C-08

Tila ibon kung lumangoy
Please Subscribe to read the full chapter

 

Ang ganda ng bungad ng bagong taon sa akin, sana sa inyo rin! Ikaw ba naman batiin ng crush mo ng ‘Happy New Year’ tsaka ‘Happy Birthday’. Oo, crush ko na ulit siya. Kasi naman… nag-reply siya sa story ko, tapos parang ang sweet-sweet pa nung message niya. Oo na, mapusok ako, minsan.

 

Nakikita ko na nga sa panaginip ko yung message niya.

 

 

 

Happy NY!!! And an even happier birthday :)

 

 

 

May dulot rin pala yung pagiging papansin sa stories. Talagang I had an even happier birthday, Heejin! Thanks to you. Thanks to my family and friends din syempre. Masaya ako kasi kumpleto kami ngayong taon for my birthday and the holidays. Almost six years na hindi nakakauwi si mama ko prior this year.

 

Okay lang sa akin kahit na walang regalo, seryoso, pero grabe yung salubong sa akin ni mama. Bagong sapatos, bagong mga damit, bagong phone, at bagong mukha. Binilhan kasi ako make up ng nanay ko, I’ve been experimenting with different make up styles ngayong bakasyon. So far, bagay sa akin lahat. No joke.

 

Monetary gifts ang natanggap ko sa mga lalaki. Mga tinamad na bumili ng ireregalo sa akin. Of course, I still appreciate them as much as what my mother gave me.

 

Nakikain sila Ning Ning dito nung January 1. Bukod sa pagbabalot ng handa ko, nagawa pa nilang i-raid ang refrigerator namin at kinuha nila ang karamihan sa chocolate na dala ni mama. Si mama rin naman kasi, go lang nang go sa dalawa. Kinuha nila yung paborito kong Mars! Pinagsabihan ko talaga sila.

 

May isang nagbago ngayong birthday ko. Mas marami ang bumati sa akin. Nadagdagan siguro ng mga bente. Binati kasi ako sa gc ng SLC. Pasimuno si Karina, sinabi ko na sa kaniya na wag na niyang sabihin pero talagang in-announce niya.

 

Speaking of Karina, isa siya sa mga pinakaunang bumati sa akin. She sent me a link. In fairness, natuwa ako sa pag-greet niya sa akin.

 

 

 

https://www.youtube.com/watch?v=XPejk_-rMDI 

 

 

 

Na-LSS pa ako sa kanta. Havey!

 

Aside from that, she sent me a very cute message.

 

 

 

Happy birthday, Winter! I was wondering why you were such a great person, it turns out you were born on a very special day pala ;)

 

 

 

Sobra kong na-apprecite lahat ng mensahe ng mga malalapit sa akin. I’m happy to be entering this new year with the same people, but I’m also very glad to have met the people I met last year. Maka-last year, isang linggo pa lang naman ang nakalipas.

 

Enrolment na rin namin in two days. Sabay-sabay kami nila Liz, para same class codes makuha namin. Sama rin daw si Gowon, yung friend ni bud. Susubukan niya kumuha ng second year major subjects, para hindi siya gaano mahuli sa pag-graduate. Sana makakuha siya, mabait naman yung department head ng Educ.

 

Kasulukuyan kaming nasa Google Meet, pinaguusapan namin ang mga subject na kukunin namin, “Kunin na kaya natin 323 at 322?”

 

“Pwede daw ba?”

 

Tapos na namin lahat ng minor subjects namin kasi sinagad namin nung short term. Pinagalitan ako ng papa ko kasi 7AM to 5PM yung schedule ko nun. Namayat ako kasi naging maluwang lahat nung mga damit ko that time. I’ve gained the weight back naman na.

 

Ang tinis ng boses ni Liz, “Oo, sabi ni Mrs. Bautista sa akin nung nagtanong ako about  it.”

 

Pinagisipan ko ito ng mabuti, siguro ipapaalam ko muna kay mama at papa. Okay lang naman sa akin yung ganun, para mapadali yung buhay ko pag dating ng internship namin. Mas mainam na hangga’t okay at kaya ko pa, itodo ko na itong pagaaral ko.

 

Hindi naman sa nagmamadali ako, pero it’s an opportunity na I know will have its benefits in the near future. I’m mostly thinking about time. Alam kong may research kami next school year, time-consuming yun, kaya okay na mabawasan yung units ko for that semester.

 

“Paalam muna ako.”

 

After ng call namin, naligo na ako at nagayos. Inaya kami ni Giselle ng nanay ko na lumabas. Shopping at lunch out. Go agad kami kasi nagiging homebody na kami these past few weeks. Miss ko na ang outside world!

 

Tumalikod si Giselle, “Okay ba tong suot ko? Nakatingin siya sa salamin sa tapat ng room ko. Naka putting dress siya, heeled sandals, tsaka bucket hat.

 

“Bakit yang hat?” Umusog ako para makita ko siya sa reflection sa mirror.

 

She turned to me, “Bigay sa akin ni J.”

 

Si J yung jowa-jowaan niya sa Laguna. Madalas niya ito makwento sa akin, naririnig ko rin silang magkausap lagi sa phone. School mate niya, naging magkaklase sila last year at nagkagusto sa kaniya yung guy. Nililigawan na ata niya pinsan ko, ewan, hindi kasi clear sa akin yung status nila. Palaging nagsasabihan ng ‘I miss you’ at ‘I love you’ pero hindi pa official?

 

Support na lang ako sa pinsan ko, ganun naman dapat di ba?

 

“Hindi bagay.”

 

Di nagtagal ay umalis na kami sa bahay. As expected, marami ang tao sa labas ngayon. Nandito kami sa Department Store nagtitingin ng mga gamit-gamit. Balak ko bilhin yung Parker pen na matagal ko nang gusto. Set talaga yun pero masyadong mahal.

 

Humiwalay ako sa kanila saglit para kunin yung pluma. As I was about to grab it, another hand reached for the pen. Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko ang isang pamilyar na mukha. I examined her face, making sure na siya nga ito.

 

“Oh… sorry.”

 

I retracted my hand, “Yunjin?”

 

She looked at me, eyebrows furrowed, as if asking bakit alam ko ang pangalan niya. Not even five seconds after, nagiba ang expression niya, mukhang namukhaan na niya ako. Nginitian ko siya.

 

We talked a bit about school and the holidays. After a while ay naging awkward na yung vibe between us. Naalala namin na pareho pala kaming gusto bilhin yung nag-iisang Parker IM Core Ballpoint Pen. Napapakagat-labi ako sa tension. Bakit niya balak kunin yung pen? Nangongolekta rin ba siya?

 

“You were reaching for this one, right?” She asked me, her voice calm and monotonous.

 

Tumango ako, “Ikaw din?”

 

Tumawa siya, “Yeah. My friend has been eyeing this for a few weeks now, siya ang nabunot ko for our Christmas party.”

 

Christmas party? Christmas was almost three weeks ago, sinong inuuto nito? Definitely not me. I replied, “I’ve been eyeing it for months, so…”

 

She turned to me, nakatungo na yung buong katawan niya sa akin. She’s a lot taller than me kaya naman medyo nakaka-intimidate ang demeanor niya as of the moment.

 

“Respectfully, I touched it first.”

 

Umiling ako, “No you didn’t. I did.” Okay, hindi ko ito nahawakan pero that’s beside the point, hindi rin kaya niya nahawakan yung ballpen. Nakita ko! Sakin pa talaga siya magsisinungaling.

 

She scoffed, “I’ll give you double of what the pen costs, basta akin na.”

 

Nginitian ko siya, “Kahit anong dagdag pa gawin mo, hindi ang sagot ko.” Well… if she says na te-triplehin niya ang amount, baka um-oo ako.

 

She looked at me confused, “What the hell? Ano bang meron dito sa pen na to? Will whatever you right with it come true or something?”

 

“Basta, ako ang nauna,” I grabbed the pen, hindi naman siya umangal pa. Nakakaloka yung nangyari. Nagpaalam na ako sa kaniya at narinig ko ang pag-buntong hininga niya nang tumalikod ako.

 

Ha! Ang galing ko dun! I feel weird though, bakit parang nakulangan ako sa energy from her? Gusto ko pa sana ng sagutan, maganda takbo ng utak ko ngayon at feel ko maayos yung mga masusumbat ko, if ever. Nonetheless, I walked towards the register smiling.

 

I can’t help but think about my interaction with Yunjin for the rest of the day. Ang funny kasi yun na yung pinakamahabang paguusap namin, nagtalo pa talaga kami. I wonder if ikukwento niya sa mga kaibigan niya yung ganap namin. Tsaka, sino kaya yung friend niyang may gusto nung ballpen.

 

Ingat na ingat ako sa bago kong purchase. Hindi biro ang dalawang libo! As much as I want to milk this pen, gusto ko rin itong itago na lang at gawing display kasama yung mga Rollerball na meron ako.

 

Actually ito ang first Parker pen na balak kong gamitin sa everyday life ko, ito rin kasi ang una kong ballpoint from the brand.

 

Natapos ang araw ko nang naka upo lang ako sa may desk ko, taking way too many photos of my pens. Hindi ako sigurado kung kelan nagsimula itong adoration ko for Parker pens, ang alam ko lang ay simula nung Senior High pa to. Sa hilig ko magsulat, niregaluhan ako ng Jotter na Rollerball nung nagkagusto sa akin noon. Prior to that, wala akong idea kung ano ang mga iba’t ibang uri ng panulat. Basta may tinta pa, okay na ako.

 

Talagang nagiba yung pananaw ko nun, mas pinahalagaan ko ang mga gamit kong lapis at bolpen, kahit mura lang ang mga ito. Hanggang ngayon ay nandito pa rin yung binigay sa akin ng kaklase ko, naka-secure na ito sa box.

 

 

 

 

 

 

“Good morning everyone, my name is Jose Almandro at ako ang inyong magiging kasama for EDUC 323.” Binati namin ito pabalik. Hindi siya nakangiti man lang kaya ramdam ko nang mabagsik ito pagdating sa pagtuturo.

 

Sa gilid kami pumwesto nila Ning Ning, kami lang ata ang sophies dito. Nagtinginan silang lahat sa amin nung pumasok kaming tatlo dito, nagtataka siguro sila dahil hindi nila kami kilala. Isang buong block kasi itong class. Hindi naman sila curious enough para magtanong sa amin.

 

I was lowkey hoping na maging kaklase namin sila Heejin. Tatlo yung block classes for their year level, hindi naman ako para tanungin kung ano yung code ng class nila. Naisipan kong tanungin kay Karina pero I decided against it kasi it felt weird. Okay na to.

 

I nudged Liz on my left side, “Terror ba tong prof na to?”

 

“Kalbo siya.”

 

I looked at her weirdly, “And?”

 

Lumapit siya, “Hindi mo ba pansin? Pag kalbo mas mabilis uminit ulo nila kasi wala silang buhok na nagiging shield, kaya mas mas madali sila magalit.”

 

“Inaka.”

 

Our lecture proceeded with him presenting a plain, dull PPT. Wala man lang kulay ito, nakakawalang gana tignan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespachow
here is my twt acc: @aveaespa

pls be nice hehe :)) (secret ko lng dapat yang acc ko na yan eh)

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAHA WINTER AND HER SHENANIGANS
lokonaba
#2
Chapter 10: its 3am and??? kilig i had to suppressed the hail
lokonaba
#3
Chapter 7: karina huli sa akto
Young_DP
#4
Chapter 18: syet kakilig naman hehe sana mabiyayaan ng mabilis na update
cecoco #5
Chapter 18: aaawww ang cuteee (╥﹏╥)
Eybrelros #6
Chapter 18: Woahh thank you sa update
gumamela12 #7
Chapter 18: Ahhhhh!
EzraSeige
#8
Chapter 18: Ang bading na si Karina ay natagpuang down bad 😏😏😏
aerichandesu
#9
Chapter 18: ANG CUTE ADGSHSJAKA
gomtokkim
2161 streak #10
Chapter 18: Thank you sa update authorrr