

"Siguro hindi ako parte nung anim na taong panloloko nila, pero yung magtago sila nang ganun katagal sa inyo ako ata nasasaktan para sa inyo." nakikinig lang kami kay Yunjin. "Nagulat ako nung marinig ko yung away nila ni Yujin sa hotel, pero lumabas nalang din ako nang kwartong yun wala naman akong karapatan na makinig sa usaping yun. Pero itong ngayon? Parang mas masakit para sakin na makita si Wonyoung na mag-isa ngayon at hindi kasama si Hyewon, hindi ganun kahaba yung panahong nakasama ko kayo pero ewan masakit parin talaga."

"Ganun talaga kapag pinapahalagahan mo yung tao, masakit kapag may mga bagay na kung iisipin hindi dapat mangyari." si Kkura, nakatanggap naman ako ng text.

From: Unknown
Having fun with your friends?
: Look who's having fun despite of his girlfriend's giving birth
: Sent a photo

Napakunot yung noo ko, *Langya ang bagal pa magloading nung picture.*

"Aish-" siniko ako ni Yena kaya hindi ko natuloy yung sasabihin ko.

"Anu ba yan?" kinuha niya sakin yung cellphone ko, syempre tumingin din yung dalawa.

"Si Gaeun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
#1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)