JINJOO II (Chapter 12)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin's Pov 

Dumating na yung araw nang birthday ni Wonyoung at hindi parin kami nagkaka-ayos ni Minjoo.

"Alam mo kasi dongsaeng, kausapin mo na si Minjoo huwag mong gayahin si Kkura." inakbayan pa ako ni Yena-hyung.

"Hoy Yena, ikaw na bibe ka dinig kita hanggang dito." napabuntong hininga nalang ako, nasa magkabilang section lang naman kami nang grocery store. Isipin niyo yun nagsasagutan silang dalawa kahit na may namamagitan sakanilang 10feet height na stall, tapos may mga tao pa kaming kasabayan na mamili. *Ngayon alam ko na kung bakit humiwalay si Hyewon sa'min!*

Tinitignan naming dalawa ni hyung yung mga nakalista sa papel na binigay samin ni Eunbi-noona, hindi kami pumasok para dito.

"Langya, wala talaga akong maintindihan. Hindi ko nga alam kung may pinagka-iba ba 'yang mga yan." katulad ko sumuko narin si Yena-hyung.

"Yena?" pareho kaming napatingin dun sa nagsalita. "Yujin? Kamusta ka na hijo?" yumakap samin yung mom ni Yuri.

"Okay na po tita, gwapo parin naman po." natawa siya.

"Ang hangin mo talaga dongsaeng." umirap pa si hyung.

"Oo nga pala, nagpaalam si Yuri na meron daw kayong over night sa bahay nila Hyewon." napatango kami ni hyung. "Siguro namimili na kayo ngayon, kailangan niyo ng tulong?" nagkatinginan kami ni hyung at napangiti sa isa't isa. 

 

"Thank you talaga tita." palabas na kami ngayon nang store.

"Wala yun, oo nga pala diretsyo na ba kayo kela Hyewon?" tumingin siya sa relo niya na nasa palapulsuhan.

"Opo tita." sagot ni Yena-hyung bago sagutin yung tawag sa cellphone niya. "Ahh, sige sige." napakamot siya sa batok niya.

"Bakit hyung?"

"Nauna na sila Hyewon, mag-aayos pa daw kasi sila sa rooftop." napatango ako.

"Sabay na kayo sakin, malapit lang naman dun yung bahay namin." napabuntong hininga nalang kami ni hyung.

"Alam mo tita, the best ka talaga." sambit ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

"Naku nambola ka pa, hindi mo naman kailangang magpaimpres sakin." natawa ako sa sinabi niya.

"Sino po ba dapat?" napa-iling si hyung.

"Huwag kang tumigil lulumpuhin kita." natawa lang ako sa sinabi ni hyung.

"Hahahahahahaha! Tita oh, payag ba kayo niyan nanglulumpo yung mapapangasawa ni Yuri." natawa nalang si tita sa sinabi ko.

Napuno nang tawanan yung biyahe namin papunta sa bahay nila Hyewon, at syempre si hyung ang taya kaya wala siyang takas sa pang-aasar ko.

"Thank you po talaga tita." tinulungan na muna namin siyang ma-ipasok yung mga pinamili niya bago namin bitbitin ni hyung yung tiglimang plastic bag na dala namin.

"Enjoy kayo later ah." tumango kami ni hyung bago muling nagpasalamat sakaniya.

"Grabe ang bigat." reklamo ko nang ma-ilapag ko na yung mga bitbit ko.

"Paano pa kami?" si Kkura.

"Kasalanan ba naming bumili kayo ng dalawang box ng soju?" si Yena-hyung. *As in box na medium size!*

"Tss, ang alam kasi namin katulong namin kayo sa pagbubuhat. Tapos makikisabay pala kayo sa mom ni Yuri, hindi naman pwedeng makita niyang may dalawang box ng soju kaming binili." si Hyewon.

"Hindi naman ata ganun kabigat yan." usal ko at sinubukang buhatin yung box ng soju. "Anak ka nang, hyung nabali ata yung buto ko sa likod." tinulungan naman ako ni Yena-hyung na makatayo ng maayos. "Ilan ba laman niyan?"

"Dose." binuksan ni Kkura yung isang box. "Tutal naayos na namin yung rooftop, akyat niyo na yan." binatukan ni Yena-hyung si Kkura.

"Talagang binuksan mo muna bago mo ipaakyat samin." natawa kami ni Hyewon.

"Wala ba kayong cooler?" tanong ko.

"Naakyat na namin sa taas, may yelo na kasi kaya hindi na namin nilagay yung mga alak dun mabigat masyado." si Hyewon.

"Wala talagang pakisama, parang hindi kaibigan." sabi ko at binuhat na yung isang box.

"Napakamatampuhin mo talaga, daig mo pa si Minjoo." tinulungan ako ni Kkura sa pagbubuhat paakyat sa rooftop.

"Washap Minami." tumabi ako sa kapatid ni Hyewon pagkatapos naming ma-iakyat lahat nang pinamili at gagamitin namin.

"Oppa, I heard that Hyewon-oppa hang out with Lee Gaeun last Friday." napatingin ako kay Hyewon.

"Don't mind that too much." tumango siya.

"I just don't want him to suffer again, I can't really imagine how could he indure all of the pain that Gaeun gave to him." pinagkrus niya yung mga braso niya. "Then our parents mistreated him as their own son just because of his wrong doings, I really want to met this girl he's admiring since we left him here to tell her thank you for giving strength to my brother." napakunot yung noo ko.

"That means, since he was young he already knew this girl?" tumango si Minami.

"Remember, we supposed to stay here for few days just to visit auntie at the hospital." si mom yung tinutukoy niya. "I'm too young to understand why my brother act like that before, but years pass by I finally understand why he choose to stay here." tumingin siya sakin. "There's someone who makes him fall in love." napatango ako.

"Well, who ever that girl thanks to her." napatingin kami kay Hyewon.

Siya yung tipo ng tao na tahimik tapos bigla nalang mag-iingay, masyado din siya ilag sa taong hindi siya interesado kaya kahit na maraming nagkakandarapang babae mapansin lang niya hindi niya parin nagagawang makipagkilala sakanila. Minsan magugulat ka nalang sa kaweirduhan niya, biglang magsasalita nang mga lengwaheng alien-este lengwaheng pangmatatalino, minsan may pagka-isip bata depende sa sitwasyon. Kung minsan nga akala namin iniisip na niya kung paano mapapaunlad yung negosyo niyang itatayo sa hinaharap dahil sa pagkatulala niya, yun pala iniisip lang niya kung ilang oras na siyang hindi kumakain at kung anu ang dapat niyang kainin sa mga susunod na oras.

"You think this girl is one of our circle of friends?" tumingin ako sakaniya.

"I think so, sometimes I think she's Yeojin-unnie." natawa ako.

"What?"

"You know, sorry to say this but when unnie died that was the time he had a relationship with this Gaeun girl." napatango ako *Sabagay?* *Kaya siguro ayaw niyang sabihin sa'min?* "Well, I don't know because every time that I ask him about this girl he just says 'She's the one' how could I possibly know her with that." napabuntong hininga ako.

"Maybe he's just waiting for the right time." pareho kaming napatango.

"Minami, stay downstairs for a while your unnies are coming wait for them there." nagpapabaga na si Hyewon para sa barbeque.

"Don't act like you know how to cook, argh." pang-aasar ni Minami sa kuya niya habang pababa nang hagdanan.

"Para namang napakahirap mag-ihaw." tumingin siya sakin. "Kung tumutulong ka kaya dito, talagang niligawan mo muna si Minami habang kami nagpapagod dito." lumapit ako sakanila.

"Anu bang gagawin natin?" tinignan ko yung mga sangkap na nasa harapan naming apat.

"Magluluto." pamimilosopo ni Kkura.

"Alam ko pero paano?" inirapan ko pa siya.

"Langya, magelectric grill nalang tayo. Paubos na yung uling, hindi pa pala natitimplahan yung barbeque." binuhusan ni Hyewon ng tubig yung ihawan. "Sh!t!!" pati kami halos mapasigaw nung parang halimaw na lumaki yung apoy sa ihawan.

"KANG HYEWON!!" parepareho kaming napalunok.

"Noona naman, malay ko bang gas yung nabuhos ko." parang batang nakaupo si Hyewon habang nakasangga yung mga braso niya sa ulo niya.

"I told you unnies, none of them can cook." umupo si Minami sa pwesto niya kanina.

"Dudes, astig yung magic show mo." natatawang tinapik pa ni Chaewon si Hyewon.

"Kim Chaewon?" tumingin si Chaewon kay Eunbi-noona.

"Sabi ko nga tatahimik na, washap mga dudes." nakipag-apir pa siya sa'ming mga lalaki. "Ngayon ko lang napansin, marami palang chixx na nakatira dito." tumakbo siya palapit sa railings ng rooftop nila Hyewon. "Yown oh, twiwit!!" nagkatinginan kaming apat na lalaki at tumabi kay Chaewon.

"Ateng nakagreen, kinagat yur namber?!" sigaw ni Kkura.

"Miss Hyewon nga pala, pero kung gusto mong babe pwede naman!!" natawa kaming lima.

"Miss, cutie Yujin nga pala disenuebe na ako bukas baka pwede na!!" nag-apir kaming lima.

"Girl na nakablack, Yena nga pala kaso taken na nandito nga yung girlfriend ko oh." tinignan namin siya.

"Doon ka, hindi ka kasali baho mo." tinulak siya ni Chaewon palayo sa railings. "Miss saan kayo nag-aaral?!!" sumigaw sila, mga nagpapractice ata. "Ay, walang panama sa school natin yun." tumingin siya sa'ming tatlo. "Pag-isipan namin ah!!"

"Huwag pa kayong tumigil, isa isa ko kayong itutulak diyan." napaharap kami kay Eunbi-noona.

"Chaewon kasi eh." bahagya ko pa siyang tinulak.

"Basta ako, loyal." si Yena-hyung.

"Di naman faithful." sabay na sabi naming apat.

"Gosh, Chaewon? Sabi ko sayo itigil mo na yung kakahithit." napasapo pa si Wonyoung sa noo niya. "At ikaw? Argh!! So insensitive." hindi ko alam kung sinong sinasabihan niya kasi nakatakip yung kamay niya sa mukha niya.

"Sino daw insensitive?" bulong ni Kkura.

"Insensitive ba yun? Akala ko insecsitive." napakamot pa si Hyewon sa ulo niya.

"Insensitivity? Parang sa ngipin yun diba?" tanong ko.

"Ewan ko sa in

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?