C-15

Tila ibon kung lumangoy
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

May paparating atang bagyo sa bansa. Panay na ang ulan dito sa Baguio. Nauubusan na ako ng damit na susuotin papasok sa school, yung nilabhan ko kasi nung isang araw, hanggang ngayon basa pa rin. Talagang nasira pa yung dryer namin.

 

Huminga ako at may lumabas na usok, “Hindi ba nilalamig si sir sa suot niya?” Hindi ako nagsusulat ng notes kasi I’ve put my hands on my jacket’s pockets. Namanhid na kasi sila.

 

Liz answered, laughing, “Nilalamig yan si sir, tignan niyo yung outline ng niya sa shirt niya.”

 

Bud and I had to hold our laughs, buti na lang hindi nakatingin sa amin yung teacher. Yung mukha ng mga kaklase namin, para silang pinagsakluban ng langit at lupa. Sa lahat ng in-enrol kong course, ito na pinaka-boring. Ito yung nasa curriculum ng third year.

 

Limang araw na lang April na. Ang bilis ng taon, mamaya short term na, tapos junior na kami, tapos internship na. I’m looking forward sa huling taon ko sa college, sana regular pa rin!

 

Nagpahuli akong lumabas dahil may kailangan akong tanungin kay sir about sa isang requirement for midterms. Hindi kasi sumasagot yung kailangan ko ng approval for our case study.

 

I can pull through daw kahit wala nang direct approval since it’s for the academe naman, minus points lang kasi kasama yun sa criteria. Ayaw ko naman magiba ng organization kasi wala na akong oras para magsimula ulit.

 

Bawi na lang ako sa content ng paper ko. I thanked him, hindi ko napigilang mapatingin sa dibdib niya. Takte kasi si Liz. “Update me if they ever contact you.” Pinauna ko siyang maglakad palabas.

 

Kita ko na naghihintay na yung next class sa labas. Sinadya kong iyuko ang ulo ko as I walked out the door. Aksidente tuloy akong may nabangga, kinakabahan kong tinaas ang tingin ko.

 

Si Chaeryeong. Ngumiti siya, it feels genuine. Nagpaumanhin ako sa kaniya at nginitian ko rin ito. Gumilid ako at nakita ko yung babaeng nasa likod niya, mukhang mumurahin ako nito anytime.

 

Inalis ko ang tingin sa kaniya, sobrang nakaka-intimidate talaga si Yunjin. Binilisan ko na ang lakad papalayo sa kanila, hindi ko makita yung mga kaibigan ko. Nagtungo na lang ako sa kanang gilid, baka nauna na sila.

 

I’ve been trying to keep what happened off my mind pero hindi talaga nawawala. Kada beses na natutulala ako, binabalikan ko yung mga sagutan namin. Well, parang siya lang naman yung nagsalita that time.

 

Isinasaisip ko yung mga tanong niya sa akin. Questions I couldn’t give her answers to. I thought hard at what possible answers I could have given. Matagal kong pinagiisipan kung bakit nga ba I am the way I am.

 

Naniniwala ba kayo na there’s always something deeper down sa mga tao? Yung mga kilos at gawa natin, all the surface level stuff, for some, that’s only a minor part of what they actually are.

 

Pero hindi naman yun yung kaso sa lahat. Sometimes we look for something more in people, especially our closest and loved ones, expecting na there is something more than what they show and tell us.

 

People who have repeatedly made mistakes like to ask the question, ‘Do you believe I’m a good person?’

 

Ang daming pwedeng sagot diyan. Yung iba, makakahanap ng silver lining sa lahat ng bagay. The words ‘deep down’ are always widely used when trying to understand someone.

 

Deep down, mabait siya. Deep down, nagsisisi siya sa ginawa niya. Deep down, hindi niya sinasadyang saktan ka. Deep down, mabuti siyang tao.

 

Paano naman kung wala nang higit pa sa mga pinapakita at sinasabi sa atin ng tao? Paano kung yun na talaga sila? Wala nang maaring intindihin pa sa kaloob-looban nila.

 

For me, I know I have so much more to offer. Deep down, gusto ko naman talaga. Alam ko sa sarili ko na kaya ko, sa kaloob-looban ko. Nahihirapan akong ilabas yung dapat na ipakita ko.

 

Pero naisip ko rin yung possibility na baka ito na talaga ako. Wala nang malalim na paliwanag sa kung bakit ganito ako. Maybe this is the way I have to live my life. Maybe I choose to live like this.

 

Dami kong tanong sa sarili ko, ni isa hindi ko masagot.

 

Nakita ko si bud na lumabas sa CR. Nilapitan ko siya, hindi ko na sinabi yung interaction namin ng friends ni Karina. Shortly after, sumunod si Liz na lumabas. We walked up to our next class.

 

“May activity kaya tayo sa CFE mamaya?” tanong ni Liz habang papasok kami sa room. Wala pa yung iba naming classmates.

 

Hindi kami magkakatabi dito kasi may seating arrangement na ginawa yung teacher namin. Nahiwalay ako sa dalawa, nasa kabilang side sila. Katabi ko si Kazuha tsaka yung iba pang tahimik na mga student. Okay na rin since nakakapag-focus ako ng maayos sa discussions.

 

Umupo muna ako sa pwesto nila, “Wala. Itutuloy raw ni ma’am discussion niya.”

 

Hindi ko na maalala yung mga lecture niya, sa pinakataas ba naman na floor yung room namin, ang lamig dun! The last I remember may binanggit siyang mga hayop sa Bible.

 

Unti-unti nang nagsidatingan yung mga students pati na rin yung teacher namin. Saglit lang siya nagturo, she allotted most of the time for consultations and reminders para sa upcoming exams and requirements for this grading.

 

Kumpleto naman na ako sa mga kailangan namin ipasa at malapit ko na matapos outline ko for the scope of our exam. Mag-start na ako mag-review by Saturday. I’m pretty confident for midterms. Palagay ko I’ll be able to get better grades and scores.

 

I’ve been hyper-focused sa mga assignments namin. Given kasi na wala naman na akong pinagkakaabalahan sa hapon, ginagawa ko na lang lahat ng need ko gawin. Iwas cramming rin.

 

Nag-message pala si Giselle sa akin. Hindi na siya matutuloy dito, hindi pumayag yung mama niya. Sad tuloy siya, sinasabihan niya akong bumisita dun sa kanila, akala mo ang lapit-lapit.

 

Inaaya niya akong mag Enchanted Kingdom dahil isa akong EK . Hindi pa kaya ng oras ngayon, pero sinabihan ko siyang pagusapan ulit namin sa holy week next month. May plano rin ata sila kuyang pumunta sa Pangasinan.

 

Marami raw siyang kwento para sa akin. Super daming naganap sa buhay ng pinsan ko, feel ko may jowa na siya, ang tahimik na niya sa social media eh. Baka sila na ni J.

 

After our class, nag-lunch kami, isang oras yung vacant namin. Sa karinderya lang kami since nagtitipid kami, sinusubukan namin. Itong si NingNing, binawasan ng parents niya allowance niya kasi inuubos niya sa pagpapa-deliver ng pagkain sa dorm nila.

 

Gusto ko rin magipon ulit, may bibilhin ulit akong Parker. I want my first fountain pen. Magsisimula kasi ako ng journal ko, ayaw ko naman sa notes lang sa phone dahil may tendency akong ma-distract pag magsusulat ako dun.

 

Documentation purposes lang rin, curious ako how I’ll change throughout the rest of the year. For the better ba or the worse. I might be leaning toward the latter.

 

I dozed off until the end of our class hour. Ginising na lang ako ni Kazuha, slightly patting my back and calling my name. Nagunat muna ako bago tumayo. Nasa labas na ng room yung mga kaibigan ko.

 

May pinapakita si Liz kay NingNing sa phone nito, “Ano yan?” May binabasa siyang message.

 

Tinutok niya sa akin ang phone niya. I squinted my eyes as I read the long paragraph. “Alumni Talks sa Friday at Saturday. Buong department kasama natin.” Crash courses na naman.

 

“Sa AVR?”

 

Umiling siya, “Sa PB Gym.”

 

Nagpatuloy na kami sa taas. Wala kaming choice kundi maghagdan dahil sira pa rin ang elevator dito sa building ng CAS. Kahit dalawang set of stairs lang nakakahingal na.

 

Magkakatabi kami dito sa harapan for this class. Ang pangit kasi ng mga upuan sa likod banda, puro may defect, yung bibigay na onting sandal mo lang sa desk.

 

This is probably our most consistent class, our teacher has never missed a day, it’s either lecture lang or lecture plus activity. Batak rin siya magpa-recite. Ang laki ng percentage ng class participation sa pag-grade niya sa amin.

 

Binuksan niya yung Bible niyang lagi niyang dala. Hinanda ko na ang sariling makinig at baka matawag niya pa ako para magbasa or sumagot sa mga thought-evoking questions niya.

 

May onting pa-recap si ma’am sa pinagusapan namin nung huling meeting. Tama nga ako, about sa animals. Yung mga wise animals ang huli naming topic.

 

She turned a few pages of the book, “Unclean animals. Is anyone familiar with them?” May isang nagtaas ng kamay sa likod.

 

“Pigs po, ma’am,” tumayo pa siya.

 

May ilang students pa ang nagbigay ng examples ng mga maruruming hayop. Nakikinig lang kaming tatlo nila bud. I can sense na magtatanong na siya ng personal questions.

 

Tumayo siya, hawak-hawak yung malaking libro, nilibot niya ang classroom. “Every animal you mentioned are correct, but why? Why are they considered unclean?” Walang nagtaas ng kamay.

 

Tumigil siya sa pinakalikuran, siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong. She put her Bible down sa bakanteng upuan, “There’s not much to it. It’s simply because they put us at risk when we come in contact with or consume them.”

 

We are all attentively listening to her. Mas interesting yung topic namin today compared sa past lectures. Ang dami kong natututunan habang pinapaliwanag niya yung mga category ng hayop sa Bible.

 

Bumalik na siya sa harap at kinuha ang kaniyang marker. May sinulat siya sa board. I read the word and it didn’t ring a bell, first time ko makita. Tinanong pa ako ni Liz kung alam ko ba.

 

Nakangising nakatingin sa amin si ma’am. “Judging by the looks on your faces, I’m guessing hindi kayo familiar with this animal.”

 

“Cormorant…” I said under my breath, as if may maaalala ako about it or something.

 

Umupo na siya sa table niya, “Cormorants are considered unclean birds sa Bible. But that’s not my main point here.”

 

I can’t really think of much dahil hindi nga ako familiar sa ganung type ng animal. The word unclean has a lot of underlying implications. Animals can be unclean, in terms of hygiene or morals. Tayo rin, animals rin naman tayo.

 

“They’re aquatic birds. Magaling silang sumisid sa tubig para humuli ng mga kakainin nilang isda. Sa sobrang galing nila, kinaiinisan sila ng mga mangingisda dahil nga inaagaw na nila lahat ng isda sa tubig, hindi sila pumipili ng uri.”

 

Wow. Ibon na sumisisid? Never heard of that before. The whole class showed awe in our facial expressions. Nakatututok kaming lahat sa mga susunod na sasabihin ni ma’am.

 

She read a short paragraph pertaining sa mga unclean birds. They are one of the birds who can dive the deepest. Tinanong niya kami kung anong opinyon namin dito. A student raised their hand. “Parang ang astig po nila, ma’am. Wala silang pake sa mga fishermen, basta na lang sila agaw ng isda sa kanila.”

 

Wala nang ibang nag-share ng palaisipan nila. The teacher pondered upon what our classmate said, “In a lot of ancient mythology and tales, cormorants are considered as bad luck or bad omen, in short, malas sila.” Tumayo ulit siya. “If we look at the bird’s symbolism, halo-halo rin ang mababasa natin.”

 

That happens. Gawa yan ng pagkakaiba natin ng kultura. It’s very interesting, considering na maraming mga pangitain dito sa bansa natin. I look over to my right, nilalabanan ni Liz ang antok niya, kawawa naman.

 

“I personally like the context of a cormorant as a power animal. Anyone know what it is?”

 

May mga ilang nanghula, puro sablay naman. I tried giving an answer, “Courageous po sila, ma’am.” Tinanong niya ako kung bakit ko nasabi yun.

 

“Going off of what has been said, they seem fearless. They go all out para makahuli ng kakainin nila para patuloy silang mabuhay. Sure, they are built to be great swimmers pero, still, it takes courage to delve into the waters kung saan maraming maaring makasakit sa kanila.”

 

Our teacher was smiling at me earnestly, “Wow. Great answer, that’s right. They symbolize bravery.” She directed at the whole class, “Sino dito ang cormorant? Yung mga hindi duwag, yung mga handang gawin ang lahat para sa gusto nila?”

 

To be fearless enough to explore mysterious territories like a cormorant, that’s not me. To be brave enough to risk myself for what I desire like a cormorant, that’s not me.

 

Natawa ako, definitely not me. Ako na siguro ang kabaliktaran ng cormorant.

 

“Cormorants know what they want and they are willing to do anything and everything to get just that. Do you think you’re a cormorant?” Nag-ring na ang bell, indicating na tapos na ang oras ng klase namin.

 

Nagayos na siya ng mga gamit niya at bago ito umalis, may pinapagawa ito sa amin, “For next meeting, I want you all to give a short presentation sa class, indicate why you are or why you’re not a cormorant. Class dismissed.”

 

Tinapik-tapik ko yung pisngi ni Liz, sarap ng tulog ng babaeng to. NingNing was already up from her seat, ready to leave. Nagunat-unat pa itong isa, mukhang naistorbo ko pa nung ginising ko.

 

Ang tagal niyang tumayo, inip na ako dahil gusto ko nang umuwi at hindi ko na kinakaya ang lamig, tsaka ramdam kong uulan na. Dito pa sa dulo yung room namin kaya we have the whole hallway to walk through bago makaabot sa stairs.

 

Madadaanan namin yung AVR, it’s the closest room sa hagdan. I’m hoping and praying na sana wala akong makasalubong. The last times naman wala akong nakikitang familiar faces.

 

Nasa gitna si Liz, nakapatong ulo niya kay bud, ang bagal tuloy nilang maglakad. Sinasabayan ko sila kasi ayaw kong nauuna. Papalapit na kami sa AVR nang bumukas ang pinto nito. I slowed down my steps.

 

I heaved a sigh of relief. Tinignan ako ni bud tapos yung babaeng nasa harap namin, si Rei. Looks like paalis na siya. Naisip ko tuloy na baka may susunod pang lalabas.

 

I keep projecting the wrong thoughts, may lumabas nga ulit. Si Eunchae pa talaga. Grabe yung pagdadahan-dahan ko ng kilos para lang hindi niya kami mapansin. Sinasabotahe ata ako ng mundo.

 

Natapilok si bud at muntik na silang matumba ni Liz. Napasigaw si NingNing kaya naman napatingin siya sa amin. Gulat niya akong tinignan. I shyly steered my eyes away from her, tinulungan ko na lang yung dalawa.

 

Nakatayo lang siya sa tapat ng door hanggang sa makalapit na kami sa kaniya. Binati niya kami isa-isa. NingNing was quite happy to see her, gustong-gusto niya yung bata. Tahimik lang ako sa gilid.

 

I’m feeling frail at the thought na baka nasa loob siya. Eunchae turned to me, “Long time no see, ate Winter.” Nag-pout pa siya ng lips.

 

“Baliw kasi yan si Winter,” natatawang sambit ni Liz.

 

I’m put on the spot although I know na hindi niya to sinasadya. “Maybe next month…” Wala akong planong bumalik sa dati kong routine na hapon pumunta sa AVR unless required kami by our instructors.

 

Papunta siyang registrar kaya sumabay na siya sa amin pababa. Bago kami maghiwalay, she said something sa akin, “Hinahanap po pala kayo ni SD, about sa team-up niyo ni ate Karina.” Ah. That.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespachow
here is my twt acc: @aveaespa

pls be nice hehe :)) (secret ko lng dapat yang acc ko na yan eh)

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAHA WINTER AND HER SHENANIGANS
lokonaba
#2
Chapter 10: its 3am and??? kilig i had to suppressed the hail
lokonaba
#3
Chapter 7: karina huli sa akto
Young_DP
#4
Chapter 18: syet kakilig naman hehe sana mabiyayaan ng mabilis na update
cecoco #5
Chapter 18: aaawww ang cuteee (╥﹏╥)
Eybrelros #6
Chapter 18: Woahh thank you sa update
gumamela12 #7
Chapter 18: Ahhhhh!
EzraSeige
#8
Chapter 18: Ang bading na si Karina ay natagpuang down bad 😏😏😏
aerichandesu
#9
Chapter 18: ANG CUTE ADGSHSJAKA
gomtokkim
2161 streak #10
Chapter 18: Thank you sa update authorrr