JINJOO II (Chapter 5)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin's Pov

[KINABUKASAN]

Paggising ko kanina wala na sa kama si Kkura akala ko umuwi na, tumatawag lang pala ng uwak sa banyo *Buti nalang siya yung naglinis!!*

"Hindi gagalaw yung pagkain kung tititigan mo lang." napahilamos ako sa mukha ko.

"Mom, bakit walang nagsabi sakin?" napatingin sila sakin, kahit si Kkura na nakikikain dito sa amin napatingin din.

"What are you talking about, son?" *Yan nanaman tayo, lalong sumasakit yung ulo ko sa english ni dad eh.*

"Bakit walang nagsabi na dumaan si Minjoo dito?" kumunot yung noo nila.

"Saan mo gustong dumaan si Minjoo? Kung dito talaga yung daan niya, kailangan pa ba talaga naming sabihin sayo?" si Chaewon.

"Ibig sabihin dumaan lang siya sa tapat? Hindi siya sumaglit dito?" napatango naman silang lahat. "Sabi ni Kkura dumaan daw dito."

"Nasa labas kasi ako nung sinabi ko yun, kaya ang sabi ko dito." napakamot siya sa ulo niya. "Dapat ba dumaan diyan sa harap niyo yung sinabi ko para mas naintindihan mo?" napabuntong hininga yung apat na kasama namin ni Kkura.

"Mahgahdnis Yujin." si Chaewon.

"Akala ko kung anu nang minumukmok mo diyan." si Wonyoung.

"Hindi niyo kasi alam kung anong pakiramdam kapag nakikita ko siya." napa-iling sila.

"Pag sinabi ko bang pareho tayo nang nararamdaman kapag nakikita ko si Minjoo, matutuwa ka?" si Kkura *Sa bagay.*

"Kkura naman, tinatakot mo ako." natawa siya.

"Kayo talaga mauuna na ako, ikaw hon?" tumayo na si mom.

"Do you want me to give you a ride, hon?" tumayo na rin si dad.

"Sure."

Nang makaalis na sila nagsimula na kaming gumamit ng cellphone, bawal kasi kami gumamit ng cellphone habang kumakain tutal wala narin naman sila mom pwede na.

"Grabe si Yuri kagabi, anu kayang gagawin ni Hyewon kapag nabasa na niya yung comment ni Yuri." napatingin ako kay Wonyoung.

"Anong comment?"

"Ito kasing si Hitomi girl nagpost ng long sweet message para kay Hyewon kagabi, tapos itong si Yuri nagcomment ng something like babaero parang ganun yung meaning nung sinabi niya." sagot niya.

"Ito pa, dumagsa yung mga fangirl ni Hyewon kahit sa messenger ko. Tinatanong ako kung part na ba si Yuri nang grupo natin para sabihin yun." dagdag ni Chaewon.

"Wooaah, sa tingin ko si Yena ang dapat kabahan." napatingin ako kay Kkura. "Tignan niyo yung sagot ni Hyewon sa comment ni Yuri." napakamot ako sa ulo ko at mabilis na sinearch yung pangalan ni Hitomi sa pastebook.

Kang Bae
         JoYul I wait for my sweet revenge! 😉😙

*Langya ka kwangbae anong binabalak mo? hahahahahahahaha*

"Bakit hindi sumasagot si Yuri?!" napatingin kami kay Yena-hyung na biglang sumulpot sa lagusan na nagkokonekta sa sala at sa  hapagkainan namin, halatang kakabangon lang niya dahil sa suot niya at sa ayos ng buhok niya. "Sinong may number sa inyo ni Yuri?!" nagulat kaming apat na nakaupo sa harap nang hapagkainan.

"Wa-wala, hindi naman siya nagbibigay ng number basta basta." sagot ko.

"Anu nanamang trip ni Hyewon!" napahilamos siya sa sobrang inis.

"Sabi ko kasi sayo, umamin ka na. Edi sana hindi ka nagkakaganiyan." si Kkura.

"Paano nga makakaamin, sa tuwing makikita niya ata yung mukha ni Yuri wala siyang ibang alam na gawin kundi pagtripan si Yuri." natatawang sabi ni Chaewon.

"Tama ka diyan girl, parang likod palang ni Yuri yung makita niya alam na kagad niya yung gagawin niya." nakipag-apir pa si Wonyoung kay Chaewon.

"Baka merong may number sa inyo ni Minjoo?" tumingin sakin si Yena-hyung.

"Kung meron man ako edi sana naligawan ko na siya." natawa si Kkura at bahagya akong tinulak.

"Number lang pala kailangan mo edi sana kinuha mo na para maligawan mo na siya." pinitik niya pa ako sa tenga.

"Kapag itong si Hyewon talaga may ginawa nanaman, arghh!" tumabi si Yena-hyung kay Chaewon. "Pakain nga muna, nagugutom na ako." kinuhaan ko naman siya ng plato at kubyertos.

"Ayan, maglasing pa kayo nahuhuli tuloy kayo sa balita." pang-aasar ni Chaewon sa aming tatlo.

"Si Yena lang naman kailangan makaalam nung balitang yun diba?" natatawang sabi ni Kkura. "Laro tayo sa labas mamaya."

"Teka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?