Everything's Magic

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

Matapos ang ilang minutong lumipas, dumilat at bumangon si Himchan na parang walang nangyari. Dahan-dahan siyang bumalik sa kwarto niya, tinatago ang kanyang namumulang mukha at mabilis na tibok ng puso.

Sabi ko na ganito ang mangyayari eh, sabi ni Alym sa sarili pagkabangon sa pagkakahiga. Dahil aksidente lang to, parang walang nangyari. Kasi nga nadulas lang siya. At ako naman si tanga. Pero sabagay, sabi ng isang kasabihan "If someone's gonna take advantage of you, take advantage of them as well. Ganun na lang isipin natin.

At tulad nga ng naisip ni Alym, natapos ang araw nila na parang walang halikang nangyari. Pilit na tinatago ni Himchan ang hiya at ligaya habang tinatakpan ni Alym ang sakit sa puso (na hindi literal) at panghihinayang. Pero di pa dun natatapos ang gulo.

Walang kamalay-malay ang dalawa na dahil sa halik nila, may nagising mula sa mahimbing na pagtulog. Sa ilalim ng Look ng Maynila ay may isang makapangyarihang nilalang-dagat na nagngangalang Daegatsung. Siya ang bantay ng karagatan -- tagapagtanggol ng mga naaaping isda, hipon, balyena, dugong, bituing-dagat, pugita at lahat ng bagay na naninirahan sa tubig-alat.

Tatlong taon nang tulog si Daegatsung, maikling pahinga para sa 18 taon niyang pagbabantay. Nag-OJT si TOPgita, isang lionfish na mahilig magrap at mangolekta ng mga nalalaglag na laruan sa dagat. Pero nang magkalapat ang mga labi nina Himchan at Alym, naputol ang kanyang pahinga at ang OJT ni TOPgita.

Mga magulang ni Himchan lang ang nakakaalam (pero nakalimutan nila, kaya di rin nila nasabi sa kanya) na isinumpa ni Daegatsung si Himchan bilang parusa sa paggamit ng dinamita sa pangingisda.

Flashback:

Buntis si Mrs. Kim kay Himchan ng tatlong buwan at nagkukulang ang pera nila para pampa-checkup niya. Hindi sapat ang kinikita nila mula sa maliit nilang sari-sari store sa tabi ng bahay nila at sa araw-araw na pangingisda ni Mr. Kim.

Alam ng mga kumpare ni Mr. Kim ang problema niya, kaya tinuruan nila siya ng isang pinagbabawal na paraan ng pangingisda: dynamite fishing. Ilegal ang dynamite fishing dahil nasisira ang mga coral reefs na tirahan ng mga isda. Pero kahit bawal, patuloy pa rin nila itong ginagawa dahil marami silang nahuhuli. At mukha raw silang mga action star.

Hindi nais na sumunod ni Mr. Kim sa mga gawain ng mga kasamahan niya pero ayaw niyang magutom ang mag-ina niya.

Isang gabi, sumama si Mr. Kim sa mga kumpare niya para mag-dynamite fishing. Dahil unang beses palang niya gagawin ito, kabadong-kabado siya. Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak niya ang dinamita.

"Try mo kayang ibato. Baka dito na yan sumabog, di tayo isda," asar ng isang kumpare niya.

Na-beast mode si Mr. Kim bigla, sabay bato niya ng dinamita sa dagat. Bigla silang nakarinig ng "Aray!"

"May tinamaan ka atang tao. O baka sirena!"

Tinitigan ni Mr. Kim ang kasama niya. "Gago, walang tao nang ganitong oras. At walang sirena."

Napatigil sila nang nakita nilang bumubula sa parte ng tubig kung saan binato ni Mr. Kim ang dinamita. May lumabas na nilalang. May katawang itim na octopus at braso at ulo ng tao. Hawak-hawak ng nilalang ang dinamita na nakasindi pa rin.

"BWAKANINA KAYO, NATUTULOG AKO!!!" dagundong ng nilalang, sabay bato ng dinamita pabalik sa kanila.

Nagising ang lima na nasa loob sila ng isang salamin na kahon sa ilalim ng dagat.

"Anong pakiramdam na kayo naman ang nakakulong sa isang kahon, habang pinagmamasdan kayo?" tanong ng nilalang habang papalapit sa kulungan nila. "Tapos kakatukin bigla ang maliit mong kulungan, na parang ganito!" Dalawang malakas na katok mula sa nilalang ang nagdulot ng paglindol sa loob ng kulungan. Napaupo sila sa tindi ng yanig. "Masarap ba ang pakiramdam, HA?"

Nanginginig ang lima sa sobrang takot. Isa sa kanila ay nagdadasal na ng Ama Namin habang ang isa naman ay nagsisimulang makaramdam ng sintomas ng hihimatayin.

"Ang OA niyo, di ko kayo papatayin. Paparusahan lang. Labag sa aming batas ang pumatay ng tao kahit pinapatay niyo kami palagi. Ang tindi ng parusa niyo ay base sa dami ng kasalanan.

"Lingid sa inyong mga kaalaman, may CCTV rin dito sa ilalim ng dagat. Kaya ipagdasal niyo na sira ang CCTV nung mga panahon na naninira kayo."

Lalong nanginig sila sa takot nang maalala nila ang kanilang pinaggagagawa. Napatingin sila kay Mr. Kim na malamang ay may pinakamababaw na parusa. Sumagi sa isip nila na i-trash talk siya para di sila lugi, pero syempre ang kanilang pagkakaibigan ang nanaig. At di naman sila ganun kagago. Nagdasal na lang sila ng Three O'clock Prayer habang nanonood si Daegatsung ng mga CCTV footage.

"Hoy brad, ingatan mo ang pamilya ko ah," sabi ng isa kay Mr. Kim, sabay tapik sa balikat niya.

Nagulat si Mr. Kim at binatukan siya. "Gago, walang mamamatay satin."

Makalipas ang limang minutong panonood ni Daegatsung sa mga CCTV footage, umalis siya saglit. Natahimik ang lima habang inaabangan ano ang magiging kanilang kapalaran. Pagbalik niya ay may dala siyang makapal na libro.

"Akalain mo di nasira yung libro kahit nasa ilalim ng dagat," bulong ng isa kay Mr. Kim.

"Kung si Spongebob nga nakakagawa ng bonfire, eto pa kaya?" sagot ni Mr. Kim.

Pagkalapat ng libro sa lamesa na gawa sa bakawan, katahimikan ang bumalot sa buong karagatan. Naramdaman ng mga nilalang ng tubig na merong sisintensyahan.

"Ayon sa mga ebidensya, ang apat sa inyo ang may pinakamatinding kaso laban sa mga mamamayan ng mga karagatan. Maski sa kalupaan ay pinagbabawal ang pagpapasabog ng karagatan sa panghuhuli ng isda.

Para sa unang nasasakdal, Jung Yonghwa. Ikaw ang pasimuno ng karumal-dumal na krimen kaya ang sintensya mo ay... hindi pangingisda sa loob ng isang taon. Magkakaroon ka at ang pamilya mo ng allergy sa lahat ng nilalang ng tubig. Maski simpleng paghawak mo sa tubig ng dagat ay magpapantal ang buong katawan mo."

May allergy ang anak ko sa isda, tsaka pwede naman akong mag-apply na construction worker sa bayan. Sus yun lang pala. Basta wag lang buntis ang asawa ko okey na, sabi ni Yonghwa sa sarili habang nakikinig.

"Para kay Nam Joohyuk na tagabili ng dinamita, ang sintensya mo ay maging sireno sa gabi para maging hardinero. Ikaw ang magiging tagapangalaga ng mga koral at lahat ng halaman sa dagat. Pagpatak ng alas sais ng gabi, isa ka nang nilalang ng dagat."

Pinipigilan ni Joohyuk ang pagtawa habang kausap ang sarili. Asawa ko nga sirena dati eh, sapakin ko kaya to. Baka samahan pa ako ng asawa ko pagdating ng alas sais.

"Para kay Song Joongki na nagmamay-ari ng bangkang ginagamit sa ilegal na pangingisda, isa kang magiging hiram na asawa ng lahat ng sirena. Bawat gabi ay kailangang malahian mo lahat ng isangdaang sirena at isangdaang isda."

"Ano, porkit gwapo ako ipapa-stud mo yang mga malalansang babaeng yan sakin? At pati tilapia dinamay mo?!" reklamo ni Joongki.

"Gusto mo ba ng ibang parusa?" tanong ni Daegatsung habang nanlilisik ang mga mata.

Napaimik na lang si Joongki at umupo sa isang sulok.

"Para kay Lee Jongsuk na malapit lang sa pulisya ngunit di nagsumbong at nakisabwat pa sa malugod na krimen, ang sintensya mo ay maging isang pulis karagatan tuwing alas dyis ng gabi hanggang alas singko ng umaga. Kapag di mo nagawa nang mabuti ang trabaho mo nang tatlong beses ay magiging sireno ka habambuhay."

Ayos, madali ko nang mapopormahan yung anak na sirena ng mayamang kapitbahay! Ha ha.

"At para kay Kim Minshik, dahil alam mo na ngang bawal at nakisama ka pa tapos binatuhan mo pa ako ng dinamita, ang sintensya mo ay..."

Tahimik ang buong paligid, tanging mabilis na tibok ng mga puso ang maririnig habang inaabangan ng lahat ang parusang haharapin ni Mr. Kim.

"... magiging layuin ng babae ang anak mo. Mahihirapan siyang makahanap ng asawa. Ang tanging paraan para matanggal ang sumpa ay isang halik mula sa isang tunay na babae. Kailangang gusto siya ng babae para gumana ang halik."

Ano raw? Ginawa namang The Frog Prince ang anak ko punyemas. Tsaka kahit din naman ako di lapitin ng babae. Pinikot ko nga lang asawa ko. Tarantado to ah.

Matapos ang pagsabi ng mga sintensya nila ay pinatulog sila ni Daegatsung. Paggising na lang nila ay nasa kanilang mga sariling tahanan sila, katabi ang mga asawa nila maliban kay Joongki na nagising sa sahig.

Sinabihan si Yonghwa ng asawa niya na mag-apply na lang na call center sa bayan para makalipat sa bagong Camella Homes habang si Joohyuk naman ay kinukulit ng asawa na magpaconvert sa pagiging sireno para sa dagat na lang sila tumira. Ang mga magulang naman ni Joongki (dahil wala pang asawa) ay pinagsabihang wag maging pa-fall sa mga sirena, si Jongsuk naman ay ginawang barangay tanod ng tito niyang kapitan ng barangay at si Mr. Kim naman ay niyakap ng asawa dahil nalamang lalaki pala ang pinagdadalaang-tao niya.

At sa sobrang ligaya ng asawa ni Mr. Kim ay nakalimutan nilang sinumpa ang unang lalaking anak nila.

Balik sa dalawang ewan...

Habang nagmumuni-muni sa kwarto si Himchan ay nakatanggap siya ng mensahe sa cellphone niya. Nagtext ang kanyang manager na inaprubahan na niya ang isang linggong leave niya. Pinagplanuhan niya ang pagliban dahil bibisitahin niya ang kanyang pamilya na lumipat sa Batanes, kung saan pinanganak ang tatay niya. Nais niyang makapiling ang pamilya kahit isang linggo lang bilang selebrasyon sa paggaling ng tatay niya mula sa lung cancer.

Isang matagumpay na ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi at nagmadaling bumaba para sabihan si Alym na aalis sila. Pagbaba niya ay isang nakatulalang Alym ang natagpuan niya sa salas.

"Alym, tulungan mo akong mag-impake. Aalis tayo papuntang Batanes."

Hindi narinig ni Alym ang utos niya pagkat abala siya sa pag-alala sa nangyari kanina. At dahil walang tugon na narinig si Himchan mula sa kanya, kinuha niya ang kamay ni Alym at hinila papuntang kwarto.


HELLO GUYS BUHAY PA AKO!! FINALLY HAD MY WRITING ZING BACK! PROMISE TATAPUSIN KO NA TO BAGO MATAPOS ANG TAON!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD