JINJOO II (Chapter 14)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin's Pov

[KINABUKASAN]

Tahimik lang kaming nag-aayos ng sarili at mga gamit namin, dahil didiretsyo na daw kami sa pag-uwi mamaya.

"Hyung, pahiram naman ako ng pabango." tinignan niya ako.

"Hindi ka nalang kasi maligo." pang-aasar ni Yena-hyung sakin.

"Naligo na ako bago matulog diba, ayos na yun." kinuha ko sakaniya yung pabango.

"Una na ako sa baba." tinanguan lang namin si Hyewon.

"Hindi na siguro ako mapapatawad ni Chaeyeon ngayon." napatingin kami ni Yena-hyung kay Kkura.

"Ikaw naman kasi, lagi kang nagrereklamong masakit at nasasaktan ka. Pero hindi ka naman gumagawa nang paraan para magka-ayos kayo." si Yena-hyung.

"Tama, lahat nang ginagawa mo puro ika-iinit ng ulo niya." sinukbit ko na yung bag ko sa balikat ko.

"Dongsaeng yung mga tupperware na pinaglagyan nang pagkain, baka ma-iwan magagalit si tita." tumingin ako kay Yena-hyung.

"Ako nanaman magbubuhat?" nakangusong sambit ko.

"Ang arte mo, sige na ako na." nginitian ko siya at naunang lumabas.

"Langya, uy anu ka ba?" tinulak ko yung babaeng bigla nalang bumaksak sakin.

"Nasaan si Kkura?" kumunot yung noo ko. *Lakas ng amats bumalik pa talaga.*

"Yujin?" masamang nakatingin sakin si Minjoo.

"Uy, wala akong alam diyan. Bigla nalang 'yang sumulpot sa harap ko." lumapit ako sakaniya at inakbayan siya, nagulat naman ako kay Yuri nang kalampagin niya yung pinto nung kwarto namin.

"Yena lumabas ka diyan." nagmamadali namang lumabas si hyung.

"Bakit? Sisirain mo naman yung pintuan." hinila siya ni Yuri.

"Ayoko lang na madikitan ka ng linta." na-una na sila naglakad papunta sa harap nang elevator.

"Psst tara na." hinila ko sa damit si Kkura at pina-una siyang maglakad.

"Saan ba tayo pupunta ngayon?" tanong sakin ni Minjoo.

"Malay ko kay Eunbi-noona." napatingin ako sa naglalakad palapit sa'min.

"Arghh!! Talagang hindi niyo ako hinintay!" nakahawak pa si Chaewon sa ulo niya habang pagewang gewang na naglalakad. "Dudes? Langya yung mga jowa niyo iniwan ako." kumapit siya sakin. "Ang sakit talaga ng ulo ko." inalalayan ko nalang siya kawawa naman eh.

"Si Chaeyeon-noona pala?" tanong ko kay Minjoo.

"Sinundo ni Hyewon kanina, kasi nga nandiyan daw yung babae sa tapat niyo. Baka anu nanamang magawa ni unnie diyan." sumakay na kami sa elevator.

Paglabas namin ng hotel naghihintay na yung iba pa naming kasama.

"Nagtext si dad, aalis daw sila, bukas na daw sila makakabalik." tinignan ko si Wonyoung.

"Saan daw sila pupunta?" nagkibit balikat lang siya. "Eunbi-noona, saan tayo ngayon?" napabuntong hininga siya.

"Magsasauna sana tayo, kaso lang anong oras na kayong nagsigising." tumingin siya sa cellphone niya. "Mag kape nalang muna tayo, nang mabawasan yung pananakit nang ulo nitong mga 'to." tinuro niya si Wonyoung, Chaeyeon-noona at si Chaewon. "Anu bang na-isipan niyo at naglasing kayo?" yumuko lang yung tatlo.

"Huwag nang mainit ang ulo, maiistress ka niyan." pang-aasar ni Yena-hyung.

"Sa susunod talaga kikidnapin na namin si Sian-hyung, samin mo binubuntong yung inis mo sa hindi niya pagsama eh." nakangising sambit ko.

"Magsi-tigil kayo, kumukulo yung dugo ko kagabi pa." hinawakan niya si Chaewon sa braso. "Umayos ka nga, akala mo kasi sanay kang malasing para lumaklak nang limang boteng alak." napakamot sa ulo si Chaewon.

"Argh!!" inis na sinabunutan ni Wonyoung yung sarili niya. "Ang tagal naman ng bus."

"Itigil mo kasi muna kakacellphone mo, nahihilo ka pa diba?" kinuha ko sa kamay niya yung cellphone niya.

"Akin na nga 'yan, para namang tsk!" lumayo siya sakin at tumabi kela Hitomi.

"Huwag mo na kasing asarin, masakit na nga yung ulo." saway sakin ni Minjoo.

"Kasalanan ko bang weak siya." natatawang sambit ko.

"Ewan ko sayo."

Pagkarating ng bus isa isa na kaming sumakay, si Nako kay Eunbi-noona nalang tumabi para hindi maistorbo si Chaeyeon-noona tapos si Kkura naman nagsolo sa pinakalikuran na upuan. Mahigit isang oras din yung biyahe namin bago kami makarating sa isa coffee shop.

Nang makaorder na kaming lahat si Hyewon na yung nagbayad. Pumwesto kami sa malaking pabilog na lamesa malapit sa bintanang salamin.

"Yung naka take-out pakibigay nalang kay manong, magsi-cr lang ako." tumayo si Eunbi-noona at naglakad papunta sa cr.

"Sinong may ballpen?" si Yena-hyung.

"Anu nanamang kalokohan gagawin mo?" si Yuri.

"Tsk, basta pahiram akong ballpen." nilibot niya yung paningin niya samin.

"Oh." nag-abot ako sakaniya ng ballpen.

"Naks, iba din." pang-aasar ni Hyewon.

"Syempre, may paycheck ako dito. Alam mo na kailangan ko ng ballpen." pagyayabang ko kahit wala naman talaga ako nun.

"Paycheck, hindi ka nga marunong gumamit nang pera paycheck pa kaya?" si Nako.

"Uy, anong hindi marunong gumamit ng pera?"

"Naaalala mo yung nagbayad ka sa arcade, hindi mo na kinuha yung sukli mo kaya ako nalang kumuha." si Hitomi.

"Ganun kasi ako kagalante, keep the change." *Langya, nagawa ko talaga yun?* "Nasaan na yung sukli?"

"Ginamit kong panlibre sa inyo." natatawang sabi ni Hitomi.

"Mautak." dumating na yung order namin, katulad nang sabi ni Eunbi-noona binigay ni Hyewon yung nakatake-out sa driver nila Chaewon.

Kahit magkaka-iba yung order namin, pinaghatian parin namin yung tinapay na inorder namin.

"Tikman mo." inabot sakin ni Minjoo yung kape niya.

"Ack! Kape ba yan?" natawa siya.

"Kasing tapang ko ba?" natawa kami sa sinabi ni Minjoo.

"Wala ka pala Yujin, bumabanat na." si Yena-hyung.

"Sa sobrang tapang katulad mo eh, walang kasweetan sa katawan." inirapan niya ako. "Kaya siguro bagay tayo, ako magbibigay nang kasweetan sa buhay mo."

"Eww, Yujin?" nagtakip pa nang tenga si Chaewon.

"Basta kami ni Yuri sakto lang." napatingin kami kay Yena-hyung.

"Paanong sakto?" si Yuri.

"Saktong mahal ko, saktong hindi. Depende sa mood." binatukan siya ni Yuri. "Biro lang, pero ikaw talaga yung gatas sa kape ko. Handa akong magpasakop sayo mabigyan lang ng kulay ang madilim kong mundo." lahat kami napangiwi at nagtakip nang tenga.

"Tara na nga, baka saan pa tayo mapadpad." nauna nang tumayo si Eunbi-noona.

"Para kang kapeng puro, ang bango mo pero ang pait nang timpla mo." banat ni Yuri, napanguso naman si hyung. "Pero kahit na mapait ka, mapait ka talaga wala na tayong magagawa dun." natawa kami habang isa isang tumatayo.

"Mapait man ako para sayo, pero ikaw lang ang mamahalin ko." kinindatan pa niya si Yuri.

"Hyung tama na yan, nakakahiya ka na." natatawang awat ko sakaniya.

Sunod na pinuntahan namin isang suviener market. Habang nag-aayos kami sa pagbaba, napansin ko si Kkura.

"Langya." kinalabit ko si Yena-hyung at tinuro si Kkura.

"Hyewon, kuhaan mo ng litrato." hinila niya pa si Hyewon.

"Gagi, gising ata 'yan eh." kinaway niya yung kamay niya sa harap nang mukha ni Kkura. "Lah, tulog amputek." kinuhaan na niya ng litrato si Kkura.

"Isda ata si Kkura, dilat matulog." natatawang bulong ko.

"Hindi pa ba kayo bababa?" si Eunbi-noona, napa-ayos ng upo si Kkura at nag-inat.

"Bakit?" tanong niya sa'min.

"Wala, gigisingin ka sana namin." nag-unahan kaming tatlo sa pagbaba nang bus.

"Yujin kuhaan mo ako ng litrato." inabot sakin ni Minjoo yung cellphone niya.

"Hana, dul, set ne!" paulit-ulit hanggang sa magsawa kaming pareho sa mukha namin, pagkatapos pumasok na kami sa market.

"Parang gusto ko nito." may hawak siyang dalawang stuffed toy, isang kulay brown at isang kulay red.

"Sige pwede na, tignan mo 'to." pinakita ko sakaniya yung kwintas na may pendant na parihabang kahot. "Pwede daw 'tong palagyan nang pangalan." nilagay niya yung hinlalaki at hintuturo sa baba niya na parang pinag-iisipang mabuti kung anong isasagot niya.

"Okay." natatawa akong lumapit sa babae na nagsabi sakin na pwedeng pasulatan yung kwintas.

"Miss isang klase lang po ba yung ipang susulat mo?"

"Pwede pong iuukit ko, o kaya colored glue-pen, pwede rin pong parang tattoo. Ang kaso sa parang tattoo po hindi po customized, kung anu lang pong available." napatango ako.

"Gaano katalagan po ba kapag yung inukit?"

"Depende po sa ilalagay ko." tumango ako.

"Yung ganun nalang." inabutan niya ako nang ballpen at papel.

"Kinse minuto lang po sir." tumango lang ako.

"Balikan ko nalang Miss." naglakad na ako at nag-ikot ikot.

"Okay na ba yung napili mo?" tanong ni Minjoo.

"Kinse minuto pa daw." tumango siya, may dala siyang mga pagkain kaya kumuha narin ako.

Nang makuha ko na yung dalawang kwintas na napili ko, pumila na kami sa kahera.

"Ang panget mo, dun ka na nga sa babaeng yun." inis na sabi ni Yuri at bahagya pang tinulak si Yena-hyung.

"Nagbibiro lang ako." sumunod sila samin sa pila.

Pagkalabas namin nung market nakatumpok sila habang nakahawak kay Chaeyeon-noona.

"Anong nangyari?" tanong ko nang mapansing umiiyak si Chaeyeon-noona.

"Pigilan niyo nga si Kkura." utos ni Eunbi-noona samin.

"Kkura!" tumakbo kami ni Yena-hyung kasunod si Hyewon na kakalabas lang nang market.

"Anong kailangan mo hah!!" hinila ko si Kkura pero nagpupumiglas siya. "Bakit!!" tumulong na yung dalawa sakin, bugbog na yung mukha nung lalaki.

"Kilalanin mo binangga mo!" dinuro pa nung lalaki si Kkura habang papatayo siya.

"Ikaw kumilala sakin!!" susugudin pa sana siya ni Kkura pero inawat namin siya, napa-atras ako nung bumunot ng baril yung lalaki. "Kala mo natatakot ako diyan." bago pa masugod ni Kkura yung lalaki hinampas na ni Hyewon yung ulo nung lalaki sa sasakyan niya.

"Tara na." sambit ni Hyewon at naglakad na, sumunod nalang kaming tatlo sakaniya mukha namang hindi pa magigising yung lalaki.

"O-okay ka lang?" lumapit si Kkura kay Chaeyeon-noona. "May masakit ba sayo?" nagulat ako nung yakapin niya si noona.

"Ehem, tara na uwi na tayo." nauna nang sumakay si Eunbi-noona.

"Buti hindi ka nakisali, hindi ko alam kung paano ka pipigilan kapag nagkataon." nginitian ko si Minjoo.

"Kawawa na yung lalaki dadagdagan ko pa." inalalayan ko siya sa pagsakay sa bus, hindi naman nilayuan ni Kkura si Chaeyeon-noona. Hindi sila nag-uusap, pero sa paghikbi palang nila pareho habang nakaakbay si Kkura kay noona at nakayakap si noona kay Kkura. *Alam kong natakot sila para sa isa't isa.*






Nang makarating na kami nila Wonyoung at Chaewon sa bahay namin, nagpahinga na muna ako bago maligo. Nang masiguro naman na ni Eunbi-noona na naihatid na kaming lahat, nagpaalam na siya na matutulog na sa group chat namin.

ahn_daengdaeng: gUd niGhT gUys.
CEOChoi: hala? anu yan?
kwangbae: CEO pa nga?
kkura-san001: baka CEO.
fairy_ssamu: anu ba 'yang mga pangalan niyo dudes, ang babaho!
NAKO-chan: baka fairy?!
hii_bbang: sana all big, parang yung letters🙄
goddess_jang: fairy pa nga
goddess_minguri: bakit may goddess akong nakikita?
feather_yeon: GUYS THANK YOU KANINA!! kkura-san001
feather_yeon: bakit ganiyan pangalan niyo, masyadong proud sa self?
ahn_daengdaeng: special mention!!
NAKO-chan: HITOMI!! BUKSAN MO 'TONG PINTO!! SISIRAIN KO 'TO!!
hii_bbang: hala nagalit?
CEOChoi: labs ayaw mong sumali? pasmadong_bunganga
pasmadong_bunganga: saan?
pasmadong_bunganga: CEOChoi ang baho daw ng pangalan mo sabi ni dad
kkura-san001: 😊 feather_yeon
kkura-san001: pasmado nga
fairy_ssamu: may pinagmanahan!
pasmadong_bunganga:  (Change CEOChoi's nickname to bibekong_malandi)
kwangbae: FIRST BLOOD!!
pasmadong_bunganga: (Change bibekong_malandi's nickname to joke_lang)
goddess_minguri: double kill
pasmadong_bunganga: (Change joke_lang's nickname to Yena_ni_Yuri)
fairy_ssamu: ay ang landi
hii_bbang: prens send help galit na talaga si kambal
feather_yeon: niloko mo pa kasi
hii_bbang: (Change NAKO-chan's nickname to baby_GIANT)
baby_GIANT: 🖒
hii_bbang: #safe #stillalive #stillbeautiful
goddess_jang: ay iba din!
kwangbae: keep safe hii_bbang
hii_bbang: kyaaaahh! huwag magpakilig kung hindi sasaluhin
ahn_daengdaeng: anu ba yan ang bagal ng signal!
goddess_jang: ikaw na nga lang nakikikonek sa wifi ko ikaw pa gali

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?