Prinsesa

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

“Throw your hands in the air/Keep ya hands in the air” birit ni Taeyang sa cellphone ni Himchan. Napabangon siya at sinilip ang oras sa kanyang MyPhone Agua Vortex.

“Walangya ala-una na. Sabi ko saglit lang eh anong oras na. Hay bu–” napatigil siya sa panenermon sa sarili niya at lumingon sa kanan. “N-Nasaan yung robot?! Ninakaw? Walangya naman oh!” Nagmamadaling sinuot niya ang tsineleas niya at lumabas ng kwarto.

Kumalma ang tensyonadong pag-iisip ni Himchan nang pumasok sa ilong niya ang amoy ng cheese omelette. Pinuntahan niya ang kusina at nakita ang kanyang robot maid na nagluluto. May nakahandang mangkok ng kanin, kape sa kanyang paboritong kalimbahing mug at binalatan na ponkan.

Lumingon ang nagluluto at natulala si Himchan.

“Annyeong hamshimnikka, doryeonim (Magandang umaga, amo),” bati sa kanya.

Nu raw? Di ko siya maintin– AH! Korean nga pala tong robot na to. Wow. May pagka-Soyou ang satoori niya. Galing ng Jeju to?

“A-Anneyong haseyo… Chonun Kim Him Chan imnida… Ireumi mwoyeyo? (K-Kumusta… Ako si Kim Him Chan… Anong pangalan mo?)” sabay upo sa upuan at tinitigan ang nakahain sa lamesa. Kunyari may alam tayo. Lintik na buhay to. Pero ang ganda talaga ng robot na to. Parang tao talaga. Wow, fantastic baby.

“A.Lym037103 (basa: ah dat lim oh tri seven wan oh tri), doryeonim,” sagot ng robot habang binabaligtad ang omelette.

Pag ako nagkapera, mag-aaral ako ng Korean sa KCC. Walangyang buhay to. Bakit ba kasi walang manual ang robot?!

Inilapag ni A.Lym037103 ang plato ng cheese omelette sa harapan ni Himchan. “Mashikeh mogoseyo (Masiyahan kayo sa pagkain).” Nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ni Himchan.

Ganito pala ang feeling ng mga rits kid, may yayang tagapaghanda. Wow, kunyari mayaman ako. Ha ha ha! Sayang wala akong wine sa bahay. Ni wala nga akong cellar eh, walangyang buhay. Ano naman kaya dapat kong sabihin sa kanya? Wala na, naubos na Korean vocabulary ko. Anamang sabihin ko ‘saranghae yeobo’ o kaya ‘jeorang gyeoronae juseyo’.

Nang matapos si Himchan kumain, kinuha ni A.Lym037103 ang kanyang pinagkainan at dinala sa lababo.

Waterproof siya? Grabe, di lugi ang 3K ko na utang. Siguro nakakapaglaba rin to. Ayos.

Habang abala sa paghuhugas ng pinggan ang kanyang magandang robot, kinuha ni Himchan ang pagkatataon na pagmasdan ang batok ng robot. May nakita siyang switch button na kulay pula. Dahil nga walang manual ang robot at hindi marunong mag-Korean si Himchan, pinundot niya ito sa pagkakabakasakaling may mangyaring maganda. Pagkapindot niya ay umatras siya at pinikit ang mga mata. Pagdilat niya ay nakita niyang tapos nang maghugas ng plato ang robot.

“Walangya na-Jongdae ako. Kaasar!!!” buntong hininga niya.

“Ano po ulit yon, señorito?”

S-Señorito? Nu raw? T-Teka…

Lumapit ang robot palapit sa kanya at tinanong siya ulit, “May problema po ba, señorito? Hindi po ba masarap ang luto ko? Ihahanda ko na po ba ang paligo ninyo? May iba pa po ba kayong kailangan?”

Namula ang mukha ni Himchan sa hiya at sa pagkamangha sa robot. Taong-tao ang itsura at pananalita niya. Pati ang kanyang buhok na naka-ponytail sa dalawa ay mukhang totoo. Maya-maya ay nagising siya sa katotohanan.

“Ah… ah… O-Okey lang , ako na ang bahala. Tawagin mo na lang akong Himchan. A… Ano… Ano nga palang pangalan mo?”

Napatigil saglit ang robot bago sumagot. “A.Lym037103 po.”

“Ang haba naman! Alym na lang para mas maganda. Alym – hawak sa balikat ni Alym – Himchan ang itawag mo sakin, ha? At tanggalin mo yung ‘po’, hindi naman ako masyadong matanda eh. Pagkatapos kong maligo, ibibigay ko sayo ang schedule mo. Mm?”

“Opo, Himchan.”

Ganda niya shet.


ang kalimbahin ay pink sa Filipino.

At kung iniisip niya na galing sa kanya yung what’s your name ni Himchan, tama ka dyan. XD

Heol~ malapit na ang AFF anniversary ko. Care to join me? LOLOL.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD