Ayos Lang Ako

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

“Jongup pano kayo nagkatuluyan ni Elsa eh ang sungit-sungit nun?” tanong ni Daehyun nang nakasakay na sila sa baby bus.

Sabay-sabay silang nagbiyahe papunta sa bahay ni Himchan. Hindi na sumabay si Jieun kay Yongguk dahil may practice pa ang C-Kre2, si Elsa naman ay may inaalagaan pang mga bata dahil isa siyang part-time caretaker, at si Cherry ay may Krav Maga class.

Napatingin si Jongup sa gasgas na kisame ng baby bus. “Mmm… nagsimula kami sa Omegle, yung nagmessage ako ng ‘do you wanna build a snowman’ tas naging mahabang usapan. Tas lumipas ang isang buwan, naisip din naming magkita. Siyempre nakakasawa na rin ang puro FB at Skype. Ang cute niya nung nagkita kami. He he…”

“Di ko talaga akalain na magkaka-girlfriend ka rin. Akala ko habambuhay kang titingala sa langit at mag-aabang ng babaeng malalaglag sa harapan mo,” biro ni Youngjae sabay tapik sa likod ni Jongup. “Pero paano mo nakaya yung pagkasungit niya?”

“Di naman siya masungit eh. Pag nasa trabaho siya, talagang seryoso siya. Pero pag tapos na ang kanta na ‘Let it Go Gago’. Nagpapaturo rin sumayaw yun. Mga basic pa lang kaya niya.”

Nagpalakpakan ang lahat maliban kay Jongup.

“Wow, grabe ang ginawa ng kapangyarihan ng pag-ibig kay Up Up! Amen!” sabi ni Yongguk.

“Amen!” sagot nila.

“Eh ikaw Yongguk, paano ka naman nagkaroon ng girlfriend na artista?”

Namula ang mga pisngi ni Yongguk sa tanong ni Youngjae.

“Ayieeeh, nagblush si Yongguk oh!” turo ni Junhong sa kanya.

“Batukan kuta dyan eh!  –binatukan si Junhong–  Pasalamat ka di kita katabi kundi yari ka sakin.”

Mabuti na lang at nakapwesto si Jongup sa gitna nina Yongguk (na nasa pinakadulo sa kanan ng baby bus) at ni Junhong. SIna Youngjae at Daehyun ay nasa harapang upuan nina Yongguk.

“Palagi na lang akong binabatukan. Parang ikakaliit ko naman. Mas matangkad pa rin naman ako sa inyo,” bulong ni Junhong sa sarili.

“Seryoso nga, paano kayo nagkakilala?” pangungulit ng dalawang magpartner.

Humingang malalim ang nasa hot seat. “Nagkakilala kami hindi pa siya member ng C-Kre2. Nasali lang siya sa mga singing contest sa barangay at sa TV. Tapos nung nadiscover siya ng isang scouter ng ABSGM5, ayun biglang sikat siya. Ako yung naging manager niya kasi nasa probinsya mga magulang niya–”

“Maglive in kayo ngayon ni ate Jieun?” singit ni Jongup.

“Ah eh…  –kamot ng ulo–  oo… Matagal na rin, bag pa siya maging artista Sabi ko lumipat na kami ng bahay, ayaw niya.”

“May anak na kayo?”

Isang malakas na kotong ang tumama sa ulo ni Youngjae. Napatungo at napahawak sa bunbunan na lang ng nbyo ni Daehyun. Hinimas ni Daehyun ang ulo niya para mapabuti ang pakiramdam.

“Uy Yongguk, grabe naman yun. Magsorry ka nga,” sermon ni Junhong.

“Ah eh… S-Sorry Youngjae…”

Nagtawanan ang magnobyo at tinitigan si Yongguk.

“May anak nga kayo no? Aminin~” sabi ng dalawa.

“Wala ah, loko to. Kung meron man ipapakilala ko sa inyo syempre. Otomatik mga ninong kayo no.”

“Oh tangna–”

Binatukan ng apat si Junhong.

“Oy limang piso mo Choi Junhong, nagmura ka. Alam mong bawal satin yan,” sermon nilang lahat.

Walangyang buhay to oh… Paalam na sayo aking limang piso. Hu hu, sabi niya sa loob-loob niya habang inaabot ang kanyang ginintuang limang piso kay Yongguk. Pinanood niya ang kanyang barya na ipinapasok ni Yongguk sa Swear Jar na nasa loob ng backpack niya.

“Araw-araw mong dala yan?” turo ni Jongup sa kanilang mahiwagang Swear Jar.

Ang Swear Jar ay isang lumang mason jar na binigay ng kambal ni Yongguk na si Yongnam. Ipinama ito ng kuya niya dahil halos lahat ng katropa niya ay nasa military at wala siyang makokotongan at sisingilin ng limang piso.

Ang isang kotong sa ulo ay simbolo ng pagpapaalala sa kanilang sinumpaang pangako na hindi sila magsasabi ng mga bastos na salita habang ang limang piso ay mula sa limang pantig ng putangina mo (pu-tang-i-na-mo) Bukod dun, mas medaling magbigay ng limang piso kaysa piso na isang Frooty Pop lang ang mabibili mo o kaya sampung piso na lagging napagkakamalang piso. At tsaka medaling suklian na rin.

Ang mga palaging nagbibigay ng limang piso at nakakatanggap ng kotong ay sina Junhong, Daehyun at Youngjae. Isang  beses lang nakapagbigay si Jongup dahil sa pangyayaring hindi natuloy ang idolo niyang si Chris Brown sa Pilipinas. Pinag-ipunan niya ang tiket para lang makita siya pero wala rin.

Bago pa makasagot si Yongguk kay Jongup ay sumigaw ang konduktor ng “Barangay shed!”

 

“Di ba may trabaho pa kayo mamaya?” tanong ni Junhong kay Yongguk habang naglalakad sila papunta sa bahay ni Himchan.

“Kami rin naman ah,” singit ni Youngjae. “Wala ka bang gagawin mamaya? Sama ka samin. Kelangan namin ng rappper.”

Sumimangit si Junhong. Gusto man niyang sumama ay di siya papayagan ng nanay niya. Hanggang alas nuwebe lang siya ng gabi pwede sa labas, alas dyis ang simula ng pagtatanghal ng dalawa sa Tamang Sakto bar.

“Text ko na lang yung ka-tropa ko. Sina Hoseok magaling yun. Kaya lang baka minsan di siya pwede, backup dancer siya sa Show the Time eh,” sagot no Junhong. “Di ako pwede eh, lagot ako sa nanay ko.”

Biglang sumayaw ng chorus ng Good Boy sina Youngjae, Daehyun at Jongup.

“Nakanaks si Junhong masunuring bata. I am a good boy~” banat ni Daehyun sabay pagpag ng kanyang kanang balikat gamit ang kanyang kanang kamay.

“Eh laging nirereport ni ate Hyuna sa nanay ko kung anong oras ako nauwi eh. Wala rin akong takas nu.”

Siniko ni Yongguk si Junhong at sinabing, “Sus, tuwa ka lang kasi nakikita mo si Kim Hyuna, ang magandang may-ari ng 4M dorm. Crush mo no?”

“Hala, hinde ah! Tsaka secretary niya yung pinsan kong si Ellie kaya wala akong talagang takas. Pero ang maganda lang din a ako nagbabayad sa dorm, walang bawas sa baon.”

Tumigil sila sa pakikipagdaldalan nang makarating na sila sa tapat ng gate ng bahay ni Himchan.

“Himuchan! Labas na oy!” sigaw ni Youngjae.

Dagdag ni Junhong, “HIMUCHAN LABAS NA DYAN! Napapaligiran ka na namin!”

“Boss Himchan, tao po!” katok ni Yongguk sa pink na gate.

Humingang malalim muna si Daehyun bago siya bumirit ng “KIM HIMCHAAAAAAN~”

Ilang minuto na silang kumakatok at sumisigaw  pero wala pa ring Himchan na lumalabas.

Dito na naisip ni Jongup na gamitin ang kantang tinatagong kopya ng susi sa bahay ni Himchan. Nilabas niya ang kanyang long wallet at binuksan ang zipper sabay dukot ng susi na makakapagbukas ng gate.

Natulala ang apat habang binubuksan ni Jongup ang gate.

“Member ka ban g akyat-bahay gang?” tanong ni Youngjae habang pumapasok sa loob ng bahay ni Himchan.

“Hinde ah. Naisip ko lang na magpagawa ng kopya ng susi in case na may mangyaring ganito,” simpleng sagot niya pagkasara ng gate.

“Dapat siguro tinext muna natin siya. Tawag ka na sa Pizza Hut para may pagkain na tayo agad, Jae. May susi ka rin ba sa mismong bahay ni Himchan?” utos ni Yongguk.

Tumungo si Jongup sabay bukas ng pinto.


Hallo hallo! Comment naman kayo OTL

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD