CHAEKKURA III Chapter 9

Stories Untold series (CHAEKKURA III)
Please Subscribe to read the full chapter

Kkura's Pov

Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula nung lumipat kami ni Chaeyeon ng bahay, hindi naman kami nahirapang mag-adjust dahil hindi naman nalalayo sa mga bahay ng mga kaibigan namin yung nilipatan namin, kaya parang dinadalaw lang namin sila.

"Mahal ko?" nanunuod siya ng drama ni Chaewon kaya nang lingunin niya ako halos patayin na niya ako sa tingin. "Magpapaalam lang ako, tatambay lang ako sa labas." inirapan niya ako.

"Kahit huwag ka nang bumalik." napakamot ako sa ulo ko at naglakad na palabas. Hindi naman sa tutol siya na lumabas ako, ayaw niya lang talagang ginugulo siya sa panunuod. Habang naglalakad ako palabas, sumalubong sakin yung mga kaibigan naming babae kasama yung mga anak nila at may bitbit pang pagkain.

"Ginawa niyo nang tambayan yung bahay namin ah?" pang-aasar ko.

"Tsk, anong gusto mo si Chaeyeon-unnie yung palabasin namin papunta sa mga bahay namin?" si Hitomi.

"Sabi ko nga, high blood ka naman kagad?" inirapan niya lang ako.

"Inasar mo pa kasi, high blood nga kaya nag-aya dito." si Nako.

"Mag dilig ka naman Kkura." dumaan lang si Yuri sa harap ko.

"High blood din huwag mo nang tanungin." natatawang sambit ni Minjoo bago sumunod sa mga kaibigan namin, nagdilig naman ako para hindi mamatay yung alaga naming bulaklak at halaman.

Bago ako lumabas binitbit ko na yung mahabang upuang kahoy na ginawa naming magkakaibigan para maupuan kapag naisipan naming tumambay.

"Buti naman nakaramdam ka." si Yena.

"Alam ko kasing uubuhin ka nanaman makapag parinig lang." natawa siya sa sinabi ko.

"Ang aga ng tambay niyo ngayon ah." si Eunbi-noona, karga niya si Seoyeon habang nakasunod naman sina Miyeon at Sian sa likuran niya. *Maaga? Alas kwatro na nga ng hapon."

"Oh para satin." si Sian, may nilapag siyang tray sa upuang gamit namin. "Kukuhain ko lang yung inumin natin." tumakbo siya pabalik sa bahay nila, kakalipat lang nila nung nakaraang araw hinihintay nalang namin na lumipat sila Hyewon si Chaewon imposibleng lilipat pa yun malapit dito samin.

"Uy langya anu nanamang ginawa mo at high blood si Hitomi?" tanong ko kay Felix na kakalapit palang samin.

"Muntikan na kasing mahulog sa hagdan si Doyeon." napakamot siya sa ulo niya bago umupo sa tabi ko. "Naglalaro kasi kaming dalawa, naka-upo siya sa swivel chair. Napalakas yung pagkakasipa ko sa upuan, ayun muntikan na siyang dumirediretsyo sa pababa, buti nalang nahawakan ko siya sa braso." natawa kami.

"Loko ka kasi, yung mga laro niyo ng anak mo parang hindi babae yung anak mo." si Yena.

"Nasanay kasi ako kay Chaewon, sinasakyan lahat ng kalokohan ko." dagdag niya.

"Washap washap yow?" lumapit samin si Yunjin na may dala pang sarili niyang upuan.

"Nagbitbit?" sambit ko.

"Lagi akong nakatayo ang layo pa ng pagkain sakin." pumwesto siya sa mismong harap nung pagkaing dala ni Sian.

"Ang tagal naman ni Yujin, may plano pa akong sasabihin eh." sambit ni Yena nang makabalik na si Sian dala yung mga canned softdrinks.

"Parang narinig ko yung gwapo kong pangalan ah." halos mabilaukan naman kami habang kumakain. *Ang hangin talaga neto kahit kailan.* "Anu nanaman bang plano mo?" inakbayan niya si Yena.

"Naisip ko kasi." napahinto siya at sumilip sa loob ng bakuran namin. "Bakit hindi natin sila bigyan nang concert?" 

"Concert? Sila yung magko-concert?" paglilinaw ni Yunjin.

"Oo, ilang taon narin mula nung huli nilang maranasan yun. Maliban nalang kay Chaewon." dagdag ni Yena, napatango naman kami at nag-isip.

"Iniisip ko lang, kung gusto lang naman natin na bigyan sila ng concert bakit hindi pa natin sagarin?" tumingin sila sakin. "Alam niyo na, ibalik natin yung dati." napapalakpak si Sian.

"Yung dorm, yung manager at higit sa lahat...." tinignan niya kami isa isa. "Yung unang regalo natin sakanila, nakalimutan niyo na?" napakamot ako sa ulo ko.

"Ahh, yung mini bus." sambit ni Yujin.

"Yup, yung dorm ako nang bahala dun." si Sian.

"Ako na sa managers nila." si Felix.

"Ako nang bahala sa event, pero kailangan ko ng kasama." si Yujin.

"Ako nalang sasama sayo bro." si Yunjin.

"Akong bahala sa mga tv show kung saan pwedeng mapalabas yung gagawin nilang concert." si Yena.

"Akong bahala sa mga fans, gamit yung social medias para mag-invite nang hindi nila nalalaman. Plus pwede kong pasukin lahat nang social media sites para makapag live sila para sa mga hindi makakapunta sa concert, especially yung mga international fans." saad ko, napatango sila.

"Well, dahil siya ang huli sa balita siya ang gagastos." may dinadial na si Yena.

"Hello?" nakaloundspeaker yung cellphone ni Yena.

"May plano kasi kami, ikaw nalang ang wala pang ambag." panimula ni Yena.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I've been using for their story is not actually connected to iz*one's song, the book either is not existing. about the songs that I'm using are came from my own imagination, it's actually impromptu writing.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet