C-11

Tila ibon kung lumangoy
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Pwede na kaming maging main characters ng ‘A Quiet Place’ sa tahimik naming tatlo ngayon. Kaharap namin ni bud si Liz when she uttered words we didn’t expect to hear from her. Kakatapos lang ng Valentine’s Day, tapos… natapos rin sila.

 

Ning Ning and I glanced at each other, para bang naguusap kami gamit ang mga mata namin. I slightly tilted my head trying to convey my message, confused lang niya akong tinignan. Nagbuntong hininga ako bago magsalita, “Kelan pa?”

 

She stared at me, face lacking signs of any emotions, “After Valentine’s.”

 

I mentally cursed myself out. Alam ko namang walang dapat sisihin sa amin pero I feel so guilty, I feel as if masyado kaming naging careless dun. Sisiguraduhin naming mas pagbutihan ang pag-gather ng inpormasyon. But then again, parang may silver lining rin naman sa nangyari.

 

Wonyoung only used Liz to get over her ex, na hindi naman nangyari. Rebound type . Tahimik na ulit kami. Andito pala kami sa bahay nila Liz. Pinapunta niya kami dito, naintindihan na namin agad kung anong meron.

 

She seemed really down these past few days at ramdam naming may nagiba sa hangin. She’s not her usual jolly self. I thought maybe pinagawayan lang nila yun or baka she was overthinking it herself.

 

Humiga siya sa kama niya, “Ano ba namang laban ko sa more than three years…?” She laughed very bitterly, I can feel her pain.

 

Hinayaan namin siyang kusang magkwento. We didn’t want to pressure her into talking, at the same time, we made her feel na we welcome anything and everything she has to say. Halos maubos ko na yung dala ni bud na nuts nung matapos na siya magkwento.

 

“Sapak yun sa akin pag nagkita kami.” Sinuntok-suntok ni Ning Ning sa kawalan.

 

Not to validate her for what she did, kasi never magiging okay yung ginawa niya, but, I do commend her for at least being honest with my friend, tsaka kinausap niya ito ng personal. Not many are man enough to do that, especially nowadays.

 

Gago pa rin siya.

 

I laid beside my friend, nakatakip siya ng mukha gamit yung stuffed toy niyang pusa. I thought of what to say before speaking. “Hindi ko sasabihing kalimutan mo na siya kasi alam kong imposible yun…”

 

I leaned on my side, kahit hindi ko siya kita, alam kong nakikinig siya sa akin. Nagpatuloy ako sa sinasabi ko, “It’s okay to resent her, after all, she hurt you. Kung ano man nararamdaman mo ngayon, valid yan.”

 

She moved, “Sana lang sarili mo isipin mo, to hell with being understanding.”

 

Tumalon si Ning Ning sa kama, “Tama! They will rot in hell!”

 

Lunch time ay finally bumango na si Liz. Nag-order na lang kami ng pagkain, nunuod kami movie sa home theater nila. Laki kasi ng screen ng TV nila tsaka may reclining seats pa parang sinehan na yung dating.

 

Pizza at chicken yung pinili ni Ning Ning. Nag-share na kami sa bayad. Harry Potter yung papanuorin namin kasi favorite yun ni Liz. Kahit na hindi ito ang trip namin ni bud ay gora lang, anything for the brokenhearted.

 

Halfway through the movie, nakikita ko nang sumisigla ang aura ng kaibigan namin. Samantalang yung isa, ang himbing na ng tulog sa balikat ko. To be fair, nakakapagod kasi yung week na to. Inubos nung event yung energy ko for the rest of the month. Same with a lot of the other students.

 

Super successful nung live podcast, as in! So many people tuned in, ang daming nag-send ng sarili nilang stories, akala ata nila may pake kami or gagamitin namin. Joke lang.

 

Soft launching ng official pod ng SLC next month. Mas magiging broad ang themes at magiging pre-recorded na lamang ito. Five episodes per week ang estimate na bilang, according sa station director namin. Si station director na tuwang-tuwa at magpapa-pizza daw next week.

 

Ang saya nga kasi nagustuhan nila yung suggestion kong mag-include ng true crime sessions. Syempre meron pa rin yung mga news report tsaka FM. We’re also going to implement paid promotions tsaka sponsorships. On the way to international na to!

 

Sana mas maging smooth sailing ang prods namin in the future, magandang experience yung last project namin. Na-stress man kami, we truly learned a lot from it. Nakikita ko na siya future CV ko!

 

Ang saya nga nung huling pag-air ng podcast, puro walang kwenta yung mga storya. Yung isang sender sinisingil yung naka-talking stage niya, dami daw utang kakapa-load. Aliw! Yung isa naman galit na galit dun sa jowa niya kasi ang panget daw lagi ng pictures na ginagamit niya pang-story sa kaniya. Dami nilang problema.

 

We left at around 3PM, pinatulog kasi namin si bud even after the movie. I got to talk to Liz one on one. Hindi ako nakatiis, sinabi ko yung nararamdaman ko about what happened. She dismissed me at nagpasalamat pa siya kasi maaga daw naagapan yung magiging sitwasyon in the future.

 

I feel for her, really. Ako nga na hindi naman iniwan, nasaktan ng very slight, siya pa kaya. Sabi niya gusto niyang i-block yung babae sa social media pero hindi niya magawa, pati pictures nila nasa phone pa niya.

 

Hindi ako sure ano dapat gawin niya pero I told her to take her time sa healing process. Siya naman ang masusunod kasi feelings niya yun, andito lang kami as her support system na, unlike Wonyoung, hindi siya iiwan.

 

We hugged it out after, itong mga moment na mga to talaga ang exceptions when it comes to physical touch sa friendship namin. Tuwing seryosong usapan lang, yung tipong may umiiyak, ganon.

 

Sinabihan niya kaming wag magalala at nililibang naman daw niya ang sarili sa panunuod ng movies lately. Support lang kami, of course! Whatever it takes for her to get better, and as long as she gets better.

 

Sumakay ng taxi si bud habang ako ay naglakad lang. Lapit lang naman bahay namin, sayang pamasahe. I took a picture of a stray cat na nakita ko sa daan at pinadala ito kay Karina.

 

 

 

 

 

Me: tilapia cat hahahaha

 

 

 

yooorina: baby!!!

 

 

                The cat I mean hehe :p

 

 

 

 

Ito na naman ako. Hindi ko na talaga maiwasang ngumiti pag kausap ko itong babaeng to. Ginayuma niya yata ako. Simula nung nalaman kong siya yung nagbigay sa akin ng flowers, may nagiba. Sakin, specifically. I’ve become way more conscious of her.

 

Lahat ng kilos niya. Lahat ng sinasabi niya. Lahat, napapansin ko, rather, pinapansin ko. Ang hyper sensitive ko na rin when it comes to her. Yung mga paghawak niya sa akin, yung mga pagbulong niya sa tenga ko, yung mga pagngiti niya sa akin, yung mga titig niyang tagos sa kaluluwa ko.

 

See?

 

Save me!

 

Kahit pa ganyan na yung nararamdaman ko, may part pa rin sa akin na nagaalangan. What if I’m assuming everything? I mean, dapat ba akong mag-assume in the first place? Ewan! I shouldn’t even be feeling like this, this isn’t right.

 

I keep on doing this. I keep on contradicting myself and it’s getting really annoying. I don’t know why I’m even overthinking this in the first place. Sumasakit yung ulo ko, ayaw ko na…

 

What we are right now is what we’ll be until we are around one another. Yung relasyon namin ngayon, friendship, platonic walang halong romance. Besides, wala talagang anything or something. I like her as a friend and that is final.

 

 

 

 

Me: hahahahaa

 

 

 

 

Pag dating ko ng bahay, ako naman dinapuan ng antok. Nakatulog ako sa sofa sa sala, mahigit isang oras rin. I woke up to my father lightly shaking me, “Kain ka, nak. Nagluto ako ng turon.”

 

I fixed myself, stretching my arms and yawning at the same time. The air feels nice this afternoon. I made my way to our dining room, hinahango na ni papa yung ginawa niyang meryenda. Kumuha akong tubig na malamig at naupo sa dining table.

 

May bigla akong naalala nang ihain ni papa yung pagkain para sa akin, “Nag-message pala si Giselle, Pa. Punta daw ulit siya dito.”

 

My cousin briefly told me about her internship for this semester, dito daw siya pumili ng company na pagtatrabahuan niya. She also shared her desires to reside here after she graduates. Inalok ko na dito siya mag-stay kung sakali matuloy yung plano niya. I think nakausap niya na rin sila papa about it.

 

“Kelan daw?” Sumubo siya sa turon. Niluwa niya rin ito kaagad kasi masyado pang mainit.

 

Tinawanan ko siya. Inabot ko yung tubig ko, “Baka next week daw po.”

 

We ate in silence after that. Hindi nagtagal dumating na rin si kuya. Daming dalang paperbag, mukhang nag-shopping siya. Akala ko pa merong para sa akin sa binili niya pero puro mga polo tapos mga t-shirt na ang papanget ng design.

 

Kinutya ko ang fashion sense niya, “Ang baduy naman neto, sayo ba to?”

 

Hinablot niya yung hawak kong damit, “Akin na nga yan! Baduy ka diyan…”

 

Nagayos na ako ng pinagkainan namin ni papa. Inayos ko na rin yung pinagtulugan ko sa sala, nagusot-gusot kasi yung cover ng sofa. Ang gulo ko naman matulog, naisip ko.

 

I turned the TV on to watch some Rick and Morty. Nasa season 6 na ako. Iniiwasan ko mag-binge watch kasi pag natapo ko to wala na ulit akong panunuorin. Ang choosy ko pa naman sa mga palabas.

 

Lumabas si kuya sa kwarto niya, “Hoy, Win!”

 

Sinimangutan ko ito kasi iniistorbo niya , “Ano?”

 

“Need ko pala yung tix sa concert, akin na ulit ha!”

 

“Bakit? Sabi mo akin na yun,” I whined.

 

“Binabawi ko na nga.” He slammed his door and I was left annoyed. Tumayo ako para katukin siya.

 

I tried to open his door pero naka-lock ito, “Susumbong kita kay papa!”

 

He yelled from the inside, “Samahan pa kita!”

 

In the end wala rin lang akong nagawa. Sinuway pa siya ni papa pero magaling mang-uto yung kuya ko. He has a way with words. Kesyo hindi ko naman daw kilala yung tutugtog, di ko naman daw hilig yun, tsaka malayo daw yung lugar.

 

Yung huling sinabi talaga niya ang tumatak sa utak ng papa ko. Bwisit talaga kahit kelan. Inirapan ko ito bago ako pumasok sa room ko. I swear hindi ko na siya kakausapin kahit kelan, sarap manapak ng kadugo!

 

Hindi ako palamura pero gusto ko siyang tadtarin ng mga masasamang words. Bakit ba ang hilig umepal ng mga kuya sa buhay ng mga bunso? Like, I don’t get it. Hindi ba dapat inaalagaan nila kami na parang kami ay kayamanan?

 

Inis akong nags-scroll sa TikTok, lahat ng videos nilalagpasan ko. Parang ewan lang. How aw I supposed to say kay Karina na hindi na pala kami tuloy? Look, I know she’ll be understanding, pero I was honestly looking forward to it na.

 

I personally checked the artist out already, nagustuhan ko yung iba nilang kanta. They also seem like great performers. Too bad for me, I guess. Sana hindi mag-enjoy si kuya at yung kasama niya, kung sino ka man.

 

I hate bearing any type of bad news sa mga tao. Huhu. Kailangan ko nang i-practice yung sasabihin ko sa kaniya sa Monday. I’ll be honest na lang. Worst case scenario, she gets mad at me and decides na ayaw na niya akong kausapin ever.

 

Bumawi ako ng slight nung dinner namin. Kinuha ko lahat ng taba dun sa boneless bangus na ulam namin, alam ko kasing favorite yun ni kuya. Nakakatawa nung na-realize niya lahat nung isda ay kinunan ko ng taba. Sama ng tingin niya sa akin, deserve!

 

 

 

 

 

 

 

“Oh…”

 

Her voice sounds like she’s surprised. I’m sitting across her dito sa library. Hindi ko alam kung saan kami pwede makapagusap ng maayos kaya dito ko na lang siya niyaya, at least tahimik.

 

I stared at her apologetically, “Sorry, Karina.”

 

Ngumiti siya. “It’s fine. No need to say sorry.” She doesn’t sound upset or anything.

 

“Hindi ka galit sakin?”

 

She shook her head.

 

Ah. Okay. Ready pa man akong magmakaawa sa kaniya na patawarin ako. Dali niya talaga kausap.

 

She asked me, confused, “Should I be?”

 

I nodded in response. “Yun kasi na-imagine ko na mangyayari ngayon.” Stick to the script kasi, Karina.

 

Tumawa siya, medyo napalakas. She covered nung may nagsitsit sa kaniya. Hindi naman nakakatawa yung sinabi ko. Nababaliw na yata siya. Sinabi ko lang naman yung totoo.

 

“Libre na lang kita lunch to make up for it.” Una na akong tumayo.

 

She followed suit and we walked side by side papalabas ng library. Mukhang uulan pa dahil ang kulimlim ng langit. Hindi pa man ako nagdala ng payong. Kung sakali ay yung bag ko na lang ang gagamitin ko.

 

We passed by almost all buildings sa campus kasi nasa pinakadulo itong library namin. It’s the farthest building. From the library’s highest floor, makikita mo ang view ng buong campus.

 

I heard a familiar voice. Napatingin ako sa direksyon nito. Magkasama si Wonyoung at isang babae, they look giddy, tumatawa sila eh. I’m not sure kung sino yung kasama niya.

 

The other girl wrapped her hand on Wonyoung’s waist and it clicked sa utak ko. Siya siguro yung ex niya. Anger filled my body, umiwas na ako ng tingin sa kanila. I distracted myself with the view sa kabilang side.

 

“How’s Liz pala?”

 

Friend nga rin pala niya si Liz. I’m sure they know about her and Wonyoung, siguro hindi pa siya nagkukwento sa kanila about what happened. I wonder kung ganung level na rin ba yung friendship nila, feel ko oo.

 

I gave her a vague answer, I don’t want to speak for my friend kasi it’s a very personal matter. Kinwento ko na lang yung nangyaring pagpunta namin sa kanila nung isang araw.

 

Palabas na kami ng school, “I want pasta. Let’s eat sa cafe dun sa kabilang road.”

 

Habang naglalakad kami papunta sa kakainan namin, I can’t help but think of how natural Karina and I act with each other. Una pa lang, I welcomed her openly sa buhay ko. It reminds me of how I became great friends with Ning Ning and Liz before.

 

Tsaka out of her friend group, I didn’t expect to be the closest with her. Akala ko talaga kay Heejin ako mas magiging malapit. In hindsight I think mas okay sa akin na si Karina yung malapit sa akin ngayon. Hindi ko kaya makipagkaibigan sa mga nagugustuhan ko. I feel awkward about it, kahit pa wala na akong feelings for them.

 

Yung possible na pagtingin sa akin ni Karina, hindi naman sa winawalang-bahala ko ito, pero pag magkasama kasi kami it doesn’t become of great importance. Gets ba? For some reason I’m not bothered by it, sa thought na baka may gusto siya sa akin.

 

Kung dumating yung time na umamin siya or maging 100% sure ako about it, I honestly don’t know what I would do. I’d be lying if I said I haven’t thought about it. How does one go about a situation like that?

 

Parang ang komplikado kasi magkagusto sa kaibigan. Mas marami pa yung magiging problema kesa yung magandang dulot nito. It’s a no-no for me. Naisip ko kasi if ever nangyari yun saki

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespachow
here is my twt acc: @aveaespa

pls be nice hehe :)) (secret ko lng dapat yang acc ko na yan eh)

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAHA WINTER AND HER SHENANIGANS
lokonaba
#2
Chapter 10: its 3am and??? kilig i had to suppressed the hail
lokonaba
#3
Chapter 7: karina huli sa akto
Young_DP
#4
Chapter 18: syet kakilig naman hehe sana mabiyayaan ng mabilis na update
cecoco #5
Chapter 18: aaawww ang cuteee (╥﹏╥)
Eybrelros #6
Chapter 18: Woahh thank you sa update
gumamela12 #7
Chapter 18: Ahhhhh!
EzraSeige
#8
Chapter 18: Ang bading na si Karina ay natagpuang down bad 😏😏😏
aerichandesu
#9
Chapter 18: ANG CUTE ADGSHSJAKA
gomtokkim
2161 streak #10
Chapter 18: Thank you sa update authorrr