CHAEKKURA III (Chapter 3)

Stories Untold series (CHAEKKURA III)
Please Subscribe to read the full chapter

Chaeyeon's Pov

[TUESDAY]

Bukas pa yung birthday ko pero dahil nga salubong kami magcecelebrate ni Kkura, ngayon na yung flight namin papunta sa Japan ibig sabihin hindi namin makakasama yung mga kaibigan namin.

"Chaeyeon bilisan mo naman." binuksan ko yung pinto nang banyo at binato siya nang bote ng shampoo.

"Kung sinabi mo kasi kung anong oras yung flight natin, edi sana hindi na ako nag-aya kagabi!" natawa siya.

"Ngayon aminado ka nang ikaw yung nag-aaya?" binato ko sakaniya yung lalagyan namin nang toothbrush.

"Kagabi lang!!"

"Eh nung Sabado?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Kkura-san?!" ibabato ko na sana sakaniya yung bote ng pabango nang may bumusina nang sasakyan sa labas ng bahay namin.

"Nandiyan na yung maghahatid sa'tin, bilisan mo." binitbit niya na yung mga gamit namin tsaka lumabas nang kwarto, pinagpatuloy ko nalang yung pag-aayos ko.

Paglabas ko nang bahay nakita ko yung sasakyan ni Hyewon *Kahit kailan talaga itong dalawang 'to, magseselos na talaga ako kay Hyewon.*

"Nakabusangot ka?" bungad sakin ni Hyewon.

"Wala." natawa silang dalawa.

"Oo nga pala, may kilala ka bang pwedeng pagbentahan ng motor? Hinahigh blood si Wonyoung sa tuwing nakikita yung mga motor ko, mapapatay pa ata ako." nakatingin lang ako sa labas.

"Akala ko ba may buyer ka na?" napabuntong hininga ako at napatingin sa relo ko.

"Langya kalahating porsyento lang ng totoong presyo yung presyo niya sa motor ko, huwag nalang sobrang lugi naman ako nun." tinignan ko silang dalawa.

"Akala ko ba nagmamadali tayo?" natawa lang si Hyewon at nagsimula nang magmaneho.

"Bakit kasi mangongolekta ka na nga lang mga sasakyan at motor pa?" si Kkura.

"Ewan ko, basta nakita kong maganda sa paningin ko binibili ko. Pero pinapabenta na nga sakin lahat ni Wonyoung, magtira nalang daw ako ng dalawa o isa." tinuon ko nalang yung pansin ko sa labas nang sasakyan.

Nang tignan ko yung boarding time dalawang oras pa pala bago yung mismong flight namin, tingin ko gusto lang talaga ni Kkura na maka-usap si Hyewon. *Edi sana siya nalang yung isama niya sa Japan, tutal pareho naman silang taga dun.*

"Sige bro, yung sinabi ko sayo ah." tumayo na si Kkura at dinala yung mga gamit namin.

"Ingat kayo ah, enjoy."

"Ikaw din ingat sa daan." kahit nagseselos ako kay Hyewon, syempre nagpaalam parin ako sakaniya.

Tulog lang ako sa biyahe namin dahil narin siguro sa pagod kagabi.

"Chaeyeon, nandito na tayo." nakatayo na si Kkura at iilan nalang kaming nasa loob nang eroplano.

Habang naghihintay nang masasakyan may kinaka-usap si Kkura sa cellphone niya, hindi naman maiwasan nang mga napapadaan malapit samin ang mapatingin. Sikat lang naman 'tong kasama ko dito, at syempre dahil may Japanese member ang ACE One pati ako kilala din.

"Chaeyeon-unnie pwede po bang makapagpapicture?" nahihiya naman akong tumango. "Salamat." nagbow lang ako sakaniya.

"Nandiyan na sila." humawak sa kamay ko si Kkura, lumingon naman ako sa mga fan na tumatawag sakin at kumaway.

"Young master?" yumuko pa yung butler ni Kkura.

"Anu ba yan nakakahiya, huwag na po kayong yumuko." halata sa mukha ni Kkura yung pagkahiya.

"Hello po." bati ko sa butler niya.

"Magandang umaga po." nagulat ako nung yumuko din siya sakin.

"Ay? Hehehehehe, pati sakin?" umakbay sakin si Kkura.

"Mauna ka nang sumakay." bulong ni Kkura, agad naman akong pinagbuksan nang pintuan ng butler ni Kkura.

"Salamat po." pagpasok ko sa loob nang sasakyan nandun din yung mga magulang ni Kkura. "Magandang umaga po." umupo ako sa kaharap nilang upuan.

"Kamusta naman kayo?" napatingin ako kay tita.

"Maayos naman po, kayo po?" natawa sila.

"Napakapormal mo naman, para naman kaming iba sayo." si tito.

"Iba na po kasi ngayon, dati magkaibigan lang po kami ni Kkura. Eh ngayon po mag-asawa na po kami at magulang ko narin po kayo." natatawang saad ko.

"Oo nga, napakabilis na talaga nang panahon. Dati iniiyakan ka pa ni Kkura, ngayon ba?" natawa ako sa tanong ni tita.

"Ngayon po? Ganun parin naman po siya, kapag hindi niya po alam yung gagawin niya umiiyak parin po siya." naalala ko nanaman yung mga kwento ng mga kaibigan ko sakin na lagi dae naglalasing at umiiyak si Kkura kapag naguguluhan siya.

"Mukhang ako yung pinag-uusapan niyo ah." tumabi sakin si Kkura.

"Ikaw naman, bakit kaninang umaga ka lang nagsabi na darating kayo. Edi sana may mga pinapunta kaming bodyguards." natawa ako sa biglang pagbabago ng pakikitungo nila tito pagdating kay Kkura.

"Pa kaya nga hindi ko pinasabi kagad kasi magpapadala kayo nang mga bodyguard, edi mas nakakaagaw atensyon yun." humawak si Kkura sa kamay ko.

"Ayaw mo nun? Lagi mo namang ginagawa yun diba yung makaagaw ng atensyon." napa-irap pa si tita.

"Ma, dati yun. Tsaka ginawa ko naman yun para kay Chaeyeon." napakamot siya sa ulo niya.

"Katakot takot na pagpopropose, lahat nang mga kamag-anak natin inakala talagang namatay ka sa pag-bagsak nang eroplano." binatukan siya ni tito. "Lahat nang telepono pati narin cellphone sa bahay, walang tigil sa pagtunog dahil sa mga pagtawag para lang itanong kung totoo yung nangyari sayo. Hindi mo man lang naisip na kilala ang pamilya natin bago ka gumawa nang kalokohan."

"Pa kalokohan ba yun?" napatingin ako kay Kkura at piningot siya.

"Loko ka hindi mo ba alam kung gaano ako kinapos nang hininga dahil sa ginawa mo?" natawa lang siya.

"Nagustuhan mo naman." sinamaan ko siya nang tingin.

*Gusto niyo ba malaman yung nangyari bago ako umoo para pakasalan siya?* *Mamaya kwento ko, hahahahahahaha.*

"Oo, pero halos mamatay naman ako." hinampas ko siya sa braso.

Nagtataka akong sumilip sa bintana nang huminto kami sa isang bakanteng lote na malapit sa dagat. Nauna nang bumaba yung mga magulang ni Kkura.

"Hindi ba tayo sa bahay niyo?" bulong ko kay Kkura.

"Maraming pwedeng pumunta dun para lang mag-interview, dun nalang tayo sa isla namin para walang istorbo." nauna na siyang bumaba nang sasakyan tsaka ako inalalayan sa pagbaba.

"Nacheck na lahat sa helicopter, kayo nalang ang hinihintay." saad ni tito.

Inalalayan naman ako ni Kkura pasakay sa helicopter.

"Tawagan niyo kami kung may mga kailangan pa kayo." si tita.

"Sige po salamat ma, pa." kumaway na kami ni Kkura sakanila.

"Wear your seatbelts young master, and Miss Chaeyeon." saad nung piloto nila Kkura, tinulungan naman ako ni Kkura sa pagsuot ng seatbelt ko.

Nagsimula nang umikot yung elisi nang helicopter na sinasakyan namin kaya lumayo na sila tita dahil narin sa malakas na hangin na madudulot nito, muli kaming kumaway sakanila hanggang sa makalipad na yung sinasakayan naming helicopter.

Magkahawak kamay lang kami ni Kkura, tinatanaw ko yung dagat kitang kita ko yung mangilan ngilang isda na lumalangoy sa dagat na yun, bukod kasi sa malinis ang tubig hindi naman ganun kataas yung lipad nang helicopter na sinasakyan namin.

Nang makarating na kami sa isla nila Kkura hindi naman nakakapagtaka ang mangilan ngilang kasambahay nila na nakapila na sa harap nang masion nila, kasama narin ang mga lalaking naka long sleeves na puti at itim na pantalon sila naman yung mga bodyguard nila dito sa isla. May mga sari-sarili silang bahay dito sa isla na hindi naman kalayuan sa mansion nila Kkura.

"Magandang umaga po!" salubong nila sa'min sa lengguwahe nila.

"Magandang umaga din." sagot namin ni Kkura, pumasok na kami sa loob ng mansion nila.

"Parang nakakapanibago dito sa loob." nakangiting saad ko.

"Dalawang taon narin nung huli tayong pumunta dito, siguro may mga pinagawa." humawak ako sa kamay niya.

"Hindi naman kasi ganun yung ibig kong sabihin, nakakapanibago kasi nung nakaraang pumunta tayo dito kasama natin yung mga kaibigan natin. Pero ngayon?" nilibot ko yung paningin ko. "Tayong dalawa lang."

"Gusto mo pasundo ko na sila sa Korea?" natawa ako.

"Paniguradong busy yung mga yun." naglakad ako papunta sa sala at umupo sa mahabang sofa, hindi naman nagtagal sumunod narin si Kkura sa pag-upo.

"Hayaan mo, pagbalik natin sa Korea sapilitan ko silang isasama papunta sa bahay para sama-sama tayong magcelebrate." yumakap siya sakin. "Pero sa tatlong araw na pag-stay natin dito, mag-enjoy nalang muna tayo." hinalikan niya ako sa ulo.

"Inaantok pa ako." tumingin ako sakaniya.

"Hatid na muna kita sa kwarto natin tapos mag-iikot ikot na muna ako sa labas, tawagan mo nalang ako kapag gising ka na." inalalayan niya ako sa pagtayo. "Oo nga pala, yung tungkol dun sa sinasabi mong adoption? Itutuloy pa ba natin?" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

"Huh?"

"Naisip ko lang kasi, kung gusto mo naman talaga bakit hindi natin subukan?" napakagat ako sa labi ko *Palusot ko lang yun.*

"Hindi na siguro." napanguso siya at marahang tumango.

"Tara." sinamahan niya ako hanggang sa kwarto namin.

"Akala ko ba mag-iikot ka pa?" ngumiti siya.

"Hindi naman pwedeng iwan nalang kita dito, hihintayin kitang makatulog tapos lalabas narin ako." hinawakan niya yung ulo ko at marahang hinaplos yung buhok ko.

"Kkura? Diba sabi mo dati, may babaeng gusto si Hyewon na kilala mo pati narin ni Yena, si Wonyoung ba yun?" tumingin siya sakin.

"Oo, naalala mo pa yung nahuli mo kami ni Yena na nagtatago sa inyo?" natawa ako.

"Oo naman, akala ko talaga nun may lihim kayong relasyon ni Yena." natawa siya.

"Kadiri ka naman, si Hyewon pwede pa pero si Yena? Kay Yujin nalang yun." hinampas ko siya sa braso.

"Si Chaewon kaya? May balak pa ba siyang magkaboyfriend?" napahinto siya sa pagtawa.

"Ang sabi ni Felix meron daw siyang manliligaw na nakasabay niya sa military service, kung sino yun? Yun ang hindi ko alam, hindi rin daw kasi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I've been using for their story is not actually connected to iz*one's song, the book either is not existing. about the songs that I'm using are came from my own imagination, it's actually impromptu writing.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet