CHAEKKURA III Chapter 8

Stories Untold series (CHAEKKURA III)
Please Subscribe to read the full chapter

Chaeyeon's Pov

Pagkagising ko ako nalang mag-isa yung nasa kwarto nila Mina, nang tinignan ko kung anong oras na alas diyes na pala. Bumangon na ako at pumasok sa banyo, paglabas ko naman nang kwarto nila Mina nakita kong naka-upo sa sofa si Kkura.

"Good morning!" tumayo siya at lumapit sakin.

"Good morning." yumakap ako sakaniya.

"Unnie, kanina pa nagmamaktol yan ang tagal mo daw gumising, ayaw ka namang ipagising." naghahain na si Wonyoung sa hapagkainan.

"Ngayon palang kayo kakain?" lumapit ako sakaniya.

"Grabe iniwan mo talaga ako dito." inirapan ko lang si Kkura.

"Kumain na ako, syempre bisita ko parin naman kayo. Tsaka paniguradong kakain ulit si Somi para sabayan kayo, at syempre sasabay din ako." pumwesto na siya, si Somi naman katulad nang mga nakaraang araw excited talaga siya lagi kapag kainan na. Tatakbo na akala mo may humahabol sakaniya o may hinahabol siya, tapos hihilahin yung high chair niya at gagawa ng paraan para maka-akyat dun.

"Gutom nanaman ang Somi namin?" hinawakan siya ni Kkura sa ulo bago tumabi sakin.

"Sarap kasi luto mommy." nagsimula na siyang sumandok bago ihipan yun at isubo sa bibig niya.

"Buti pa 'tong anak niyo alam yung pagkaing mainit, yung asawa mo wala eh basta gutom gutom." natawa kami sa sinabi ni Kkura.

"Oo nga pala nadala na ba yung mga gamit natin sa lilipatan nating bahay?" tanong ko.

"Oo naman mahal, tayo nalang hinihintay dun." natawa si Wonyoung.

"Magkaibigan talaga kayo ni Hyewon, grabe yung ugali niyo parang hindi laging hina-high blood dati si Chaeyeon-unnie kapag may bago nanaman siyang isusulat sa record niyo nang pakikipag-away." naiiling na sambit ni Wonyoung.

"Ganun talaga, kaya lang naman namin nagagawa yun kasi may kinikimkim kami. Pero ngayon wala na, diba?" hinalikan niya ako sa pisnge.

"Kkura, may bata oh." tumingin samin si Somi.

"Ako?" natawa nalang kami dahil gulat na gulat yung itsura niya.

"Kumain ka nalang diyan." si Wonyoung.

Pagkatapos naming kumain nagpaalam narin kami kagad sa mag-ina, at syempre sobrang nagpasalamat dahil pumayag silang mag-stay ako dun.

"Kamusta yung pag-stay mo sakanila?" nasa sasakyan na kami ni Kkura, at syempre nasa backseat ako.

"Ayos naman, iniisip ko nga. Subukan ko din kayang tumira panandalian sa bahay ng iba pa nating mga kaibigan, para makahagilap nang impormasyon sa pagiging ina." natawa siya.

"Alam ko namang kayang kaya mong maging ina, anim ba naman yung inalagaan niyo ni Eunbi-noona sa loob nang anim na taon hindi ka pa ba sanay? Idagdag mo pa kaming pitong lalaki na alagain din, hahahahahahaha." napatango ako. *Oo nga noh, siguro matututunan ko din mag-alaga nang sanggol.* "Tsaka hindi ko naman kayo pababayaan."

"Ewan ko sayo, yan ka nanaman sa mga kasweetan mo may kasalanan ka noh?" natawa siya.

"Wala noh." napa-iling pa siya.

"Siguraduhin mo lang, kung hindi makakatikim ka sakin." binato ko siya ng nakalukot na papel na nakita ko lang dun sa upuan.

Nagtaka naman ako nang mapansin na papasok kami sa village kung saan nakatira sila Yuri.

"Saan tayo lilipat?" napangiti siya habang nagmamaneho.

"Sa bahay na binili satin ng mga magulang natin." napakunot yung noo ko.

"Akala ko ba hindi natin tatanggapin yun." tumango siya.

"Pero diba gusto mong lumipat malapit sakanila, kaya binili ko nalang yun. Ayaw namang tanggapin ng mga magulang natin yung pera, edi denonate ko nalang dun sa tatlong orphanage na sinusuportahan niyo dati." napangiti nalang ako.

"Kkura?" naghum lang siya. "I love you."

"Tsk, pasalamat ka at malaki na 'yang nasa tsyan mo. Kung hindi ihihinto ko 'tong sasakyan at ma-" hinampaspas ko naman siya kagad. "Makakatikim ka ng halik, kasi syempre diba kung hindi naman ganiyan kalaki yung tsyan mo dito ka sa tabi ko uupo diba?"

"Ewan ko sayo." huminto na kami sa kasunod na bahay ng bahay nila Yujin, syempre todo alalay siya sakin sa pagbaba ko.

"Ready na kami, ikaw nalang hinihintay namin." salubong nila Yujin samin.

"Para naman kayong tambay sa kanto." pang-aasar ko sakanila.

"Ay grabe, branded 'tong suot namin tapos mukhang tambay lang para sayo?" si Yunjin.

"Pinaghandaan namin 'tong araw na 'to tapos ganiyan lang sasabihin mo? Grabe?" humawak pa si Felix sa dibdib niya.

"Ayoko na uuwi nalang ako, kita mo ba 'tong sapatos ko? Tsk, pero huwag nalang hindi ko nalang ipagyayabang pangtambay lang pala sayo 'to." parang timang na sambit ni Yena.

"Grabe ka noona, pagkatapos naming mag-ayos para tumulong kay Kkura sasaktan mo lang yung damdamin namin?" si Yujin, napa-iling nalang ako.

"Sino bang nagsabing yung mga suot niyo yung tinutukoy ko?" nagkatinginan silang apat. "Yung mga mukha niyo kasi yung tinutukoy ko." naglakad na ako papunta sa bahay nila Yujin, agad namang humabol si Kkura para alalayan ako.

"Hahahahaha, gusto ko yung banat mo ah." hawak niya ako sa kaliwang kamay habang yung kanang kamay niya naka-alalay sa likod ko.

"Unnie!!" sabay sabay na sambit nila Minjoo, tapos isa isa silang yumakap sakin.

"Grabe unnie, parang araw araw yung paglaki ng tsyan mo." hinawakan ni Nako yung tsyan ko.

"Oo nga, parang nung Sabado hindi naman 'yan ganiyan kalaki." si Hitomi, inalalayan nila ako sa pag-upo.

"Wait lang babalik lang kami sa kusina." agad namang tumakbo si Yuri at Minjoo sa kusina.

"Kambal siguro 'yan unnie." si Nako, napangiti ako nang maalala yung sabi ni Mina habang hawak yung tsyan ko.

"Wait papakuha ko lang kay Kkura yung mga ultrasound ko." tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Hitomi.

"Ako nalang unnie." tumakbo na siya palabas.

"Gusto rin namin ng kambal ni Hii-chan." napatingin ako kay Nako. "Ayos lang naman kung hindi, pero kasi para samin swerte talaga yung kambal."

"Bakit naman?"

"Hindi ko sinasabing hindi swerte kapag hindi kambal ah, pero kasi sa paniniwala namin swerte yung kambal lalo na sa pamilya nila Kkura." tumango lang ako at nakinig. "Dati kasi pabagsak na daw yung negosyo ng mga ninuno ni Kkura, pero bigla 'yong nagbago nang ipanganak ang kauna unahang kambal sa pamilya nila. Pero nagtuloy tuloy parin naman yung paglago nang mga negosyo nila kahit walang kambal sa pamilya nila."

"Kaya ba napabilang sila sa mga may dugong bughaw?" napatango siya. "Prinsepe nga talaga siya ng Japan." napa-iling si Nako.

"Iba pa siya sa prinsepe ng Japan, siya kasi prinsepe sa Japan." nakuha ko naman yung punto niya.

"Akala ko kaya siya ganun kayabang kasi prisepe siya ng Japan, prinsepe pala sa Japan." natawa kaming pareho.

"Unnie oh, natagalan pa sa paghahanap yung apat. Ang sabi kasi ni Kkura kahon na brown, eh lahat ng kahon dun brown." tumabi siya samin.

"Anong ginagawa ni Kkura bakit hindi siya yung naghanap?"

"Nagdidikit na kasi siya nang wallpaper sa kwarto niyo, yung apat yung naglalabas ng mga gamit niyo sa kahon." paliwanag niya, napatango naman ako.

"Anu yan?" si Minjoo, lumapit narin sila samin at nilapag sa center table yung mga niluto at binake nilang pagkain, hinanap ko yung pinaka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I've been using for their story is not actually connected to iz*one's song, the book either is not existing. about the songs that I'm using are came from my own imagination, it's actually impromptu writing.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet