CHAEKKURA III (Chapter 1)

Stories Untold series (CHAEKKURA III)
Please Subscribe to read the full chapter

Chaeyeon's Pov

Apat na taon, apat na taon na mula nang ikasal kami ni Kkura pero hanggang ngayon wala parin kaming anak. Hindi sa ayaw namin, sa totoo nga gustong gusto na namin pero sa tuwing alam niyo na, umiiwas ako. Hindi sa takot ako nagawa narin naman namin yun pero sa apat na taon na pagsasama namin, mabibilang lang ata sa sampong daliri.

"Aalis na ako, itext o tawagan mo ako kung lalabas ka." hinalikan niya ako sa pisnge at lumabas na nang bahay namin.

Alas siyete palang hindi ko naman alam kung anong pwede kong gawin, naayos ko na yung mga dapat kong ayusin kahapon pa tapos yung mga labahin nalabhan ko narin. Kinuha ko nalang yung laptop ni Kkura sa kwarto namin at naghanda nang pwede kong makain.

Kagaya nang mga nakaraang araw kapag wala akong magawa pinapanuod ko yung mga concert namin, mula sa una hanggang sa pinakahuli.

"Labing tatlong taon na ang lumipas nang madisband kami, pero yung mga alaala namin bilang isang grupo, ito at buhay parin." napatingin ako sa orasan, alas tres na pala hindi pa ako nagtatanghalian.

Nagluto na muna ako nang pagkain bago humarap ulit sa laptop at hintayin ang tawag nang mga kaibigan ko. Unang tumawag si Yuri, agad ko namang sinagot yun at lumabas sa screen yung mukha niya.

"Ay fresh parin?" natatawang saad ko.

"Syempre naman unnie, ako pa ba?" binuhat niya yung pangalawang anak niya. "Annyeong tita Chaeyeon."  kinaway pa nito yung kamay ng anak niya.

"Nyeong, hihihihihi." tinakpan pa niya yung bibig  niya na parang nahihiya.

"Annyeong Yoojung-ah." kumaway pa ako sa kamera, sunod na nagpop sa screen si Nako.

"Annyeong." kumakaway pa siya.

"Hala? Anu ngayon lang nagkausap? Kahapon ganito din tayo." natawa ako sa sinabi ni Yuri, napairap naman si Nako.

"Anu girl? Hanggang ngayon pasmado parin bunganga mo?" lalo akong natawa.

"Hindi parin ako natutuwa sa pinangalan mo sa anak mo, sa dinamidami nang Korean at Japanese name na pwede mong ibigay sakaniya Juri talaga?" natawa kami ni Nako.

"Eh diba nga kasalanan yun ni Yunjin?" natatawang sambit ko.

"Oo nga, ang sabi ko sakaniya Gyuri kasi nga diba yung kaklase ko dati, pero ang sinulat niya Juri." hindi ko matuloy yung pagkain ko dahil sa kakatawa.

"Ay ang saya, anong topic niyo?" si Hitomi.

"Anu pa ba? Edi si Juri." agad na saad ko.

"Hahahahahaha, hindi parin kayo tapos dun hanggang ngayon?" umiiling pa si Hitomi.

"Hindi kami matatapos hangga't hindi niya pinapapalitan yung pangalan ng anak niya." nagpunas ako ng luha ko. *Grabe araw araw nalang sila nagtatalo dahil kay Juri.*

"Si Juri ba ang topic." lumabas na sa si screen ko si Eunbi-unnie.

"Sino pa ba?" sambit namin ni Hitomi.

"Akala ko ako nalang yung hindi pa nakakasali sa video chat natin." tumingin siya sa likod niya. "Kakatulog lang kasi ni Seoyeon eh." tumingin siya ulit sa kamera.

"Hello unnies." si Wonyoung.

"Ayan na ang pamilyang spokening dollars." natawa ako sa sinabi ni Nako.

"Oh? Hello." parang nagulat pa si Minjoo nang makita kami. "Yoojin, sila tita mo oh." agad namang lumapit yung anak niya sa kamera.

"Annyeong titas." yumakap pa siya sa kamera.

"Hindi ka pumasok?" tanong ko.

"Kakauwi ko lang po." tumango kami.

"Ang tagal naman nung pinakagalanteng tita." natawa ako sa biglang singit ni Yuri.

"Nandito siya ngayon sa bahay namin, tulog pa." si Hitomi. "Nagkaroon nanaman ako nang doble dobleng paningin." natawa kami.

"Annyeong tita." sumilip si Felix kasama si Doyeon na pinapatulog niya ata.

"Bakit parang matamlay si Doyeon?" si Eunbi-unnie.

"Ito kasing si Felix, pinakain nanaman ng peanut butter nilagnat tuloy may mga pantal pa siya pero konti nalang di tulad kanina." nakangiti lang si Felix sa likod ni Hitomi, kaya hindi namin maiwasang matawa. "Dun ka nga, naiinis ako sayo." natatawa namang naglakad palayo si Felix.

"Mi, ammiiiii unnie!!" napatingin ako kay Wonyoung.

"Wait lang ah." tumayo siya.

"Hello Somi!!" bati namin sa pangalawang anak ni Wonyoung.

"Yah!!" sigaw niya kaya nagulat kami. *Nagulat ata namin siya.*

"Somi?" saway sakaniya ni Wonyoung.

"Lat ko ihh." humawak pa siya sa dibdib niya.

"Play with Zorro." utos ni Wonyoung agad namang lumapit si Somi sa pusa nila.

"Mas malaki na si Zorro kay Somi." sambit ni Yuri.

"Puro kain, mas malakas pa siyang kumain kesa kay Luffy." natawa kami.

"Ilang pusa pa ba ang kulang nang makompleto niyo na ang characters sa one piece?" tanong ko.

"Dalawa, wala pa kaming Brook tsaka si Nami." sumagot talaga siya.

"Sinakyan mo talaga yung trip ng asawa mo ah." si Nako.

"Hayaan na lang, siya naman gumagastos sa mga yan." natawa kami. *Sabagay CEO eh, walang problema sa pera.*

"Annyeong noonas." bati ni Yujin, agad namang tinulak ni Minjoo yung mukha ni Yujin palayo sakaniya. "Aray naman."

"Dun ka nga, may kasalanan ka pa sakin." natawa lang si Yujin.

"Hindi nga ako bumato nun, si Yoojin kasi. Aayusin ko din yun huwag ka nang magalit." niyakap niya pa si Minjoo.

"Anu ba yan? Dito pa talaga kayo naglalandian." agad naman naming binati si Chaewon ng good morning, katabi na siya ni Hitomi. "Anong ganap?"

"Sa Sabado ah, pumunta kayong lahat walang excuses." singit ni Yena.

"Anong meron sa Sabado?" kunot noong tanong ni Chaewon.

"Birthday ni Yoojung." di makapaniwalang saad ni Eunbi-unnie.

"Hahahahaha, oo nga pala. Kain lang ako gutom na ako eh, anong regalo ba gusto ni Yoojung?" hinintay namin na sumagot si Yoojung.

"Baby." pumalakpak pa siya.

"Hindi kami nagsabi niyan Chaewon-ah." si Yena.

"Huwag mo sakin hingiin yan kundi sa mga magulang mong kinulang sa aruga, pasmadong bunganga at walang modong lalaki." saad ni Chaewon, inis siyang umalis sa harap nang kamera.

"Uy, kompleto kayo?" si Hyewon na nakayakap mula sa likod ni Wonyoung. "Aray ko." natawa  kami nang ihagis sakaniya ni Somi yung isa sa mga pusa nila.

"Pao, pao." natatawang sabi ni Somi.

"Anong siopao?" binuhat siya ni Hyewon at hinalikan sa mukha.

"Usto ko pao!!" natatawang sigaw ni Somi.

"Yena si Sohye?" agad akong napatingin kay Yuri.

"Uy anong nangyayari diyan?" tanong ko.

"Ay, hahahahahaha nakalimutan ko may kasama pala akong anak." dinig ko yung pagbukas ni Yena ng pinto.

"Eomma!!!" iyak ni Sohye.

"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I've been using for their story is not actually connected to iz*one's song, the book either is not existing. about the songs that I'm using are came from my own imagination, it's actually impromptu writing.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet