JINJOO II (Chapter 8)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin's Pov 

Isang linggo na ang nakakalipas mula nung lumabas kaming magkakasama-ulit, pero hindi parin kami nagsasama sama tuwing lunch time kagaya ngayon. Hindi namin kinaka-usap si Yena-hyung dahil wala talaga siya sa mood, ewan pero dahil ata sa nangyari kay Yuri kahapon.

"Sabi ko na eh, pagsisisihan niya yung mga pinaggagagawa niya." bulong sakin ni Hyewon.

"Girl look at this, bagay ba sakin?" napatingin kami kay Wonyoung.

"Mahgahdnis Wonyoung, you look beautiful but how about use some purple color." tinignan ni Chaewon kung may purple na kulay ba ng contact lenses si Wonyoung.

"May gala ba tayo mamaya?" tanong ko sakanila.

"Walang kapaguran? Araw araw gala?" si Hyewon.

"Yow! Yena, alam mo huwag mo nang problemahin si Yuri." tinignan lang namin si Kkura *Nahihibang na ba siya?*

"Hindi naman yun yung kinaiinis ko, yung mga ginagawa ko sakaniya yun yung nakakainis." napahilamos si Yena-hyung sa mukha niya.

"Bakit kasi hindi mo pa ligawan?" gusto ko na hilain si Kkura palayo kay Yena-hyung pero hindi ako makakilos. "Baka naman naduduwag ka nanaman, anu hahayaan mo nalang siya na maagaw ng iba?" napalunok ako. "Hindi parin ba lumalabas yung dagang nagtatago diyan sa puso mo?" nakita ko yung panggigigil ni Yena-hyung. "Maaagawan ka nanaman b-" sinuntok na siya ni Yena-hyung *Ito na nga ba sinasabi ko eh.*

"Anu?" tumayo si Yena-hyung at sinuntok ulit si Kkura, natawa lang si Kkura at binawian si hyung.

"Totoo naman yung sinasabi ko diba?!" nagsuntukan na sila, tumayo na ako.

"Hyung, tama na." hinila ko si Yena-hyung.

"Ikaw? Anu natatakot ka? Na baka totoong ikaw talaga yung pumatay kay Yeojin?" nginitian niya ako.

"Anong sabi mo?" tumakbo ako papalapit sakaniya. "Anu?!" pinaulanan ko siya nang suntok at sapak.

"Diba may sakit ka sa utak, baka ikaw talaga pumatay sakaniya." lalo akong nagalit at mas nilaksan pa yung pagsuntok at pagsapak sakaniya.

"Anu ba kayo?" hinila ako ni Hyewon  at tinayo niya si Kkura. "Anong trip niyo?" tinulak ni Kkura  si Hyewon.

"Ikaw anong trip mo?" natawa si Kkura. "Alam mo nang baliw na baliw 'tong isa dun sa babae, talagang kailangan trip mo din." tinulak niya ulit si Hyewon. "Dakilang mang-aagaw ka ba?" natawa si Hyewon.

"Bakit ikaw? Diba pinatos mo si Eunbi tsaka si Chaeyeon? Dakilang mangtutuhog ka ba?" nagulat ako sa sinabi ni  Hyewon, ngumisi si Kkura at doon na nagsimula yung suntukan nila.

"Napaka walang isip niyo talaga, nasa cafeteria tayo tsaka niyo na-isipang maglabasan nang baho." napatingin ako kay Chaeyeon-noona. "Lumabas na kayong lahat tapos na yung lunch break." sumunod naman yung mga estudyante *School Supreme Government President lang naman siya.* nagsusuntukan  parin sila Kkura at Hyewon. "Awatin niyo." utos niya sa aming dalawa ni Yena-hyung.

"Kkura." hinila ko na si Kkura.

"Hyewon." tinayo ni Yena si Hyewon.

"Pwede na ba tayong mag-usap ngayon?" pinagkrus ni Chaeyeon-noona yung mga braso niya, umayos naman kaming apat nang tayo. "Ikaw?" tumayo siya sa harap ni Yena-hyung. "Kailan ka ba matututong sumugal sa pag-ibig?" lumakad siya sa harap ko. "Bakit ba ganiya ka kaguilty? Ikaw ba pumatay sakaniya?" lumakad siya sa harap ni Hyewon. "May galit ka ba kay Yena? Hindi ka pa ba masaya na nakuha mo yung unang babae na minahal niya?" bumalik siya sa pweto niya kanina. "Kailan mo ako balak komprontahin?" napabuntong hininga siya. "Principal's office?" naglakad na siya. 

"Ikaw kasi." nagtulakan silang tatlo.

"Tumigil na nga kayo!!" napatingin ako kay Minjoo, hinahagod niya yung likod ni Wonyoung. "Maawa naman kayo sa sarili niyo, sa amin at lalo na kay Wonyoung." humahagulgol parin si Wongyoung.

"Naghihintay ako sa inyo." napatingin kami kay Chaeyeon-noona at sumunod.

"Minjoo I'm sorry, Wonyoung?" tumingin lang sila sakin.

Habang nasa principal's office kami nakayuko lang ako at  pinakikinggan yung sinasabi ni Principal Park, pero hindi ko yun naiintindihan dahil lutang ang isip ko. *Diba may sakit ka sa utak, baka ikaw talaga yung pumatay sakaniya.* Hindi parin mabura sa isip ko yung mga  sinabi ni Kkura sakin, *Did I really killed her?* napabuntong hininga nalang ako.

"Hindi ko na ipapatawag ang mga magulang niyo, basta ipangako niyo lang na hindi na 'to mauulit pa at Ms. Lee ilangay mo nalang yung record nila sa log book nang late penalties isang linggo silang late." napangiti siya. "Kilala ko na kayo simula palang nung mga bata pa kayo, sana yung pagkakaibigan na nabuo nang mga magulang niyo ay hindi masira dahil sa mga nangyayari sa inyo." tumayo si Principal Park. "Go back to your classrooms." tumayo na  kaming apat at nagpasalamat bago lumabas.

"Hayss, hindi na nga kayo mabura bura sa records ko nang mga away na nakasangkutan niyo gumawa nanaman kayo ng bago." huminto kaming apat sa paglalakad at humarap kay Chaeyeon-noona. "I will keep this to unnie and even to our parents, just please this would be the last?"

"Pwede pati na rin kay Yuri?" napatingin kami kay Yena-hyung. "Masyado na akong sira sa kaniya dahil sa mga kalokohan ko, kahit ito lang?"

"I can't promise." tumalikod na si noona at naglakad palayo.

"We will keep this from her." naglakad narin si Hyewon palayo.

"I don't need to promise anything, I don't even know if she knows my name." sumunod na si Kkura sa pag-alis.

"I'll try."  naglakad na ako palayo *Ayoko nang pumasok.* naglakad ako papunta sa gate. "Manong guard pwede na po bang umuwi?"

"Hindi pa, saan ka ba pupunta?"

"Uuwi nga po." natawa siya.

"Kung ayaw mong pumasok sa klase mo maghintay ka nalang diyan na mag-uwian." napabuntong hininga ako at umupo sa bench na katabi nang guard house, naglaro nalang ako sa cellphone ko para hindi ako maburyo.

"Anak ka nang?!" halos ibato ko yung cellphone ko nang magshut down yun.  "Hayaan na nga kalahating oras nalang naman." pumitas nalang ako ng halaman at hinimay himay yun. "Ang baho naman!" kinuha ko yung alcohol sa bag ko  at pinanghugas sa kamay ko.

*BELL RINGS!!*

"Sa wakas uwian na." tumayo na ako at naglakad palapit sa gate.

"Ito na bubuksan ko na." tumayo si manong guard nang tignan ko siya nang masama. *Hahahahahaha syempre biro lang yun.* 

Papasok na ako sa convenience store nang maalala kong under age pa nga pala ako, lumapit ako sa isang lalaki na nakatambay sa labas habang nagyoyosi.

"Pwede po bang makisuyo, pabili naman po ako ng alak yung sa lata po na kulay puti." natawa siya.

"Sweet corn beer?" tumango ako. "Sige ba, basta may ibibigay ka sakin?" tumango ako.

"Tatlo po ah." nakangiti siyang pumasok sa convenience store, medyo lumayo naman ako dun sa hindi ako makikita ng mga nagtatrabaho sa convenience store.

"Oh, ito yung resibo at sukli." nagbow ako sakaniya.

"500,000 ₩, pwede na po ba yan?" ngumiti siya.

"Sobra pa." tumalikod na siya pero agad din siyang humarap sakin. "Paalala lang bata, ang alak sa tsyan nilalagay at hindi sa ulo." tumango ako at naglakad na.

Nainom ko na yung huling lagok ko sa pangalawang lata ng alak na nabili ko nang makarating ako sa sementeryo.

"Beep,  beep, beep." natatawang sabi ko habang binubuksan yung pangatlong alak na dala ko. "Bawal magdrive nang lasing, pero wala namang nagsabing bawal maglakad nang lasing hahahahahahaha. Ibig sabihin, hindi ako mahuhuli." alam ko pa yung nangyayari sa paligid ko ang kaso nga lang hindi ko na kontrolado yung katawan ko. "Ang alak sa tsyan nilalagay at hindi sa ulo, malamang pag-ininom ko 'to hindi naman 'to dadaloy paangat kundi pababa si manong parang si Chaewon lakas ng amats." napahinto ako sa paglalakad nang may makita akong pigura nang isang tao na naka-upo malapit sa puntod ni noona. *Tsk, biruin mo yun kung kailan lasing ako tsaka ko mabilis na nahanap yung puntod nila.*

Papalapit na ako sa taong dumalaw sa puntod nila mom at noona nang makilala ko yung boses niya kaya napahinto ako sa paglalakad.

"I'm sorry Yeojin, I'm really sorry." bumuntong hininga ako at naglakad ulit. *It's been years since the last time I saw him.*  "I'm really sorry, sobrang lasing ako nung gabing yun hindi ko napigilan yung galit na nararamdaman ko. I'm really sorry, naiintindihan ko naman na ayaw mo talaga sakin na hanggang magkaibigan lang tayo pero dahil sa pagmamahal ko sayo hindi ko alam na magagawa ko yun I'm really sorry." naiyukom ko yung kamay kong may hawak na lata.

"What the did you say?" sinipa ko siya na naging dahilan para matumba siya sa damuhan. "Ikaw yung best friend niya, ikaw dapat yung poprotekta sakaniya!!" binato ko sakaniya yung lata na hawak ko at sinugod siya. "Limang taon! Limang taon kong sinisisi yung sarili ko dahil sa ginawa mo sa kapatid ko!!" halos hindi ko na maramdaman yung pagtama nang kamao ko sakaniya, basta mailabas ko lang yung galit ko. "Pinagkatiwalaan ka namin, bakit hindi ka nagsabi nang totoo sa korte!!" nanlalabo na yung paningin ko dahil sa mga luhang lumalabas sa mga mata ko, pero tuloy parin ako sa pagsuntok at pagsapak sakaniya.

"Yujin." hindi ko alam kong sinong nagsabi nun,  o kung may tumawag ba talaga sakin.

"Papatayin kita!!" huling suntok sa huling suntok na yun malalagutan na siya nang hininga, sa huling suntok na yun hindi na siya masisikatan pa nang umaga, sa huling suntok na yun makakaganti na ako sa ginawa niya sa   kapatid ko, pero bago pa tumama sakaniya yung huling suntok na yun nakahiga na rin ako sa damuhan.

"Yujin please tama na?" tumingin ako sakaniya, basang basa na yung mukha niya nang mga luha. "Yujin please?" sa mga oras na 'to ramdam ko ang panaka nakang malakas na pagpintig ng puso ko, hindi dahil sa kilig na lagi niyang dinudulot kundi dahil sa gulat at alaalang nakita ko. *I let him in! I'm the one who open the door for him! I let the killer enter our house and let him kill my sister in my sight!*

"I killed her." napabangon ako. "Minjoo I killed her." hinawakan niya yung magkabilang pisnge ko.

"No, Yujin wala kang pinatay." yumakap siya sakin. "Wala kang pinatay, makinig ka sakin!" lalong humigpit yung pagkakayakap niya sakin. "Sakin ka makinig!! Huwag kang makikinig sa mga naririnig mo o nakikita mo!! Sakin ka lang makinig!!" yung malalim kong paghinga ay unti unti nang bumabalik sa normal, pero ang alaala nang kapatid kong naliligo sa sarili niyang dugo ay parang litratong nasa harap nang mga mata ko ayaw nitong mawala.

"Minjoo?" lalo pang humigpit ang pakakayakap niya sakin, ramdam ko narin ang mga luha niya  sa balikat ko.

"Ipikit mo yung mga mata mo."  sinunod ko siya. "Huminga ka nang malalim." humiwalay na siya sa pagkakayakap niya sakin.  "Ngayon tignan mo ako." idinilat ko ang mga mata ko.

"Minjoo." yumakap ako sakaniya, at sa pagyakap kong yun ay nakita ko yung kaganapan na naiwan ko. Isinasakay na ngayon si Minhyuk sa ambulansya, si mom na  nakaluhod na umiiyak habang nakayakap kay dad, si Wonyoung na nakatingin sa kung saan at humahagulgol, si Eunbi-noona na umiiyak habang nakaalalay sakaniya si Yena-hyung. "Minjoo, narinig ko siya. Siya yung pumatay kay noona."  bulong ko habang nakayakap par

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?