CHAEKKURA III Chapter 7

Stories Untold series (CHAEKKURA III)
Please Subscribe to read the full chapter

Chaeyeon's Pov

[KINABUKASAN]

Nagising ako sa ingay nang isang makina, bumangon ako at tumingin sa pinanggagalingan ng tunog na yun.

"Shh, baby inhale....... exhale." sambit ni Hyewon, naka-upo siya sa harap ni Mina tapos kita ko yung pagkalukot ng damit niya sa bandang balikat dahil sa pagkakakapit dun ni Mina. 

Lumapit ako sakanila at hinawakan sa ulo si Mina, hirap parin siya huminga. Nginitian ko siya bago halikan sa ulo, hinawakan ko yung kaliwang kamay niya agad namang dumiin yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Inhale, exhale." sinabayan niya ako, hanggang sa umayos na yung paghinga niya at lumuwag narin yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Salamat." nginitian ko lang si Hyewon.

"Si Wonyoung nga pala?" tumayo narin siya.

"Nasa labas, you know her." tumango ako at nagpaalam muna sakanila, paglabas ko mag-isa lang na naglalaro si Somi sa sala kaya pumunta na ako sa banyo nila.

"Wonyoung?" kumatok ako nang dalawang beses bago yun buksan.

"Unnie." agad siyang yumakap sakin.

"Shh, maayos na yung paghinga niya."

"Unnie kasalanan ko yun eh, kaya siya nagkakaganun. Ako may kasalanan kaya hanggang ngayon naghihirap siya, unnie lahat talaga nang nangyayari sa'min kasalanan ko." umiling ako.

"Hindi okay, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan na nagkaganun si Mina, nahirapan ka lang kaya nangyari sakaniya yun. Pero diba sabi nga namin sayo, mas mabuting binuhay mo siya kesa pinatay mo siya sa sinapupunan mo. Wonyoung naging matapang ka, hinarap mo lahat nang 'yon na ikaw lang mag-isa at yun yung pinakamalaking sakripisyong ginawa mo. Please, Wonyoung para kay Mina at Somi lumaban ka pa." naiiyak narin ako. "Huwag mong isipin na kasalanan mo, kasi sa mga nangyayari wala namang may kasalanan." humiwalay ako sakaniya at tinignan yung mukha niya. "Our giant baby, I miss to see you cry but not in this kind of situation." pinunasan ko nang mga hinlalaki ko yung luha niya.

"Bakit kasi kami yung ganito, si Mina may hika tapos yung mga nangyayaring pambubully sakaniya. Unnie bakit kami?" napangiti ako.

"Kasi alam ng Diyos na kaya niyong lampasan yun, at hindi lahat nang may ganitong problema kaya 'yong lampasan. Tignan mo nalang si Mina, pinilit niyang itago sa inyo yung nangyayari sakaniya para hindi kayo mag-alala. Matapang siyang bata at alam kong ikaw din, kahit na ang sabi ni Chaewon mga isip kids lang tayo pero alam kong matapang at matibay ka parin tulad nang dati. Tsaka ngayon kasama mo na si Hyewon, pwede niyo nang harapin lahat na magkasama kayong dalawa." natawa siya nung banggitin ko yung tawag samin ni Chaewon.

"Thank you talaga unnie." tumango ako.

"Ikaw pa, tara na at sasamahan niyo pa si Mina sa school. Kumain na ba kayo?" tumango siya. "Ay grabe hindi nag-aya para naman akong others." natawa siya. "Sige na mag-ayos ka na ako nang bahala sa pagkain ko, okay lang ba?" tumango siya.

"Meron pang almusal dun sa lamesa, tinirhan kita unnie." natatawang sambit niya, nauna na akong lumabas.

"Tita?" parang tsyanak na tumatakbo si Somi palapit sakin. *Ang bilis kasi akala mo susugurin ako.* "Tita kain ka?" tumango ako. "Gusto ko din kain." humawak siya sa kamay ko at marahang hinila papunta sa hapagkainan.

Hinila niya muna palapit sa lamesa yung sarili niyang upuan bago umakyat sa upuang kahoy, tinulungan ko siyang umupo sa upuan niya.

"Kain na tayo tita." inayos niya yung lamesa nang high chair niya, sinandukan ko na siya ng pagkain bago pumwesto.

"Hindi ka pa kumakain?" umiling siya.

"Kain na ako kanina, pero gutom pa ako." tumango ako.

"Kumakain ka nanaman." hinalikan ni Hyewon si Somi sa ulo. "Chaeyeon kain ka lang, kapag nagutom ka naman mamaya may mga tinapay diyan tsaka biscuit. Oo nga pala, pinapabigay ni Kkura 'to sayo." may inabot siyang plastik, nung tignan ko yung laman nun yung marshmallow na lagi kong pinapabili sakaniya tatlong balot pa yun.

"Salamat."

"Sigurado ka bang kaya mo na si Somi, pwede namang ako nalang sumama kay Mina." natawa naman ako.

"Hindi naman na alagain si Somi, mas mabubuhay pa nga ata 'yang anak mo mag-isa kesa sayo." napahawak siya sa dibdib niya.

"Grabe talaga yung pagkapasmado nang bunganga ni Yuri, naipasa niya sa inyong lahat yun?" natawa kami pareho sa sinabi niya, sumalo naman si Mina sa'min ni Somi pero cereal na may gatas lang yung kinakain niya. "Balak ko narin lumipat nang bahay, tutal Junior high school narin naman si Mina sa susunod na pasukan." umupo narin siya pero hindi siya kumain.

"Saan mo balak?" tuloy lang ako sa pagkain.

"Ang gusto ni Wonyoung malapit dun sa apat para naman daw makalabas siya nang bahay, dito kasi hindi niya madalas na nagagawa yun alam mo na yung mga kapit-bahay namin dito." natawa naman ako sa sinabi niya. "Si Kkura kaya saan ka niya ililipat? Baka naman sobrang layo nanaman, hahahahahahaha."

"Tsk, pa-surprise surprise pa kasi siyang nalalaman. Hampasin ko siya nang dos por dos kapag pinalayo niya pa ako lalo sa mga kaibigan ko." natawa siya.

"Anong oras na pala, may tatawagan pa ako. Maiwan ko muna kayo, Mina pagkatapos mong kumain diyan tawagin mo na si mommy mo." tumango lang si Mina, si Hyewon naman lumabas na nang bahay nila.

"Maloko po ba talaga si daddy dati?" napatingin ako kay Mina.

"Oo, pero hindi siya katulad nung iba mong tito na sobrang ingay. Kahit saan mo sila ilagay ang ingay nila, pero si daddy mo madalas tahimik lang yun iniisip kung ilang oras o minuto na siyang hindi kumakain at kung anu yung kakainin niya. Natatawa nga ako sa kwento ni tito Kkura mo dati, nagdi-discuss daw si daddy mo nang mga pagkain habang nagdi-discuss yung teacher nila sa harapan." halos ma-ibuga ni Mina yung kinakain niya nung sabihin ko yun.

"Talaga? Eh si mommy po?"

"Si Wonyoung? Tahimik lang din siya, pinakagusto niyang kausap samin si Minjoo o Hitomi. Kinakausap niya rin kami pero madalas si tita Minjoo at tita Hitomi mo yung kausap niya, nagsasawa daw kasi siyang kausap si tita Chaewon niyo puro kasi kalokohan yun parang yung mga tito at daddy niyo." napatango siya. "Alam mo ba dati, sinukuan ni mommy mo sila tito mo tsaka si tita Chaewon mo. Hindi na niya kinaya yung mga kalokohan nila, ayun lumipat sa pwesto nila tita Minjoo mo."

"Pwesto po?" tumango ako.

"Dati kasi nagkahiwa hiwalay kami, mahabang istorya pero basta nagkahiwa hiwalay kami. Sila tito Kkura, Yena, Yujin at si daddy mo kasama sila mommy at tita Chaewon mo. Tapos sila tita Minjoo, Hitomi, Nako at Yuri mo." 

"Ikaw po?" napangiti ako.

"Ako lang mag-isa, yung ibang mga estudyante kasi galit sakin dahil nga naging kami ni Kkura. Basta mahirap ipaliwanag pero mas pinili kong mapag-isa, ayoko na kasing magkaroon ng koneksyon sakanila pero wala eh kahit anong mangyari konektado na ata talaga kami isa't isa." tumango siya. 

"Mina hindi ka pa ba tapos kumain? Anong oras na, baka malate ka na." napatingin kami kay Wonyoung. "Gusto mo unnie tawagan ko si Minjoo para samahan ka dito?"

"Huwag na siguro, pero ikaw baka gusto mo siyang makita." natawa siya.

"Sige tatawagan ko nalang siya, wala namang binabantayan yun ngayon." lumapit siya kay Somi. "Huwag magpapasaway kay tita."

"No no no no, hahahahahaha." natawa kami sakaniya.

"Sumasakit na yung pwet ko sa pagkaka-upo, hindi pa ba tayo aalis?" napa-irap naman si Wonyoung.

"Kapag ikaw ang matagal ayos lang? Pero kapag kami bawal." napaatras naman si Hyewon.

"Sabi ko nga, nagtatanong lang naman ako galit ka kagad." lumabas na ulit si Hyewon.

"Sige unnie alis na kami, bye baby." hinawakan niya si Mina sa balikat at sabay silang naglakad.

Pagkatapos naming kumain ni Somi syempre ako na yung naghugas, siya naman tumakbo sa sala para manuod nang palabas.

"Pololo!" sigaw niya, tawa siya nang tawa habang nanunuod. "Tita nuod ka pololo!"

"Tapusin ko lang 'to." narinig ko siyang sumasabay sa kanta, pagkatapos kong maghugas sinamahan ko narin siyang manuod.

"Tita opoop ako." tumayo siya at tinuturo yung pwetan niya, sinamahan ko siya sa banyo. "Tita abot." kinuha ko naman yung potty safe seat ni Somi para hindi siya mahulog sa inidoro. "Tita, kailan ka uwi sa inyo?"

"Siguro bukas." tumango siya.

"Mamimiss mo ako?"

"Syempre naman." tumawa siya.

"Tita maganda ba Somi?" tumango ako. "Sabi kasi Mina-unnie, may kakagusto daw sakaniya. Ibig sabihin kapag ganda ako may kakagusto din sakin?" natawa ako.

"Syempre naman, pero ngayon dapat huwag mo munang isipin yun kasi baby ka pa." tumango siya.

"Tita, galing galing unnie sayaw. May panuod siya tapos gagaya niya yung sayaw nila, kita pa kita dun sa papanuod niya." natawa ako  *Ibig sabihin Aces nga siya.*

"Magaling ba si tita sumayaw dun?"

"Opo, pati si mommy tapos sila tita nandun din." kumapit siya sa kamay ko. "Tita tapos na ako." inalalayan ko siya sa pagbaba at dinala siya sa loob nang shower room para doon siya hugasan, hindi naman ako nahirapan kasi tinulungan niya din ako sa paghuhugas sakaniya.

Pagbalik namin sa sala sakto namang may nagdoorbell, tinignan ko muna sa screen nang kamera nila mula sa labas kung sino yun. *Si Minjoo.* pinagbuksan ko siya nang pinto.

"Hello unnie." yumakap siya sakin.

"Hello." yumakap din ako sakaniya. "Namiss ko na kayo." natatawa siyang humiwalay sakin.

"Nung sabado lang magkakasama tayo." inalalayan niya ako sa pag-upo.

"Tita." agad na nagpakarga si Somi sakaniya.

"Mukhang ayos naman kayo, akala ko naman umiiyak si Somi kaya alalang alala si Wonyoung." tumabi siya sakin.

"Alam mo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I've been using for their story is not actually connected to iz*one's song, the book either is not existing. about the songs that I'm using are came from my own imagination, it's actually impromptu writing.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet