C-09

Tila ibon kung lumangoy
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Parang mas okay ata yung nakuha nila Rei sa COA.”

 

“Paulit-ulit na kaya yang tipo ng story na yan, mas okay yung iba, parang yung nakuha nila Winter sa COL.”

 

Last week na ng January, nagsisimula na ang masinsinang paghahanda para sa SLC: Cupid’s Arrow. Ang corny nung title, yung B&W kasi nagisip niyan. May maganda yung naisip nila kuya Seungkwan na Love, Louisian.

 

Kasalukuyang pinagdedesisyunan kung aling stories ang mga gagamitin para sa podcast. We need three main stories for the podcast, yun yung mga magiging selling point namin. Kung pumatok sa students yung ganitong type ng entertainment, itutuloy namin siya, independently.

 

Napatingin ako sa seniors sa harap namin. Kinukunsulta namin lahat ng members regarding this matter. So far, mas maraming boto dun sa grupo nila Rei. We split ourselves into two para sa pag-gather ng data. May mga ilan ding nag-submit ng stories sa Google Forms, pero magiging mga transcript lang yun.

 

Kaharap namin si kuya Wonwoo at ate Nayeon ngayon, mukhang magsasapakan na sila anytime.

 

Nilapag nung babae yung papel, “Ano bang masama sa paulit-ulit? Hindi ba mas okay yun kasi marami yung makaka-relate?”

 

Tinaasan siya ng kilay nung lalaki, “Wala naman akong sinabing masama yan, sabi ko lang mas maganda sana if iba naman. Nagsasawa na rin kasi mga tao sa mga ganyan.”

 

Guys, it’s not that serious. Yung kaninang may ingay sa paligid, ngayon ay tahimik na. Tanging yung dalawa na lang ang nagiingay. Sila Karina natigil sa paguusap sa may gilid. Pati yung mga admin, nakatingin na sa amin. Jusko, eksena talaga tong dalawa, ever!

 

“Paano mo nasabing nagsasawa na sila? Sinabi ba nila sayo personally? Wow! Ang friendly mo talaga, no?”

 

Nagkatinginan kami ni Ryujin, bumulong ito sa akin, “Video mo, dali.” Hinampas ko siya sa balikat, nagawa pa talagang magbiro, samantalang malapit na maging boxing match itong sagutan nila.

 

The guy scoffed, “It’s not my fault you don’t care about other people’s feelings. Maybe try observing rin, hindi yung sarili mo lang iniisip mo.”

 

May connection pa ba yung sinasabi nila sa pinagtatalunan nila? Parang wala na kasi. Parang iba na. Muntik na ako matawa sa kaitsurahan ng mga kasama ko, talagang tutok na tutok sa dalawa.

 

Dahil wala ata may balak tumigil sa kanila, ako na ang nag-step up, “Uhm… Pwede naman po both stories ang gamitin natin, kailangan lang ng proper time allotment.”

 

Sabay silang tumingin sa akin, “No.” Nanghina tuhod ko sa tono ng boses nila.

 

Nakatingin pa rin sila sa akin. “Hindi pwede both,” madiin na sabi ni ate Nayeon sa akin.

 

“Exactly,” pagsang-ayon ni kuya Wonwoo.

 

Napangiti ako, “”Ah, okay po. At least po diyan magkasundo kayo.”

 

Muntik na ako lumupusay sa talas ng tingin nila sa akin. I was just trying to ease the tension. Sila tong hindi marunong magbasa ng vibe sa team. Mannequin challenge na yung ginagawa namin dahil sa kanilang dalawa. Nag-sorry na lang ako at lumayo ng bahagya.

 

Nag-die down na rin ang uneasiness sa room, nagtuloy na ulit kami sa respective duties namin. I excused myself para magpahinga saglit. 7:30 pa lang ay nagsimula na kami. We visited the different buildings to interview students. Halos sampu rin yung na-interview namin.

 

Natatawa ako sa galawan nung dalawang senior, mukhang hindi na nila alam paano kumilos. Halatang nagkahiyaan na sila. Yung iba naman, bakas yung stress sa mukha nila, may mga paiyak na rin kasi palapit na ang prelims namin. Wala yung mga staff ng school paper ngayon, bukas pa namin sila makakasama. Magiging buddy system yung mangyayari. For two members ng SLC, isang B&W member ang kagrupo.

 

Mas organized yan tsaka para fair ang distribution ng work. Yung mga mentor ang pumili para walang bias or anuman. Ang B&W ang nakatoka sa pubmats and graphics to release sa social media pages ng parehong org. Wala akong kilala sa kanila pero sana sa magaling at mabait ako mapunta.

 

Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako sa upuan. This week has been extra hectic, ang daming papers na need ipasa by the end of the week, bago ang exams. Nagising ako sa pagtapik sa akin ni Karina. Tinabihan niya ako at inabutan ng bottled water.

 

She smiled at me, “Kaya pa?”

 

Nagunat ako, ang sakit ng katawan ko. “Hindi na po.”

 

Tumawa siya. Uminom ako dun sa binigay niyang tubig. Mga 30 minutes rin pala akong nakatulog. Nagpapahinga rin yung iba nang magising na ako. Malapit na mag-alas kwatro. Napaisip ako sa mga nangyayari lately, rather mga hindi nangyayari.

 

Ilang beses na ako inaaya nila Ning Ning na lumabas pero hindi ako nakakasama kasi kinakain netong SLC ang oras ko. Dagdag na natin yung mga group activities sa majors namin. Nalulungkot na ako, miss ko na sila, kahit pa magkasama kami araw-araw sa classes. Minsan parang gusto ko na lang i-ditch itong responsibilidad ko sa SLC.

 

Don’t get me wrong, masaya naman ako sa activities namin, may part lang sa akin na nami-miss ang free time ko na nagagamit ko for other stuff. Yung kasing libreng oras ko, tinutuon ko sa family ko. Uuwi na si mama bukas makalawa, gusto kong sulitin yung natitirang oras na kumpleto kami, alam kong matagal-tagal ulit bago ito bumalik sa Pinas.

 

Ryujin approached me, “Winter, pasama saglit sa Gate 4. Pa-print tayo sample posters.”

 

Hinarap ko si Karina, “Saglit lang ha.”

 

Bumalik na ulit yung okay kong mood. Isa si Karina sa mga rason kung bakit kinakaya ko pa. As the one I’m the closest to the most sa team, andiyan siya lagi para sa akin. We have each others back. Sa kaniya ako nagsasabi ng sama ng loob kapag sumusobra yung mga binibigay na tasks sa group namin.

 

Halos everyday kami magkasama at magkausap. Super close na namin, super comfortable na rin namin sa isa’t isa. We visibly show care for each other, as friends.

 

Tama, friends kami. Friends lang.

 

At least that’s what I feel. Ewan ko lang kung iba na para sa kaniya, I doubt naman na ganun. Banter at asaran lang talaga kami sa isa’t isa. Besides, si Heejin yung type ko sa friend group nila. Although, mukhang official na sila nung guy na kasama niya noon. Feel ko she’s hinting na she’s with him based sa stories niya lately. Saklap. Kapag nag-hard launch na tsaka na ako magm-move on.

 

Hindi ko na rin naman ito masyado naiisip dahil nga sa sobrang jam-packed kong schedule. Tsaka na ulit ako magkaka-crush pag mas marami na akong oras. For now, itong semester lang muna ang focus ko.

 

“Papaskil na ba mga yan today?” Tanong ko nang makabayad kami sa ateng bantay dito sa printing shop.

 

Pinagmasdan ng kasama ko yung posters, “Oo. Simple announcement pa lang naman ito. Wala pang nakalagay na exact activities.”

 

“Sige.”

 

Pagbalik namin, nagaayos na ng gamit yung mga members namin. Nakasalubong pa namin si kuya Wonwoo at ate Nayeon na mukhang bati na. Tipid silang ngumiti sa amin. Bumubulong na naman si Ryujin sa akin. Dami talagang sinasabi nito.

 

I excused myself para lapitan yung kaibigan ko, “Mauna ka na umuwi. Need pa namin magpaskil ng mga poster sa buildings.”

 

Kinuha niya yung isang copy sa kamay ko, “I’ll come with you.”

 

Hindi na ako umangal pa, “Sige. Wait lang.”

 

Akmang kukunin ko sana yung bag ko na naiwan ko sa upuan ko kanina, pero pinigilan niya ako. She brought her left hand up, showing na hawak na niya yung gamit ko. Nginitian ko siya at pinasalamatan ito.

 

Napagitnaan ako ng dalawa habang naglalakad kami papunta sa mga ibang building. Tahimik lang kaming tatlo, wala na kaming energy para magdaldalan pa. Paminsan-minsan nagtatanong si Ryujin kay Karina. Like I anticipated, na-open yung topic about dun sa eksena kanina.

 

“Ang alam ko may something talaga sa kanila. Naabutan ko silang magkasabay naglalakad palabas ng school nung isang araw,” pag-share ni Ryujin sa amin.

 

Karina seems interested sa topic, “Really? I actually saw them together once din. They even appeared to be holding hands.”

 

“What if yung story nila yung gamitin natin?” Pabiro kong sumbat sa usapan nila.

 

Ngumawa ang bibig ni Ryujin, “Gago! Pwede!”

 

Minabuti ko na lang magdikit ng poster sa bulletin board dito sa entrance ng Silang. May mangilan-ngilang students na palabas na binabasa na agad yung kakakabit naming posters. Yung iba kumukuha ng pics.

 

Binilisan na namin ang pagkakabit ng mga poster kasi medyo late na. Padilim na nang makalabas kami sa Rizal, yung huling building na pinuntahan namin. Lumalakas na rin ang hangin. Naka-short sleeves pa naman ako, akala ko kasi maaga ako makakauwi.

 

Ryujin turned sa akin habang pababa kami ng hagdan, “Winter, suggest ko kay ate Sakura yung sinabi mo ha.”

 

“Uy. Biro lang yun, wag na.”

 

Ngumiti siya sa amin, “Ang cute kaya, pwedeng ang theme ay love within academics.”

 

We stared at her. Seryoso talaga siya sa sinasabi niya. Sumabat si Karina, “You know what? That does sound like a good idea.”

 

“See?” Ngumisi siya, “Parang kayo lang…”

 

Napatigil ako sa narinig. I looked at her, “Huh…?”

 

She pointed at me tapos dun sa isa. Nagiba ang facial expression niya nang hindi kami magsalita, pati siya ay lito na rin. Sinulyapan ko si Karina, kita kong nagpipigil siya ng ngiti.

 

She tilted her head, “Hindi ba kayo ano?”

 

Umiling ako at kita ko kung paano ito napanganga. Parang isang minuto pa bago ito nakabawi. Ito na naman tayo sa awkward tension. Lagi na lang ganito, naiilang na ako.

 

Karina finally spoke up, “Did you think Winter and I were also a couple?” Parang tuwang-tuwa pa siya sa tono niya.

 

Dahan-dahang tumango si Ryujin. Nasa lobby na kami. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Dumb-founded pa rin si Ryujin, sama mo na ako.

 

“Wait! So… wala kayong something?”

 

“Wala,” sinagot ko ito.

 

Hindi siya makapaniwala, “Weh ba? Akala ko kasi…”

 

“Bakit mo naman naisip yan?”

 

“Lagi ka kayang nakadikit kay ate Karina,” she said so casually.

 

I furrowed my eyebrows. Ako? Laging nakadikit kay Karina? Since when? For all I know siya nga tong laging lumalapit sa akin. I think. Okay, I don’t know why I’m being overly defensive pero kasi hindi naman tama yung mga sinasabi niya.

 

Si Karina ang sumagot, obviously loving the conversation we are having, “Crush kasi ako ni Winter.”

 

Sumasakit ang ulo ko sa dalawa. Pinagtutulungan na nila ako. Hanggang sa makalabas kami ng school ay inaasar pa rin ako ni Ryujin. Si Karina naman hindi man lang ako tulungan, tawa lang siya nang tawa.

 

Para matahimik na silang dalawa, I spoke up, “Hindi ko siya crush. May iba na akong gusto.”

 

I saw how both their faces dropped. Umiwas rin ng tingin si Karina. Pagkasabi ko nun, I immediately felt bad dahil ang pangit ng ginamit kong tone. I just wanted them to stop fooling around.

 

Nag-sorry si Ryujin at na itong humiwalay. She kept on looking back at us while walking away. Akala ko pa sincere na siya pero nung huling tingin niya sa amin, she formed a heart with her hand tapos tinutok sa amin.

 

Hindi lumagpas sa akin ang mahinang paghagikgik ng kasama ko. Sinimangutan ko ito, “Tawa ka diyan.”

 

She laughed at me, “We’re just joking around, come on.” I stayed quiet, nagpatuloy siya, “Besides, may iba ka naman nang gusto.”

 

She said it in such a low voice na hindi ko ito malimutan hanggang sa pagdating ko sa bahay. Tama naman, may iba na talaga akong gusto. Parang ewan lang kasi siya, tuwang-tuwa sa pangaasar sa amin ni Ryujin.

 

I’m overthinking this again. I distracted myself na lang. Nilambing-lambing ko yung nanay kong nanunu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespachow
here is my twt acc: @aveaespa

pls be nice hehe :)) (secret ko lng dapat yang acc ko na yan eh)

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAHA WINTER AND HER SHENANIGANS
lokonaba
#2
Chapter 10: its 3am and??? kilig i had to suppressed the hail
lokonaba
#3
Chapter 7: karina huli sa akto
Young_DP
#4
Chapter 18: syet kakilig naman hehe sana mabiyayaan ng mabilis na update
cecoco #5
Chapter 18: aaawww ang cuteee (╥﹏╥)
Eybrelros #6
Chapter 18: Woahh thank you sa update
gumamela12 #7
Chapter 18: Ahhhhh!
EzraSeige
#8
Chapter 18: Ang bading na si Karina ay natagpuang down bad 😏😏😏
aerichandesu
#9
Chapter 18: ANG CUTE ADGSHSJAKA
gomtokkim
2161 streak #10
Chapter 18: Thank you sa update authorrr