CHAEKKURA III Chapter 12

Stories Untold series (CHAEKKURA III)
Please Subscribe to read the full chapter

Kkura's Pov 

Ramdam ko yung pagkahilo unang beses palang akong hampasin ng baril nitong lalaking hindi ko naman kilala, bigla nalang silang pumasok sa gate ng dorm na tinutuluyan namin ngayon habang naglalaro kami ng  basketball kasama si Yoojin. Buti nalang galing sila Felix, Yunjin at Sian sa labas kaya nung maabutan nila kami sinenyasan namin sila na umalis at humingi nang tulong, pero ewan ko ba dito kay Chaewon at Chaeyeon bakit naisipan nilang bumaba.

"Mukha namang handa kayong mamatay para sakaniya, edi siya nalang talaga yung babawian ko." napatingin ako dun sa lalaking tinatawag ni Chaewon na Chan, hindi ako makatingin sa dalawang babaeng sumunod samin. *Pakiramdam ko talaga ang daming lakas na nabawas sakin!* *Hindi ko man lang magawang makatayo!* *Pero hindi pwedeng manatili lang akong nakaluhod dito!!* madiin akong pumikit at pinilit na tumayo, nagulat ako nang makarinig ng isang putok na mula sa baril.

"CHAEYEON!" napayuko ako nang may bumaril mula sa labas ng gate.

"CHAEWON!" napatingin ako sa kinaruruonan ni Chaeyeon, nakaalalay siya sa katawan ni Chaewon para hindi ito bumagsak.

"Sh!t!" napatakbo kaming apat na lalaki palapit dun sa dalawa, tuluyan nang bumaksak yung katawan ni Chaewon buti nalang at nasalo namin siya ni Hyewon, habang sila Yena at Yujin umalalay kay Chaeyeon.

"Chaewon?!" pilit ko siyang ginigising, nakapikit siyang ngumiti.

"Mga-" umubo siya nang dugo.

"Langya huwag ka nang magsalita!!" sigaw ko, hindi parin tapos sa pagpapalitan nang putok yung mga sumugod dito samin at yung mga pulis.

"Mga.... d-dudes.... pa-pasensiya na..." umubo nanaman siya.

"Yah!!! Huwag ka nang magsalita!!" umiiyak na si Hyewon.

"Na-damay pa kayo.... salamat sa.... pagsalo... buti naman na-" umubo nanaman siya, hindi na kami nagsalita dahil hindi rin naman siya makikinig. "Buti... naman.... naisipan n-niyo na akong saluhin... ngayon ta-lagang ma-ma-matay na ako." hirap siyang dumilat at tumingin kay Chaeyeon. "Yung usapan natin ah.... Chae din sila dapat." pumikit siya ulit at dun na siya nawalan ng malay.

"Anu pang ginagawa niyo, dalhin niyo na siya  sa hospital." humahagulgol na si Chaeyeon, agad namang tumayo si Hyewon bago yumuko.

"Ako nang bahala sakaniya." binuhat ni Hyewon si Chaewon mula pagkakasalo ko, *Langya anu 'to, bakit may ganito?!!* *Masaya kami diba?!! Dapat masaya kami!!* nakatulala lang ako sa mga kamay ko. *Dapat bang matuwa ako dahil hindi si Chaeyeon yung nabaril?!!* napatingala ako kay Chaeyeon, nakatingin lang siya sakin habang umiiyak.

"Mahal ko." tumayo ako at agad na yumakap sakaniya. "Sorry." hinalikan ko siya sa noo.

"Bro, yung ulo mo." napatingin ako kay Yena. "May dugo." hinawakan ko yung ulo ko at nang tignan ko yung kamay ko, muli nanaman akong nakaramdam nang pagkahilo tsaka nanlabo yung paningin ko.

"Kkura!" yun lang yung narinig ko bago ako tuluyang mawalan nang malay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"The patient is already stable." napadilat ako. "We already have the results for some test that we do for him, and nothing actually critical about his situation. No brain damage to worry about, his head bleeds because of the impact by the thing that hit his head, and we just need to do is wait for him to wake up." napatingin yung doktor sakin. "He's already up." ngumiti siya bago lumapit sakin. "If you feel some dizziness its normal, just take a rest and if you're already alright you can go home." tumango lang ako, nagpaalam na siya at iniwan kami.

"Ayos ka na?" tumingin ako sakaniya at sa mga kasama namin.

"Si-sino ka?"

"Kkura?" takang tanong niya.

"Anong ginagawa ko dito?" nilibot ko yung paningin ko.

"Para kang tanga, nahampas ka lang." nagbad finger pa si Hyewon. *Walang pinagbago!*

"Baka sakaling magdrama kayo." nakangiti akong tumingin kay Chaeyeon. "Mahal ko." lumapit siya sakin at agad akong piningot. "Aray naman mahal ko."

"Loko ka kasi." si Yena.

"Oo nga pala, si Chaewon kamusta na gising na ba siya?" tinignan ko sila isa isa, pero umiwas lang sila nang tingin sakin.

"Kritikal parin yung lagay niya, bukod kasi sa maraming dugo ang nawala sakaniya natamaan yung kidney niya. Kaya matagal tagal pa daw bago siya tuluyang magising at gumaling." tumango ako.

"Kaya niya yan, siya pa ba?" pinilit kong tumawa pero pumiyok lang ako, pinunasan ko yung luha ko at ngumiti. "Nasaan siya?"

"Nasa ICU." sagot ni Chaeyeon.

Naghintay lang kami sa loob nang kwarto ko hanggang sa pwede na akong makalabas ng hospital, dinaanan ko muna yung iba pa sa mga kaibigan naming nagbabantay kay Chaewon.

"Ayos ka na?" salubong sakin ni Yunjin.

"Hmm, nahilo lang naman ako." natawa siya.

"Nahilo lang? Dalawang araw kang tulog." tumabi ako sakaniya. "Sila Chaeyeon?"

"Pinauna ko na sa sasakyan." tumingin ako sa salamin na nasa harap namin, nakita ko si Felix na nasa loob.

"Ewan pero pakiramdam ko dapat talaga sinabi na sa atin ni Chaewon yung nangyayari sakaniya." napatingin ako kay Yunjin. "Hindi pa pala kayo nakakagraduate nang high school nakakatanggap na siya nang mga threats, nung una sulat at pagsunod sunod lang sakaniya. Pero nitong mga nakaraang taon simula ata nang magsolo debut siya, mas palala na nang palala yung nangyayari kung minsan daw may pumapasok na sa condo niya at nagiiwan nang marka na pwedeng pwede siyang patayin."

"Akala ko ba nagkamali yung lalaki ng binawian niya, bakit hindi si Chaeyeon yung nakatanggap." nagkibit balikat siya.

"Bro, hindi niyo naman ako kasama nung mga panahong yun." napakamot pa siya sa ulo niya.

"Paano niyo nalaman yan?" napabuntong hininga siya.

"Kay Manager Kim, tsaka kay Hanz. Kaya pala ayaw niyang hayaan na malipat si Chaewon sa ibang entertainment dahil dun." napatango ako.

"Anu na nangyari dun sa mga sumugod satin?"

"Yung ilan sakanila nakakulong, pero yung Chan. Ewan nagalit ata nang sobra si Minhyung-hyung hindi na niya binuhay nung nakipagpalitan sila nang putok, pero syempre makikita 'yon bilang self defense." natawa siya. "Lalaban si Chaewon diba? Lalaban siya?" ngumiti ako.

"Lalaban siya."

Nagkwentuhan pa kami saglit bago ako magpaalam sakaniya, pagdating ko naman sa parking lot nakasandal si Yena sa sasakyan ni Hyewon habang si Hyewon naka upo sa mismong hood nung sasakyan niya.

"Akala ko umuwi na kayo?" natawa sila.

"Edi napatay naman kami nang asawa mo." si Yena.

"Lumabas na nga lang kami kasi nakatulog na sila ni Yuri sa loob nang sasakyan." si Hyewon, sinilip ko naman sila.

"Ayos na ba yung ulo mo? Baka kulang pa sa hampas kami na gagawa." natatawang saad ni Yena.

"Mas maayos pa 'to sa takbo nang isip mo." naiiling na saad ko.

"Pwede mamaya na kayo magbangayan? Miss ko na yung asawa ko eh, palibhasa kasama niyo yung mga asawa niyo kaya ayos lang." bumaba na si Hyewon sa kinauupuan niya.

"Tara na." sa passenger's seat na ako umupo dahil sa tabi ni Yuri nalang yung bakanteng upuan sa backseat, ayoko namang magmaktol si Yena.

Habang nasa biyahe, kaming dalawa lang ni Hyewon ang nag-uusap dahil nakatulog narin si Yena habang nakayakap kay Yuri. *Akala mo may aagaw, kulang nalang itali niya sa katawan niya si Yuri.*

"Nandito na tayo." sambit ni Hyewon, natawa naman ako kay Yena dahil bahagya niyang tinulak si Yuri palayo sakaniya tapos si Yuri yung pinayakap niya sakaniya.

"Yuri anu ka ba nakakahiya, makayakap ka naman akala mo tatakbo ako." inaantok pa siya kunwari.

"Nandito na ba tayo?" tumingin sa labas si Yuri. "Bakit nakayakap ako sayo?"

"Ganun talaga mahal na mahal mo ako eh, bitaw ka na nakakahiya baka sabihin nang makakakita satin masyado mo akong mahal." binatukan naman siya ni Yuri.

"Ang kapal naman nang mukha mo kung ganun, bumaba ka na nga." tinulak niya pa si Yena, bumaba narin ako at lumapit sa pinto kung saan nakaupo si Chaeyeon. Dahan dahan kong binuksan yung pinto dahil nakasandal yung ulo niya sa salamin nang bintana.

"Mahal nandito na tayo." nakahawak ako sa ulo niya para hindi siya matumba.

"Kkura?" tumango ako.

"Tara na?" umayos siya nang pagkakaupo at tumingin sa paligid namin.

"Nandito na pala tayo." inalalayan ko siya sa paglabas nang sasakyan.

"Yung ulo mo." sambit ko at hinarangan yung ulo niya, pumasok na kami sa bahay nila Eunbi-noona. Ang kwento kasi ni Hyewon kanina sakin, sa iisang bahay nalang daw muna sila nagi-stay para n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I've been using for their story is not actually connected to iz*one's song, the book either is not existing. about the songs that I'm using are came from my own imagination, it's actually impromptu writing.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet