JINJOO II (Chapter 4)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin's Pov

Siguro naman kilala niyo na yung mga Teacher ko pero may dalawa pa akong hindi napapakilala sa inyo at ngayong huwebes niyo na sila makikilala. 

Tapos na ang lunch break namin at nagpapalit na kami nang P.E. uniform. 

"Anong kayang gagawin natin ngayon? Sasayaw o tatakbo?" tanong ni Yena-hyung habang naglalakad kami papunta sa gym.

"Siguro sasayaw." simpleng sagot ko.

"Okay class, may form na pinafill up-an yung department namin. Dito sa form na 'to may mga laro na pwede kayong salihan, para sa intramurals natin may participation naman kayo." inabot na ni Teacher Hirai isa isa yung papel. "Sa mga varsity nang kahit anong laro, excepted na kayo sa form na 'to pero may ibibigay sa iniyo yung mga coach niyo na form kung qualified ba kayo sa magiging parte niyo sa intramurals." napatango nalang ako.

Teacher Hirai, dancer at athlete once a week lang yung klase namin sakaniya madalas pa hindi namin siya namimeet dahil siya yung representative nang school namin para umattend sa mga meetings tungkol sa intramurals at iba pang event dito sa school namin. 

"Kung tapos na lahat ipasa niyo na yung form at magsisimula na tayong magpractice ng sayaw." umupo siya at inayos na yung sound system na gagamitin namin. "Meron bang hindi nakakuha ng grade para sa group pop dance, folk dance?" wala namang nagtaas ng kamay kaya pumalakpag na siya ng dalawang beses. "Start na tayo, last week pinag-aralan natin ang waltz yung partner niyo last week sila parin yung partner niyo ngayon." tumayo na ako at lumapit kay Yuri-noona.

"Bakit ba kasi ang tangkad mo?" inis na sabi niya.

"Bakit ang liit mo?" hinampas niya ako sa balikat.

"Ahn Yujin and Jo Yuri?" napahinto kaming lahat. "Kim Minjoo? Palit kayo ni Yuri."

"Tuwang tuwa." bulong ni Yuri-noona, napatingin naman ako kay Yena-hyung *Kasalanan ko ba  kung maliit yung girlfriend mo.* nagsimula na kami ulit.

"Choi Yena ang sinasayaw natin waltz at hindi tayo naglalaro, Choi Yena palit kayo ni Kim Soojin." napangiti ako *Ayan masaya ka na, partner mo na yung girlfriend mo.*

Nang matapos na yung dalawang oras na klase ni Teacher Hirai pumunta na kami sa music room.

"Kamusta?" tanong ko kay Yuri-noona.

"Ewan ko ba diyan sa lalaking yan, wala talagang modo sabihan ba naman akong parehong kaliwa yung paa ko sinasadya niya namang maapakan ko yung paa niya."  umirap pa siya. "Gustong gusto talagang iniinis ako." napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Good afternoon class." todo ngiting bati samin ni Teacher Kim.

Teacher Kim music class, magaling 'to gwapings din lahat ata nang instrument dito sa loob ng music room kaya niyang tugtugin. Nakakatuwa din siya dahil parang kaibigan ang turing niya samin, madalas may suot siyang cap maporma pero hindi lang basta basta dahil may ibubuga naman talaga siya. Madalas na naipapares siya kay Teacher Hirai dahil narin sa talent at skills nila *Bagay naman sila, boto ako sakaniya kung sakaling ligawan niya si Teacher Hirai.*

"Ganito, sino pwendeng tumugtog? Tapos kakantahin niyo yung mga lines niyo." nagsimula nang tumugtog nang gitara si Minjoo at Yena-hyung, tapos sinundan na sila nang iba pang instrument.

Unang kumanta si Teacher Kim, tapos kaming dalawa ni Yuri. Yung klase namin naging jamming na, kaya gusto ko talaga yung araw na 'to eh hahahahahahaha. Huling kumanta naman para sa  pagtatapos ng kanta si Yena-hyung at Yuri-noona.

"YIIEEEEE!!" pati si Teacher Kim nakisali sa pang-aasar naming magkakaklase sa dalawa. "YULYEN! YULYEN! YULYEN!!"

"Sige sunod na kanta naman." si Teacher Kim.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?