CHAEKKURA III Chapter 14

Stories Untold series (CHAEKKURA III)
Please Subscribe to read the full chapter

Kkura's Pov

Ang bilis lang nang panahon, kasing bilis nang paglimot namin sa nangyari kay Chaewon at sa anak ko. Magbabagong taon na at nandito kami ngayon sa bahay nila Hyewon, dito nalang kasi kami hindi pa nakakapag-celebrate, nung birthday kasi ni Wonyoung at Yujin dun ginanap sa bahay namin, nung birthday naman ni Mina nito lang ding December doon sa bahay nila Eunbi-noona dahil-ewan ko hahahahahahaha, hinanda ata talaga nilang mag-asawa 'tong bahay nila para sa pagsalubong namin sa bagong taon at sa bagong buhay.

Wala parin kaming balita tungkol kay Gaeun pati narin sa anak niya, hanggang ngayon kasi wala paring paramdam si Hanz samin.

"Yujin anu ba!!" tili ni Minjoo nang buhatin siya ni Yujin.

"Masaya lang ako, ilang taon na ba tayo?" nakangiting sambit ni Yujin.

"Saan ba tayo magsisimulang magbilang, sa unang beses na sinagot kita o dun sa pangalawa?" natawa naman kami ni Yena na nasa tabi ko dahil parang nasaktan si Yujin sa sinabi ni Minjoo.

"Syempre sa una, wala namang pangalawa diba?" hinalikan niya sa labi si Minjoo.

"Hmm, nineteen years?" napangiti siya. "Nineteen years na tayong naglolokohan." napanguso si Yujin.

"Naglolokohan talaga?"

"Nineteen years na? Ibig sabihin sa susunod na taon twenty years na? Sundan niyo na si Yoojin magfo-fourthy years old na kayo." saad ni Yena.

"Hoy, hindi naman halata samin na matanda na kami. Si Eunbi-noona lang naman tumatanda satin." agad namang may lumipad na unan sa mukha ni Yujin.

"Parang wala ako dito ah." napa-irap pa si Eunbi-noona.

"Yoojin magkakababy na raw kayo!" sigaw ko.

"Talaga?" lumapit si Yoojin sa mga magulang niya. "Talaga po?"

"Tanong mo muna kay mommy mo, kapag gusto niya edi bibigyan ka namin." binatukan ni Minjoo si Yujin.

"Makapagsalita ka akala mo binibili lang yung bata." tumingin si Minjoo kay Yoojin. "Huwag kang mag-alala pag-uusapan namin ni daddy mo yan." napatango naman si Yoojin at bumalik na sa pakikipaglaro kela Sohye.

"Yena?" napalingon naman ako dito sa katabi ko. "Gusto ko ng-"

"Anu nanaman?" binatukan ni Yuri si Yena.

"Wala pa nga eh, tsaka kasalanan mo naman 'to ah." nagulat si Yena.

"Teka? Kasalanan ko? Tayong dalawa yung gumawa tapos kasalanan ko lang, grabe ka naman sakin mah labs." natawa ako sa itsura ni Yena. "Hayaan mo na si Yoojung, malaki na siya kaya niya na yung sarili niya mababantayan mo parin yung bagong baby natin." hinalikan niya si Yuri sa labi.

"Pero gusto ko parin nang kimbap." napakamot sa ulo si Yena.

"Akala mo madadaan mo sa karupukan 'yang asawa mo ah." pang-aasar ko kay Yena.

"Hindi ako marupok, mahal lang talaga ako ni Yena." nagulat nanaman si Yena sa sinabi ni Yuri.

"Teka Yuri, sino bang nakakandong sa'ting dalawa at nasabi mong mahal kita?" binatukan siya ni Yuri. "Batok ka naman nang batok sakin."

"Ayusin mo kasi yung salita mo." umalis si Yuri sa pagkakakandong niya kay Yena. *Ay parang siya hindi pasmado yung bunganga.*

"Ito naman nagtampo kagad, tara na at gagawan kita nang kimbap na hindi hinihiwa." kinarga niya si Yuri.

"Bro ayos ka lang?" tumabi sakin si Sian.

"Oo naman." natawa siya.

"Hindi ka ba nangangalay diyan sa buhat mo?" napa-iling ako.

"Ewan pero kahit buong araw ko atang buhat 'tong si Chaeryeong hindi ako mangangalay." tinignan ko yung anak ko. "Tahimik lang naman siya."

"Sige at nakakakita ako nang mag-aaway eh." tumayo siya at lumapit kay Juri at Doyeon. "Mag-aaway nanaman kayo."

"Ito kasing si Doyeon tito, kinukuha nanaman yung laruan ko." nakangusong saad ni Juri.

"Ikaw kaya 'tong nangunguha nang laruan." napakamot si Sian sa ulo niya.

"Teka nga, nasaan ba yung mga magulang niyo?" sakto namang kakababa lang nila Felix at Hitomi.

"Guys, positive." nakangiting saad ni Felix. "May kasunod na si Doyeon." tumatalon pa siya.

"Tama na, para kang timang." hinampas siya ni Hitomi sa braso.

"May kasunod na si Juri." pagkanta ni Yunjin habang pababa nang hagdan.

"Tito tignan mo may bago akong toy." lumapit sakin si Somi.

"Wow." tinignan ko yung laruan na hawak niya. "Ang ganda naman."

"Tito? Bakit laging tulog si Chaeryeong?" natawa naman ako sa tanong niya.

"Kasi baby pa siya."

"Kailan po siya magigising?"

"Kapag gutom na siya." napatango siya, pare pareho naman kaming nagulat nang may pumutok na paputok sa labas.

"Hyewon sinabi nang mamaya ka  na magpaputok!!" napatingin ako kay Chaeryeong.

"Nagugutom na po ba siya?" nginitian ko si Somi at tumango.

"Hindi ka talaga marunong makinig!" paulit ulit na hinampas ni Wonyoung si Hyewon sa balikat.

"Tinry ko lang naman kung puputok." natatawang saad ni Hyewon.

"Ang lakas nga eh." tumayo ako. "Gising na gising yung anak ko oh." umiiyak parin si Chaeryeong, umakyat nalang ako sa kwarto kung nasaan si Chaeyeon. "Mahal?" kumatok muna ako bago pumasok.

"Hmm? Gising na?" tumango ako. "Akin na, itong isa nalang yung hawakan mo." umupo ako sa tabi niya.

"Anu ba yan Kkura? Ang hina nang dugo mo, parehong kamukha ni Chaeyeon-unnie." tinignan ko siya nang masama.

"Loko ka suntukin kita sa tagiliran diyan." nilapag ko si Chaeryeong sa tabi niya.

"Kahit saang anggulo wala talaga eh, ang gulo kasi nang mukha mo." tumawa pa siya.

"Susuntukin talaga kita diyan." dinilaan niya lang ako.

"Oo nga pala nasabi ko na sakaniya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I've been using for their story is not actually connected to iz*one's song, the book either is not existing. about the songs that I'm using are came from my own imagination, it's actually impromptu writing.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet