CHAEKKURA III Chapter 11

Stories Untold series (CHAEKKURA III)
Please Subscribe to read the full chapter

Chaewon's Pov

Habang nasa biyahe kami papunta sa bahay nila Kkura, syempre nagkakantahan kami sa loob nang mini bus. At ngayon palang magaganap yung totoong tapatan namin ni Yuri sa throat ripper song ng SoKor.

"Are you ready!!" sigaw ko, kaming magkakaibigan na babae lang yung nasa mini bus kasama yung mga manager namin.

Nagsimula na yung kanta at tumataas narin yung tensyon kong manalo, nang matapos ko yung kanta at naghihintay nalang kami sa score ko.

"Ey ey oy!!!" sigaw ko nang maka-98 ako. "Yuri paano ba yan? Mukhang wala ka nang panaman sakin." inirapan lang niya ako at enenter ulit yung kantang Tears.

"Washap washap yow, wala kang panama sakin." napakamot ako sa ulo ko, *Naka-99 pa siya?*

"Oksie oksie, ikaw na panalo." inirapan ko siya. "Bakit ganiyan kayo makatingin?"

"Diba sabi mo kapag nanalo si Yuri bibigyan mo kami ng tig 500,000 ₩?" si Hitomi.

"Fine, pero ngayon talaga?" natawa sila.

"Wala nang bawian yan ah." si Chaeyeon.

"Dito na ba yung bahay niyo Chaeyeon?" si Manager Han, tumingin naman kami sa labas *Nandito na pala kami.* isa isa na kaming bumaba.

"May pailaw." natatawang sambit ko, may mga nakasabit kasing ilaw sa bakuran nila Kkura.

"Yah, Kang Somi?! Huwag mong ibato yung mga laruan mo." nakasalag si Hyewon sa sarili niya.

"Gusto ko mommy." umiiyak si Somi habang binabato si Hyewon.

"Kids!" isa isa silang tumakbo palapit sakin baliban kay Somi na tumakbo palapit kay Wonyoung at nagpakarga.

"Why are you crying?" pinunasan ni Wonyoung yung luha ni Somi.

"Sabi daddy hindi na daw ikaw uwi." namumula na yung ilong niya. "Di mo na daw ako lab." binaba ni Wonyoung si Somi.

"Nahawa ka na sa mga kaibigan mo ah." hinampas niya si Hyewon sa balikat. "Tumayo ka nga diyan." sumunod naman si Hyewon. "Pasan mo ako." pumasan siya kay Hyewon.

"Ako din." agad namang kinarga ni Hyewon si Somi.

"Ito na ba si Mina?" lumapit si Manager Park kay Mina. "Manang mana kay Wonyoung, ang ganda."

"Grabe naman, parang sinasabi mo namang wala siyang nakuha sakin." si Hyewon.

"Meron naman, yung ilong. Yun lang." umupo si Manager Park sa sofa. "Hays, buti pa kayo may pamilya na, ako kaya?" tumabi ako sakaniya.

"Manager Park kasi, sabi ko huwag mo na akong hintaying ikasal." saad ko, natawa kami.

"Buti pa 'tong si Han." si Manager Park, napatingin kami kay Manager Han.

"Hindi nagsabi samin?" si Eunbi-unnie.

"Hahahahahaha, biglaan kasi after ng disbandment niyo nakasal din ako." napakamot siya sa ulo niya.

"Nauna ka pa pala samin?" si Nako, napatango naman si Manager Han.

"Kakain na!!" sigaw ni Kkura, isa isa na kaming pumunta sa hapagkainan.

"Wonyoung sino ba talaga yung baby sa inyo ni Somi?" sambit ko dahil nakapasan parin siya sa asawa niya habang karga ni Hyewon si Somi.

"Parehas kami." hinalikan ni Wonyoung sa pisnge si Hyewon.

"Ayan ah, baby pala ah." si Yujin.

"Parang masusundan na si Somi ah." si Sian.

"Hindi pa, hangga't hindi pa nakakapag-aral si Somi." nakangiting sambit ni Hyewon.

"Naks, nagpaplano na siya ngayon." umupo na ako sa harap nang hapagkainan.

"Syempre naman, hindi lang basta bastang pinapamahagi yung dugo ng mga Kang." hinampas siya sa balikat ni Wonyoung.

"Para namang ang lakas nang dugo mo, pareho ngang wala nakuha sayo yung dalawa." bumaba na sa pagkakapasan si Wonyoung at pumwesto narin sa harap nang hapagkainan.

"Sige sayo na yung appearance, pero sakin yung talino." nakangiting sambit ni Hyewon bago tumabi sa pagitan ni Mina at Wonyoung.

"Uy Chaewon, asikasuhin mo naman yung bisita mo." si Felix-oppa.

"Manager Kim dito ka sa tabi ko, baka mapagtripan ka diyan." agad naman siyang tumabi sakin. "Wala nang single sa mga yan, Yuri yung daddy mo single ba ulit?" tumingin ako sa pamangkin ni Yena.

"Naku tita huwag mo nang ireto yun, wala kang maasahan dun baliw parin yun sa mommy ko, sayang lang sa oras." natawa kami sa sinabi niya.

"Yena kasi bakit hindi mo turuang mag-move on?" si Yunjin.

"Bakit ako? Sino kaya yung muntikan nang mag-move on." tinignan niya yung asawa niya.

"Sino ba kasing umalis nang walang paalam?" natawa si Yena.

"Binibiro lang high blood ka nanaman." hinalikan niya sa labi si Yuri.

"Move on lang pala ako nang bahala magturo sakaniya." sambit ko, napatingin naman sila sakin. "Expert na ako diyan." napa-iling si Eunbi-unnie. "At ngayon magmo-move on narin ako kay Hanz."

"Bakit? Akala ko ba kapag nagkita kayo ulit liligawan mo na siya?" si Kkura.

"Balak na daw niyang magpakasal, anong laban ko dun kasal na yun." nagkibit balikat pa ako.

"Hindi pa naman kasal, pwede mo pang ilaban." si Wonyoung.

"Ayoko na." nagsimula na akong kumain.

"Hayaan mo, ihahanap kita nang Hanz." si Felix-oppa.

"Kung ikaw lang makakahanap, huwag na. Baka katulad mo sakit lang din sa ulo ang dulot." natawa si Hitomi sa sinabi ko.

"Naku, gusto nang sumuko nang ulo ko sa lalaking 'to. Pero wala eh, mahal ko." hinalikan niya si Felix-oppa sa labi.

"Anu ba yan kanina pa kayo halikan nang halikan, makaramdam naman kayo sa single." si Manager Park.

"Kiss nalang kita Manager Park." biro ni Yujin.

"Hoy Yujin, umayos ka na ha. Ayokong masasaktan mo nanaman si Minjoo, may anak na kayo." saway sakaniya ni Manager Park.

"Nagbago na 'to, tsaka hindi naman talaga ako nagloko nun diba? Ako yung naloko." niyakap niya si Minjoo.

"Hahahahahaha, naalala ko nung isang araw lang. Sumisigaw si Minjoo dahil lagi daw siyang  wala sa bahay nila, pati nga rin kami ni Chaeyeon binato ako nang mga gamit iniisip niya kasi may babae ako." natatawang sambit ni Kkura.

"Ahh, oo! Sa labas ako natulog nun, ayaw akong papasukin ni Minjoo sa loob ng bahay." natawa kami sa sinabi niya.

"Akala ko kasi nambababae ka nanaman, na-guilty tuloy ako kasi para pala samin kaya lalo siyang naging busy." hinalikan niya sa ulo si Yujin dahil nakayakap parin ito sakaniya.

"Bakit kapag bigla kaming naging busy may babae kagad?" si Sian.

"Alam kasi namin na hindi niyo magagawang mambabae." sagot ni Eunbi-unnie.

"Bakit nga yun parin yung iniisip niyo?" si Yunjin.

"Kasi baka sa sobrang pagtitiwala namin na hindi kayo mambababae, baka dumating sa puntong mambabae talaga kayo." saad ni Nako.

"Basta ako, pangalan ko palang yung alam mo asawa na kita." inakbayan niya si Nako. "Hinding hindi ko hahayaang masaktan ka ulit." hinalikan niya sa noo si Nako.

"Siguraduhin mo lang, talagang papalitan ko yung pangalan ng anak natin para hindi mo siya mahanap." nakangiting sambit ni Nako.

"Naaalala ko pa si Yunjin dati, ayaw na ayaw niyang sinesenyasan ko siyang lumipat na ng upuan kapag si Nako na yung nasa harap niya." si Manager Park.

"At ayaw niya din na ginugulo silang dalawa sa pag-uusap sila, kahit yung member pa yung biglang kumausap kay Nako." dagdag ni Manager Han.

"Inlababo kay Nako yan, kulang nalang pagawan ng istatwa si Nako sa bahay namin sa Busan." natatawang singit ni Yena.

"Binanggit mo nanaman yung Busan, naalala ko tuloy yung itsura mo nung makita kita na hindi ko alam na ikaw pala talaga yun." natawa si Yuri. "Para kang pinabayaan, walang panggupit o pang-ahit?"

"Napabayaan naman talaga, nang pagmamahal mo tanga kasi." si Yujin.

"Grabe makatanga, sino kaya yung inom nang inom ng alak hindi niya alam may droga pala yung iniinom niya." nakangusong saad ni Yena.

"Pag kayo talagang dalawa yung nagtatalo walang mananalo, pareho kayong sablay eh." natatawang singit ko sa pagtatalo nila.

"Ay wow, kung sablay lang pala usapan nangunguna na si Hyewon diyan idadamay mo pa kami." si Yujin.

"Nadamay ako diyan, kumakain ako nang mapayapa dito isasabit niyo yung pangalan ko diyan." tuloy parin siya sa pagkain kahit na nakikipagtalo na siya.

"Totoo naman kasi." si Kkura.

"Nangunguna ako, pero sino unang sumablay satin?" banat ni Hyewon.

"Ayt, at least yung samin ni Chaeyeon saglit lang." taas noong sambit ni Kkura.

"Wow, limang taon? Saglit lang yun? Mukha ka kasing babaero kaya naniwala talaga si Chaeyeon sa balibalita nun." singit ko.

"Bago palang yung relasyon namin nun tsaka mga bata pa kami nun, hindi tulad nung sa inyo." inakbayan ni Kkura si Chaeyeon.

"Nagtatalo talo pa kayong apat, sa ating magkakaibigan kayong apat lang naman yung sumablay." awat ni Sian sakanila.

"Shut up ako dito." si Yunjin.

"Ehem, basta ako sakit lang ako sa ulo ni Hitomi pero hindi dahil sa relasyon namin." agad na depensa ni Felix-oppa.

"Naku, nagkasablayan na. Basta ako masaya ako ngayon, kung sino man naka-isip nang planong nagawa niyo salamat." pagputol ko sa usapan nila. *Nagkakapersonalan na eh.*

"Salamat lang, bigay mo muna yung gustong regalo ni Yoojung." pinatayo ni Yena si Yoojung sa mga hita niya.

"Anu bang gusto mong regalo Yoojung-ah~" sambit ko.

"Ahbii, baby." tumawa siya ng malakas bago napatakip sa bibig niya.

"Hintayin mo yung baby ni tita Chaeyeon mo." inirapan ko si Yena. *Loko talaga eh.* "May plano na ba kayo? Balak ko sana pumunta sa isla nila Kkura, baka dun may mahanap ako."

"Sa totoo lang meron pa kaming surprise para sa inyo." si Sian, may pinakita siyang susi samin. "Namiss

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I've been using for their story is not actually connected to iz*one's song, the book either is not existing. about the songs that I'm using are came from my own imagination, it's actually impromptu writing.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet