JINJOO II (Chapter 7)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin's Pov

[KINABUKASAN]

Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos naming mag-usap ni Yuri kanina, naki-usap kasi ako sakaniya na si Yena-hyung nalang yung isama nila ni Minjoo. May mga nagsasali sakin sa ibang grupo pero ang sabi ko meron na akong nasamahan, kahit ang totoo hindi ko alam kung kaninong grupo ako pwedeng sumama.

"Kamusta ka naman sa section nila Kkura?" tanong ko kay Chaewon.

"Ayos naman hindi nila hinahayaan na makita ng teacher namin yung mga kalokohan ko, hindi tulad nang isa diyan." tumingin siya kay Wonyoung, pero si Wonyoung tutok lang sa librong binabasa niya.

"I told you, hindi ko nga alam na nandun na si Teacher Kim." tuloy lang siya sa pagkain habang nagbabasa, tinignan ko yung librong binabasa niya.

"The secret story of the swan? Ilang ulit mo nang nabasa yan, hindi ka ba nagsasawa?"

"Shut up, kesa naman maghanap ako nang boyfriend ito nalang babasahin ko." napabuntong hininga siya. "Subukan mong basahin, para malaman mo kung anu yung pag-ibig na sinasabi mo." 

"Sana makatuluyan mo yung leading man diyan." natawa siya.

"Hindi mo pa nababasa pero hinuhusgahan mo na?" sinara niya yung librong hawak niya. "Hindi ito romantic story, you don't know how it's feels like you are beautiful but never been love. You will never know how to beg for love because you always been loved, yun yung sabi sa binabasa ko. Kaya hindi porket minahal mo mamahalin ka, hindi porket maganda o gwapo ka mamahalin ka. Dahil yung pagmamahal hindi nang gagaling sa utak na may kaisipang kapag nagbigay ka may makukuha ka, hindi rin sa mata na kung anu yung nakikita mo mamahalin mo." tumayo siya. "Well, sino ba naman ako para pangaralan kayo. I'm just a piece of cloth that needs to cover the wound inside of YOU." naglakad na siya palayo. *Sa libro lang siya nakatingin, sino si YOU?*

"Sino si YOU?" napatingin ako kay Kkura. "Baka ikaw?" sabi niya sakin.

"Hindi pa naman ako na bobroken hearted ah." napatingin kami kay Hyewon na busy sa pagkain ng cake.

"Don't look at me I'm a huge b@st@rd, who would fall in love to someone like me?" napatingin kami kay Yena-hyung.

"Anong sabi niya? Piece of cloth? Tama ba yung dinig ko?" tumingin siya kay Chaewon. "Kanino ka ba kasi dapat na umamin?" napatingin din ako kay Chaewon.

"Teka bakit ako? Sino ba kasi nangielam sakaniya?" depensa ni Chaewon, tumingin sila sakin.

"Fine." tumayo ako at lumabas nang cafeteria.

Inabot na ako nang bell para sa afternoon class hindi ko parin nakikita si Wonyoung. Pumunta nalang ako sa classroom namin *Mamaya ko nalang siya kakausapin pag-uwi.*

Nang matapos ang klase namin kagaya nang napag-usapan gumala kaming magkakaibigan, pero hindi sumama si Wonyoung sa amin. *Sino ba kasi yun.*

"Hyung sino nga pala yung nakaaway mo kanina?" naglalakad na kami pauwi.

"Mga bastos lang, ayaw tumigil na pag-usapan si Yuri nang may kahalayan eh."

"Talaga hyung? Dapat sinama mo ako." natawa siya. "Bakit ka nga pala hindi pumasok kaninang tanghali?"

"Hinanap ko si Wonyoung, kinausap ko siya pero hindi naman niya ako sinasagot sa lahat nang tanong ko."

"Sino kaya yun?" napatingin kami ni Yena-hyung kay Chaewon nang magsalita siya. "Paniguradong hindi ikaw yun." tinuro niya ako. "Kasi hindi ka na niya gusto." tumingin siya kay Yena-hyung. "Imposible, sa ugali mo?" umiling pa si Chaewon.

"Kung hindi si Kkura o si Hyewon, baka ikaw nga talaga yung sinasabihan niya?" kumunot yung noo ni Chaewon sa sinabi ko.

"Magpinsan kami anu ka ba." binatukan siya ni Yena-hyung. "Aray naman, kamukha ko na ba si Yuri para saktan mo ako nang ganiyan."

"Hindi lang naman kasi yun yung dahilan, malay mo lagi kang nasasaktan tapos syempre pinsan mo siya lagi siyang nandiyan para sayo. Bakit kasi hindi ka pa umamin dun sa sinasabi ni Eunbi-noona?" napatango ako.

"Paano nga ako aamin, mahal niya pa yung ex niya!" halos mapaatras kami ni Yena-hyung.

"Si Hyewon o si Kkura?" natawa si Chaewon.

"Mahgahdnis? Sila lang ba yung may ex na pwede kong magustuhan?" nauna na siyang maglakad.

"Napakadamot nito." bulong ni Yena-hyung.

"Kung hindi pala natin kilala bakit ayaw niya pang sabihin, diba?" napabuntong hininga kami pareho.

Pagkarating namin sa bahay tulog na daw si Wonyoung kaya kami nalang ni Chaewon yung sumabay kela mom sa pag-kain.

"Hoy, anong ginagawa mo diyan?" bulong ni Chaewon nang makita niya ako sa harap nang pintuan ng kwarto ni Wonyoung.

"Kakausapin ko lang." bulong ko.

"Bahal ka." naglakad na siya papunta sa kwarto niya, kumatok na ako sa pintuan ni Wonyoung *Ang tagal naman niyang buksan.*

"Bakit?" bungad niya sakin.

"We need to talk." pumasok ako sa loob nang kwarto niya at umupo sa kama niya. "Who's that YOU?" natawa siya.

"Anu bang sinasabi mo?" umupo siya sa upuan na nasa tapat nang study table niya.

"Kung hindi ako sino nga?" napabuntong hininga siya.

"Bakit kailangan mo pang malaman?"

"Because I'm your brother?" natawa siya.

"Then you should act like a brother to me."

"I'm trying but you don't want to."

"I don't want? Since Yeojin-unnie died that's the only thing that I wanted to have!" nagsimula na siyang umiyak. "Someone who's going to stand strong for me, someone's going to make me feel everything will be alright and will be back again." napayuko siya. "Alam kong nahihirapan ka, nasasaktan ka parin hanggang ngayon. Pero paano naman ako? Gusto ko lang namang bumalik din tayo sa dati, pero bakit palala nang palala yung nangyayari?" napatango ako.

"Sino nga yung tinutukoy mo kanina?"

"Yun talaga yung iniisip mo?" napakibit balikat ako.

"Baka siya yung makapagpabago nang lahat." napayuko siya.

"Get out." tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan.

"Sorry for being weak, you don't know how it feels like seeing your sister being stab and you can't help her." napapikit nalang ako nang makaramdam ako nang paghapdi nang pisnge ko.

"Oo ikaw yung nandun, pero hindi mo rin alam yung pakiramdam na nakaratay ka dahil sa sakit mo habang yung kapatid mo naliligo na sa sarili niyang dugo!!" sinampal niya ako ulit. "Hindi lang ikaw yung nasaktan!" napayuko nalang ako nang sampalin niya pa ako ulit, bumukas yung pinto ng kwarto ni Wonyoung kaya napaatras ako para iwasan yun.

"Anu bang nangyayari dito?" si mom.

"It's almost nine in the evening, nagsisigawan pa kayo?" si dad.

"Si oppa kasi." agad siyang tumakbo at humiga sa kama niya.

"I'm sorry." lumabas na ako nang kwarto niya *Gusto ko lang naman na maging open siya sakin.*

 

[KINABUKASAN]

Ayoko sanang pumasok pero kailangan dahil hindi ko pa nagagawan nang paraan yung para sa group report namin, naglalakad na kami ngayon papunta kela Hyewon *Hindi namin alam kung bakit naglasing yun kagabi, baka naalala si Gaeun.* naabutan namin silang dalawa ni Yuri sa tapat nang bahay nila Hyewon.

"Hyung ayos ka lang?" tanong ko kay Yena, tumingin siya sakin at tumango. 

Pagkarating sa school pumunta muna ako sa restroom.

"Narinig ko bro, nagdedate na daw si Hyewon at Yuri. Sayang papatusin ko pa naman sana yung babaeng yun." napakunot yung noo ko at nakinig.

"Paano kung si Wonyoung o kaya si Chaewon nalang yung targetin natin? Mukhang masarap din naman yung mga yun." napalunok ako sa narinig ko, pareho silang lumapit sa sink at naghugas nang kamay.

"Kung kayo yung targetin ko." tinignan ko sila sa salamin. "Syempre biro lang, baka mapatay ko kayo." nginitian ko sila bago naglakad palabas.

Pagpasok ko sa classroom tinignan ko si Yuri, mukhang wala namang nangyari sakaniyang masama.

"Sa mga pangalan na natanggap ko, sino sa inyo yung wala pang kagrupo?" napatingin ako kay Teacher Yu at marahang tumayo.  "Ahn Yujin?" tinignan ko si Yuri at nginitian siya *Buti sinunod niya ako.*

Lunch break na at papunta na kami sa cafeteria nang mabanggit ko kay Yena-hyung yung mga narinig ko sa restroom kanina.

"Nakita mo ba kung sino?" tumango ako, nakaupo na kami sa pwesto namin *Syempre sa lamesa ako nakaupo.*

"Hyung kakausapin na ba natin si Minjoo tungkol sa report?" tinignan ko siya. "Anong ginawa ko sayo hyung?" *Ang sama kasi nung tingin niya.*

"Saan diyan? Ituro mo?"

"Uy, Yena akala ko ba absuwelto na yung nambastos kay Yuri kahapon?" si Kkura.

"Hayaan mo na siya." si Hyewon.

"Ituturo mo o ikaw makakatikim sakin?" tumayo na siya.

"Yena anu ka ba?" si Chaewon, tahimik lang si Wonyoung at mukhang walang balak makielam sa mga nangyayari *Mabubugbog na ako dito.*

"Ituro mo!" kinuwelyuhan na ako ni Yena-hyung.

"Hyung." napalunok ako.

"Ahn Yujin?" nanggigigil na si Yena-hyung, nilibot ko yung paningin ako.

"Ayon, silang da-dalawa." binitawan ako ni Yena-hyung at lumapit dun sa dalawa, may sinabi pa si hyung dun sa isang lalaki bago siya hilain patayo at suntukin.

Nakahiga na yung lalaki sa sahig pero tuloy parin si Yena-hyung

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?