JINJOO II (Chapter 16)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Minjoo's Pov 

Limang araw na mula nung magsimula kami sa photoshoot, ang sabi isang linggo daw yung photoshoot namin. *Anu, gaano karaming picture ang kailangan? Hahahahaha.* Pero hindi naman sa buong linggo na yun kailangan lahat kami nasa studio, pero ngayong araw na 'to lahat kami kukuhaan nang magkakasama.

"Okay, model's ready?" pinapwesto na kami at syempre dahil dalawa lang ang lalaki hindi sila pinagtabi, magkatabi si Chaewon at si Wonyoung sa gitna tapos nasa gitna namin ni Chaewon si Hanzel tapos si Wonyoung at Gaeun si Yujin ang pinagigitnaan. "Okay!" naka-ilang kuha pa ng litrato yung photographer, bago magmando ulit. "Chaewon? Can you change place with Gaeun." tumango lang si Chaewon. "Great!!" lumapit sakin yung photographer. "Minjoo can you put your right hand on Hanzel's left shoulder? And Gaeun also your right hand on Hanzel's right shoulder." medyo nakatalikod si Gaeun sa kamera kung titignan, lalo na kung hindi niya gagawan nang paraan para nakaharap siya sa kamera. *Ayaw na ata makita nung photographer yung mukha niya.* bumalik na sa pwesto niya yung photographer. "Gaeun, could you please be creative at your position? Not just like put your hand on his shoulder at that's it?" tumango naman si Gaeun.

Pagkatapos nang ilang shots akala ko tapos na, pero itong si gwapong photographer nagrequest pa, may nilagay siyang upuan sa gitna.

"Hanzel sit on the chair, Wonyoung and Gaeun at Hanzel's both sides." napalunok ako *Huwag mong sabihin sakin na pati si Yujin at kami ni Chaewon pagsasamahin niya rin?* "Great!!" pagkatapos nun tumingin siya sa'min ni Chaewon. "Chaewon sit on the chair." tumingin sakin si Chaewon.

"Pumunta ka na." inirapan niya lang ako.

"Think that you are the most powerful queen." *Ay? So anu, hindi ako kasama?!*

"Can you give me a few seconds?" parang timang na tanong ni Chaewon.

"Okay, just tell me whenever you are ready." di ko alam kung anong ginawa ni Chaewon, basta pagkatapos nang ilang segundo pinatong niya yung kaliwang hita niya sa kanang hita niya. Akala ko ganun na yun, pero pinatong niya yung kanang siko at kaliwang kamay niya sa kaliwang hita niya tapos nangalum baba siya.

"Count to three." seryosong sambit niya na sinunod naman ng photographer, pagkabilang nung photographer nang tatlo kinagat niya yung gilid nang ibabang labi niya pero hindi yun yung pinaka punto nung pose niya kundi yung mga mata niya. *Sheeeet!! Chaewon!!* napasinghap ako, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ibang iba kasi yung itsura niya. Nagulat ako sa sunod na ginawa niya sumenyas siya sa kamera na parang pinapalapit niya ito, hindi yung simpleng senyas lang ah yung para bang nang aakit? GANUN. *Teka!! CHAEWON!!! ANONG GINAGAWA MO?!* napalunok ako.

"Great!!" nagpalakpakan lahat nang kasama namin sa studio, nagulat ako nung biglang ngumiti si Chaewon.

"Sabi queen, anong ginawa mo?" salubong ko sakaniya.

"Wala naman sinabing queen nang kung sino ah, edi gumawa ako ng sarili kong queen." kinindatan niya pa ako. "Nakita kita, tumulo yung laway mo." hinampas ko siya sa braso.

"Nakakainis ka kasi, nagulat ako sa ginawa mo." ngumanga siya at gumuhit gamit yung daliri niya mula sa bibig hanggang sa baba niya.

"Ganun yung itsura mo." inirapan ko siya.

"Girl, that was so awesome." mahina siyang sinampal ni Wonyoung. "Pustahan hindi ka suminghot kanina noh." natawa ako sa sinabi niya.

"Tinigil ko na yun anu ka ba, hahahahaha." umirap pa siya.

"Minjoo?" napatingin ako sa photographer.

"Yes?" ngumiti siya.

"Your seat is ready?" tumingin ako sa upuan na nandoon parin.

"Ahm, okay." umupo na ako at naghintay nang sasabihin niya.

"Yujin?" agad namang napatingin si Yujin sa photographer, *Nakikipagkwentuhan pa talaga siya kay Manager Han?* tinignan ko si Manager Han na agad namang nagpeace sign. "Can you join Minjoo?" tumingin sakin ang loko at yung ngiti niya mas nakakaloko. *Kaya magaling magloko!*

"Hi." hindi ko siya pinansin, sa totoo lang ngayon lang siya ulit nagsalita sa harap ko simula nung magsimula yung photoshoot na'to nadala siguro sa nangyari sa dorm.

"Minjoo, do you have a boyfriend?" napangiti ako.

"Don't need an headache." natawa siya.

"So it's a no?" tumango ako. "Yujin put your right hand on Minjoo's left shoulder." nasa likuran ko siya bandang kaliwa. "Minjoo look at the camera like you hate him, and Yujin look at the camera like you're scared to loss her." naka-ilang shots siya.

"Wow!! So natural!!" sigaw ni Chaewon habang pumapalakpak pa. *Oo sa sobrang natural masasampal kita mamaya.*

"Thank you team!!" sigaw nung photographer. "Let's call it a day." mabilis kong tinanggal yung kamay ni Yujin sa balikat ko at tumakbo palapit kay Chaewon.

"Kahit kailan ka talaga." ginulo ko yung buhok niya, pero tinawanan niya lang ako.

"Hahahahahaha, tara na nga nandiyan si Hyewon may dalang pagkain." inakbayan niya ako. *Parang hindi naka night gown!*

"Chaewon ang ganda mo." natawa siya.

"Are you gay?" binatukan ko siya. 

"Bagay talaga sayo yung mint green, tapos wow kinis nang balikat." tinapik ko siya sa balikat.

"Diba dapat haplos? Bakit tapik 'yang ginagawa mo?" binatukan ko siya.

"Tsk, tumahimik ka na nga lang." hinanap ko si Wonyoung, nag-uusap sila ni Yujin at mukhang seryoso yung pinag-uusapan nila.

Pagpasok namin ni Chaewon sa dressing room nandun na sila Eunbi-unnie, si Hyewon at si Kkura lang yung kasama nilang lalaki. Si Sian-oppa busy naman siya lagi lalo na ngayon na kilalang kilala yung kompanya nila, si Felix naman siguro nasa concert ang alam ko kasi may tour sila, tapos si Yena naman siguro sobrang busy niya talaga kaya walang paramdam.

"Girl ang gwapo nung Hanzel ah." si Hitomi.

"Pag narinig ni Felix yan? Naku, durog ang puso nun." si Kkura.

"Oo nga pala, pinapirma niya kami sa album na dala niya. Ang sabi niya pa matutuwa daw yung girlfriend niya na nasa California, kasi kompleto na yung pirma natin sa album niya." si Nako.

"Wait anong sabi mo?" parang naghina si Chaewon sa narinig niya, kung hindi lang siya  naka-akbay sakin nakasalampak na siya sa sahig.

"Huh?" si Nako.

"Ay hindi mo alam? May girlfriend na si Hanzel." may halong pang-aasar na sambit ni Chaeyeon-unnie.

"Mahgahdnis, mah hearteu." humawak pa siya sa dibdib niya.

"Sabi na kasi, huwag masyadong umasa." si Yuri.

"Okay ka na?" tanong ko sakaniya.

"Bakit?" balik na tanong niya.

"Kahapon lang halos paliparin mo na yung gamit mo sa kwarto niyo, tapos ngayon nakikipagbiruan ka na samin." inirapan niya ako.

"Wala kasi ako sa mood kahapon."

"Baka naman nagbago na ang sariwang hangin sa Busan kaya nagkaganun siya kahapon." sabat ni Hyewon, hindi lang naman ngayon pumunta dito yan kaya hindi na ako nagulat nung makita ko siya. Sa kanilang mga kaibigan naming lalaki pakiramdam ko siya yung pinakalibre at walang trabaho, lagi siyang nakasupport samin. Pero dito sa photoshoot ewan ko kung sino yung pinupunta niya dito, imposible namang si Gaeun, ayaw nga niyang makita yun. Kung si Yujin naman, hindi nga niya pinapansin yun kahit batiin pa siya, parang simula nung nagkaharap kami ni Yujin sa dorm. Baka naman isa kela Wonyoung at Chaewon.

"Sorry hindi ako makakasabay sa inyo." nakapagpalit na si Wonyoung ng damit. "Nasa hospital si dad, kailangan ko nang pumunta dun."

"Hatid na kita?" si Hyewon.

"Hindi na, kasama ko naman si kapre tsaka mas mabuting huwag ka nalang munang pumunta." gusto kong matawa dahil immune na ata siya sa tawag nila Hitomi kay Yujin, pero nakakapagtaka yung sinabi niya kay Hyewon.

"Sige, mag-iingat kayo susunod kami." si Eunbi-unnie, napatingin ako kay Hyewon parang nagulat siya o nasaktan sa sinabi ni Wonyoung.

Nagpalit na kami ni Chaewon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?