CHAEKKURA III Chapter 6

Stories Untold series (CHAEKKURA III)
Please Subscribe to read the full chapter

Chaeyeon's Pov

Anim na buwan na akong buntis at hindi ko talaga inaasahan na mas malaki pa yung tsyan ko kumpara sa normal na laki ng isang anim na buwang buntis, nagpapacheck up kami ni Kkura pero hindi namin inaalam yung kasarian nang magiging anak namin. *Parang mas maganda kasi kung surprise diba?*

Mas pinipili ko nalang rin na matulog sa sala dahil nakakapagod talagang mag-akyat baba, kung aakyat naman ako lagi akong may dalang isang bote ng tubig dahil iba talaga yung bigat ng nasa tsyan ko at yung pagod na nararamdaman ko. Sinasamahan naman ako ni Kkura sa pagtulog sa sala, siya sa sahig na may comforter at ako sa sofa na mahaba.

Kahapon nga nung pumunta kami ni Kkura sa hospital akala nung nurse mangangak na ako tinanong niya pa kung ilang cm na, ito namang si Kkura tinawanan pa ako. *Palit kaya kami, siya magbuntis ako tatawa sakaniya.*

Kanina pa siya nakaalis magtatanghalian narin kaya nagluto na ako ng makakain ko, habang kumakain ako napansin kong may dumudungaw sa paligid ng bahay namin mula sa labas. Kinuha ko yung cellphone ko at dinial yung number ni Kkura.

"Hmm? Kumain ka na ba, napatawag ka?" sinara ko yung pintuan at nilock yun.

"Kkura? May lalaki kasing sumisilip sa paligid ng bahay natin." narinig ko na parang tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa kabilang linya.

"Pamilyar ba siya sayo?" tinitigan ko ulit yung lalaki.

"Hindi eh, hindi ko pa siya nakikita dati." natahimik siya. "May nakaaway ka ba lately?"

"Wala, simula nung nagkabalikan tayo hindi na ako nakipag-away." mahinahon parin yung pananalita niya. *Alam ko naman yun, pero syempre natanong ko lang.*

"Anong gagawin ko, natatakot na ako." napapikit ako.

"Sige tatawagan ko si Minhyung, habang naghihintay ka sakaniya umakyat ka muna sa kwarto mag-ayos ka nang mga gamit mo." napatango nalang ako kahit hindi niya naman nakikita. "Huwag kang matakot, basta dun ka lang sa kwarto natin. I love you." tinapos na niya yung tawag, kinuha ko yung tumbler ko at umakyat sa kwarto namin. *Kapagod talaga.* hinaplos ko yung tsyan ko *Buti nalang talaga nakapagpagupit na ako, grabe hindi ko alam kung pati yung init kalaban ko.*

Nag-ayos na ako ng mga gamit ko, nang matapos ako sa pag-aayos bumaba narin ako. Nandun na si Minhyung at kinaka-usap yung lalaki nang makababa ako, tumagal pa sila nang ilang minuto sa pag-uusap bago umalis yung lalaki. 

"Anu daw kailangan niya?" bungad ko kay Minhyung nang pagbuksan ko siya ng pintuan.

"Naghahanap daw siya nang matitirhan dito lang, pero sa naabutan kong pagdungaw niya, siguradong may hinahanap siya. Matagal mo na bang napapansin na may dumudungaw dito sa inyo?" napailing ako.

"Ngayon lang, hindi narin naman ako madalas sa taas kaya kung ilang araw na siyang nagpupunta dito paniguradong mapapansin ko." tumango siya.

"Mag-iikot lang ako sa paligid ng bahay niyo, may napansin ka bang pumasok?"

"Wala, nung umakyat kasi ako nalock ko naman yung pinto." tumango lang siya.

"Titignan ko muna yung dito sa loob." binigyan ko naman siya nang daan para makapasok. "Isara mo yung pinto." sinunod ko nalang siya.

Nang ma-ikot na niya yung loob ng bahay hanggang sa rooftop, siya muna yung lumabas at inikot yung paligid nang bahay namin.

"Tara na?" inalok niya sakin yung kamay niya, syempre tinanggap ko makakapitan din yun. Sa backseat na niya ako pina-upo para daw komportable para sakin, totoo naman kasi simula nung lumaki na yung tsyan ko natatakot narin akong umupo sa passenger's seat kahit si Kkura pa yung magdadrive. *Nagagalit pa yun, ginagawa ko daw siyang personal driver.*

Huminto kami sa harap nang bahay nila Wonyoung.

"Sabi ni Kkura dito daw muna kita dalhin dahil mas secured, magi-stay din ako nang mga ilang oras para masigurado kong walang nakasunod satin kanina." nakangiting saad niya.

"Salamat." tumango siya.

"Ikaw pa, kapatid ka ni Eunbi." natawa ako.

"First love really never dies?" tumango siya.

"It will never dies, but I have to let go. Letting go doesn't mean my love for her fades away, but the reason why I love her is the one that change." nauna na siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto.

Sinamahan niya ako hanggang sa harap ng pintuan nila Wonyoung.

"Girl okay lang?" tumango ako. "Kinabahan ako sa text ni Kkura at Hyewon." tumingin siya kay Minhyung. "Oppa, nakakagwapo pala yung uniform ng pulis." natawa si Minhyung.

"Gwapo naman kasi talaga ako." napa-irap naman kami ni Wonyoung.

"Papasok ka ba?" tanong sakaniya ni Wonyoung.

"Hindi na, may pupuntahan pa kasi ako pagkatapos kong magbantay dito." tumingin siya sakin. "Pumasok na kayo."

"Salamat ulit." tinanguan niya lang ako.

Pagpasok ko sa loob ng bahay nila Wonyoung may mga laruang nakakalat, inaasahan ko na yun lalo na kung si Somi ang pag-uusapan.

"Tita!!" tumakbo siya palapit sakin.

"Hello." bubuhatin ko sana siya kaso naaalala kong buntis na nga pala ako.

"Unnie umupo ka nalang muna." natatawang saad si Wonyoung, umupo ako sa sofa nila. *Salamat makakapag pahinga rin.* "Dito ka na pinapunta ni Kkura dahil nga daw isang palapag lang daw yung bahay namin, grabe ang laki na talaga ng tsyan mo unnie hindi kaya kambal yan?" natawa ako.

"Ewan, hindi ko kasi tinitignan yung mga ultrasound ko. Basta alam kong healthy kami at malakas ang tibok ng puso niya, okay na sakin yun." tumango siya.

"Somi look, magkakababy na si tita." tumapit sakin si Somi.

"Kinain niya rin yung baby tulad ni tita Eunbi at tita Yuri?" natawa kami, loko talaga yung mga tito niya kung anu anong tinuturo.

"Oo kaya huwag kang makulit, sige kakainin ka din ni mommy mo." napatakip siya sa bibig niya.

"Hindi naman ako kulit, aayos ko na kaya yung toys ko." natawa kami ni Wonyoung.

"Nasaan nga pala yung mga pirata niyo?" natawa si Wonyoung.

"Pumunta siguro sa garahe sa baba, pupunta lang naman dito yun kapag mga gutom na." napatango ako.

"Si Mina anong oras uuwi?"

"Mamaya pa yun mga alas kwatro." tumayo siya. "Nagugutom ka ba unnie?" napatango ako.

"Kakain palang kasi ako nung makita ko yung lalaki, nakalimutan ko pang ayusin yung mga hinain ko." natatawang sambit ko.

"Sige sandali kukuha lang ako nang pagkain." naglakad na siya papunta sa kusina.

"Tita look, unnie give me this last night." mas diretsyo pa siyang magsalita kapag english, tinignan ko yung pinapakita niya.

"Ow." lightstick namin yun, ang kaso nga lang maliit lang yun keychain ata. "Ang cute naman." nakangiting sambit ko.

"Anu yan unnie?" tumabi sakin si Wonyoung na may dalang mangkok.

"Yung lightstick natin, ang cute nga oh." inabot ko sakaniya yun.

"Saan galing 'to?" inabot naman niya sakin yung mangkok.

"Unnie gave that to me." masayang sambit ni Somi.

"Yung batang yun talaga, minsan talaga inisip kong Aces siya. Nung minsan kasi narinig ko siyang kinakanta yung kanta natin habang naliligo, hindi ko naman ma-open sakaniya kasi baka mahiya siya." natawa kami.

"Hintayin nalang natin siyang magsabi, malay mo humuhugot nang lakas ng loob." kumain na ako.

"Miii, antok na ako." sinimulan nang ligpitin ni Somi yung mga laruan niya, pagkatapos umakyat papunta sa kandungan ni Wonyoung. Marahan namang hinaplos ni Wonyoung  yung buhok niya, at wala pang kalahating oras nakatulog na siya.

"Sanay na sanay na siya ah." tumango si Wonyoung.

"Kapag marami kasi siyang nakain, hindi na siya nagpapatimpla ng gatas." napangiti ako.

"Paniguradong matutuwa si Kkura kapag nanganak na ako." napahawak ako sa tsyan ko.

"Ay tubig pala unnie." pinigilan ko siya nang tatayo na sana siya.

"May dala ako, lalagyan ko nalang mamaya kapag naubos na." pinakita ko sakaniya yung tumbler ko.

"Ihihiga ko lang si Somi sa kwarto niya, ikaw ba unnie inaantok ka? Pwede ka naman dun sa kama ni Mina." umiling ako.

"Mamaya na, hindi pa naman ako inaantok." tumango siya at marahang tumayo.

Nilibot ko yung paningin ko, simple lang naman yung bahay nila kita mo mula sa sala yung kusina at hapagkainan. May apat na pintuan, kwarto nila Mina at Somi, kwarto nilang mag-asawa, cr tapos yung isa lalagyan nang mga branded

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I've been using for their story is not actually connected to iz*one's song, the book either is not existing. about the songs that I'm using are came from my own imagination, it's actually impromptu writing.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet