JINJOO II (Chapter 13)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin's Pov

Kamag-anak ata ni Teacher Chou yung panahon at napakabilis lang na nagdaan ang mga araw, December na at apat na araw nalang bagong taon na. Magkakasama kaming apat na lalaki papunta sa bahay ni Sian-hyung.

"Hyung, wala ka talagang balak sumama bukas?" tanong ko habang prenteng nakahiga sa sofa niya.

"Kilala niyo naman si dad, kulang nalang talian na ako sa leeg." tumabi siya kay Kkura.

"Sayang naman, huwag kang mag-alala bibigyan ka nalang namin ng credit para sa surprise natin dapat." si Yena-hyung.

"Oo nga pala, ngayon na natin susubukan yun diba?" tinignan niya kami.

"Kaya nga kami nandito hyung." natatawang sabi ko.

"Sige wait lang, magbibihis lang ako." tinanguan lang namin siya.

"Iniisip na ni Yuri nambababae ako, lagi daw kasi akong umaalis." napabuntong hininga si Yena-hyung.

"Tsk, hindi ka pa naman nanliligaw sakaniya diba?" inosenteng tanong ni Hyewon, nagkatinginan naman kami ni Yena-hyung *Akala mo matatago mo pa ah!*


[FLASHBACK]

Nag-ayang manuod sa sine si Minjoo, yung idol niya daw kasi yung gumanap sa palabas na showing ngayon. Habang nakapila kami sa ticket booth, may namukhaan akong tao sa 'di kalayuan. *Si Yena-hyung ba yun?*

"Tara na." hinila ako ni Minjoo papunta sa tindahan nang popcorn.

"Nasaan na yun?" palinga linga ako at hinanap siya.

"Sino bang hinahanap mo? Babae mo?" napatingin ako kay Minjoo.

"Anong babae?" kunot noong tanong ko sakaniya. "Ikaw lang diba." inakbayan ko na siya papunta sa pila nung panonoorin naming palabas.

Tapos na yung naunang oras samin at nililinis nalang yung loob nang sinehan. Pagpasok namin sa loob, sa medyo gitna kami pumwesto.

"Ayan na magsisimula na." tinignan ko lang si Minjoo.

"LANGYA!" napatakip ako sa bibig ko. *Lost Love yung title pero may multo? Putek na yan!!*

"Ang ganda." na-iiyak na sabi ni Minjoo pagkatapos nung palabas.

"Horror yun?" tumango siya. "Anong maganda dun?" nakahawak parin ako sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nagpigil nang sigaw dahil sa gulat, tapos siya mangiyak ngiyak sa tuwa?

"Nagugutom na ako." humawak siya sa kamay ko.

"Tss, sa susunod balaan mo naman ako." ginulo niya yung buhok ko at hinila na ako patayo.

Habang naglalakad kami palabas may nakabanggaan akong isang lalaki.

"Sorry." pareho kaming nagulat nang makita namin yung isa't isa.

"Yujin?" sambit niya, napatingin ako sa kasama niya at lalo na doon sa mga kamay nila.

"Kailan pa?" kumunot yung noo niya sa tanong ko.

"Hindi pa kami, nagdedate palang kami." bulong niya sakin.

"Hyung kailan pa nga?" natatawang tanong ko.

"Pagkatapos nung birthday mo." sabay na kaming naglakad.

"Bakit tinago mo samin?"

"Di ko naman tinago, basta samin nalang muna ni Yuri." tumango tango ako.

"Paano ba 'yan, alam narin namin?" natatawang  sabi ko.

"Subukan mong sabihin sakanila."

Sabay nalang kaming nagdate para kung sakaling may makakitang kaibigan namin hindi na mukhang nagdedate yung dalawa. Kaso mas sweet pa sila samin ni Minjoo, parang wala rin.

[END OF FLASHBACK]

"Ikaw nga umamin sa'min, nagkakaligawan na ba kayo ni Yuri?" usisa ni Kkura.

"Tsk, oo na." sagot ni Yena.

"Nagtatago ka na ah, so anu nang lagay niyo? Sinagot ka na ba?" si Hyewon.

"Hindi pa, pero maghihintay ako." napatingin kami kay Sian-hyung nang makalabas na siya sa kwarto niya.

--------------------------------------------------

 

Pagkarating namin sa kompanya nang dad ni Yuri agad na kaming pumunta sa garahe kung saan namin ginawa yung surprise namin sa girls.

"Buti talaga napapayag mo yung mga magulang ni Chaewon." sabi sakin ni Sian-hyung.

"Ang sabi naman nila, para talaga sa atin yan. Kaya nung sinabi ko yung plano natin, pumayag sila kagad." nauna na ako sumakay sa mini bus.

"Start ko na ah." si Sian-hyung.

Nakatayo kaming lima habang nakatingala.

"Ito yun diba?" turo ni Hyewon sa isang buton, bago yun pindutin.

Dahandahang bumukas yung taas nung bus at bumaba yung flat screen t.v., sunod na pinindot ni Hyewon yung para sa pagbukas nang lalagyanan ng wireless na mic, songbook at remote.

"Try kayo nang kanta." utos ni Kkura, nagtry naman kami ng kanta.

"Anu ayos na ba?" pumasok si tito.

"Ayos na po, kaso paano po kapag umaandar yung bus?" saad ko.

"Edi try natin, ako magdadrive."

Habang nag-iikot kami sa bakanteng lote ng  kompanya nila tito, nagtry pa kami ng ilang kanta.

"Oo nga pala, tinted na yung mga bintana at lahat nang pwedeng matignan mula sa labas." binalik na namin sa ayos yung ininstall naming videoke sa mini bus nila Chaewon.

"Thank you po talaga tito." sabay sabay naming sabi.

"Ito ba yung gagamitin niyo bukas?" tumango kami. "Paano niyo 'to i-uuwi?"

"Bukas tito dadaan ako dito kasama yung driver nila Chaewon, hindi rin kasi ako makakasama bukas." paliwanag ni Sian-hyung.

"Sige, sasabihan ko nalang yung mga tauhan ko para makapasok kayo bukas." may tumawag sakaniya. "Sige, mauna na ako ingat kayo." nagpasalamat kami ulit sakaniya bago nagbow.

"So anu, kayo nang bahala bukas ah." naglakad na kami papunta sa kinaroroonan ng sasakyan ni Sian-hyung. "May balak ba kayo ngayon?"

"Babawi kay Yuri." agad na sagot ni Yena-hyung.

"Oo nga, ilang linggo tayong naging busy para dito." saad ko. "Baka maghinala narin si Minjoo sakin."

"Kayong dalawa, wala ba kayong babawian?" pang-aasar ni Sian-hyung kay Hyewon at Kkura.

"Ikaw bawian ko diyan, gusto mo yun?" si Kkura.

"Tsk, bakit kasi hindi mo ligawan ulit." sumakay na kami sa sasakyan ni Sian-hyung.

"Lakas ng trip mo sakin Sian, bakit hindi si Hyewon pagtripan mo." inis na sambit ni Kkura.

"Ikaw lang naman katrip trip dito satin." natatawang sabi ko.

"Bad finger for you." pinakita niya sakin yung hintuturo niya.

"Baka bad finger." sabi ko.

"Apat lang kasi daliri niyan kaya ganiyan yung bad finger niya." natatawang sabi ni Hyewon.

"Gaya mo ako sayo." tinawanan lang ni Hyewon si Kkura at pinakita yung bad finger niya.

"Hahahahahaha, balagbag talaga 'to si Hyewon." napapa-iling na sabi ni Sian-hyung.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

[KINABUKASAN]

Alas tres palang ng umaga gising na kami, sa bahay namin natulog sila Minjoo at Yuri, sila Hyewon at Kkura naman sa bahay nila Yena-hyung tapos yung kambal syempre kela Eunbi-noona.

"Ang lamig." nag-inat inat ako habang pababa ng hagdan.

"Hindi ka nanaman maliligo niyan." pang-aasar ni Chaewon sakin.

"Sakalin kita diyan." pumunta ako sa kusina. "Mom, ang aga mo namang gumising?" yumakap ako sakaniya.

"Para naman may mabaon kayo kahit papaano." tuloy lang siya sa pagluluto.

"Nakakaselos naman yung kasweetan ng anak ko." lumapit ako kay dad. *Hindi ata gumagana yung english dictionary ni dad ngayong madaling araw.*

"Good morning." yumakap ako sakaniya.

"Na-impake mo na ba yung mga kailangan mo?" si mom.

"Ahn Yujin, anu dalawang t-shirt at pantalon lang talaga dadalhin mo?" pinakita pa ni Wonyoung yung gamit ko.

"Tsk, edi ikaw mag-ayos." binatukan ako ni dad.

"Ikaw talaga, ilista mo lahat nang dapat dalhin nitong kuya mo hayaan mo siyang mag-impake." saad ni dad.

"Ilista? Eh listahan nga ng bibilhin sa grocery hindi niya maintindihan, mga iimpake pa kaya?" napa-irap pa si Wonyoung.

"Kakasama mo kay Yuri, pasmado narin yung bunganga mo." agad naman akong nagulat nang makarinig ako nang sigaw mula sa sala.

"Nageexist ako dito baka hindi mo lang alam Ahn Yujin!!" tinawanan nila ako.

"Tss, bahala na nga kayo diyan." lumabas ako nang bahay.

"DONGSAENG!!" may bitbit sila Yena-hyung na mga lalagyanan ng pagkain.

"Bunganga talaga nito ang ingay." natatawang sabi ni Kkura.

"Hayaan mo na at least hindi quack quack quack yung sinasabi niya." paggatong ni Hyewon.

"Tss, mga weak lang kasi kayo." pumasok na sila sa loob ng bahay namin.

"Dongsaeng." sila Eunbi-noona na may dala namang mga inumin.

"Parang swimming yung pupuntahan natin ah." tinulungan ko sila lalo na si Nako. "Baka hindi ka lumaki kakabuhat nang mabibigat." hinampas niya ako sa braso.

"Pasalamat ka maganda gising ko ngayon."

"Ang dami naman ata nating pagkain?" si Eunbi-noona, nang makita yung dala nila Yena-hyung.

"Yung niluto lang naman ni tita yung babaunin natin, itong dala namin agahan lang natin 'to." binuksan na ni Yena-hyung yung mga dala nila.

"Kulang pa yan para satin." si Hyewon.

"Kapag ikaw talaga kakain kulang pa yan." pang-aasar ko sakaniya.

Pagkatapos naming kumain nag-ayos na ako nang sarili at binitbit yung gamit ko na inayos ni mom kagabi, ininis ko lang talaga si Wonyoung kanina para naman masira yung umaga niya.

"Naligo ka ba?" tinignan ko ng masama si Chaewon.

"Kanina ka pa." pinitik ko siya sa tenga.

"Yujin tulungan mo nga si Eunbi dito." agad naman akong pumunta sa kusina.

"Swimming talaga pupuntahan natin?" natatawang tanong ko.

"Parang hindi mo naman kilala si Hyewon, hindi mananahimik yun nang hindi ngumunguya." si mom.

"Tama ka tita, pati nga si Wonyoung nahawa na sa katakawan niya." inabot sakin ni Eunbi-noona yung dalawang eco bag na may lamang mga tupperware *Bigat naman.*

"Ilalabas ko na ba 'to?" tumango lang si noona at nag-ayos na ulit ng iba pa naming dadalhin.

"Wala pa yung bus?" si Hyewon.

"Aba malay ko, nakita mong galing ako sa kusina." tinawanan niya ako.

"Hindi mabiro, tulungan na kita." kinuha niya sa kamay ko yung isang eco bag. "Nakakalaki ng muscle 'to ah." tinaas baba niya pa yung kamay niya na may dala ung eco bag.

"Gusto mo ito pa para pantay." dinilaan niya lang ako at lumabas na nang bahay, sumunod naman ako sakaniya.

Sakto namang paglabas namin kakarating lang nung bus, pinasakay na muna namin yung mga babae bago namin sinakay yung mga bitbit namin.

"Bye mom, dad." paalam ko sakanila.

"Enjoy kayo." si mom.

"Yena huwag mong  kakalimutan yung pawis mo punasan mo kagad." si tita Choi.

"Mom?" nahihiyang sabi ni Yena.

"Yung sipon mo huwag mong pupunasan ng kamay mo." pang-aasar ni MinHyung-hyung sakaniya.

"Dad si hyung oh."

"Tama naman siya ah, gumamit ka nang pamunas." natatawang sabi ni tito Choi.

"Kkura si Chaeyeon bantayan mong mabuti." si tito Lee.

"Kilig si loko." pang-aasar ko sakaniya.

"Sige po."

Sumakay na ako sa bus.

"Oh, pwestong magjowa." si Nako.

"Himala, wala ka atang pinili sa kambal." nakangising sabi ni Kkura kay Eunbi-noona.

"Ikaw talaga balak kong alagaan, dito ka bilis inggit na inggit ka sa kambal eh." wala namang nagawa si Kkura nang hilain siya ni Eunbi-noona paupo sa tabi niya.

"Hey." tumabi ako kay Minjoo.

"Hanggang ngayon hindi mo parin sinasabi kung saan ka nagpupunta nitong mga nakaraang linggo." napalunok ako *Nahawa na ata siya kay Teacher Chou, walang hingahan magsalita.*

"Kasi nga ma-" napahinto ako nang biglang tumayo si Yuri.

"Sumagot ka." pati ako natakot sa tingin niya kay Yena-hyung. "Saan nga?"

"Yuri naman." halata sa boses ni hyung na takot talaga siya. *Bakit kasi nasa likod nila kami, di ko tuloy makita yung itsura niya.* "Umupo ka, umaandar yung bus oh." hinawakan ni hyung sa kamay si Yuri.

"Sumagot ka muna." napakamot ako sa ulo ko, tumingin ako kay Hyewon tinatawanan niya lang si Yena-hyung. "Sagot." tumayo na ako at lumapit sa unahan ng bus, pagtingin ko kay Yena-hyung natawa din ako. *Takot na takot kay Yuri.*

"Manong sarado ko muna ah." sinarado ko yung  sliding door na namamagitan sa driver seat at sa mga upuan dito sa loob ng bus. "Kung meron man kayong tampo sa'ming mga lalaki pasensya na, alam kong halos mapatay na ni Eunbi-noona si Sian-hyung dahil sa selos." napalunok ako. "Tapos ngayon naman si Minjoo at Yuri sa'min ni Yena-hyung, kay Kkura at Hyewon naman langya kayo bakit hindi kayo yung mag-explain dito?" napakamot ako sa ulo ko. "May surprise kasi kami sa inyo." pinindot ko yung buton para bumaba yung t.v. "Aray." napakamot ako sa ulo ko nung tamaan ako nung t.v.

"Tangkad mo kasi masyado." pang-aasar ni Kkura.

"Palit tayo, ikaw dito." inambahan ko pa siya ng batok, sunod na pinidot ko yung buton para sa lalagyanan ng soongbook, mic at remote. "Sinong gustong mauna?" pinakita ko sakanila yung mic.

"Mga dudes, bakit kayo ganiyan?" lumapit sakin si Chaewon at kinuha yung mic. "Pinapa-iyak niyo naman ako eh." kinuha niya yung songbook at remote sakin. "Dahil diyan kakanta ako ng tears." natatawa akong umupo sa pwesto ko kanina.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" natawa ako.

"Edi hindi na surprise." hinampas niya ako sa braso.

"Yuri duet tayo." tumayo si Yuri at yumakap kay Yena bago pumunta sa gitna k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?