C-10

Tila ibon kung lumangoy
Please Subscribe to read the full chapter

 

Pag ba may nagbigay sayo ng bulaklak sa Valentine’s Day, ibig sabihin nun may nagkakagusto na sayo? Or na may secret admirer ka na? Pwede rin naman na may nang t-trip sayo. What if namali siya ng upuan na nilagyan? Hindi ko kasi alam iisipin ko sa flowers na nakapatong sa desk ko ngayong first class ko.

 

Scrap that last thought kasi may kasama itong note. Mukhang waste paper pa ito, kulay orange. Nagkumpulan ang mga kaklase ko around me para makiusisa sa kung sino ang nagbigay sa akin nito. I demanded they go back sa mga assigned seats nila kasi hindi ko mabasa ng maayos yung nakasulat. Pinapangunahan nila ako eh.

 

 

 

Happy V-Day, Winter!

I hope you like the flowers :)

Tatlo kasi ang cute mo

 

Sincerely,

Someone

 

 

 

I had to look up kung anong klaseng flowers ang mga ito, Google says they are red and yellow variegated tulips. They’re very pretty, ang bango rin nila. As for the letter, hindi ko gets yung salutation niya. Napaisip ako dun, it could be some sort of code name.

 

Nakatali gamit ang isang brown na shoelace itong tatlong pirasong bulaklak. What a weird string to use, naisip ko. Wala ba siyang lace or something better. It’s also anonymous kaya mas lalong nakaka-stress. Or mas okay ata na hindi ko kilala kung sino ang nagbigay nito .

 

Either way, I’m stressing. Syempre, I’m flattered and thankful na may nag abala pang bigyan ako nito. Hindi ko naman first time maka-receive ng flowers pero first time ko makatanggap on hearts’ day.

 

“Ansabi sa papel?” Tanong ni Ning Ning sa tabi ko.

 

Hinablot ni Liz yung hawak ko, “Sino to? Someone? Ha?”

 

“Ewan ko rin. Baka trip niyo yan ha, sinasabi ko talaga!”

 

Nag-take lang ng attendance yung teacher namin, kapag ganitong may mga event, madalas ay silent suspension na ang nangyayari, or di kaya ganitong attendance lang ang need. Sad to say hindi lahat ng teacher ay sinusunod ito, meron yung mga magtuturo talaga, minsan may pa-quiz pa sila.

 

Fortunately, itong first period lang ang nag-request na makita kami, pinagsabihan na kami ng ibang instructor namin earlier this week na hindi na kami magkikita ngayong araw.

 

 

Inilagay ko na sa backpack ko ang flowers, making sure na hindi ito masira at ibinulsa ko yung note. Nagpaalam na ako sa dalawa kong kaibigan para pumunta sa booth ng SLC. Magbabantay ako kasama sila kuya Hoshi. Si Ryujin ang kasama ni Jaemin na maglibot sa campus. Magpapalit kami mamayang hapon.

 

“Hello po,” pagbati ko sa dalawang seniors.

 

Umusog sila at inalok ni kuya Seungkwan yung upuan sa tabi niya, “Gandang morning. Dito ka!” Wala pa atang bumibisita sa booth namin.

 

May mga activities rin sila Liz at bud sa sinalihan nilang orgs. Sinabihan nila akong dumaan sa pwesto nila later. Punta ako dun sa lunch break namin, yayain ko si Karina.

 

Nung general meeting namin kahapon, nagsabi na siya na hindi kami makakapagkita buong araw. Actually, the last three meetings, hindi na rin kami nakakapagkita at nakakapagusap ng maayos dahil lagi na silang nasa lab.

 

“May bumisita na po ba dito?” I asked as I settled sa upuan. Dito kami sa may lobby nakapwesto, swerte namin kasi dito yung nakuha ng station director namin.

 

Si kuya Hoshi ang sumagot, “Wala pa, ang aga pa kasi.”

 

When the clock hit 9:30 biglang dumog ang mga students sa amin. Nagsidatingan na rin yung ibang SLC members. Mabilis naubos yung mga naka-display na stickers, pins at mga stationery na gamit. Yung grupo namin ang nag-organize nitong booth, as per our station director.

 

“Winter, favor sana,” pinakuha ako nung ibang stock namin ng binebenta namin. Wala pang tanghali pero ubos na yung kalahating quota namin for the day.

 

Nagpasama ako kay Eunchae, sa graphics team siya kaya hindi ko siya madalas makasalimuha. Hinagis sa akin ni kuya Hoshi yung susi at nagmadali na kami papuntang AVR.

 

Bumungad sa amin ang napakagulong room, nagkalat yung mga scrap na posters tsaka mga bundok ng initial scripts namin. Sa may stage banda nakalagay yung mga kahon ng gamit para sa booth.

 

Binuksan ni Eunchae yung isang box, “Ilan po kukunin natin?”

 

Hindi ko alam, wala naman silang sinabing amount or what. Estimate na lang namin kung ilan kakailanganin hanggang lunch. “Tig dalawang pack na lang.”

 

Naghanap ako ng plastic bag na pwede namin gamitin dahil masyadong mabigat at marami itong dadalhin namin. Binuklat ko lahat ng drawer sa shelf sa gilid ng stage at may nakuha akong dalawang ecobag. In total, sampung pack ng mga anik-anik ang dala namin.

 

Palabas na kami ng building nang masalubong namin si Gowon, “Hi, Winter! Saan kayo?”

 

“Sa lobby, nandun yung booth namin. Punta ka,” syempre dapat i-promote ko yung stall namin.

 

She agreed to come with us at nag-offer pa ito na tumulong bumitbit sa iba naming dala. Sa huli, she carried four of the packs na dala namin. Todo pasalamat kami ni Eunchae sa kaniya.

 

I accommodated her pagkarating namin dun. Tamang sales talk ako para bumili siya. Binigyan ko rin siya nung pamphlet namin about sa podcast event mamayang hapon, “Wow, podcast.”

 

“Audio podcast lang, makinig ka ha,” nginitian ko ito.

 

She smiled back, “Sige, makikinig ako basta ikaw yung magsasalita.”

 

Tumawa ako, “Hindi ako yung host pero isa ako sa sumulat sa script nila.”

 

“Naks. Aabangan ko yan.”

 

She ended up buying P100 worth of stationery. I thanked her nonstop, binigyan ko siya ng freebie na stickers kasi andami niyang binili. Nagsabi pa itong babalik siya mamayang hapon, yung iba naman daw bibilhin niya. Natuwa ako sa narinig ko.

 

Come lunch time nagyayaya silang kumain sa canteen, may stall kasi ata dun yung isang sikat na shawarma shop. I excused myself kasi kikitain ko si Karina. She messaged me prior na hihintayin niya ako sa labas ng lab. I almost forgot my bag sa pagmamadali ko.

 

I checked my wristwatch at saktong alas dose na, yan yung sinabing oras ni Karina na dismissal nila. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa lab at nagkukulong sila dun, mamayang 3PM pa naman yung umpisa ng production.

 

Si Ryujin ang unang lumabas sa room, napatanong agad ako sa sarili ko bakit siya nandun. Lumapit siya at binati ako, “Yo! Musta sa booth?”

 

I looked behind her to see kung may iba pang lalabas pero nakasara na ulit yung pinto, napansin niya ito kaya lumingon rin siya, “Overtime sila.”

 

Umupo siya sa tabi ko, “Check mo booth natin. Bakit pala hindi kayo nag-picture dun kaninang umaga?”

 

She pointed to the door gamit yung thumb niya, “Sumusunod lang ako kay boss.”

 

“Si Jaemin?” Tumango siya.

 

Pinakita niya sa akin yung mga picture ng ibang booth na binisita nila. May photo pa ni bud, pina-send ko ito sa kaniya. After ten minutes ay wala pang lumalabas sa room, naiinip na ako. Nag-message na sila Liz sa akin asking where we are.

 

“Pwede ba pumasok?” Tinuro ko yung lab.

 

Kumunot ang noo niya, “Ewan, hindi ata kasi nagre-record sila. Bakit ka pala nandito?”

 

“May pupuntahan kami ni Karina,” I replied coolly.

 

As I stare hard sa pintuan bigla na lang napuno yung room ng hagikgik ni Ryujin. I eyed her weirdly, confused as to why bigla siyang tumatawa magisa, wala naman kaming pinaguusapang nakakatawa.

 

I raised a brow at her, “Wala.” Natatawa pa rin siya.

 

Tinulak ko siya, “Wala nga!”

 

“Baliw.”

 

Narinig ko ang pagbukas ng pinto, napatayo ako. Pati yung kasama ko ay unconsciously napatayo rin. I waited for Karina to come out the room, she was one of the last ones to exit the lab. Sunod na lumabas sa kaniya si Jaemin.

 

Sinalubong ko ito, “Hello. Tagal niyo ah.” Sinuot ko na yung bag ko.

 

She held my arm at nag-pout, “Matagal ka ba naghintay? I’m sorry.”

 

I shook my head, “It’s okay.”

 

Binati ko yung lalaki na sumunod sa amin. Nabanggit niya yung need namin gawin later, ako nga pala kasama niya mayang hapon. Nagpaalam siya shortly after dahil tinatawag na siya ng friends niya. Naiwan kaming tatlo.

 

Tinignan ko si Ryujin, as if asking bakit hindi pa siya umaalis, “Una na kami, Ryujin.”

 

“Sige! Bye, ate Karina,” kumaway siya sa babae sa tabi ko. “Bye, Winter,” kumaway siya sa akin.

 

We bid her goodbye, pareho kaming natawa sa kaniya. Weirdo. Dumiretso na kami sa Rizal, dun yung pwesto ng booth nila bud. Ewan ko bakit ang layo, nangabilang building pa sila.

 

We walked side by side, fighting through the crowds na nasa paligid, “Nag-lunch ka na ba?”

 

Umiling ako, “Hindi pa, nag-promise kasi ako kila bud na pupuntahan ko siya ngayong break namin.”

 

Hindi siya sumagot. May kinuha siya sa handbag niya, hindi ko nakita ng mabuti kung ano ito, “Here. Have some.”

 

Ah, chocolates. Tama nga naman, Valentine’s Day ngayon. “Thank you. Happy Valentine’s Day pala.”

 

She smiled at me ever so sweetly, “Happy V-Day, Winter.”

 

Bigla kong naalala yung flowers na natanggap ko, I quickly chewed the piece of chocolate she gave me, “Alam mo ba? I received flowers kaninang umaga!”

 

Tumingin siya sa akin, “You seem happy about it. Kanino galing?”

 

I swallowed, “I am happy about it, first time ko kasi maka-receive ng flowers sa Valentine’s Day.” She looked surpirsed, I continued, “Kaso lang anonymous. Hindi ko kilala kung sino nagbigay.”

 

“Mas gusto mo ba na kilala mo yung nagbigay sayo?”

 

Napaisip ako sa tanong niya. Kakalabas namin ng Aden, dito kami dumaan para mas mabilis yung lakad papuntang Rizal dahil tapat lang nito ang Aden. I breathed, “Ewan ko, actually. Ngayon lang ako nakatanggap ng anonymous na regalo. Hindi ko alam ano dapat isipin ko.”

 

She glanced at me, “Well, sabi mo you’re happy about it.” Tumango ako, na-stuck kami sa entrance ng building, andaming students. Nagpatuloy siya, “It’s probably someone who admires you, that’s a good thing, don’t overthink it na lang.”

 

“Yeah. Galing mo diyan,” tumawa kami.

 

Inakbayan niya ako nang makausad kami past the lobby of the building, “Malay mo rin, maybe you’ll end up marrying that someone.”

 

Magkaibang floor yung booths ng kaibigan namin. Sa third yung stall nila Liz, sa itaas yung pwesto nila Ning Ning. Una kaming dumaan sa booth nila Liz, malamang. Alangan unahin namin yung nasa taas.

 

Nakangiti niya kaming sinalubong, “Hello, girls. Tagal niyo ha!” Pabiro niya kaming hinampas.

 

Their booth is very simple, binati rin namin yung ibang kasama niya na kilala namin. Maalala kong sinabi ko na sasali ako sa org nila pero nawala na ito sa isip ko, I blame SLC.

 

“Winter! Bili ka netong lanyard, sige na. Please,” inabot niya sa akin yung orange na ID lace. Hindi ako mahilig sa mga ganito, sapat na yung bigay ng school nung nag-enrol ako.

 

Tinanong ko magkano, “P150, pero para sayo, P149 na lang.”

 

“Kung sa building natin kayo pumwesto, eh di nabenta niyo na sana yan lahat.”

 

In the end, binili ko na lang ito, nakakaawa kasi sila. Kumuha rin ako ng mga stickers, cute kasi ng theme nila, puro dessert-themed. Pati si Karina napabili nung stickers tsaka chocolates.  May benta silang mga chocolate bars tsaka candy na puro pula ang packaging.

 

Nagpaalam na kami para pumunta sa taas, “Tama na, wala na kami pangbili dun sa booth ni Ning Ning.”

 

Wala si bud nang makarating kami sa pwesto nila. Na-recognize ko agad si Wonyoung, her height makes it hard for her to go unnoticed. Blockbuster itong booth nila, andaming mga lalaking nakapalibot. Napatingin ako sa ibang kasama ni Wonyoung, gets ko na bakit nagkumpol ang mga boys dun.

 

To my surprise, nakilala ako ni Wonyoung. She also greeted Karina, I guess magkakilala na sila. They started small talk at nagtingin-tingin na lang ako sa mga naka-display na benta nila. As expected, may stickers at decals sila, in addition, they have sweets. Cupcakes and brownies na mukhang homemade.

 

Tinapik ako ni Karina, “Wonyoung said lumabas daw si Ning Ning to buy lunch.”

 

Tinanguan ko lang siya, bumalik na ako sa pagkalikot ko sa mga decals nila. Naiinis ako dito sa lalaking katabi ko, kung makasakop ng pwesto akala mo siya lang tumitingin. Onti na lang sisikuhin ko na siya, ang epal. Umalis na lang muna ako at umusod dun banda sa pwesto nila Karina.

 

Karina saw me approaching me and quickly made space for me beside her, “What’s wrong?” Dumadami na yung tao sa hallway.

 

“Kainis yung lalaki dun," tinuro ko ito gamit yung nguso ko.

 

Inakbayan niya ulit ako, “Right. Guys are so annoying.”

 

Malapit nang mag-ala una nang dumating si Ning Ning, may dalang dalawang paperbag ng Jollibee. Nag-sorry siya sa amin, ang dami daw kasing taong bumibili. Peak lunch time ba naman kasi.

 

“Ay, ate Karina! Alam mo bang nakatanggap yang si Winter ng bulaklak? Haba ng bangs ni bud!” Kinuha niya yung isang burger sa bag.

 

Karina laughed, “Nasabi nga niya. Buti pa siya, right?”

 

“True.”

 

Pagpatak ng ala una, kailangan na namin bumalik sa respective designated places namin. I’ll be meeting Jaemin sa booth and si Karina ay diretso sa AVR for debriefing. Idadaan niya raw ako sa lobby, hindi pa kasi niya nakikita yung booth namin.

 

Pinaalala ko sa friends namin na puntahin rin kami, nagreklamo pa sila kasi ang layo raw namin. Sila kaya tong epal at lumayo pa. Karina also reminded them to listen sa SLC mamaya, she shared the Spotify code.

 

Karina grabbed my hand and linked our arms as we were on our way sa stairs. Lagi siya ganito, napansin kong mahilig siya humawak sa braso or i-link yung arms. Hindi ako sanay kasi wala naman sa amin nila bud ang ganito ka-touchy, pero unti-unti mas nagiging komportable na rin naman ako sa gestures niya.

 

We battled our way through the corridor at nagpatuloy na sa lobby. Iba na yung mga nagbabantay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespachow
here is my twt acc: @aveaespa

pls be nice hehe :)) (secret ko lng dapat yang acc ko na yan eh)

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAHA WINTER AND HER SHENANIGANS
lokonaba
#2
Chapter 10: its 3am and??? kilig i had to suppressed the hail
lokonaba
#3
Chapter 7: karina huli sa akto
Young_DP
#4
Chapter 18: syet kakilig naman hehe sana mabiyayaan ng mabilis na update
cecoco #5
Chapter 18: aaawww ang cuteee (╥﹏╥)
Eybrelros #6
Chapter 18: Woahh thank you sa update
gumamela12 #7
Chapter 18: Ahhhhh!
EzraSeige
#8
Chapter 18: Ang bading na si Karina ay natagpuang down bad 😏😏😏
aerichandesu
#9
Chapter 18: ANG CUTE ADGSHSJAKA
gomtokkim
2161 streak #10
Chapter 18: Thank you sa update authorrr