C-06

Tila ibon kung lumangoy
Please Subscribe to read the full chapter

“Take a chance with me, take a chance with me…” Nakikisabay ako sa kantang pinapatugtug ko sa Spotify Premium ko. It is a favorite of mine from the ‘Nicole’ album.

 

Mamayang hapon na yung competition. Masaya ako dahil finally ay matatapos na to. Hindi pa ako tinatamaan ng nerbyos at kaba pero sigurado ako once pumunta na kami sa venue, baka maihi ako sa pagka-overwhelm. Papunta ako sa bahay nila Liz, sabay na kaming pupunta sa school.

 

Mabilis lang akong nakarating sa kanila, kabilang barangay lang naman yung lugar nila. Kumatok ako sa gate nila sabay sigaw ng pangalan ng kaibigan ko. Napapapaypay ako sa init, ang tagal ako papasukin. Naka-hoodie pa naman ako, buti na lang linen yung pantalon ko.

 

“Hello, beh,” bati ni Liz sa akin habang nagsusuklay. Mukhang kakatapos niya magbihis.

 

Dali-dali akong pumunta sa porch nila, “Ang tagal mo. Napakainit sa labas.”

 

“Sorry,” tumawa siya. “Mag-taxi na lang tayo papuntang school.”

 

Nag-offer yung mama niya ng pagkain sa akin nang makapasok na kami sa loob ng bahay nila. Tumanggi ako dahil kakakain ko lang ng breakfast bago ako umalis sa amin. Tumuloy kami sa kwarto ng kaibigan ko.

 

Madalang lang ako pumunta dito kina Liz. Sa aming tatlo, siya yung may pinakamalaking bahay. Dalawang floor ba naman, may garage pa. Ang laki rin ng kwarto niya, halos doble na ata ng size ng kwarto ko. Burgis kasi tong si Liz. Parehong nasa business industry yung parents niya.

 

Kwento niya sa amin noon na dapat Business Administration ang kukunin niyang course dahil sa family niya. She fought for her passion, which is to teach. Supportive naman sila sa kaniya, although it took some time for them to warm up to the idea of her not pursuing business.

 

Kinuha ko yung leaflet na nasa desk ng friend ko at pinaglaruan ito. Nagaayos pa kasi siya at wala rin akong ibang magawa. Nagkakalitkot na lang rin ako ng kung ano-anong makita ko. Bored na bored lang.

 

“Hindi ka ba kinakabahan?” Tanong niya habang naglalagay ng pabango. Mukhang patapos na siya. I stopped with my fidgeting.

 

Nagayos ako sa full-length mirror sa tabi ng desk niya, “Keri naman. At least matatapos na.”

 

“Right. You think mananalo tayo?”

 

I stopped, “Sana. For sure CEA na naman champion.” Never pumasok sa utak ko yung kung manalo kami. Para sa grades lang talaga yung sadya ko.

 

Hindi na rin masama kung manalo kami, kahit runner up lang. Almost two months rin kaya tong preparation namin. In fairness sa choreography at performers, may ilalaban ang school namin.

 

“Tara na.”

 

Pagdating namin sa meet-up place, nagsisimula na sila mag-distribute ng damit na gagamitin namin. Yung top lang naman ang provided. Maglalagay rin kami glitter sa mukha at kamay. 15% rin kasi yung costume and attire sa criteria.

 

Lumapit kami kay Ning Ning na kasama yung ibang ka-batch namin, “Bud.”

 

“Tagal niyo mga teh,” umusog siya para bigyan kami ng space sa bench.

 

“Si Liz, ang tagal magayos.”

 

Nag-kwentuhan na muna kami habang wala pang instructions galing sa mga organizers. Hindi ko maiwasang tumingin-tingin sa paligid. Hindi ko kasi nakita sila Heejin pagpasok namin sa court. I wonder if late sila, but that would be weird kasi it’s way past our call time, lagi naman silang maaga.

 

Tinanong ko si bud, “Wala pa ba mga third years?”

 

“Umalis sila kanina. Ewan ko saan sila pumunta.”

 

Nagsalita si Liz, “Ka-chat mo na pala crush mo. Speed ha.”

 

Tinapik-tapik ako ni Ning Ning. Yung huling chat namin ay kahapon pa. Hindi niya ako ni-replyan. Sabagay, ano nga ba pwede i-reply sa ‘hahahaha’? Need ko ng seminar sa pagiging isang magaling na texter. Kinwento ko ito sa kanila.

 

“Kausapin mo na lang siya mamaya,” suggestion ni Liz.

 

“Sabihan mo ng ‘goodluck’,” dagdag ni bud.

 

Pwede naman. We’ll see, kung hindi ako maduwag. Baka huling beses ko na rin tong maka-interact siya in person since we don’t have classes together naman. Unti-unti ko nang nararamdaman ang kabog ng dibdib ko, hindi dahil sa kaba para sa performance namin mamaya, kundi dahil sa pag-anticipate ko sa pag-approach ko kay Heejin.

 

Speaking of the devil, natanaw ko ang pagpasok ng grupo nila sa kaliwa banda. May dala silang ga paper bag ng Mcdonald’s. Naka-french braid ponytail siya, tulad ng iba niyang kasama. Suot na nila yung mga designated shirts nila. Iba-iba yung kulay na suot nila. I wonder ano yung akin.

 

Ning Ning nudged me gently, “Ayan na. Mag-hi ka nga, oh.”

 

Madadaanan nila kami dahil nasa bandang pinakamalapit kami ng entrance. Sa dulo na yung vacant na space na pwedeng pagtambayan. Habang palapit sila, yumuyuko na lang ako. Nahihiya ako.

 

“Hello,” rinig kong sabi ni Liz sa tabi ni bud.

 

Tumaas ang tingin ko at katapat na nila kami. Binati rin ni Ning Ning ang grupo ng mga babae. Pansin kong naguusap na si Yunjin at Liz sa gilid. Madaldal nga talaga siya. Pasulyap-sulyap ako kay Heejin na nakatayo sa tabi ni Yunjin, nakikinig sa usapan nung dalawa. Saglit na nagtama ang mga mata namin at ngumiti siya sakin.

 

I immediately looked away.

 

Karina inched closer sa side ko, “Hi, Winter,” she smiled sa best friend ko. “Hello, Ning Ning.”

 

We both returned the greeting sa kaniya. Small talk lang kami. Nabanggit niya yung magiging meeting namin sa SLC. Magsisimula na kami sa field work at proper training by next week. Excited na ako. Ito kasi una kong org na sasalihan, tsaka interested din ako sa mechanics and work ethic sa isang radio station.

 

“Let’s stick together since we already know each other,” sabi niya, without a pause.

 

Napa-oo na lang ako sa sinabi niya. Okay lang rin sakin yun para hindi ako mahirapan masyado, kung sakali.

 

After a minute or so nagpatuloy na ang grupo sa dulo kung nasaan ang mga teacher. I didn’t get to say anything sa kaniya pero nginitian niya ulit ako nang tuluyan na silang maglakad muli. Ngumiti rin ako pabalik, I managed to utter a ‘hi’ in my small voice, hindi niya ata narinig.

 

I stared sa kaniyang likod as she walked away.

 

“Close na kayo ni Karina, bud?”

 

Pinagmasdan ko ang best friend ko, mukhang hindi naman siya inis or ano, “Hindi, bakit?”

 

Hindi siya sumagot, “Binati ka niya.” Tinatantsa ko kung pwede siyang asarin o hindi.

 

“Uy, bati na sila,” sabat ni Liz. Natatawa ako kasi parang ang laking away nung dalawa when it reality, one-sided beef lang naman talaga ang situation.

 

She raised her eyebrows as if showing a bit of annoyance, “Ewan niyo.”

 

“Joke lang,” bawi ni Liz. “Okay kaya yun, si Karina. Bait niya, sobra.”



I spoke, “You know…” Tinignan ko siya, “Baka naman misunderstanding lang yung nangyari sa inyo.”

 

Nanliit ang mga mata niya, she looked at the both of us, “Pinagtutulungan niyo ba ako?”

 

“Oo,” pinalo niya sa hita si Liz.

 

Soon after, nag-start na kami sa last rounds ng practices namin. Bago kami tumuloy sa venue ng competition, pinakain nila kami. Hindi na tinapay at mapaklang juice, chicsilog na tapos Zest-O caprisun.

 

Grabeng upgrade!

 

Iniiwasan kong ikumpara ang team namin sa iba pero hindi ko mapigilan sarili ko. Yung ibang school, costume pa lang, lamang na. Panglima kami sa mga performers, out of eight colleges. Sa bandang gitna kami. Okay na rin, saktong kaba yung nararamdaman ko.

 

Yung dalawa kong kaibigan tuwang-tuwa pang hinuhusgaan ang mga kalaban namin. Hindi ako makasabay dahil sa nerbyos. Ang dami pala talagang nanunuod nito, naco-conscious ako sa exposure ko. Mamaya baka nasa TikTok na yung mga mukha namin. I can’t mess up, naisip ko.

 

Niyugyog ako ni Ning Ning, “Magsisimula na, bud. Oh my God!”

 

Naaasiwa ako sa glitter, binuhos ba naman ni Liz yung bote sa mukha ko. Ako na pinakakumikinang na ulo dito. Kinilig pa ako kanina kasi magkakulay kami ng damit ni Heejin. Kahit na may iba pang naka-puti ay natuwa pa rin ako.

 

Natapos ang unang performer, grabe yung palakpakan. Sumun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespachow
here is my twt acc: @aveaespa

pls be nice hehe :)) (secret ko lng dapat yang acc ko na yan eh)

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAHA WINTER AND HER SHENANIGANS
lokonaba
#2
Chapter 10: its 3am and??? kilig i had to suppressed the hail
lokonaba
#3
Chapter 7: karina huli sa akto
Young_DP
#4
Chapter 18: syet kakilig naman hehe sana mabiyayaan ng mabilis na update
cecoco #5
Chapter 18: aaawww ang cuteee (╥﹏╥)
Eybrelros #6
Chapter 18: Woahh thank you sa update
gumamela12 #7
Chapter 18: Ahhhhh!
EzraSeige
#8
Chapter 18: Ang bading na si Karina ay natagpuang down bad 😏😏😏
aerichandesu
#9
Chapter 18: ANG CUTE ADGSHSJAKA
gomtokkim
2161 streak #10
Chapter 18: Thank you sa update authorrr