JINJOO II (Chapter 17)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Minjoo's Pov

Ala una na nang tanghali, dahil may ilang araw kaming pahinga sa trabaho napuyat ako sa pakikipaglaro ng online games kela Kkura.

"Unnie, pwede mo ba akong tulungang magluto?" tumingin sakin si Eunbi-unnie.

"Para naman kanino?" naghuhugas siya ngayon nang mga pinagkainan namin.

"Kay Yujin, alam mo na ilang linggo na kaming hindi nagkikita." tumango siya.

"May mga sangkap ka na bang nabili?"

"Wala pa, pero pupunta ako ngayon sa grocery." tumango siya.

"Bumili ka na muna, isama mo narin si Yuri." tumango ako, at iniwan na siya.

"Yuri? Samahan mo daw ako na mag-grocery." tumingin siya sakin.

"Girl hindi kita sasamahan, mamimili din talaga ako ng para satin makikisabay ka lang." napa-iling ako, balagbag talaga 'to kausap kahit kailan.

Nag-ayos na ako nang sarili ko at syempre kailangan may sapat na kasuotan ako para hindi ako makilala, nagsuot ako ng face mask at salamin bago lumabas nang dorm namin.

"Grabe girl, akala ko bukas ka pa makakalabas." bungad sakin ni Yuri pagpasok ko sa sasakyan namin.

"Sorry naman." nilabas niya yung listahan na dala niya at hindi na ako pinansin.

Tinext ko si Yujin para sabihing pupunta ako sa condo unit niya mamayang dinner. Pagdating namin sa grocery store hindi ganun karami yung namimili, at mabuti yung ganun. Basket lang yung dala ko habang si Yuri may tulak tulak na cart, hindi naman kasi ganun karami yung bibilhin ko.

"Miss ko na talaga si Yena." nakikinig lang ako sakaniya. "Kung pwede lang na puntahan ko siya dun gagawin ko, pero saan?"

"Bakit hindi mo itanong kela tita."

"Natanong ko na, kaso ang sinasagot lang nila America. Ang laki ng America may south and north pa, hindi naman pwedeng mag-ikot ikot ako dun diba." napabuntong hininga siya. *Yena naman kasi hindi na nga nagpaalam, wala pang paramdam.*

Nang mabili na namin lahat nang kailangang bilhin umuwi narin kami kagad, mahirap na at baka may makakita pa sa'min. Tinulungan na ako ni Eunbi-unnie sa pagluluto, at syempre ako na yung nag lagay ng mga pagkain sa tupperware nang may pagmamahal.

"Wow, meron din kami? Buti pa si Minjoo may bahagi tayo kapag pinagluluto si Yujin, samantalang yung isa diyan wala na ngang iniwan galit pa." pumwesto na si Chaewon sa harap nang hapagkainan. "Hindi ko sinasabing si Chaeyeon-unnie yun ah, pero baka siya nga." agad naman siyang nakatikim nang pitik sa tenga niya.

"Ayaw niyo kasi diba? Pag nagtatanong ako ang sagot niyo ayos lang." pumwesto narin si Chaeyeon-unnie.

"Syempre unnie, dapat alam mo na yung sagot namin hindi yung nagtatanong ka pa." si Hitomi.

"Sige sa susunod ipagluluto ko kayo, ang dami niyong sinasabi nagmumukha pa akong masama." nagsimula nang kumain si Chaeyeon-unnie.

"Tignan mo nauna ka pang kumain." si Yuri.

"Girl, yung bunganga mo talaga hanggang ngayon pasmado." natatawang sambit ni Wonyoung.

"Si Nako? Hindi ba siya kakain?" tanong ko.

"Hayaan nalang muna natin, masyado siyang nasaktan sa ginawa nung boyfriend niya." si Eunbi-unnie. "Kumain ka narin muna Minjoo, para hindi ka magutom sa biyahe." tumango ako at sumalo na sakanila.

Pagkatapos kumain nag-ayos na ako at nagpaalam na aalis na, dahil baka gabihin pa ako lalo sa daan ayoko namang mapagod yung driver namin.

"Oppa, sa condo po na tinitirhan ni Yujin." tumango lang siya at nakangiting nagmaneho.

"Alam mo, ayos lang naman na maging pribado kayo sa relasyon niyo. Pero minsan kasi sa sobrang pribado, maraming nakakapasok na hindi dapat sumali sa relasyon niyo." napatingin ako sakaniya. "Nasabi ko lang kasi ngayon napakaraming nali-leak sakaniyang mga babae, mahirap na baka lumagpas sila sa limitasyon." ngumiti siya at nagpukos nalang sa daan. *Hindi ko naman pwedeng sirain yung career niya, lalo na at kakasimula palang niya.* *Kahit naman wala siyang paalam na magmo-model siya, dapat support parin ako.*

Pagdating namin sa condo kung saan nakatira si Yujin, nagmamasid akong naglakad sa lobby bago lumapit sa receptionist.*Mahirap na baka may makakita sakin.*

"Sa unit ni Ahn Yujin." tumango siya bago ngumiti.

"Sige lang po, hindi niyo naman po kailangang magpaalam." ngumiti ako at nagpasalamat.

Dumiretsyo na ako sa elevator at pinindot yung palapag kung nasaan yung unit ni Yujin, may dalawang babae akong kasabay sa loob mukha namang hindi sila interesado sakin. Hindi naman na kasi bago sa mga nakatira dito na makakita nang balot at hindi pinapakita yung kabuoan nang mukha nila. Lumabas na ako kagad nang elevator pagbukas nung pinto nito sa palapag ng unit ni Yujin, nasa bandang dulo pa yung unit niya kaya kailangan ko pang maglakad nang medyo malayo.

"Bakit nakabukas yung pinto niya, nandito siguro sila Hyewon." marahan kong tinulak yung pinto. "Nag-iinuman nanaman ba sila." naglakad ako palapit sa mismong kwarto ni Yujin.

"Minjoo ahhh, Minjoo." *Ungol ba yun?* "Minjoo, tulong! Argh!!" dirediretsyo akong pumasok sa kwarto niya. "Minjoo." nakapikit si Yujin na para bang gusto niya yung nangyayari, habang si Gaeun.

"Hmm, I know you love it." nakapatong sa ibabaw niya, at gumagawa sila nang kababuyan.

"Minjoo, tulong." nabitawan ko yung dala ko na naglalaman ng mga pagkain at wala sa sariling napa-atras. "Minjoo!!" nakapikit parin siya. *Tulong? Bakit hindi pa ba sapat yung isa at kailangan niya pa ng tulong ko?*

Tuloy tuloy nang tumulo yung mga luha ko nang sinubukan kong ipikit yung mga mata ko, agad akong tumakbo palabas nang kwarto niya na sakto namang pagpasok ng isang lalaki sa pinakapintuan nang unit ni Yujin. Pamilyar yung mukha niya pero hindi ko na yun pinagtuonan nang pansin, basta ngayon gusto ko lang makaalis sa kwartong 'to.

"Oppa, umuwi na po tayo." nilingon niya ako.

"May ginawa ba siya sayo?" umiling ako.

"Gusto ko nalang makauwi oppa." tumango siya at nagsimula nang magmaneho.

Pagdating sa dorm nagmamadali akong pumasok sa kwarto namin.

"Bakit ka umiiyak girl?" bungad sakin ni Chaewon.

"Minjoo?" si Chaeyeon-unnie, lumapit siya sakin.

"Unnie." yumakap ako sakaniya tsaka humagulgol. "Unnie si Yujin." dinig ko naman yung pagpasok nila Hitomi sa kwarto namin.

"Unnie?" si Wonyoung, yumakap din siya sakin.

"Chaewon paabot nung cellphone ko." dinig kong sambit ni Chaeyeon-unnie. "Hello?...babe, punatahan niyo nga si Yujin sa unit niya...oo ngayon na!" lahat sila nakayakap na sakin, pati si Nako na hindi magawang lumabas nang kwarto nila mula nung makipaghiwalay siya sa boyfriend niya.

"Anong nangyari? Ba

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?