CHAEKKURA III Chapter 5

Stories Untold series (CHAEKKURA III)
Please Subscribe to read the full chapter

Chaeyeon's Pov

Tatlong buwan na ang nakakalipas mula nung magpunta kami sa Japan at mukhang nakatulong nga yun sa'min lalo na kay Chaewon, dahil ngayon iba na yung tawa niya umaabot na sa mga mata niya *Yung alam mo talagang totoo at galing sa puso niya.*

Naging  maayos naman kami ni Kkura pero nitong mga nakaraang araw inis na inis ako sakaniya, meron pa ngang sa sala o kaya dun sa isang kwarto ko siya pinapatulog. *Ewan, basta inis na inis ako sa mukha niya.* *Tulad ngayon.*

"Kkura?!" tawag ko sakaniya, nandito kami ngayon sa sala habang ako nanunuod siya kaharap niya yung laptop niya.

"Oh?" kunot noo siyang lumingon sakin.

"Nagshave ka ba?" sumubo ako nang kinakain kong biscuit, tumango siya. "Bakit?! Ang panget mo." napakamot siya sa ulo niya.

"Ikaw kaya nagsabing mag-shave ako." natawa  ako.

"Sumunod ka naman, ang panget talaga hindi bagay sayo." napahilamos siya sa mukha niya.

"Kung hindi lang kita asawa sinuntok na kita." inis siyang tumayo at pumunta sa kusina.

"Anong sabi mo?" sinundan ko siya.

"Wala." uminom siya ng tubig.

"Kkura?" tumingin lang siya sakin. "Gusto ko ng saging."

"Saging? Tapos pagbalik ko mansanas na yung gusto mo?" napa-irap pa siya.

"Isama mo nalang ako?" napabuntong hininga siya.

"Bilisan mo." umakyat na ako papunta sa kwarto namin, ilang shorts na yung sinuot ko pero walang magkasya sakin kumuha nalang ako sa mga shorts ni Kkura paniguradong mas maluwag yun.

Pagbaba ko wala na siya dun kaya lumabas na ako ng bahay, nasa loob na siya ng sasakyan niya.

"Ang tagal mo naman." pinaandar niya na yung makina.

"Bili tayong mga shorts, wala nang kasya sakin." tinignan niya yung suot kong shorts at natawa.

"Kain ka kasi nang kain." pinalo ko siya sa braso, nagsimula na siyang magmaneho.

"Eh sa lagi akong nagugutom eh, anong gagawin ko?" tumawa lang siya.

Pagkarating namin sa grocery store agad na akong bumaba at naunang pumasok.

"Kkura?" nilingon ko siya. "Kkura?" napa-irap lang siya at lumapit sakin. "Irap ka nang irap bakla ka ba?"

"Nakakainis ka na kasi, iniwan mo ako." natawa ako.

"Tampo ka naman, anu yung binili mo sakin nung nakaraan yung parang marshmallow?" tumango lang siya at naglakad. "Dagdagan mo pa." sambit ko nung maglagay siya ng tatlong pack nung sinasabi ko sakaniya kanina sa cart na tulak tulak ko. "Palit kaya tayo, ikaw magtulak ako maglalagay." sumunod lang naman siya.

"Talaga? Ganiyan karami? Baka naman mapurga ka niyan." tinignan ko lang siya ng masama.

"Chaeyeon?" napatingin ako sa tumawag sakin.

"Irene-unnie?" lumapit ako sakaniya.

"Kamusta na? Grabe namimiss ko na kayo." yumakap siya sakin.

"Ito tamang support nalang kay Chaewon." napatango siya.

"Well ako rin naman kay Joy, sinusuportahan ko nalang sila ganun din kay Yeri." napangiti ako. "Oo nga pala si Seungwan, asawa ko." pagpapakilala niya sa lalaking kasama niya, napatango ako.

"Hello." nakipagkamay siya sakin.

"Ikaw lang ba mag-isa?" tanong ni Irene-unnie.

"Kasama ko si Kkura."

"Yung asawa mo?" tumango ako, marahan namang lumapit samin si Kkura. *Crush na crush niya kasi si Irene-unnie.* *Hindi naman ako nagselos, ako yung mahal eh 😉*

"Hello." nakipagkamay din kay Kkura si Seungwan.

"Kkura." sambit ni Kkura.

"Seungwan." nakangiti silang tumingin samin.

"Naalala mo yung grupo na kasabayan namin? Sila yung isa pang tinatawag na instant girl group." kumapit si Irene-unnie kay Seungwan.

"Ahh, yeah naalala ko. Siya ba yung main dancer nila?" agad namang tumango si Irene-unnie. "Madalas kayong nakukwento ni Irene sakin, hope to see you all." napangiti ako.

"Oo nga pala ibang level na si Chaewon, sa tingin ko kung hindi lang din naman kayo yung magiging kagrupo niya mas better nga yung nagsolo nalang siya. Under parin ba siya ng New World Entertainment?" napatango ako. "Good for her, talagang kinarer niya yung path na dinaanan niya." napabuntong hininga siya. "Namiss ko na talagang magperform."

"Pero ganun naman talaga, kung pipiliin nating magkapamilya may mga bagay tayong maiiwan. Pero at least nakarating tayo sa panahong nagpeperform tayo." tumango siya.

"Sige, mauna na kami. May pupuntahan pa kasi kami pagkatapos nito, congrats sa baby niyo." nagpaalam narin kami sakanila, napatingin ako kay Kkura.

"Mukha ka nang buntis kakakain mo." natatawang saad niya, agad ko naman siyang hinampas sa braso.

Pagkatapos naming mamili nang mga gusto ko *Oo gusto ko lang!* nagbayad na kami kagad dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, habang nilalagay niya yung mga pinamili namin sa loob ng sasakyan napakapit nalang ako sakaniya dahil bigla nalang akong napapikit at pakiramdam ko babagsak nalang bigla yung katawan ko.

"Uy ayos ka lang?" naramdaman ko yung paghawak niya sa mukha ko. "Chaeyeon?" pinigilan kong bumaksak yung katawan ko, pero hindi ko na talaga kinaya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


Nang magising ako nasa pamilyar na lugar na ako. *Hospital?* *Bakit hindi nalang kami umuwi?* *Nahilo lang naman ako.*

"Chaeyeon?" halata sa mukha niya yung pag-aalala.

"Bakit hindi nalang tayo umuwi." napangiti siya.

"Buti nga dinala kita dito edi hindi ko malalaman, hindi natin malalaman." kumunot yung noo ko.

"Malalaman ang alin?" napalunok ako. *May sakit ba ako?*

"Mahigit tatlong buwan ka nang buntis." hinalikan niya ako sa noo, napanganga ako.

"Buntis? Ibig sabihin magkakaanak na tayo?" tumango siya, agad naman akong napayakap sakaniya.

"Ehem, uhm Mr. Miyawaki?" napahiwalay kami sa isa't isa at napatingin sa doktor. "Buti nalang at naisipan mo talagang dalhin siya dito, dahil kung magpapatuloy yung pagbubuntis niya nang hindi niyo alam baka may masama pang mangyari sa baby niyo." ngumiti siya. "Congrats, at r

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I've been using for their story is not actually connected to iz*one's song, the book either is not existing. about the songs that I'm using are came from my own imagination, it's actually impromptu writing.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet