JINJOO II (Chapter 10)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin's Pov

Isang linggo na ako dito sa loob nang hospital, at sa isang linggo na yun wala akong ibang ginawa kundi paulit ulit na ikwento kay Doctor Bae lahat nang maaalala ko. Merong mga magkakapareho, meron ding paiba iba ang mga detalyeng naaalala ko kada araw o kung minsan makalipas lang ang ilang mga oras.

"Are you ready to have fun outside?"

"Outside of this room or this hospital?" natawa siya.

"Magsimula muna tayo sa maliit na hakbang, dito sa kwartong 'to ako at yung dalawang nurse lang ang nakakaalam sa sitwasyon mo. Paano kapag lumabas ka na sa kwartong 'to, ilan sa mga makakahalubilo mo ang nakakaalam nang sitwasyon mo?" napa-isip ako. "Pwede kang kumain sa cafeteria ng hospital, pero kailangan mong bumalik dito mamaya para sa small talks natin." tumango ako. "See you at 3pm?"

"Okay." sinuot ko yung tsinelas ko at naglakad na palabas nang kwarto ko.

May mga bumabati sakin syempre bilang isang Ahn Yujin ngumingiti ako at binabati rin sila kahit hindi ko naman sila kilala, pumunta ako sa hardin nang hospital hindi para mapag-isa pakiramdam ko kasi doon lang ako makakaupo pero nagkamali ako dahil wala na akong mauupuan.

"Ayos lang naman siguro kung dito nalang ako sa damuhan." umupo na ako at pinagkrus yung mga binti ko.

May mga nakikita akong mga naka wheelchair, ang ilan sakanila mga sikat na tao.

"Hindi ko inaasahang makikita kita dito." napatingin ako sa wheelchair na huminto sa gilid ko, bago ko tinignan yung nakasakay dun. "Don't tell me, you forgot who I am?" natawa ako.

"Kilala parin kita." tumango siya.

"Kamusta si Hyewon?"

"Kung may nakakaalam man nang sagot sa tanong na 'yan, yun yung taong kinakamusta mo." ngumiti siya.

"Ibang Ahn Yujin ata ang kinakausap ko ngayon ah, samantalang dati halos ikwento mo na yung talambuhay nung taong kinakamusta ko." napatango ako.

"Natutuhan ko kasing hindi sa lahat nang tanong dapat alam ko yung sagot."

"Siguro kung iibahin ko yung tanong ko may  maisasagot ka, kamusta na si Yena?" natawa ako.

"Ayun may kinababaliwan nanaman, pero syempre nandiyan si Hyewon pero mukhang hindi mangyayari yung nangyari sa inyong tatlo dati." napa-iling siya.

"Baka naman depende lang sa tao kung may maisasagot ka o wala, buti kung ganun. At least pwede na akong humarap sakanila, lalo na kay Hyewon?" nagkibit balikat ako.

"Bakit nga pala kayo naghiwalay?"

"Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa?" napabuntong hininga siya. "Hindi ko siya pinilit na magbago, pero nakakasawa na kasi yung lagi nalang siyang lasing at nakikipag-away. Tapos kapag kakausapin ko naman siya nang masinsinan, parang wala lang yung mga sinasabi ko sakaniya." tumingin siya sa mga kamay niya. "Higit sa lahat, ayaw niya sa pangarap ko. Ayaw niyang ituloy ko ang modelling, kaya pinapili niya ako, yung career ko o siya?" natawa siya. "Bata palang ako pangarap ko na yun, ayokong mawala pa."

"Sa tingin mo masaya siya ngayon?" napangiti siya.

"Sana, sana wala na yung sakit na na-iwan ko kung meron man."

"Ms. Lee Gaeun, oras na po para kumain kayo." nginitian ko si Gaeun.

"Sige na, ayos lang." tumango siya.

"See you around." nginitian niya ako bago itulak nung nurse yung wheelchair niya.

"Hoy Kim Minjoo, hindi ako nambababae ah. Siya yung lumapit sakin." naglibot libot pa ako, hanggang sa mapadpad ako sa parte ng hospital kung saan nagi-stay yung mga batang may cancer.

Nagtagal ako dun at hindi napansin ang oras mag-aala una na pala nang tanghali *Nagugutom na ako.* nagpaalam na muna ako sakanila, at pumunta sa cafeteria ng building kung saan ako nakaconfine.

Pagkatapos ko namang kumain bumalik na muna ako sa kwarto ko para maligo *Hindi ko nga pala natanong si Gaeun kung anong nangyari sakaniya.* pagkatapos kong maligo at magpalit nang hospital gown umupo ako sa kama ko. 

"Paglabas ko dito, liligawan na kita." tumingin ako sa bintana.

"Ready for the small talk?" nginitian ko siya. "So what happened while you're around?" agad naman akong nagkwento sakaniya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

T

I

M

E

-

L

A

P

S
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakatambay ako ngayon sa field, may mga naglalaro ng basketball pero wala akong gana na sumali, pang limang linggo ko na dito sa loob ng hospital at miss ko na talaga yung mga kaibigan ko.

"It's been three or four weeks since we had a talk." nginitian ko siya. *Umiiwas kasi ako sa tukso.* "Oo nga pala, kailan ka madidischarge?" nagkibit balikat ako.

"Walang eksaktong araw eh." tumango siya.

"Doon parin ba kayo nag-aaral?" tumango ako. "Madidischarge na ako next week, baka bisitahin ko nalang kayo sa school."

"Ikaw bahala, basta pag may nangyari labas ako diyan." natawa siya.

"Syempre naman, tsaka bibisita lang naman ako."

"Anu nga palang nangyari diyan sa binti mo?"

"Car accident, buti na nga lang hindi nagkaroon nang sugat o galos nabalian lang ng boto pero naibalik naman." natatawang sabi niya, tumango tango ako.

"Buti naman okay na."

"Sige babalik na  muna ako sa kwarto ko, bye." hinalikan niya ako sa pisnge bago mahinhin na tumakbo.

"Ya-yah, Minjoo-yah siya yung humalik sakin." pinagkrus ko yung mga braso ko.

"Birthday na pala ni Wonyoung next week." napabuntong hininga ako. "Kamusta na kaya sila? Ang sabi lang kasi nila mom, they're hanging out." inayos ko yung damit ko at naglakad papunta sa cafeteria *Iba yung gutom ko ngayon.*
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Apat na araw nalang birthday na ni Wonyoung, tapos kinabukasan nun birthday ko. Gusto ko nang umuwi, miss ko na kalokohan ni Chaewon at Yena-hyung.

"Aish, birthday nga pala ni Chaewon nung 1st of August." napakamot ako sa ulo ko *Anu kayang pwedeng pambawi?*

"Ready for a talk?" ngumiti ako at tumango, actually nung pangatlong linggo ko dito sa hospital hindi na araw araw kung kausapin niya ako kaya parang lalo akong naeexcite kapag dadalawin niya ako, ang dami ko kasing makukwento sakaniya.

Pagkatapos naming mag-usap pinasunod niya ako sa opisina niya.

"Sa tingin ko tapos na ang therapy mo dito sa hospital, at kailangan mo nang lumabas sa mas malaking mundo." tumayo siya at may dalawang maliit na garapon siyang nilagay sa harap ko. "Makakatulong 'yan para kumalma ka, pero hindi ibig sabihin iinomin mo na 'yan kapag inaataki ka. Dapat magamit mo yung mga techniques na makakatulong sayo na kumalma, itong gamot na 'to para lang kapag sobrang sakit na at hindi mo na kayang ikontrol yung sarili mo."

"Ibig sabihin makakalabas na po ako?" tumango siya.

"Pero may mga following check-ups pa tayo."

"Hanggang kailan po?"

"Depende sa improvement mo." napatango ako. "Go back to your room, baka parating na yung parents mo." nagulat ako sa sinabi niya.

"Ngayon na po ba ako uuwi?" tumango siya, nagbow ako sakaniya bago naglakad papunta sa pintuan.

"Uhm Yujin?" nilingon ko siya. "Happy birthday in advance." napangiti ako.

"Thank you Doctor Bae.." tinignan ko ulit yung pangalan niya. "Suzy." marahan kong sinara yung pintuan nang opisina niya at tumakbo papunta sa kwarto ko.

Inaayos ko yung ilang gamit na dala ko sa bag, nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko at dahan dahan 'yong bumukas.

"Son?" agad akong tumakbo palapit kay dad at yumakap.

"I miss you dad, once a week visit is not enough." natawa siya.

"I know."

"How about me?" tumingin ako kay mom at agad na yumakap sakaniya.

"Let's go?" kinuha ni dad yung gamit ko.

Bago ako sumunod sakanila sa paglabas, nilibot ko muna yung paningin ko sa kwarto ko.

"I'm going to miss you."

Habang papalapit kami sa sasakyan ni dad natanaw ko yung dalawang babae na namiss ko, pero syempre mas namiss ko si Minjoo.

"Nakakagwapo na ba sa hospital ngayon?" hinawakan ni Chaewon yung mukha ko at sinuring mabuti.

"Don't touch me, ilang linggong nalayo sa stress tapos didikitan mo ng germs?"

"Ay, mas pasmado na yung bunganga kesa kay Yuri." hinampas niya ako sa braso.

"Oo nga pala, baka nasa bahay na sila tara na." nauna nang sumakay si Wonyoung sa sasakyan.

"Oo nga pala, tara na." sumunod na si Chaewon kay Wonyoung kaya sumakay narin ako.

"Nabalitaan ko, parehas kayong naconfine ni Lee Gaeun dito diba?" tumango ako. "Maganda parin ba siya?"

"Ewan." simpleng sagot ko.

"Alam mo namang si Minjoo lang maganda para sakaniya." natatawang sabi ni Chaewon.

"Oo nga pala, tsk!" 

Silang dalawa nalang yung nagkwentuhan at ako natulog, ewan pero pagod na pagod ako.

 

 

Pagkaparada ni dad nang sasakyan namin agad akong tumakbo papasok sa loob ng bahay namin.

"Yu-" napahinto ako nang wala akong makitang tao. "Yuri?!!" naglibot ako sa unang palapag ng bahay namin. *Baka nasa taas.* "YURI!!" sinilip ko lahat nang kwarto pero wala akong nakita na kahit na sino.

"Son?" hingal akong lumapit kay dad.

"Where are they?" kumunot yung noo niya.  

"Huh?" tumingin ako kay mom at dun sa dalawa pa naming kasama.

"Yuri!!" lumabas ako nang bahay at nag-ikot sa paligid ng bahay namin. "Nasaan na yung mga yun." bumalik ako sa loob nang bahay, pati sila mom wala na dun. *Anu bang nangyayari?!!*

"Yujin? Yujin?"

"Yuri!!"  napa-ayos ako nang upo.

"Nakatulog ka lang si Yuri na gusto mo?" tinulak ko yung mukha ni Chaewon.

"Nandito na ba tayo?" tumango siya. "Bakit hindi mo ako ginising?"

"Anak ka nang tokneneng, ako pa? Ako pa na kanina ka pa niyuyugyog pero puro ka Yuri, Yuri diyan. Sumbong kita kay Yena." umiling ako at agad na bumaba.

Pagbukas ko ng pinto nang bahay namin.

"WELCOME HOME DAENGDAENG!!" may mga confetti pang lumipad papunta sa ulo ko, agad kong hinanap yung taong kailangan kong maka-usap.

"Yuri?" hinila ko siya, natahimik naman yung mga kasama namin.

"Yujin, mali ka ata nang nahila?" si Kkura.

"Hindi, mali kayo, tama ako nang nahila. Wait lang kailangan ko lang talaga siyang makausap, sandali lang promise." hinila ko siya palabas nang bahay. 

"Uy! Bakit ako? Diba dapat si Minjoo?" napa-iling ako.

"May bumalik na ba?" kumunot yung noo niya. "May bumalik ba na tao? Hinahanap si Yena-hyung?"

"Wala naman." napatango ako *Baka hindi pa siya dumadalaw sa school namin.* napabuntong hininga ako.

"Buti naman, basta kahit anong mangyari huwag kang masasaktan."

"Sa ginagawa mo hindi ako yung nasasaktan, si Minjoo." napapikit ako sa sinabi niya,   *Oo nga pala.* "Excited yung tao na makita ka, tapos ako yung una mong hahanapin?" napakamot ako sa ulo ko.

"Basta, ayoko kasing masaktan nanaman si hyung. Tapos habang nasasaktan siya, pati ikaw nasasaktan." natawa siya.

"Bakit naman ako masasaktan, wala namang kami."

"Pero dun din papunta yun, sige na babawi pa ako kay Minjoo." sabay kaming naglakad papasok sa loob nang bahay.

"Okay na? Pahiram na ako ah?" marahang hinila ni Yena-hyung si Yuri.

"Minjoo-yah." lumapit ako sakaniya. "I miss you." mahigpit ko siyang niyakap.

"Masyadong mahigpit." napahiwalay ako sakaniya.

"Hindi ka ba masaya?" pilit siyang ngumiti.

"Masaya." napa-iling ako.

"Hindi ka masaya." hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge at mabilis na nilapit yung mukha ko sa mukha niya.

"Oppss, hindi pa kayo." napadilat ako, nakalapat yung nguso ko sa plato.

"Eunbi-noona?" dismayadong sabi ko.

"Oh? Totoo naman ah, hindi pa kayo?" natatawang sabi niya. "Ito plato mo, kumain ka muna." kinuh

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?