JINJOO II (Chapter 3)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin's Pov

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung dumalaw kami kay mom at Yeojin-noona, sa dalawang linggo na yun balik kami sa normal naming pakikitungo sa isa't isa *Hindi nanaman kami magkakakilala.* Nagkukwentuhan kami nila Kkura at nung dalawang babae tungkol sa birthday ni Hyewon sa darating na Biyernes, nang dumating si Hyewon hawak yung bag ni Yena habang nakasubit pa yun sa dalawang balikat ni Yena.

"Napapadalas yung pakikipag-away nito." si Hyewon.

"Nakakainis kasi." umupo na si Yena kasama namin.

"Pwede mo namang ipagtanggol, pero huwag mo namang patayin sa bugbog yung nambastos." tumabi si Hyewon sakaniya. Hindi na kami nag-usisa pa dahil pareho na silang badtrip.

Habang naghihintay nang Teacher nag-inat inat muna ako dahil mahaba habang oras sa pag-upo nanaman 'to. Ilang minuto nalang magsisimula na ang tukso.

"Good afternoon class." ayan na.

Teacher Park, ito yung tipo nang teacher namin na mapapawow ka. Halos lahat ata-ATA ng babaeng estudyante dito ay kinai-inggitan siya, hot, maganda at talented pa. Pero kakaiba 'to, ito yung kapag nagparusa-parusa talaga, huwag kang sasagot nang pabalang kundi lalabas ka, lagi siguro sila nag-aaway nang boyfriend niya *Teka bakit ba nadamay yung boyfriend niya hahahahaha.*

"Ahn Yujin!!"

"Park Jihyo!!" napatayo pa ako.

"Excuse me? Tinawag mo ako sa pangalan ko? Pangalan ko lang?" *Ayan na ang tukso.*

"Naalala ko lang po yung kababata ko, parehas po kasi kayo ng pangalan." tumango siya.

"Out!! Dun mo alalahanin yung kababata mo at hindi dito sa loob nang klase ko!!" *Tuksong dragon!* napatango nalang ako at lumabas nang classroom.

Umupo ako malapit sa pintuan at sumandal sa dingding tsaka nagbilang nang pwedeng mabilang sa labas.

"Pinalabas ka rin?" napatingala ako.

"Abnormal ka, bakit pinalabas ka nanaman?" natatawang tanong ko kay Chaewon.

"Si Teacher Kim kasi nai-inggit ata sa boses ko." tumabi siya sakin. "Hindi ko naman alam na nandun na siya sa loob ng classroom namin, busy kasi ako sa pag-abot ng high notes sa kanta ayun may lumipad na notes buti nalang hindi ako natamaan." 

"Baliw ka talaga, kapag ikaw nakick out."

"Baka makick out, ang sabi ni Teacher Kim ipapalipat niya na daw ako sa ibang section sa worse section daw tingin ko kela Kkura yun, imposible namang dito sa section niyo eh puro matatalino nandito kaya nga nagtataka ako kung paano kayong napadpad ni Yena dito." bahagya ko siyang tinulak.

"Grabe ka naman samin."

"Ahn Yujin kaya kita pinalabas diyan para parusahan at hindi para makipagkwentuhan, tumayo ka at itaas mo yung dalawang kamay mo sa ere tapos umiskwat ka." agad ko namang sinunod yung sinabi niya. "Kim Chaewon go back to your room." agad namang tumayo si Chaewon at inasar pa ako bago maglakad palayo. *Kitang kita ako ni Minjoo dito oh!!* *Nakakahiya!!*

Nang matapos yung klase ni Teacher Park pumasok na ako sa classroom namin at agad na ipinahinga yung binti ko *Yari ka talaga sakin Chaewon!!* nang pumasok na yung susunod na teacher namin umupo na ako ng maayos.

Teacher Minatozaki, ito yung  tipo nang teacher na pati ata siya hindi maintindihan yung tinuturo niya hahahahahahaha biro lang pero astig 'to parang si Chaewon araw araw may amats. Halos lahat napapalingon kapag siya ang dumaan, hindi naman revealing yung mga suot nila ganun lang talaga yung dating ng mga teacher naming babae.

"Meron bang marunong magjapanese sa inyo?" may mga nagtaas naman ng kamay dahil hindi lang naman korean yung mga nag-aaral dito sa school namin kaya meron talagang magtataas ng kamay. "Natanong ko lang naman." halos mabilaukan ako sa sarili kong laway nang marinig ko yun. *May amats talaga.*

Nang malapit nang matapos yung klase ni Teacher Minatozaki may kumatok sa pintuan, nakisilip din ako sa bintana. *Yung boyfriend niya pala.* *Pantasya din yan ng mga kababaihan.* binuksan ni Teacher Minatozaki yung pinto.

"Dahyun-ah?" malambing na sambit niya. "Sandali, malapit narin naman matapos yung klase ko." nakangiting dagdag niya.

"Ayos lang, gusto ko lang makita yung mga estudyante mo." pumasok na siya at tumayo sa unahan. "Hello everyone, actually I'm roaming in every 12th grade high school rooms to say hello. Since it's your last year here in this school, I want you to enjoy every day that you're staying here." napatango nalang ako. "Ahn Yujin?" *Anu ba yan umiiwas na nga ako ng tingin eh!*

"Ne?"

"You did a great job last game, enjoy your last year as the school's varsity." tumango nalang ako. "I think it's a goodbye for now see you again, sa college building nga lang." bahagya pa siyang natawa.

Sabay na silang lumabas nang classroom ni Teacher Minatozaki, napatingin ako kay Minjoo *Natatawa siya habang umiiling*. Pinsan lang naman niya si Mr. Kim Dahyun na boyfriend ni Teacher Minatozaki at isa sa mga shareholders sa school na 'to, syempre kami lang nakakaalam nun hindi rin sila ganun ka close kapag sa public pero kapag may gatherings yung pamilya nila lagi naman daw silang nag-uusap *Ewan ko ba sakanila!* *Basta lagi akong trip ni Mr. Kim kapag nagkikita kami.*

Dumating na yung susunod na teacher namin, kaya naghanda na ako sa magiging kwento niya.

"Good afternoon class." 

Teacher Im, parang Teacher Minatozaki din 'to kaibahan nga lang nila-wala pareho silang laging lutang medyo maingay din-hindi mali sobrang ingay pala. Pero itong si Teacher Im laging may kwento, lahat ata ng salita sa lesson na tinuturo niya may kwento siya tungkol sa buhay niya. Minsan nga mas may naiintindihan pa ako sa kwento nang buhay niya kesa sa lesson na tinuturo niya hahahahahahaha meron pang isang beses nabanggit niya yung salitang comparison, kinuwento

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?