CHAEKKURA III Chapter 13

Stories Untold series (CHAEKKURA III)
Please Subscribe to read the full chapter

Kkura's Pov 

Dalawang buwan na ang nakakalipas mula nang mabaril si Chaewon, at hanggang ngayon hindi parin siya nagigising. Tuloy naman kami sa pagpapalitan para magbantay kay Chaewon, tuwing umaga hanggang maghapunan sa bahay namin nagi-stay yung mga kaibigan namin pagkatapos naming sama-samang maghapunan uuwi narin sila sa sarili nilang bahay.

Ngayon nasa bahay kami para i-celebrate yung araw na magdebut sila Chaeyeon, bukas pa yun pero dahil lagi kaming salubong mag-celebrate magkakasama kami ngayon, sila Felix at Chaewon lang ang wala sa aming magkakaibigan. Pinipilit naming maging masaya sa tuwing mag-cecelebrate kami, pero wala eh talagang ang ending maaalala namin si Chaewon. Si Felix naman halos hindi na umuuwi, oo nagpapalitan kami sa pagbabantay kay Chaewon pero si Felix ayaw umalis nang hospital uuwi lang siya kapag si Hitomi o si Doyeon na ang nagpapa-uwi sakaniya.

"Tulala ka nanaman?" napatingin ako kay Chaeyeon.

"May naalala lang ako." tumango siya.

"Babae mo?" natatawa akong yumakap sakaniya.

"Ikaw lang naman ang babae ko." hinalikan ko siya sa labi.

"Somi naman, masakit na." napatingin ako kay Hyewon na nagrereklamo na.

"Gusto ko nga kay mommy!!" tinutulak niya pa yung mukha ni Hyewon.

"Sige sandali nalang, huwag na munang makulit kapag binaba kita tatakbo ka nang tatakbo magagalit sakin yung mommy mo." inis namang tumigil si Somi at ngumuso.

"Kids huwag nang magulo, umupo na kayo." agad namang sumunod yung mga bata kay Eunbi-noona.

"Ikukuha lang kita nang pagkain." paalam ko kay Chaeyeon.

"Yuri mah labs, anong gusto mo chicken, meat or me?" napatingin ako kay Yena.

"Me? Akala mo talaga ganun ako kabaliw sayo? Kumuha ka nalang nang kahit anu, hindi naman maarte 'tong anak mo." hinalikan ni Yuri si Yoojung.

"Okay so para kay Yoojung kahit anu? Eh ikaw?" ngumiti si Yena.

"Mukha kang manyakis sa ngiti mong yan." pang-aasar ko sakaniya.

"Uy, kaya nasundan si Sohye dahil sa ngiting 'to." nakangusong saad niya, tinawanan ko nalang siya at kumuha na ng dalawang plato at pagkain.

"Ayos na ba sayo 'to?" nilapag ko na yung plato sa harap niya.

"Hmm, okay na yan." humalik siya sa pisnge ko.  "Salamat."

"Ikaw pa ba?" todo ngiting saad ko.

"Kilig na kilig ah." asar ni Hyewon sakin.

"Tss, parang ikaw hindi kinikilig sa asawa mo." inirapan ko siya.

"Akin na si Somi, ayaw mo bang magpalit muna nang damit sa bahay?" tumabi si Wonyoung sakaniya.

"Okay pa naman 'tong suot ko ah." tinupi ni Hyewon yung manggas nang polo niya hanggang sa siko niya.

"Baka lang naman hindi ka komportable, sige na kumain ka na diyan." natawa si Hyewon.

"Tampo naman kagad, ito na magpapalit na. Somi huwag kang makulit diyan ah, babatukan kita." tumayo na siya at lumabas nang gate namin.

"Kkura?" napahinto ako sa pagkain at tumingin kay Chaeyeon. "Gusto ko ng juice." tumango lang ako at tumayo.

"May mga kailangan ka pa ba?" si Yujin, bahagya ko siya tinulak dahil nakaharang siya sa pinaglalagyanan ng juice. "Makatulak ah."

"Nakaharang ka kasi." naglagay na ako nang juice sa dalawang baso.

"Maligo ka lang sapat na yun." si Minjoo.

"Pero kakaligo ko lang." natawa ako, *Hanggang ngayon pagligo parin niya yung problema nila?* *Yujin talaga.*

"Kailan?" hindi naman ako makadaan pabalik dahil pareho na silang nakaharang sa dadaanan ko.

"Maka kailan ka naman, kanina lang." napa-iling ako.

"Pwede makidaan muna?" tumingin sila sakin. "Makatingin kayo, bahay niyo 'to? Bahay niyo?" sabay naman silang napa-iling bago ako bigyan nang daan.

"Ang tagal mo nam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I've been using for their story is not actually connected to iz*one's song, the book either is not existing. about the songs that I'm using are came from my own imagination, it's actually impromptu writing.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet