My Fears

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

Isang linggo matapos ilabas ang kauna-unahang commercial ng Starbucks sa Pilipinas, naging sobrang abala ni Himchan. Bukod sa pagka-promote niya bilang manager, kaliwa't kanan din ang mga endorsements niya. BB cream, whitening lotion, glutathione supplement, men's clothing at hair styling gel — yan na ang mga produktong inindorso niya. Nagkaroon na rin siya ng fanbase na nagtutulak sa kanya na mag-artista na.

At habang busybels ang lolo mo, si Alym naman ang kanyang hagardo versozang "manager." Na minsan nagiging bodyguard nang di oras pag may mga supet baliw na fans a.k.a. sasaengs na humahabol. Pero sa likod ng tahimik at mapagtanggol na asta ni Alym, hindi alam ni Himchan na may matinding selos siyang itinatago.

Dati, ako lang ang nakakapansin at nakaka-appreciate sa gwapo niyang pagmumukha, tas ngayon lahat sila. Dati ako lang ang walang sawang tumititig sa kanya, ngayon may mga flyers, posters, pati videos, ginagawang pa siyang wallpaper ng iba sa phone nila. Dati ako lang ang nagkakandarapa sa kanya, ngayon bigla akong nagkaroon ng libong kaagaw. Dati ako lang ang may gusto sa kanya, ngayon ang buong publiko na.

Masaya naman ako at successful siya sa buhay. Promoted siya, maraminh endorsements at napapansin na. Pero... Ba't ganun? Ang sakit pa rin eh. Ang kapal ng mukha di ba. Sino ba naman ako para magselos? Isang di hamak na manager lang ako, at higit sa lahat, robot lang nama ako. Hindi ko maibibigay ang mga bagay na kaya nilang ibigay sa kanya.

Biglang nawala mula sa malalim na pag-iisip si Alym nang tapikin siya ni Himchan sa balikat. Habang nagdadrama ay nagdidilig pala si Alym ng mga halaman. Nalulunod na ang mga alagang buntot-tigre na nakapaligid sa gilid ng bahay.

"Ayos ka lang ba? Tulala ka masyado. Lowbat ka na ba?" tanong ni Himchan, sabay hawak sa noo ni Alym.

Hindi masabi ni Alym kay Himchan na hindi na siya nalo-lowbat. Dahil nga matapos ang kanilang unang halik ay nagbago unti-unti ang katawan niya. Unang nagbago ang kanyang puso, sumunod ang lamang loob (may kakayahan na siyang magutom), nagkaroon na rin siya ng mga ugat. Sa ngayon, ang pinakahuling pagbabago niya ay hindi na siya nagcha-charge gamit ang init ng katawan. Nangangailangan na rin niyang matulog tulad ng normal na tao.

"Lika, tutal inaantok ako. Matulog na lang tayo," sabay hila ni Himchan sa kamay ni Alym mula sa pagkakahawak niya sa hose.

Napansin ni Himchan na mahigpit ang kapit niya bumitaw siya at pumasok sa bahay. 

Nang matapos magligpit si Alym ay dumiretso na siya sa kwarto ni Himchan. Nakita niya na nakatalikod humiga si Himchan. Pinipigilan niya ang sarili niyang yapusin ang amo niya kaya humiga na rin siya nang nakatalikod. Nagulat siya nang maramdaman niya na may brasong pumalupot sa bewang niya. Nag-init ang tiyan niya nang maramdaman niya ang kanyang hininga sa kanyang anit.

Ano ba ang dapat kong maramdaman?

 

Nagpaalam na si Himchan kay Alym para pumasok sa trabaho kaya naiwang mag-isa ang babaeng baliw sa kanyang amo.

Komportable siyang nanonood ng Encantadia nang biglang may kumatok sa gate.

Sino naman kaya yun? Imposibleng si Himchan, pumasok na yun eh. Kung may kailangan naman siya eh tatawag agad yun. Mas lalong hindi niya mga kaibigan yun dahil maingay yun mga yun. Pagbubuksan ko ba ng pinto?

Dahil commercial pa lang naman ay umalis siya mula sa pirming pagkakaupo at lumabas para silipin sino ang pashneang kumakatok sa gate.

"Sino po sila?" tanong niya sabay bukas ng gate. Isang manang na nakaputing OOTD na may kasamang masungit na pagmumukha ang bumulaga sa kanya.

Halatang maarte ang nilalang sa kanyang pananalita. May bahid ngbpagkamatapobre ang kanyang boses nang itanong niya, "Nasan si Kim Himchan?"

"Ay wala po, pumasok po eh. Bakit po?"

Inilapit ng manang ang kanyang mukha at bumulong, "Alam kong hindi ka tao. Malamang may nagsumpa sayo. Sino ang nagsumpa sayo?"

Tumaas ang mga balahibo ni Alym. Bakit alam ng babaeng ito ang tungkol sa kanya? Sino ba siya at ano ba talaga ang pakay niya?

"S-Si... Si Vwee Seth po. Sino po ba kayo?"

Hinawakan ng manang ang pulsuhan ni Alym sabay sagot, "Ako ang makakatulong sayo para makaalis sa malas mong sitwasyon."

"P-Paano?"

"Isuko mo sakin si Kim Himchan."

 

Habang kumakain si Himchan ng almusal ay nakarinig siya ng tunog ng kumukulong tiyan.

Imposible namang ako yun eh kumakain nga ako, sabi niya sa sarili niya sabay tingin kay Alym.

"Gutom ka na? Sabay ka nang kumain sakin," alok niya sabay hila niya kay Alym para umupo. "Teka, bat di mo sinasabi na nagugutom ka rin pala? Edi sana lagi tayong sabay kumain."

Hindi man lang siya nagtaka bakit nagkaroon bigla ng digestive system yung robot niya. Masyado na siyang seryoso sa trabaho, balewala na lang ako. Okay, edi wow. Anyways, laman tiyan din to, wag nang mag-inarte.

Kunyarung may plemang nakabara sa leeg kaya nag-ubo-ubohan si Himchan para makuha ang atensyon ni Alym. Napatingin si Alym na may mga butil pa ng kanin sa bibig. Inilapit ni Himchan ang mukha niya sa mukha ni Alym habang tinatanggal ang mga butil malapit sa labi niya. Napansin niya ang pamumula ng pisngi ng kanyang kasambahay na robot.

"Ba't namumula ka? Na-overheat ka ba?"

Iniling lang ni Alym ang ulo niya bilang tugon dahil sa sobrang hiya.

"Ang cute..." bulong niya. Nabigla na lang si Himchan sa sarili niya na ang nasa isip niya lumabas na lang bigla sa bibig niya.

Di niya naman siguro narinig...

Buntong hininga na lang ang huling narinig kay Himchan. Bakit ba ako nagkagusto sa bagay na hindi naman ako magugustuhan?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD