CHAEKKURA III Chapter 10

Stories Untold series (CHAEKKURA III)
Please Subscribe to read the full chapter

Chaewon's Pov

Kakatapos lang ng interview ko, tinignan ko kung anong oras na at para narin malaman kung anu bang balak ng mga kaibigan ko. Sabi ko kasi kung may balak sila para sa kaarawan ko sila nang bahala basta sabihan nila ako, pero kung wala naman ayos lang baka busy sila.

Felix-oppa 🙊
        Hoy panget, meeting para sa birthday ni Yujin sa NW Entertainment yung kitaan.

Felix-oppa 🙊
        Huwag ka nang tumambay diyan pumunta ka na, anong oras na!

Felix-oppa 🙊
         Hahanapin pa ako, babatukan kita kumilos ka na!

Napakamot ako sa ulo ko, *Sa birthday ni Yujin magpaplano kami tapos sa birthday ko wala?* tumingin ako kay Manager Kim.

"Manager Kim? Anu schedule natin?" tinignan niya yung tablet niya tapos napakamot sa ulo niya.

"Nagtataka nga ako eh, wala ka daw schedule buong August." napabuntong hininga siya.

"Sige, tara sama ka nalang sakin." tumango lang siya. "May gagawin ka ba?"

"Wala naman, kung may ipapagawa ka meron na." natawa ako.

"Ipapagawa ko sayo? Sumama ka lang sakin this time, hahahahahahaha." pumunta na kami sa agency ko, ito kasing kapatid ko ayaw patahimikin yung cellphone ko dinaig pa yung boyfriend ko. *Ay wala pala ako nun.* So ayun nga pagkarating ko dun sa kitaan ang mga walang modo hindi ko naman nakita dun.

"Nasaan sila?" yun yung salubong sakin ni Yuri.

"Anak ka nang, malay ko ba kita mong kakarating ko lang dito." napa-irap pa ako. "Oo nga pala, Manager ko." pagpapakilala ko kay Manager Kim, nagkita narin naman sila dati pero syempre bilang Aces siya ayun hiyang hiya parin sa mga kaibigan kong inuuntog ko lang naman sa abs ko hahahahahahaha. *Biro lang, shhh.*

"Kapag ako talaga, mapapatay ko silang lahat." napatingin kami kay Chaeyeon. "Uunahin ko yung asawa mo." sambit niya kay Minjoo.

"Gusto mo unnie tulungan kitang magbuhat sa dala mo?" biro ko, agad namang may humampas sakin. "Aray grabe mapanakit." binawian ko si Yuri.

"Bakit ako yung hinampas mo?" nakanguso pa siya, *Kakasama niya kay Yena, parehas na sila ng nguso.*

"Ikaw kasi mas malapit sakin." binawian niya ako.

"Tsk, panget mo." nagulat naman ako nang may  humintong bus sa harap ko, sinipa ko pa yung pinto nun kasi nagulat talaga ako.

"Bakit kasi nakaharang ka diyan." napaatras ako nang makita ko si Manager Han.

"Hays, I miss these girls. Tara na?" si Manager Park, tinignan ko yung bus. *Samin pala yun.* napakamot nalang ako sa ulo ko. "Ayaw niyo bang sumama samin?" nag-unahan naman kami sa pagsakay.

"Sandali, priority yung buntis." awat samin ni Manager Han, pina-una naman namin si Chaeyeon.

Nang makapwesto na kaming lahat tumayo si Manager Park sa gitna ng bus, may mga hawak siyang kulay itim ganun din si Manager Han na nasa likuran niya.

"Sa  pupuntahan natin, hindi niyo dapat malaman ang daan at syempre surprise yun kaya ganun." panimula ni Manager Park.

"Teka pag-uusapan lang namin yung tungkol sa birthday ni Yujin, bakit kailangan surprise?" si Hitomi.

"Basta." sagot ni Manager Park.

"Suotin niyo na 'to." inabot na samin isa isa yung blindfold ni Manager Han at Manager Park.

"Teka pati ako?" protesta ni Chaeyeon.

"Oo pati ikaw." pabiro pang napa-irap si Manager Han.

"Paalala ko lang dalawa 'tong dala ko, umayos kayo." natawa kami sa sinabi niya.

"Tatlo 'tong sakin." sambit ko. "Tatlong sama ng loob." tinakpan ko na yung mga mata ko.

"Hoy Chaewon, plano mo ba 'to?" dinig kong sambit ni Wonyoung.

"Bakit ako? Tinext lang ako ng asawa ni Hitomi." sa ngayon hindi ko muna siya kapatid, *Talagang may plano sila para kay Yujin tapos sakin wala?!*

"Mapapatay ko na talaga yung lalaking yun, naku!" si Hitomi.

"Kalma, kalmado lang kami dito." si Eunbi-unnie.

"Anong kalmado? Yung kaba ko grabe na, may dalawang anak pa ako." si Yuri.

"Uy dalawa din yung sakin." dinig kong sambit nila Wonyoung, Eunbi-unnie at Chaeyeon.

"Wow, sana all may anak." natatawang saad ko.

"Halika gawan ka na namin." pang-aasar sakin ni Nako.

"Kasama ka pala namin, hindi kita napansin hahahahahaha." napa-iling nalang ako.

"Sinong katabi niyang babae na yan? Paki hampas nga." utos niya, agad namang may humampas sakin.

"Uy sino yun? Wala naman akong katabi dito ah." sinubukan ko pang hampasin yung katabi ko pero wala naman. "Uy ang creepy ah, sino yun?"

"Girls, pwedeng tumahimik muna kayo? Grabe miss niyo na ba yung isa't isa?" saway ni Manager Han, nanahimik naman kami mga isang minuto ata.

"Uy sino yung kumanta nun? Medyo pitchy ah." pang-aasar ko.

"Hoy Chaewon ganun naman talaga simula nun." si Yuri.

"Ay ganun ba, alam ko medyo mababa." tuloy  na asar ko sakaniya.

"Mababa na sakin yun."

"Owwww!!" sigaw namin.

"Edi wow." banat ko.

"Uy malayo pa ba tayo? Najejembs na ako sa kaba." natawa kaming lahat.

"Minjoo anong kinain mo kaninang umaga? Medyo mabaho yung lumalabas sa bibig mo ah." si Yuri, natawa kami.

"Kesa naman sayo pasmado bunganga mo." si Eunbi-unnie.

"Ay wow, hiyang hiya naman ako."

"Bakit aangal ka?" banta ni Eunbi-unnie.

"Wala naman akong sinasabi ah, aray! Sino bang namamalo kanina pa nakakainis na ah!" lalo kaming natawa.

"Ang ingay mo kasi." si Wonyoung.

"Ikaw namamalo kanina pa noh?" sambit ni Nako.

"Uy anong ako? Meron nga ring pumapalo sakin." natatawang saad ni Wonyoung.

"Bakit tumatawa ka?" si Minjoo.

"Ako kasi sinisisi niyo, wala nga akong makita." napatili naman ako nang biglang huminto yung sasakyan namin.

"Ay grabe tili girl? Ngayon lang nakasakay sa humihintong bus?" si Nako.

"Nagulat kasi ako." tatayo na sana ako nang may pumigil sakin. "Ay bawal pa lumabas?"

"Sandali lang aayusin pa namin yung paglabas niyo." si Manager Han.

Lahat sila dumaan na sa gilid ko kaya kinabahan na ako.

"Hoy huwag niyo akong iwan dito." agad namang may humawak sa braso ko.

"Tara na." si Manager Park lang pala, pinakapit niya ako sa nasa harap ko.

"Pinapaalala ko lang ulit sa inyo!! Dalawa 'tong dala ko umayos kayo!!" nasa pinaka unahan ata si Chaeyeon kasi malayo yung pinagmulan nung boses niya.

Nakasunod lang ako sa nasa unahan ko, nang bigla kaming lumiko.

"Hoy sandali, nawala yung nasa unahan ko." sambit ni Yuri.

"Nandito ako." sinundan ko yung pinanggalingan nung boses, si Minjoo yun.

"Hoy Yuri umayos ka nga!" sigaw ko.

"May tumatawag kasi sakin!" sagot niya.

"Hoy wala kaming naririnig." si Hitomi na nasa unahan ko, naglakad na kami ulit.

"Tama na ba yung pinupuntahan natin?" si  Nako.

"Ayos na nakakapit na ako." si Yuri.

Umakyat kami sa hagdanan, halos manginig naman ako sa lamig nang humangin ng malakas.

"Nasaan ba tayo? Bakit mahangin? Kasing hangin ni Yujin." sambit ko.

Huminto na kami sa paglalakad, nagulat naman ako nang biglang may dumikit sa kamay ko mic lang pala.

"Salamat." sambit ko.

"Annyeonghasaeyeo!!" halos mapatalon ako sa gulat.

"AHN YUJIN!!" sigaw ni Minjoo.

"Hahahahahaha, nagulat ko ba kayo? Dinig ko high note ni Yuri eh." natawa pa ang loko. "Gusto niyo bang malaman kung nasaan kayo?"

"Kapag sumagot ba kami ng hindi anong mangyayari?" natawa si Yujin sa tanong ni Chaeyeon.

"Huwag niyo naman akong ipahiya." napangiti ako. *Loko ka kasi.* "Ipapaliwanag ko muna kung bakit kayo nandito. Nandito kayo dahil merong gustong makakita sa inyo, at isu-surprise niyo siya."

"Siya? Ibig sabihin isa lang?" si Wony

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I've been using for their story is not actually connected to iz*one's song, the book either is not existing. about the songs that I'm using are came from my own imagination, it's actually impromptu writing.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet