Bintana

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

Natapos nanaman ang walong oras ng trabaho ni Himchan. Sabaya sana silang uuwi ni Yongguk kaso sinundo siya ng girlfriend niyang si Song Ji Eun. Ayaw na ring makisabay ni Himchan dahil maiinggit lang siya at possessive si Jieun. Mabuti na lang at isang sakay lang ng jeep ay makakauwi na siya. Ang mga kaibigan niya kasi ay sa may looban pa ng barangay.

Para mawala ang lungkot at stress na nararamdaman niya, nagheadphones na lang siya at nakinig sa Hold On Tight ng SISTAR.

Kapit lang daw sabi ng Soyou ko. Kapit saan? Sa katotohanan na forever alone ako? Kaiyak…

Pagdaan ng jeep sa Puregold ay sumigaw siya ng “Para po!” Pagkatigil ng jeep ay bumaba sya at naglakad papunta sa pinakasikat na supermarket sa Pilipinas.

Ano nga bang bibilhin ko ngayon? Wala nap ala akong shampoo. At tsaka noodles pa pala, sabi niya sa sarili habang ibinigay niya ang gamit niya sa baggage counter.

Pagpasok niya sa pinakaloob ng Puregold, nagpatugtog ang supermarket ng Pag-ibig ni Yeng Constantino.

Gago rin tong tindahang to ah. Di pa naman February eh. Ipapareklamo ko yung nagpapatugtog! pagwawala ni Himchan sa loob-loob niya. Kailangan ba talagang puro love song na lang? Paano naman yung mga forever alone tulad ko? Nasaan ang hustisya dun?!

Galit niyang ibinato ang isang bote ng Clear Scalp & Hair for Men Citrus Fresh Hydration, isang box ng Dove Gentle Exfoliating Beauty Bar, isang bar ng Kojic Acid soap, anim na pack ng Lucky Me! Pancit Canton chilimansi, tatlong Shim Ramyun, isang dambuhalang box ng Kellogg’s Cornflakes at sachets ng iba’t-ibang flavors ng Nesfruta sa loob ng shopping cart.

Gusto niyang bumili sana ng karner pero masyadong mainit ang ulo niya at ayaw niyang mangdamay ng mga inosenteng tao. Pagkakuha niya ng mga nabanggit ay pumila siya agad sa counter 19 cash/card.

Maswerte siya dahil mabilis ang usad ng pila. Dalawa lang kasi yung nasa unahan niya: isang matandang lalaki na bumili ng FHM, Attends Briefs, isang malaking pack ng Kleenex tissue, tig-isang 2L Coke at Sprite at isang loaf ng Gardenia Pinoy Tasty, at isang dalagang dala-dala ang tatlong basket ng samut-saring tinapay.

Nung siya na ang magbabayad ng mga pinamili niya, tinanong niya ang cashier.

“Ang aga niyo naman atang magbukas. Alas syete pa lang ah. Binago ba schedule?”

Tumango ang babaeng cashier. Dagdag niya, “Marami kasing call center ang nagrequest na maaga kami magbukas para mamili sila agad.”

Pinagmasdan ni Himchan ang mukha ng cashier: bilog na mukhang balot ng makapal na foundation, lagpas-sa-apple-ng-cheeks na blush-on, mas-pula-pa-sa-atsueteng lipstick at buhok na nakapusod. Sabi niya sa sarili, Talagang yung mismong kumpanya ang namimili sa Puregold? Di ba dapat call center agent yun? Ay nako, tigilan mo yang OCD mo. Chill.

 

May lotion pa naman ako sa bahay. Masyado na akong naadik sa paggo-grocery shopping. Masama na to, kausap nanaman ni Himchan ang konsensiya niya.

Napatigil siya sa paglalakad nang Makita niya ang isang bagong paninda sa tindahan sa tabi ng Puregold. Isa siyang maliit na electronics shop na may pangalan E-Special. Nagtitinda sila ng mga surplus appliances galing Japan, Korea, America at Australia. Karaniwang nakikita sa display window nila ay mga dambuhalang LED TV, notebooks at DSLRs.

Pero ngayong araw na ito, isang robot maid mula Korea ang nakita niya sa bintana. Natulala siya bigla sa pagkamangha. Hindi niya akalaing mayroon nang robot maid sa Pilipinas. Biglang umepal ang antok sa kanya, pinapaalalang wala pa siyang tulog. Pinagmasdan niya muna ang naka-display sa E-Special. Maliit na mukha, matangos na ilong, rosas na labi, porselanang kutis, balingkinitan na katawan, makinis na binti at mahabang buhok na halong itim at pula ang kulay. Sinampal niya ang sarili at pinaalala na robot lamang siya.


Yey nakapag-update na sa wakas! Hoy Alym magcomment ka naman. T-T
Apektado pa rin ako ng B.A.P ish eh... Tangna this!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD