C-18

Tila ibon kung lumangoy
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

“Sa tingin mo magugustuhan niya to?” Nakapamewang si NingNing sa harapan ko.

 

Kasalukuyan kong ipinapakita sa kaniya ang ginawa kong handwritten letter para kay Karina. It’s Saturday night at ngayon na ang naitakdang araw ng pinakahihintay naming group study na hindi naman talaga group study kasi nagchichikahan lang kami as of the moment.

 

May panliliit pa siya ng mata na nalalaman, “Siguro.”

 

“Bakit may border, Win? Ano yan? Mukhang school project.” Seryosong sambit ni Liz, na siya namang naging dahilan ng tawa nung isa.

 

Halos isang linggo ang pag-brainstorm ko kung ano ba dapat ang ibigay ko sa kaniya sa kaarawan niya. Umabot ako sa kalaliman ng internet, marami rin akong binalikan na mga romcom films noon para lang magkaroon ako ng kahit ideya man lang.

 

I want to give her something really personal. Lahat ng nakasulat at nakaukit dito sa scented paper na isang linggo ko ring pinagpaguran. Yung mga unang batch na ginawa ko masyadong naging oily, hindi na masulatan ng maayos. Yung pangalawang subok ko naman, hindi ko nagustuhan ang amoy na kinalabasan.

 

On my third try, it came out better, not perfect but good enough. I have to work on my crafting skills. Ang importante may magandang kinalabasan yung pagiging effortful ko kahit na mas marami yung nasayang kong papel.

 

Aside from that, halos dalawang araw rin ang ginugol ko para sa paglalagay ng mismong laman ng letter. I look at the paper I am holding and hate the fact na tama ang sinabi ng kaibigan ko. “Okay naman ah…”

 

Ang kalat ng kwarto ko ngayon. Napakadaming papel at notebook ang mga nakabuklat pero ni isa dito ay ginagamit namin. Sinimulan kasi ni bud ang pagdadaldal about sa postponement ng unang show nila, due to unforeseen technical problems raw. May pinalitan daw kasi na mga kanta sabi niya.

 

Sa Tuesday na yung bagong schedule nila. Nakabili na si Liz ng ticket namin at buti na lang at valid pa ang mga ito. Tatlo yung pinabili ko sa kaniya, I mean to ask Karina to come with us. I’ll send her a message later or maybe bukas na.

 

Nagbilin rin pala sila Rei sa akin na mag-take ng notes for our news coverage this week. Ang swerte nga namin at may primary source ako ng information tungkol sa event nung club. Hindi ko na kailangan magtanong at kusang sinasabi sa akin ni bud lahat ng ganap nila.

 

Hinablot ni NingNing yung papel sa kamay ko, “Ay, ang bango!” Para silang mga aso sa sunod-sunod na pagsinghot nila. At least they like the smell. “Amoy baby…” Langhap sarap yung isa.

 

Hindi ko pa tapos yung content ng letter pero I’ve got the first two paragraphs down. Ang balak kong isulat ay birthday greeting, of course, tsaka a short appreciation passage, basta all about her lang. I want it to be as raw as it can be, walang halong kaplastikan.

 

I find it’s better to just write whatever comes to me sa sandali, hindi yung scripted na pinagiisipan ko prior to it happening. Mas lumalabas yung mga talagang gusto kong masabi at totoo kong nararamdaman.

 

We were interrupted by a knock on my door. “Winter, kunin mo itong mamon.” Wala pang isang oras ang lumipas pagkatapos naming kumain ng hapunan. Takaw-tingin si Liz dun sa mga niluto ni papa kanina, pinakain niya sa akin yung hindi naubos.

 

Tumayo ako mula sa desk ko. Nasa kama yung dalawa, ready na silang matulog dahil nakasuot na sila ng pajamas. Pinagbuksan ko ang tatay kong may hawak na isang tray ng freshly baked cheesy mamon. First time niyang gumawa nito, I wonder if masarap.

 

Unang kumuha si bud. Kumagat siya at may usok na bumuga sa bunganga niya, “Init! Init!” Niluwa niya sa kamay niya yung kinagat niya.

 

Hindi pa pala umaalis si papa. “Kakaalis ko ng mga yan sa oven…” He gave us an awkward smile.

 

Liz grabbed herself a piece, sinigurado niyang hipan muna ito para hindi siya matulad kay bud. “May kakompetensya na ang Red Ribbon, tito.” Natawa ang tatay ko sa kaniya, iniwan niya na kami after ng unbiased review ni Liz.

 

“Balik tayo sa mabangong papel na ginawa mo. Yan lang ba ibibigay mo?”

 

Bumalik na ako sa upuan ko. I heaved a heavy sigh, mas stressed pa ako dito kaysa sa exams. “Hindi,” pinagpatuloy namin ang discourse regarding Karina’s birthday. Magdadala na lang daw sila ng cake.

 

Alas tres ng hapon yung sinabi niyang oras ng handaan niya. Magkasunod sa umaga yung exams ko sa araw na yun kaya goods. Same kaming tatlo ng schedule. Sabi ni Karina sabay na kaming pumunta sa kanila.

 

NingNing comforted me. “I’m sure kahit ano pang ibigay mo sa kaniya, magugustuhan niya.” Nagkatinginan kami at nginitian namin ang isa’t isa. Tumayo na ako para lumipat sa kama kasama sila.

 

Isinantabi na namin yung binigay na pagkain ng tatay ko para makapag-focus sa rason kung bakit sila nandito ngayong gabi. Kaniya-kaniya kami ng pagbabasa at paminsan-minsan ay nagtatanungan tungkol sa mga hindi namin maintindihan.

 

Although my attention is on my review notes, hindi ko nakakalimutang i-check ang phone ko, baka kasi may message si Karina sa akin. Baka lang naman. Sinabihan niya rin akong busy siya with their research subject kaya we agreed to not talk to each other for a while.

 

Sa ilang beses kong pagbubukas sa cellphone ko, it’s the same thing over and over. Wala pa rin siyang chat, her last message was almost two hours ago. I’ve already sent two messages sa kaniya, all in the span of like 30 minutes.

 

Gusto ko na siya makausap. Hindi kami nagkita kanina dahil umuwi na kami agad after class. Sumaglit lang ako sa 7th floor pero nasa lab siya that time. Hindi rin siya active sa chat kasi busy siya the whole day, pero she gave me a heads up naman.

 

Inilayo ko na muna ang phone ko para hindi na ako ma-distract pa nito. Marami-rami pa itong mga kailangan kong aralin and the night is still young, wala pang alas nuwebe.

 

I comfortably lean sa headboard ng bed ko. Liz is laying sa dulo, she has her headphones on while she’s going through her own notes, nakapikit yung mata niya, nagme-memorize ata. Si bud naman, nasa tabi ko, naka-lotus position siya. May hawak siyang lapis na ginagamit niya para salungguhitan at bilugan ang mga pinakaimportanteng parts ng notes niya.

 

Ibang-iba kami when it comes to studying. Yung isa kailangan nakikinig sa music, yung isa halos isulat na lahat ng nasa modules at PPT. Ako itong may pinaka-basic na style of studying. I write what I think is significant and silently read through my notes.

 

Unang bumigay si Liz. “Nakadalawang round na yung playlist ko, okay na ako. Sumasakit na rin yung mata ko.” Pagbasehan niya pala yung tugtugan niya sa kung ano ang limit niya sa pag-review.

 

Time went by fast nung natahimik kami. It’s almost 10PM na. Pinasadahan ko ng isang beses ang mahigit sa limang pahina ng reviewer ko. We settled sa pagkukwentuhan dito sa kwarto ko. Inaya ko silang lumabas para manuod ng movie pero tinatamad na raw sila.

 

“May chika ako about kay ano,” NingNing wiggled her brows at us. Need namin bumulong dahil late hours na at baka marinig kami ng kuya ko sa kabilang room.

 

Liz snuggled up on the blanket I gave her. Nasa sahig siya kasi dun siya matutulog, may pull-out mattress ako na binili nila papa nung umuwi si mama, for instances like this daw. “Yung ano ba yan ni ano tsaka ni ano?”

 

Ano?

 

I’m showing visible confusion from what they are trying to insinuate. I haven’t been keeping up with anything that doesn’t concern Karina. Priorities. Speaking of her, hindi pa rin siya nagme-message sa akin, mababaliw na ako. Masyado naman na niyang sineryoso yung research.

 

Pabulong silang tumili, naghampasan pa sila ng unan. I inched closer kay Liz. Nakahiga si bud sa may pinakagilid, her body turned towards our friend sa baba. Umusog at pinatong ni NingNing ang ulo niya sa hita ko.

 

“Anong ano yan? Paki-inform naman ako.” Ayan na nga.

 

Dami nilang pasikot-sikot, mga code name na hindi ko naman gets, they’re acting as if I’m going to snitch on them. “Nakita ko si butter sa harap ng room namin, hinihintay si avocado.” Tungkol lang naman pala sa batch rep ng sophomores at isa naming ka-block.

 

“Eh ano naman kung sila?” I genuinely asked the two.

 

Sabay nila akong tinignan. Umungot si Liz, “Kasi naman, best friend ni avocado yung ex ni butter. Girl code, duh.” Naramdaman ko ang pagtango ni bud.

 

I thought about what she said. Okay, medyo big deal nga siya. If nagkataon na magkajowa ang isa sa best friends ko at mag-break sila, I wouldn’t go and date their ex, at alam kong they wouldn’t do it either. Besides, iba-iba kami ng tipo.

 

After thinking about it, may pumasok sa isip ko. “Well,” I started. Nagpatuloy ako once nakita kong matiim silang nakikinig sa akin. “Baka naman okay lang sa kaniya yun, since hindi naman sila nagtatago.”

 

“Basta kung ako si ex, I would be losing a friend for life,” sagot ni NingNing sa sinabi ko.

 

Halos pareho sila ng opinyon ni Liz. We explored the topic of dating a friend’s ex. Given naman siguro na marami talagang con yung ganun pero if all parties involved talked about it then I think, ultimately, wala namang problema. I guess not even a friendship can stop love, for their case, at least.

 

NingNing got up at umupo na lang sa tabi ko. “Kayo ba? Jojowain niyo ba ex ng isa satin if ever?” This really depends pero i’m definitely inclined to say no.

 

“Kung mayaman yung ex niyo, pwede.” Ewan ko kung seryoso ba itong si Liz.

 

I gave my honest thoughts, “Ako hindi, lalo na kung natapos kayo sa masamang paraan, like kung may cheating involved ganun.”

 

We let go of the discussion at nakuntento na lang sa pags-scroll sa sari-sarili naming mga cellphone. Alas onse pasado na at dinadapuan na kami ng antok. Pinatay ko na yung ilaw at sinindi ang aking night light. Hindi ako nakakatulog kapag wala yun eh.

 

Lumipas ang mahigit sampung minuto, naririnig ko na ang kalmadong paghinga ng katabi ko. Tulog na si bud, naka-open ang phone niya, nasa Twitter siya, nagbabasa ng exposing thread ng isang influencer. I got it from her and put it aside, she’ll thank me for it tomorrow.

 

Nakasuot na ulit ang headphones ni Liz, may pinapanuod ata siyang TV show sa Netflix. I can’t focus sa sarili kong phone, still no update from her. Buhay pa kaya siya? Baka kinopya niya yung paper nila, handwritten. Or baka ayaw niya lang ako kausapin.

 

Inaantok na talaga at makakatulog na ako anytime soon. Kahit labag sa loob ko, nag-chat ako sa kaniya, greeting her a good night. Sana makonsensiya siya at i-spam rin ako ng chat.

 

I bid goodnight kay Liz at humimbing na. Sa sobrang himbing ng tulog ko, umabot ang tulog ko hanggang nine o’clock. Pagkagising ko, naabutan ko na yung dalawa na naguusap. Ako pa talaga yung huling nagising sa amin. Ang ganda rin kasi ng panaginip ko kaya siguro I slept for longer than usual.

 

Nagunat ako pagkabangon, “Kanina pa kayo gising? Dapat ginising niyo na rin ako.” Alam kong nakaluto na si papa ng almusal namin. Nagbilin ako ng tocino at sunny side egg sa kaniya.

 

“Magkasunod lang tayo.” Tinuro ni Liz si bud, “Yan, kanina pa ata gising, naabutan ko nagsusuklay.” Napatitig ako sa buhok ni Liz, looks like she just went through a tornado or something.

 

Papikit-pikit pa ako ng mata as I stayed lying in bed for another minute or so. Lumabas na yung dalawa and I quickly followed. They were nice enough para ayusin yung mga pinaghigaan namin. My well-trained besties.

 

Normally I would check my phone first thing in the morning pero ngayong umaga, hindi ko ito ginawa. Mabilis akong nagayos para makakain na kami, mainit-init pa yung kanin, kakaalis ng tatay ko sa stove. Sabay siyang kumain sa amin, yung kuya ko tulog pa.

 

Naparami ako ng kinain, same with bud. Sakto at nagising na si kuya after namin mag-almusal, buti may natira pa para sa kaniya. Tulong-tulong kaming nagligpit ng mga pinagkainan namin.

 

They got their stuff ready na dahil hindi na nila papaabutin ang tanghalian dahil may mga kailangan pa silang gawin, for sure wala kaming matatapos if magkakasama pa kami hanggang mamaya.

 

Lagpas alas onse na sila nakaalis. I showered first before settling sa kwarto ko. Habang nagbibihis, nag-ring yung telepono ko. Akala ko pa nung una isa sa dalawa yung tumawag, baka kasi may nakalimutan sila dito sa amin.

 

It was the person I least expected. “Hello, Karina?” Baka na- dial niya lang yung number ko, duda talaga ako.

 

“Hi, morning. You weren’t answering my messages…” Ohh. Hindi na ako nakatanggap ng chat sa kaniya kagabi kaya siguro nawala sa utak ko i-check kung meron na ba.

 

Mabilis kong binuksan ang private convo namin at nakita ko ang sunod-sunod na message niya sa akin kaninang 8AM. I figured nakalimutan na niya and went to sleep without remembering. “Good morning. Hindi ko kasi hawak phone ko kanina.”

 

I could hear the faint sound of music from the other line, “I passed out last night, sorry for not replying.” Inabot nga daw sila kagabi ng alas sais, sinagad nila yung oras.

 

“It’s okay. Alam kong napagod ka from yesterday,” I smiled, happy because she bothered to call me and apologize for something na hindi naman dapat. Kinikilig ako.

 

I am not sitting on my bed without a shirt on, kakatapos ko nga lang palang maligo at nagbibihis ako nung tumawag siya. Ang bilis nawala sa isip ko yun. Inipit ko ang phone sa tenga at kumuha ng shirt sa drawer ko, kung ano na lang mapulot ko.

 

Pinagpatuloy pa namin ang usapan namin hanggang sa makapaglagay na ako ng lotion sa katawan ko. Kinuwento niya yung nangyari sa kaniya kagabi. After niya mag-dinner, sinimulan niya agad ang pag-revise sa paper nila, then she took a break and laid down sa bed niya at dun na siya nakatulog.

 

I took this as a chance to invite her sa first show ng repertoire. “Maalala mo yung sinabi kong show nila NingNing sa club niya?” She hummed and I had to contain myself.

 

“I remember, yeah. What about it?”

 

Kumakabog yung dibdib ko, “Ano kasi…” I’m stalling. Bakit nahihirapan ako magsalita?  

 

Nagsalita ulit, urging me to say what I mean to say. I paused saglit para itipon ang mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya. “May ticket kasi kami dun, I was wondering kung pwede ka-kung trip mo, you know, manuod. It’s on Tuesday…”

 

Lumipas ang limang segundo at wala itong sinabi, tanging ang kantang tumutugtog sa linya niya ang naririnig ko. “You can say no, okay lang naman,” banggit ko, sigurado ang aking tono. Totoo naman yun eh. Pero sana um-oo siya.

 

“I’ll come with. Sounds fun!” Muntik na ako malaglag sa kama. Mas excited pa akong makasama siya kaysa sa mismong palabas. Ang tagal naman ng Martes.

 

She ended the call soon after dahil kailangan niya pang maligo para sa gala niya with her friends. Sa isang fancy restaurant ata sila pupunta, hindi ko na maalala yung sinabi niyang pangalan nung lugar.

 

Binalikan ko yung birthday gift ko para sa kaniya. After much thought, hindi ako satisfied sa kinalabasan ng naumpisahan ko. I think I’ll start it over again, lalo na matapos matanggap ko ang mga opinyon nung mga kaibian ko. Alam ko rin na mas may ibubuga pa ako.

 

Kumuha ako ng isa dun sa pinakamagandang sheet na ginawa ko. To find some inspiration, pumunta ako sa Pinterest ko at nag-search ng mga arts and crafts designs. Matapos ang higit sa sampung minutong pags-scroll nang may nahanap na akong natipuhan ko.

 

Non-stop akong nakatutok sa artwork ko hanggang sa tawagin na ako ni papa for lunch. Dahil busog pa rin ako, tinanggihan ko na muna ito. Sobrang immersed ko sa ginagawa ko, I’m enjoying it a lot, lalo na’t para kay Karina ito.

 

This is pretty new for me. I wouldn’t consider myself as the type to exert this much effort for presents or gifts, first time ko nga maisip na gawin yung ganito. I’m glad it’s for her.

 

I ended the night quite exhausted kahit na sa bahay lang ako buong araw. Nevertheless, satisfied ako sa naging overall progress ko this weekend, I’m ready for the exams, ata. Excited na akong ibigay yung regalo ko kay Karina.

 

Talaga namang mas maayos ang tulog ko ngayong gabi kasi hindi niya ako nakalimutang batiin ng good night. She also sent pictures from her date with her friends. Hindi ako biased pero sa tingin ko siya yung pinakamaganda sa kanila, still they’re all pretty naman.

 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi ako natutuwa sa discussion namin ngayon, ini-imagine ko kasi yung tapeworm na siyam na metro ang haba, dagdag ko na rin yung anim na hanay ng ngipin nila. Nandidiri ako sa na-visualize ng utak ko.

 

This is probably the subject I like the least, interesting naman siya pero hindi ko kinakaya yung mga topic namin. Lalo na sa lab, jusko. Onti na lang susuko na ako, sa susunod na class we have to work with actual tapeworms. I’m tempted to just skip it.

 

Anyway, last class na namin ito for today. After this, kakain muna kami ng snacks bago pumunta sa CCA Theater, dalawang oras pa naman bago magsimula ang show. Pagtapos namin kumain ng lunch kanina, sumibat na si NingNing for early preparations nila.

 

Ay! Oo pala. Dadaanan rin namin si Karina bago kami tuluyang dumiretso sa taas. Ako nag-offer na sunduin siya, sabi niya kasi mauna na lang daw kami at susunod na lang siya. Like, seryoso siya dun. Not on my watch, no way! Buti hindi niya ako tinanggihan. Feel ko yun rin naman gusto niya. Heh.

 

Sa wakas tumunog na ang mahiwagang school bell. Tamang inat lang kami sa pwesto namin. “Don’t be absent next meeting, everyone! May graded activity tayo,” paalala namin ng teacher bago ito lumabas ng room. Hindi man lang nag-bye sa amin.

 

Niyakag ko na si Liz at gutom na ako. Hindi ako nabusog sa kinain namin kanina, ang onti kasi ng serving nung kinainan namin, si bud nag-recommend, nakita niya raw sa TikTok. Nabudol kami dun.

 

“Sama si Gowon kain,” pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya.

 

Matagal na rin nung huling nakasama ko si Gowon. May nabuo na rin kasi siyang friend group niya within our department. Silang dalawa lang ni bud madalas ang lumalabas, besides, hindi naman ganun ang level ng closeness namin, same with her and Liz.

 

Sa kabilang room lang siya kaya inabangan na lang namin siya sa may gilid. Mga ilang segundo lang kami naghintay kasi na-dismiss na rin sila. Okay, so… binati namin ang isa’t isa at natahimik na kami.

 

I nudged Liz on my right side, nasa gitna nila ako. “Ano pala yung class mo kanina?” My eyes shifted from her to Gowon.

 

Ngumiti siya at mabilis na sumulyap sa kaibigan ko, “121.” I got flashbacks sa freshman year namin. What a time, baby-baby pa kami nun. Naaalala ko yung pagiging mahinhin at tahimik ni bud, how the times have changed.

 

Ayun! Nakahanap na kami ng paguusapan. Kaya naman pala namin nang wala yung common denominator naming tatlo. In-update ko si NingNing about our plan, unresponsive siya kaya I’m assuming na they’re probably rehearsing or something.

 

Sa Jollibee ang ending namin. Gusto daw ng Jolly hotdog ni Liz. Miss ko na nga yung spaghetti ni Jollibee. Mukhang kahit anong piliin namin ay ayos lang sa kasama namin. She’s very soft spoken, natawa ako nung tinanong siya ni Liz kung anong order niya, ang hina ng boses niya tapos ang ingay ng tao sa paligid namin.

 

She increased her voice by like .5, since ako mas malapit sa kaniya at narinig ko ang sinabi niya kahit papano, ako na ang nagsilbing messenger sa dalawa. Tumawa rin siya sa huli.

 

Sa taas kami umupo as per my great best friend. Tatabi sana ako sa kaniya kaso hindi siya sa booth pumwesto, dun ako lagi eh. Whatever, I willingly sat beside Gowon dahil ayaw ko talaga sa ottoman seat nila dito, sakit sa likod niyan.

 

I ordered spaghetti ala carte tsaka isang coke zero float. Liz got her hotdog and fries and Gowon is having a chicken sandwich and pineapple juice. Iba-iba taste namin.

 

“Sino pala teacher mo sa 121?” Tanong ko sa katabi ko, we are at a safe distance, I can still maintain eye contact with her.

 

Tinapos niya munang nguyain yung pagkain niya bago ito sumagot, “Si Ma’am Tibayan.” Napati

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespachow
here is my twt acc: @aveaespa

pls be nice hehe :)) (secret ko lng dapat yang acc ko na yan eh)

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAHA WINTER AND HER SHENANIGANS
lokonaba
#2
Chapter 10: its 3am and??? kilig i had to suppressed the hail
lokonaba
#3
Chapter 7: karina huli sa akto
Young_DP
#4
Chapter 18: syet kakilig naman hehe sana mabiyayaan ng mabilis na update
cecoco #5
Chapter 18: aaawww ang cuteee (╥﹏╥)
Eybrelros #6
Chapter 18: Woahh thank you sa update
gumamela12 #7
Chapter 18: Ahhhhh!
EzraSeige
#8
Chapter 18: Ang bading na si Karina ay natagpuang down bad 😏😏😏
aerichandesu
#9
Chapter 18: ANG CUTE ADGSHSJAKA
gomtokkim
2161 streak #10
Chapter 18: Thank you sa update authorrr