CHAEKKURA III Chapter 4

Stories Untold series (CHAEKKURA III)
Please Subscribe to read the full chapter

Chaeyeon's Pov

 

[KINABUKASAN]

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi, basta ang alam ko hindi ko natapos yung pinapanuod ko. Bago ako pumasok sa banyo napansin kong wala na yung laptop ni Kkura sa kama namin, pero wala din siya dito sa kwarto namin.

Pagbaba ko natawa naman ako sa itsura nila Yujin, lalong lalo na si Yena na akala mo nalunod *Nalunod nga ata, sa alak.*

"Good morning." napatingin ako sa likuran ko. "Sabi ko sayo diba, konti lang yung iinumin ko." yumakap siya sa bewang ko.

"Gisingin mo na sila, pag naabutan pa yan ng mga asawa nila." natatawang sambit ko.

"Hayaan mo sila, ginusto nila 'yan eh." tinignan ulit namin sila, natawa ako nang makita si Felix na niyakap pa yung bote ng alak na malapit sakaniya.

"Mommy, anong nangyari kay daddy?" napatingin ako kela Yuri na pababa nang hagdan.

"Nalunod." kunot noong sambit ni Yuri.

"Diba dapat i-save natin siya." tumango lang si Yuri.

"May ice cube ba kayo?" agad ko namang kinuha sakaniya si Yoojung na tuwang tuwa sa itsura ng daddy niya.

"Oh." abot ni Kkura kay Yuri ng ice cube, lumapit siya kay Yena at nilagay sa bibig nito yung ice cube.

"Ack! Aish! Anu ba?" nagulat naman si Yena nang makita niya si Yuri.

"Kakain pala ha? Kaya hindi ka na bumalik." pinitik pa siya ni Yuri sa tenga. "Mag-ayos ka na." tumayo naman si Yena at kulang nalang gumapang siya sa hagdanan paakyat, sunod na bumaba si Wonyoung.

"Kahit kailan talaga." napakamot siya sa ulo niya. "Hyewon, Hyewon tumayo ka nga diyan. I can't imagine that you get drunk that much, stand don't let your daughters see you like that, get up." para namang wala sa sariling tumayo si Hyewon, tinulungan naman siya ni Wonyoung sa pag-akyat.

"Unnie sandali lang, susundan ko lang si Yena." tinanguan ko lang si Yuri.

"Hey Sohye, pumunta ka na sa hapagkainan." utos ni Kkura kay Sohye, hindi naman kasi magandang makita niya yung mga tito niya sa ganitong ayos.

"Juri pumunta ka na sa hapagkainan."  utos ni Nako sa anak.

"Paano po si daddy?"

"Ako nang bahala sakaniya." agad namang lumapit si Nako kay Yunjin. "Yunjin? Tumayo ka nga diyan, akala ko ba mag-iikot ikot lang kayo?" bumangon naman kagad si Yunjin.

"Nag-ikot nga kami, ng tagay." binatukan siya ni Nako.

"Mag-ayos ka na nang sarili mo." tinulak pa niya patayo si Yunjin.

"Lee Sian?" bumaba si Eunbi-unnie na may bitbit na baso. "Sian, gumising ka na diyan." agad namang bumangon ang huli. "Inumin mo muna 'to." may inabot siyang gamot kay Sian.

"Ang sakit ng ulo ko." reklamo ni Sian.

"Sino ba kasing nagsabing maglasing ka, alam mo namang kasama natin yung anak mo tapos maglalasing ka." ngumiti lang si Sian at tumayo.

"I love you too." yumakap pa siya kay unnie.

"Mag-ayos ka na dun." utos ni unnie.

"Pards!!" tumatakbo pa si Yoojin pababa nang hagdan. "Pards gising, andiyan na si mommy magagalit nanaman yun." ginising niya si Yujin.

"Ahn Yujin?! Talagang dinamay mo pa yung anak mo sa kalokohan mo?" nagmamadaling bumaba si Minjoo, agad namang napabangon si Yujin nang marinig yung boses ni Minjoo at pagewang gewang na tumakbo.

"Hayyy, ang ganda ng umaga. Ang fresh nang hangin sa labas." napatingin ako kay Chaewon, naka pajamas pa siya. "Grabe isesend ko sa group chat natin yung picture nila, grabe yung tawa ko kanina." pumunta na siya sa hapagkainan. 

Huling bumaba si Hitomi kasama si Doyeon, tinignan lang nila si Felix at dumiretsyo na sa hapag kainan.

"Tara na baby." kinuha na ni Yuri si Yoojung sakin.

"Good morning." bati ni Yena samin ni Kkura.

"Good morning." nakangiting bati ko.

Pumunta na kami ni Kkura sa hapagkainan, isa isa naring dumating yung mga kasama namin at halata sa itsura nila yung pagkainis maliban kay Eunbi-unnie at Hitomi na kanina pa nasa harap nang hapagkainan.

"Wala bang susundo dun sa isa?" si Eunbi-unnie.

"Uy labas ako diyan ah." si Chaewon.

"Naglasing siya mag-isa, gumising din siyang mag-isa." si Hitomi.

Tahimik lang kaming kumakain, dahil narin siguro sa pagkahilo nila at hindi nila magawang magkwentuhan. Natatawa naman ako kay Somi na tinutulungan si Hyewon sa pagkain, si Yuri naman kulang nalang subuan niya pati si Yena.

"Sarang?" napalingon kami kay Felix, nakabihis na siya at may dala pang bag. "Akala ko umalis na kayo." tumabi siya kay Hitomi.

"Kumain ka na." pinagsandok pa siya ni Hitomi ng pagkain. "Pagbalik sa Korea maghanap ka muna nang matutulugan."

"Bakit, papaayos na ba natin yung bahay?" natawa si Hitomi.

"Sinabi ko sayo diba, kapag ikaw nakita kong tulog dahil sa pagkalasing sa labas ka matutulog?" natawa si Felix.

"Oksie, dun nalang muna ako sa condo ng kuya niyo." tumango lang si Hitomi.

"Buti ka pa wala kang natanggap na palo." si Yujin, sinamaan naman siya ng tingin ni Minjoo.

"Wala nga, pero wala rin akong matutulugan. Sa totoo lang wala na kasi dun sa condo niya yung kuya nila eh." kakamot kamot sa ulong sambit ni Felix, natawa naman kami.

"Yena? Umayos ka." napatingin naman kami kay Yena nang sawayin siya ni Yuri.

"Masakit nga yung ulo ko." nakangusong sambit nito.

"Hindi naman pwedeng dalawa kayo ni Yoojung alagaan ko." natawa kami nang kumain mag-isa si Yena.

"Grabe, dati si Kkura lang yung problema natin kapag may inuman. Tsk tsk, mga weak na kayo ngayon 🖓" natatawang saad ni Chaewon.

"Syempre si Chaeyeon lang naman iniiyakan niya dati." si Hyewon. "Ngayon kami na yung mga may iniiyakan, ang hirap kayang maghabol nang mga bata." binatukan siya ni Wonyoung.

"Edi sana hindi ka gumawa." natawa kami sa sinabi ni Wonyoung.

"Aray, syempre nakakatanggal parin ng pagod yung mga anak namin." inakbayan niya si Mina. "Lalo na kung mas matalino sayo yung anak mo, pakiramdam ko ang bobo ko nung nag-aaral ako dahil kay Mina." natawa kami sa sinabi niya.

"Bro, bobo ka naman talaga. Isipin mo graduation late ka, sayang yung pinakamataas na award hindi mo deserve yun." pang-aasar ni Kkura sakaniya.

"Uy, hindi mo kasi alam yung dahilan kung bakit ako late nun." umayos siya nang upo. "Ang text niyo ba naman sakin, 'Nawawala si Wonyoung, hindi namin makita.' langya iniwan ko sila mom para hanapin siya tapos hindi man lang kayo nagsabing nakarating na pala siya sa school." natawa kami sa sinabi niya.

"Akala kasi namin magkasama kayo." saad ko.

"Magkasama, eh ang layo nang bahay niya samin. Mga utak niyo talaga, tingin niyo sakin itatanan si Wonyoung?"

"Bakit hindi ba?" natahimik kami sa tanong ni Yujin.

"Syempre nung graduation hindi talaga, alam niyo namang maeenlist ako tapos ganun." napa-iling siya. "Pero nung madischarge ako, syempre gusto ko na siyang itanan. Pero wala eh, alam niyo naman." tumingin siya samin. "Pero past na yun, basta ngayon masaya na tayo."

"Change topic, the best parin talaga yung eksena ni Yena sa prescon. Ang tapang nung ginawa mo para kang tanga, tsaka hindi naman si Yuri nagsulat nung kantang yun." si Chaewon.

"Anu ka ba, siya nagsulat nun." sagot ko sakaniya.

"Ay siya ba yun? Anu yung sinulat mo?" napa-isip naman ako.

"Bittersweet yung sinulat kong kanta, yung english." saad ko.

"You're still the one even our love story is bittersweet bittersweet love, you are my star." pagkanta ni Mina, nagulat naman kami. "I just heard it somewhere."

"Yun yung pinaka magandang kantang narinig ko, lalo na si sarang yung kumanta." pambobola ni Felix.

"Bro, Sarang yung title nung kantang kinanta ni Hitomi." si Sian.

"Saranghae, kahit malayo ka. Ikaw parin sarang." pagkanta ko, napakamot naman si Felix sa batok niya.

"How could you?" iritang sambit ni Hitomi.

"Nagbibiro lang naman ako." palusot ni Felix.

"Sa tingin ko pinakamaganda yung sinulat ni Minjoo." si  Eunbi-unnie. "Let's stay like this forever." napatango kami.

"Looking ourselves in the mirror, tears are falling like how our times run. Faster than ever, and now we have to say goodbye. I love you, you love me let's stay like this forever this is what I promise." pagkanta ni Mina, hindi naman namin mapigilang maiyak dahil yun yung pinaka huling kantang kinanta namin sa huling concert namin bago dahan dahang bumaba yung pulang kurtina sa harap namin.

"Yeah, that's the best song ever." si Wonyoung, nakaramdam naman ako nang paghagod sa likuran ko.

"Tuloy natin?" tanong ni Kkura. "Naalala ko yung kay Yunjin at Nako, diba yung merong sulat sa album na binili ni Yunjin, anu nga ulit yung sinulat ni Nako dun?" natawa kami.

"Huwag kang magpapagutom hearteu hearteu." si Chaewon, natawa kami lalo.

"Sa totoo lang hindi ko pa siya kilala nun, pamilyar lang yung mukha niya kasi lagi ko siyang nakikita sa mga fansign natin." paliwanag ni Nako.

"Tinanong niya kasi ako kung kumain na ako kaya sumagot ako nang hindi pa kasi nga galing pa akong Busan nun, tapos yun yung sinulat niya yun." halata namang kinikilig si Yunjin.

"Bakit ka ba nasa Busan?" mapang-asar na tanong ko.

"Pwede huwag na nating balikan yun? Kasal na nga kami oh, may dalawang anak narin." napa-irap pa si Yena. "Kesa naman kay Kkura, lahat nalang iniiyakan niya. Chaeyeon-ah, hindi mo ba alam n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I've been using for their story is not actually connected to iz*one's song, the book either is not existing. about the songs that I'm using are came from my own imagination, it's actually impromptu writing.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet