C-04

Tila ibon kung lumangoy
Please Subscribe to read the full chapter

Confident kong ipinasa ang argumentative essay na pinagpaguran ko buong week. Sinigurado ko ring tama ang formatting ng output ko, at walang gusot ang short bond paper na pinagsulatan ko.

 

Tinanong ko mga kaibigan ko kung kumusta naging process nila sa pagsusulat, maayos naman kay Liz, si Ning Ning naman hindi na umaasa na makakuha ng mataas na grado sa activity.

 

Worth 65 points kasi itong essay kaya talagang best of the best ang pagkakagawa ko nito. Nakailang daan siya sa Grammarly premium ko.

 

“Tuloy-tuloy pala practices natin this week,” banggit ni bud na nakatingin sa sinend na schedule ng organizer sa gc namin.

 

Pumihit ng tingin si Liz sa kaniya, “Yeah. Extended hours na rin.”

 

We have less than two weeks bago ang competition at ramdam ko ang pag-level up ng seriousness at difficulty sa practices. Mas naging strikto na sila sa absences or lates. Syempre, I can’t relate as a consistent member.

 

Kinakabahan na ako. Nung una, wala naman akong nararamdaman na kaba or anong emosyon, pero habang palapit nang palapit yung event, mas nagiging hyper aware ako sa dapat kong gawin. I’ve been practicing sa bahay, mga blockings namin.

 

“Sana kanin na ipakain satin sa susunod,” seryoso kong sambit.

 

“Gusto mo ba magluto ng adobo si Ma’am Tolentino?”

 

Natawa ako, “Pwede naman.”

 

“Yan na adobo mo,” iniabot sa akin ni Liz ang nakabalot sa plastic na peanut butter sandwich. 

 

7PM na at hindi pa rin kami tapos sa pagsasayaw, may mga biglang binago yung choreographer dahil iniba yung music na gagamitin namin. Parang timang lang. Sayang yung almost isang buwan na pagp-practice namin kung iibahin lang rin naman pala nila. Dapat kasi naayos na nila nung una pa. Ito tuloy kami, double time.

 

Nagsimula na muling mag-rant si Ning Ning, “Kasalanan to ni Karina.”

 

“Ano namang kinalaman niya? Sa choreographer mo isisi,” rebat ni Liz.

 

Sumigaw ito out of frustration, “Kainis naman kasi.” Nagpatungo siya sa labas, mukhang kailangan niya magpahangin. Ramdam ko yung gigil ni bud. Kahit naman ako asar.

 

Tumabi sa akin si Liz dito sa stage sa harap ng court, “Bakit ba inis na inis yun kay Karina? Anong meron?”

 

From what I remember, nagsimula ito last school year, nung freshie pa kami. Sinungitan daw siya nito. Key word ‘daw’. Walang ibang witness kaya hindi ma-fact check. Simula nun, medyo aloof na siya sa babae.

 

“Ang kwento niya sa akin nabangga niya daw si Karina nung freshman year, tapos inirapan siya.”

 

“True ba?”

 

Tumango ako, “Yan sabi niya.” Sinabi ko rin ang pagka-bossy niya minsan, directed towards us, specifically.

 

Wala naman na talagang instances na Karina showed bad attitude towards my friend. Very recently lang yung sa event na to, ang hilig niya mangutos sa aming lower batch. Napapansin ko rin yun, pero I don’t think much about it. Technically, she has the right to do so kasi siya ang isa sa team leaders. May times lang siguro na sobra na mga pinapagawa niya sa amin.

 

Sumangayon ito, “That’s true. But you guys have to understand… marami kasi pinagkakaabalahan yung mga third years ngayong academic year.”

 

I nodded, nagpatuloy pa siya, “Tsaka mandatory na sumali sila dito, tayo lang yung may choice kung gusto ba natin o hindi.”

 

“Ang lapit mo pala talaga sa kanila, no?”

 

“Ang daldal kasi ni Yunjin.”

 

Grabe lang yung posse nila Heejin, ang ideal nilang lahat. They have everything you want in a girl. From her, to Yunjin, God really took his time creating them. Mga three to four business days ata.

 

Napunta na sa mga third years ang chikahan namin. Nang makabalik na si Ning Ning, sumali na rin ito. Ang dami naming nalaman! Thanks sa napaka-active naming frenny.

 

Kunot-noong nagtanong si bud, “Bakit hindi niyo sila ina-address as ‘ate’?”

 

“I guess we’re close like that,” Liz said, coolly.

 

I thought of an answer. Wala akong marason. Nasanay ako sa pagiging casual sa lahat, especially in college. Plus, sila naman nagsabi na we don’t have to be formal, kahit wala nang ‘po’ at ‘opo’. What’s a one year difference, anyway?

 

I shrugged, “Wala naman problema sa kanila.”

 

Umiling-iling si Ning Ning, may kasama pang paghaplos sa balikat ko, “It’s about respect, bud. Respect.” She emphasized the word.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespachow
here is my twt acc: @aveaespa

pls be nice hehe :)) (secret ko lng dapat yang acc ko na yan eh)

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAHA WINTER AND HER SHENANIGANS
lokonaba
#2
Chapter 10: its 3am and??? kilig i had to suppressed the hail
lokonaba
#3
Chapter 7: karina huli sa akto
Young_DP
#4
Chapter 18: syet kakilig naman hehe sana mabiyayaan ng mabilis na update
cecoco #5
Chapter 18: aaawww ang cuteee (╥﹏╥)
Eybrelros #6
Chapter 18: Woahh thank you sa update
gumamela12 #7
Chapter 18: Ahhhhh!
EzraSeige
#8
Chapter 18: Ang bading na si Karina ay natagpuang down bad 😏😏😏
aerichandesu
#9
Chapter 18: ANG CUTE ADGSHSJAKA
gomtokkim
2161 streak #10
Chapter 18: Thank you sa update authorrr