C-02

Tila ibon kung lumangoy
Please Subscribe to read the full chapter

Kumpleto na agad araw ko, kakadilat ko pa lang ng mga mata ko. Kasi naman. Ewan ko ba. Ito na naman ako sa pagiging overly joyous ko about the smallest, most trivial things that have no meaning, na kababaliwan ko for the rest of the week. It’s been a while since magka-crush ulit ako ng ganito.

 

I’m usually not a breakfast person pero natipuhan ko sabayan si kuya sa hapag. Nagluto si papa ng longganisa at tocino bilang ulam, tapos ginawa niyang sinangag iyong natirang kanin kagabi. Kulang na lang itlog para maging silog yung umagahan namin.

 

Nagtatakang tumingin sa akin ang kuya ko, “Kakain ka? Ano gusto mo?” Inabot na niya sa akin ang mga platong karga ang mga ulam, pati na rin yung kanin.

 

Kumuha ako ng tig-isang piraso nung naluto at nagsandok ako ng kanin na parang kasya na para sa dalawang tao. Ako lang ba yung mas marami lagi yung kanin kesa sa ulam? Kanin is life kasi.

 

“Gusto mo magbaon?” Tanong ng kapatid ko na tumayo na sa kinauupaan niya para iligpit ang pinagkainan nito. Mukhang magtitimpla ito ng kape, yung black na black, “Kape, gusto mo?”

 

Ang aga ang daldal niya, hindi kasi sanay na nagpakita ako sa kaniya bago siya makaalis ng bahay. We never see each other during the morning, kapag hapon at gabi na lang talaga kami nagkakasama. I exhaust my time pag natutulog so super precise and calculated ng oras na dapat ay magising na ako, makaligo, makapagbihis at ayos, at makaalis sa bahay. All that happens in the span of less than an hour, I’m fast like that.

 

Napangiti ako, “Ayaw ko. Hindi naman ako nagkakape. Milo na lang.” Susulitiin ko na tong kabaitan ng kapatid ko.

 

Agad siyang kumilos para sundin ang inutos ko. Meanwhile, ninanamnam ko ang niluto ng papa kong chef sa isang hotel. The best talaga luto ng tatay ko!

 

Inilabas ko ang phone ko galing sa bulsa ng sweatpants ko habang nagmumuni-muni, since nagising ako ng mas maaga ngayon, at mamayang alas diyes pa naman first class ko. Speaking of, nag-message ako kay Liz na daanan ako dahil kaklase ko siya dun. Ibang schedule yung nakuha ni Ning Ning, nagkamali kasi ng pindot nung enrolment.

 

Nag-scroll na lang muna ako sa phone habang kumakain. Everything feels the same, the posts people put out, medyo nagsasawa na ako. Kaya hindi na ako masyado active, lalo na sa Facebook at Instagram. Tanging Youtube na lang sumasakop ng screen time ko, hilig ko kasi mga video essay. Napaka-informative at entertaining, madalas ko sila panuorin habang kumakain.

 

Pang-stalk ko na lang talaga yung ibang social media apps.

 

Half joke.

 

“Sinabi na ba ni papa sayo na uuwi si mama sa pasko?” Ipinatong ni kuya ang mug ng mainit na milo sa mesa. Napatigil ako sa narinig ko.

 

Wala akong kaalam-alam sa plano nilang ganyan, “Hindi. Real ba yan?” Earlier this year kasi sinabi rin nila na uuwi si mama nung September pero hindi naman ito natuloy, ewan ko ano rason.

 

“Daw. Sama ka sa pagsundo ha.”

 

Oo na lang ako. Hindi na lang ako masyado aasa, baka tokis ulit. Syempre it would be really nice if tuloy ang uwi ni mama, magaapat na taon na kasi siyang hindi nakakauwi. Miss ko na siya. Hays. My mommy issues acting up again.

 

Humingi ako ng baon bago umalis si kuya, binigyan naman niya ako ng 500. What is up with him today? Weirdo. Parang mapapa-SB ata kami mamaya nito, nangongolekta kasi ako stickers. Yung matcha drinks lang naman kursunada ko dun. Top tier.

 

“Bakit naman pati sa Sunday may practice?” May halong inis at pagkairita sa boses ko nang ma-inform akong balak nila i-extend ang practices hanggang Sunday. Seven days a week! Hihimlay na ako. Buti sana kung nagpapameryenda sila ng masasarap. Aanhin ko yung monay na mas matigas pa sa bato? Tapos yung panulak pang napakapakla. Onti na lang magba-backout na ako.

 

“Yun sabi sa akin ni Karina kaninang umaga. Ililipat din yung venue ng practices. Sa covered court daw ng LES.”

 

Naglalakad kami papuntang library para magpa-print, si Liz naman may hihiramin naman na mga Accountancy books. Hilig niya raw magbasa ngayon tungkol sa ibang fields para ma-expand pa yung mga niche niya. For all I know may pinopormahan lang siyang taga COA. Buti na lang hindi ko na kailangan dumayo para sa crush ko.

 

Naaasar na ako, “Quit na ako. Masyado nang demanding sa oras, magsisimula na kami sa prep para sa launch nung campus radio.”

 

“You can’t. Baka ipa-suspend ka pa ng Dept. Head kung gagawin mo yan.”

 

Gusto kong magwala at sumigaw dito sa library. What did I get myself into? Kasalanan to ni Ning Ning. Mamaya talaga sa akin yun!

 

Liz continued to talk, in a hush voice, as we pass by the reading area of the library, “Besides, nadagdagan yung mga teachers na makikipag-coordinate meaning may plus points sa iba pang subjects, hindi lang dun kay Ma’am Ortigas. Sayang naman yun.”

 

Actually biro lang naman yung sinabi ko, I’m really not the type to give up in the middle of things. I’m good at committing myself sa mga ganitong bagay. Makakatulong rin ito sa future, ewan ko saan exactly, pero I’m sure this will serve as something.

 

Nag-part na kami ng ways after our errands sa library. Papunta ako sa class ko with Ning Ning, siya naman ay umuwi na muna dahil m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespachow
here is my twt acc: @aveaespa

pls be nice hehe :)) (secret ko lng dapat yang acc ko na yan eh)

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAHA WINTER AND HER SHENANIGANS
lokonaba
#2
Chapter 10: its 3am and??? kilig i had to suppressed the hail
lokonaba
#3
Chapter 7: karina huli sa akto
Young_DP
#4
Chapter 18: syet kakilig naman hehe sana mabiyayaan ng mabilis na update
cecoco #5
Chapter 18: aaawww ang cuteee (╥﹏╥)
Eybrelros #6
Chapter 18: Woahh thank you sa update
gumamela12 #7
Chapter 18: Ahhhhh!
EzraSeige
#8
Chapter 18: Ang bading na si Karina ay natagpuang down bad 😏😏😏
aerichandesu
#9
Chapter 18: ANG CUTE ADGSHSJAKA
gomtokkim
2161 streak #10
Chapter 18: Thank you sa update authorrr