C-17

Tila ibon kung lumangoy
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Reporting was just as hard as I anticipated it. Ang komplikado ng mga tinuturo sa amin, or baka ako talaga yung problema. Buti na lang pareho kami ng mga kasama ko rito. Nakadikit lang ako kay Sakura, siya yung kilala ko. Close sila ni Eunchae at nakausap ko na siya before.

 

“You guys pay attention to your pitch and clarity. Kailangan naiintindihan ng mabuti lahat ng sinasabi niyo,” sigaw na sabi ng mentor namin. Todo ang preparation at training namin dahil kami ang papalit sa current roster ng hosting department para sa susunod na school year.

 

Nagpaalam na yung instructor sa amin at nakakaisang oras na rin kami dito. Inaya na ako ni Sakura na bumalik sa taas, “Tara. Kanina pa ako nauuhaw.” I complied sa sinabi niya, if nagpatuloy pa kami baka nawalan na ako ng boses.

 

Pagpasok namin sa AVR, naabutan namin yung grupo nila Eunchae na nakikinig sa SD namin na nasa stage. Sumingit kami sa tabi nito. Sinabihan niya ako na napunta siya sa writing department. I’m excited for her, ako daw ang lalapitan niya for advice.

 

I feel honored. As a senior to her, I won’t take for granted na ako ay pinagkakatiwalaan niya when it comes to my forte. Mas madalas na kami magkakasama dito, masaya ako.

 

May palaisipan lang ako. Parang ang weird na balik ulit kami sa ganito, yung naguusap na ulit lagi. Hindi namin napagusapan yung rason kung bakit nagin AWOL ako for a while. Ewan ko if nahihiya lang sila magsabi at magtanong or kung talagang hindi ko na dapat ito ipaliwanag.

 

Pero ang unfair naman if ganun lang, hahayaan ko na lang na ganon. Tsaka, gusto ko rin sila makausap about it, kaibigan ko sila at hindi tama yung ginawa kong pang-iwan sa ere sa kanila. We’ve grown really close and I hold them dear to my heart.

 

Lalo na si Ryujin. Ang welcoming niya, like always, kahit na pinaginitan niya ako for a quick minute. Balik na siya sa pangaasar sa akin lagi, medyo na-miss ko yun. Her bubbly personality is something I want to be consistent sa life ko, lalo na in university.

 

“Tapos na kayo?” Bulong sa akin ng nakababata.

 

My eyes wandered to identify kung sino pa ang mga nandito ngayon. “Kakatapos lang. Tagal pa kayo?” Tumango ito bilang sagot sa tanong ko. Nakinig na lang din ako sa mga tinuturo ng director about transcription and writing news reports.

 

Excused na naman kami from our afternoon classes for these meetings, tatlong araw din to. Pangapat na araw na ng Abril, ang bilis ng oras, I’m excited for the small break sa huling linggo ng buwan. Tuloy yung pagpunta namin sa probinsya ni mama.

 

Miss ko na yung mga pinsan ko dun, sila yung mga cousins ko na kasing edad ko. Sa side kasi ni papa puro sila nasa late 20s at early 30s na, yung iba pamilyado na. Bihira kami magusap kasi wala naman kaming common ground, they usually just ask kung kumusta ang pagaaral ko o di kaya kung may boyfriend na ba ako.

 

Mangingisda kami dun sa fish pond ng lolo ko, punong-puno lagi ng bangus. Gusto ko na ulit makapagulam ng inihaw na bangus na may kasamang bagong pitas na kamatis. Ready na ako for the ultimate province experience.

 

Tumunog ang wristwatch ko, alas tres na ng hapon. I messaged Karina para tanungin siya kung ano na ang pinagkakaabalahan nila sa team niya. Nasa production operations na siya, sila yung naka-assign sa pag-air ng mga programs namin, marami pa silang tasks, nakalimutan ko. Basta heavy work.

 

Nung sinabi ko sa kaniya na I’ll be assigned sa department niya ngayon, she expressed her glee, sabi niya she can’t wait to hear me be the voice of our station. Nako! The pressure is on na para sa akin.

 

About us, okay kami. Mas okay na kami. Hindi pa totally okay pero we’re getting there. I’m getting there. Nung Tuesday, pumunta na ulit ako sa dating gawi, we’re not exactly like before pero I can feel her slowly ease up to me again.

 

This time alam ko na anong dapat kong gawin at kung anong kailangan kong iwasan na mangyari. Nasa akin ang bola. Ito na talaga yun, I made a promise to myself not to ruin this once more. Quota na ako diyan, ayaw ko namang mapunta sa wala itong bagong pagkakataon that Karina is willingly giving me.

 

Mabilis ang reply niya sa chat ko, kakatapos raw nila at pabalik na sila dito sa taas. Nasa 5th floor sila, dun sa double classroom, our org must’ve reserved it for them, usually kasi may nagkaklase dun. Baka priority kami? Naks.

 

Magkasama sila ni Ryujin dun, buti pa siya. I was hoping na makagrupo ko siya pero it is what it is. Makikita ko pa rin naman siya. Yes, I’m not going to take her for granted. That was my mistake na hindi ko na uulitin.

 

Nakaabang na ang mga mata ko sa pintuan ng AVR, anytime soon papasok na sila dito. I looked to my right, sakto may mga bakanteng upuan pa. Nasa gitna namin ni Sakura si Eunchae. Ako yung nasa dulo kaya I politely asked my team member na makipagpalit ng pwesto.

 

She agreed agad, no questions whatsoever, “Sige, go.” Mabilis at marahan ang pagkilos ko.

 

Nagkatinginan kami ni Eunchae, nagtataka ang kaniyang itsura. Nginitian ko lang siya, hindi naman siya nagtanong so hindi ko na sasabihin kung bakit lumipat ako. Makukuha niya rin yan maya-maya.

 

Hindi kumurap ang mga mata kong nakatingin sa pinto. Nakita ko ang pagikot ng door handle at unti-unting may namuong ngiti sa mga labi ko. Bumukas ito at bumungad ang mukha ng isang babae na hindi si Karina.

 

Our friend spotted me and rushed to our seats. Binati niya kami isa-isa. Umupo siya sa tabi ko, “Asan siya?”

 

“Secret, walang clue,” she stuck her tongue out at me, jokingly. Kaasar. Ayaw niya talaga sabihin sa akin kung na saan yung taong hinihintay ko. Pinapalipat ko rin ito ng upuan dahil nakareserba yun para kay Karina.

 

Hindi siya nagpapatinag sa mga sinabi ko at sa ginagawa kong pagtulak sa kaniya sa pwesto niya, “Bakit? Sinabi ba niya na dito siya uupo? Winter, ayaw mo ba akong katabi? Ouch.” She has this stupid teasing expression on her stupid face.

 

Wala na akong nagawa but to stay in my seat and quietly mope. Itinuon ko na lang ang atensyon sa nagsasalita sa harapan namin. Hindi ko na rin pinapansin yung mahinang hagikgik ng katabi ko.

 

So much so na hindi ko na napansin ang pagpasok nung babaeng inaabangan ko, narinig ko na lang ang boses nito nang batiin niya ang mga katabi ko. I looked up to see her figure standing in front of me, nakatingin ito sa akin, with a soft smile sa kaniyang napakagandang mukha.

 

“Karina…” Tinawag ko ang pangalan niya, just because.

 

She quietly said hi to me and I said it back. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa dulo, sa kanan ni Ryujin. Hindi ko siya makita ng maayos dahil nakaharang na yung ulo nitong isa, she’s even purposely leaning para talagang matakpan niya si Karina.

 

Hindi na nagtagal pa yung seminar dito, nagsimula na rin kasing magsidatingan yung ibang members galing sa kung saan man sila nanggaling. Nangiwan ang station director namin ng mga tasks na kailangan naming matapos within the day, pertaining siya sa teams namin as of now.

 

Tumayo si Eunchae, “Punta lang po ako kami sa members namin.” Nagpaalam sila sa amin at nagtungo sa labas.

 

Sumunod si Ryujin na nagsalita. She turned to me, “Tara! Andun sila Rei.” Liningon ko ang direksyon na tinuro niya, nakapwesto ang writers sa hindi kalayuan sa amin.

 

Pinauna ko na ito, buti na lang hindi na siya nagpumilit at naginarte pa. Pigil-ngiti siyang naglakad papalayo sa amin, “Ayos. Take your time, go lang.”

Ayan na naman siya! Kahit kailan talaga.

 

Naiwan kaming dalawa dito sa row, humahanap ako ng tiyempo para makausap ko siya. Wala naman akong gusto o dapat sabihin sa kaniya basta I want to hear her voice lang. There was a moment of silence between us, hindi pa rin siya tumatayo, hinihintay niya siguro ako.

 

“Musta yung meeting niyo?” Parang nabalik kami sa unang buwan ng taon. Valid naman ata yung hiya ko at ang kaniyang pagiging reticent niya towards me.

 

Lumipat ako ng upuan, dito na ako sa pwesto ni Ryujin kanina. “It was pretty boring and chill.” Uy! Buong sentence. Tumango ako sa sinabi niya, to show na naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin, kahit na hindi naman komplikado yung sagot niya.

 

I saw her eye to eye, “Sa amin rin. Hirap pala maging DJ.” Pareho kaming ngumiti. She steered her gaze away while smiling still. My focus was on her and her only.

 

“It’s not easy work, what can I say?” Napatingin ako sa kamay niya na nakapatong sa armrest. Gusto ko itong hawakan pero I decided against the idea. Wala pa ulit kami sa ganung stage, kahit pa niyakap na niya ako, may reluctance pa rin from her side.

 

Sa side ko rin, out of respect and recognition of my faults. She waited for me to step up and now I’m waiting for her to completely accept and forgive me. Ayaw ko rin na ma-overwhelm siya sa mga kilos at salita ko, I want to keep her in comfort.

 

I smiled at her, “Definitely. Baka may tips ka diyan, kakailangan ko talaga.”

 

“I have many, but, you know, wala nang libre ngayon, so…”

 

Natawa ako sa sinabi niya. My heart is softening at our conversation right now. Nakakapagbiro na ulit siya sa akin ng ganiyan. For a moment a while back, akala ko hindi na ulit kami makakapagusap ng ganito kagaan.

 

Nagulat ako sa boses na biglang nagsalita sa may likod ko, “Nagbibiro lang naman ako sa “take your time” na sinabi ko pero talagang sinulit mo.”Binalikan ako ng fellow news writer ko, sa totoo lang, nalimutan kong may kailanga nga pala kaming gawin.

 

Si Karina kasi…

 

Akala ko pa hihilain na niya ako papunta dun sa group namin pero umupo ito sa tabi ko, I guess we’re not needed dun. Mukhang wala rin naman silang ginagawa nung napatingin ako sa banda nila. Naguusap-usap lang sila.

 

Hinarap namin siya, “Bago ko makalimutan, free ba kayo sa 17?” I reached for my phone para i-check kung anong araw yun. Tapos na ang exams by then so, most likely ay available na ako that time.

 

Sinabi ko ito sa kaniya. Karina said the same thing. I think alam ko na kung about saan ito. Honestly, yung birthday lang ni Karina yung talagang inaalala ko ngayon, although alam ko namang ngayong buwan din yung kaniya.

 

Priorities. Heh.

 

She clapped her hands once. “Okay! Plano kong mag-celebrate ng birthday ko sa ‘The Manor’, tayo-tayo sana nila Eunchae.” Wow. Mamahalin yung restaurant na yun ah.

 

Sinabihan niya akong tawagin sila bud pero sinagot ko siya, “Dapat ikaw magsabi niyan sa kanila, hindi maniniwala mga yun kapag ako lang ang nagsabi.” Since mutuals naman na sila sa social media, nag-send siya ng message dun sa dalawa.

 

Karina called for our attention, “I also have plans on celebrating my birthday, pero sa bahay lang namin. It’s on the first day of exams so it will be simple lang. I want you guys to come.” First day of exams, who? I only know of Karina’s birthday!

 

Midterms ka lang, araw ni Karina yun.

 

“I’ve already messaged Liz and NingNing about it,” tumingin ito sa akin. I smiled as a response. Alam ko naman na nasabi na niya, pinakita kasi sa akin ni bud yung chat niya, mas nauna pa silang naimbitahan, pero no biggie.

 

Ryujin smirked, “Mga magaganda talaga April Aries.” Gusto kong basagin trip niya at sabihin na kung ganun ay hindi siya pinanganak ngayong buwan pero mabait ako ngayon.

 

Tuloy-tuloy na ang kaniyang pagdadaldal, nanatili na kami dito sa upuan hanggang sa pumatak ang alas kwatro ng hapon. “Fun fact about me, guys! Pinanganak ako ng 6AM, kaya palagi akong maaga.” Ganun ba yun? Itong logic netong si Ryujin, kung anu-ano.

 

My seatmate to my left seemed interested, “I was born at exactly 12:34PM, maybe that’s why lunch is my favorite meal!” Ang cute niya.

 

Tinanong ako ni Ryujin kung anong oras ako lumabas sa sinapupunan ng nanay ko. From what I recall, yung nakasulat sa birth certificate ko ay alas tres ng madaling araw, “Hindi ko maalala yung exact pero alam ko around 3AM.”

 

“Kaya ba Winter pinangalan sayo? Malamig tuwing madaling araw eh.”

 

“Wala kasing ganun sa Pinas kaya yun ang pinangalan sa akin.”

 

Parang amazed na amazed naman itong si never late dahil maaga pinanganak, “Ang witty ng parents mo! Para lang masabi na may Winter na dito sa Pinas.” Tawang-tawa siya.

Naputol ang usapan namin nang tawagin na si Karina ni ate Dahyun. Nanghihinayang ako kasi I can tell she was really enjoying our nonsense talks, nakakakilig yung tawa niya, lalo na kapag dahil ito sa akin.

 

May paguusapan ata sila about sa episodes na need nila i-record this week. They’re working extra dahil sa upcoming schedules, syempre priority ang exams kaya they’ll be mass recording a bunch of parts ng program namin.

 

Minabuti na rin namin ni Ryujin na pumunta sa mga kagrupo namin. Light task lang ang in-assign sa amin for today, we need to compile all of our reports, starting from the very first one up to the most recent. May proper organization kami ng mga sulat namin kaya mabilis namin itong natapos.

 

Nagpaalam kami ng kaibigan ko kay Rei para bumili ng pagkain namin sa labas. Gusto ko ng something na matamis kaya sa malapit na bakery kami pumunta, merong stall sa gilid ng main gate. May mini donuts sila dun, sulit na sulit.

 

Bumili ako ng isang dosena, yung kalahati plain vanilla, yung normal na size ang binili ng kasama ko, kalahating dosena sa kaniya, ibibigay niya yung iba sa members namin. Tig-isang kagat na lang siguro sila. It’s the thought that counts, anyway.

 

Bumili na rin ako ng tubig, I made sure na malamig ito, just in case. Wala rin kasi akong dala, I’ve been meaning to buy a tumbler pero lagi akong tinatamad bumili nito kapag nasa labas ako, kung hindi naman ay nakakalimutan ko.

 

Next month, sure na yan. Bibilhin ko muna yung gusto kong pen. Sakto lang naipon ko eh. Balak ko na ngang bilhin next week, kaka-restock kasi sa National Book Store, I wouldn’t want to waste that opportunity.

 

Umonti ang tao sa loob ng AVR nang makabalik kami dito. Nagsisiuwian na pala ang iba sa amin. Agad kong hinanap kung na saan si Karina. It was easy to spot her long dark hair and tall frame. Kausap niya si Chaewon.

 

I mustered up enough courage para lapitan siya. Nang dalawang metro na lang ang layo ko sa kaniya, lumingon ito sa direksyon ko. Sa kaniya lang ako nakatingin kaya hindi ko alam kung pati yung isa ay tumingin sa akin.

 

Nauna kong binati si Chaewon, she gave me a full smile, “Hello, Winter!” Ang jolly niya always.

 

Inabot ko kay Karina ang paper bag na may laman na anim na mini chocolate donuts, bought with love and handled with care. “Donuts.” She grabbed it from me and scanned the bag.

 

Ngumiti ito sa akin, bago pa siya makapagsalita, inunahan ko ito, “Ako yung bumili, I mean, ako mismo. Ako yung nagbayad sa nagtitinda gamit yung pera ko…” I timidly bit my lip.

 

She playfully rolled her eyes, napatawa ko siya. Nice one, Winter! “Okay, Winter. Thank you for this.” Hala, sinabi niya yung name ko. Parang ewan itong si Karina.

 

Nahiya ako nung biglang magsalita si Chaewon. I forgot she was here with us. “I’ll get going na, guys. Enjoy the donuts!” Kumindat ito sa akin bago siya tumalikod.

 

Umupo si Karina sa edge ng stage, I followed suit. Buti na lang hindi ito masyadong mataas, hindi ako nahirapan sumampa. I left about ten inches of space sa pagitan namin. Nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng jacket ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa kanila.

 

Kumain na ako sa hati ko sa donuts na binili ko habang naglalakad pabalik sa campus kaya nakuntento na lang ako sa panunuod kay Karina na pinapapak yung dessert. Mukhang gutom na siya.

 

Inabutan niya ako ng nakagatan na niyang piraso, “Why are you not having some?” Tumingin ito sa gilid ko, looking for another bag of sweets.

 

Umiling ako. “Kumain na ako, binigay ko yung sobra sa ibang members.” Pinaabot ko kay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespachow
here is my twt acc: @aveaespa

pls be nice hehe :)) (secret ko lng dapat yang acc ko na yan eh)

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAHA WINTER AND HER SHENANIGANS
lokonaba
#2
Chapter 10: its 3am and??? kilig i had to suppressed the hail
lokonaba
#3
Chapter 7: karina huli sa akto
Young_DP
#4
Chapter 18: syet kakilig naman hehe sana mabiyayaan ng mabilis na update
cecoco #5
Chapter 18: aaawww ang cuteee (╥﹏╥)
Eybrelros #6
Chapter 18: Woahh thank you sa update
gumamela12 #7
Chapter 18: Ahhhhh!
EzraSeige
#8
Chapter 18: Ang bading na si Karina ay natagpuang down bad 😏😏😏
aerichandesu
#9
Chapter 18: ANG CUTE ADGSHSJAKA
gomtokkim
2161 streak #10
Chapter 18: Thank you sa update authorrr