Never Will Be Mine

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

“Himchaaaaan!!!” sigaw ni Youngjae habang kinakawayan ang paparating na si Himchan. Nasa silong sina Youngjae, Daehyun, Yongguk, Junhong at Jongup ng Angel’s Burger, nakaupo at nagkakainan ng footlong at burger. Umupo si Himchan sa kaliwa ni Youngjae.

“Sorry natagalan ako ah,” sabi ni Himchan nang maupo siya.

Inabutan siya ni Youngjae ng cheeseburger at sumagot, “Okey lang. Mukha mo pa lang alam na naming may problem aka. May kinalaman ba yan sa girlfriend mo?”

Napakagat ng labi si Himchan sa gulat. Kitang-kita niya na nakatingin silang lima sa kanya. Isang hilera ng mga mata ang nagmamasid sa ibubuka ng bibig niya.

“Nag-away kayo?” tanong ni Jongup.

“Nahuli mo siyang nangloloko?” hula ni Junhong.

“Nanlamig na ba siya?” sabi ni Yongguk.

“O baka naman di mo siya talaga girlfriend?” banat ni Daehyun.

Umiwas si Himchan sa mga mata ni Daehyun at kumain na lang ng burger.

Inakbayan ni Youngjae ang di makaimik nilang kaibigan. “Alam mo, di ka naman naming ie-F.O. dahil lang wala kang girlfriend o hindi totoong may girlfriend ka. Tanggap ka naman naming eh, tulad ng pagtanggap mo samin. Di naman katapusan ng mundi kung wala kang kalandiang palad eh. Magpakatotoo ka lang, ayos nay un. Parang Sprite lang.”

“Wala kaming pake kung nagkakilala kayo sa Puregold, pinalayas siya at wala siyang trabaho o kahit kunyari lang lahat ng yun. Basta maging totoo ka lang samin. Sa huli, sarili mo rin naman niloloko mo. Noon ko pa sinasabi sayo na wag kang magmadali, dahil ang pag-ibig ay di parang instant coffee. Para yung kapeng barako, unti-unti ang paggawa. Masarap naman ang kalalabasan sa huli,” sermon ni Yongguk.

“Amen!” sigaw ng apat.

Pahabol ni Junhong, “Ang lalim palagi ni Yongguk, parang boses niya. Anyway, di ka na naming kukulitin pa sa so-called girlfriend mo at kung anong meron kayo. Hahayaan ka naming magkaroon ng time para magsabi samin. Sa ngayon, andito tayo lahat para i-celebrate ang pagtanggap ng mga magulang ni Youngjae kay Daehyun.”

Umubo si Daehyun kahit walang plema. “At may dagdag nga pala ako. Kinuha na nga pala ako ng ABSGMA na permanent vocal coach. Di lang sa C-Kre2 kundi sa lahat ng artista nila.”

Nagpalakpakan ang lahat pero naudlot bigla dahil binatukan ni Youngjae si Daehyun. “Walanghiya ka, di mo man lang sinabi sakin. Eh pano na yung trabaho natin sa bar? Iiwan mo na lang ako, ganun?!”

“Aray ko naman,” iyak ni Daehyun habang hinihimas ang kanyang nabatukang ulo. “Surprise ko kasi dapat para sating dalawa eh di ko naman alam na magsasama-sama pala tayo kaya magandang i-share ko na sa lahat. Tsaka pag nagsimula na ako officially sa ABSGMA pwede na tayong umalis sa bar tapos mag-aral ka ulit. Nakalimutan mo na ba yung pangako ko sayo napag-aaralin kita?”

Malakas na “AYIEEEEEH!!!” at masigabong palakpakan ang sumunod sa nakakakilig na paliwanag ni Daehyun.

“Mas cheesy pa kayo sa cheejiburger na kinakain ko,” sabi ni Jongup na nagpahalakhak sa lahat.

“Cheejiburger talaga at hindi cheeseburger?”

“Ay sorry naman, nakain ako ah. Sorry na po, boss Himchan,” pilosopong sagot ni Jongup.

 

“Salamat sa inyong lahat sa pagsama sa aming selebrasyon. Sana sa susunod sagot na ni Himchan to,” pabati ni Daehyun sa lahat bago sila maghiwa-hiwalay ng landas.

Napakunot ng noo si Himchan at umangal, “Bakit ba ako na lang palagi ang dapat manglibre? Dahil ako lang ba yung nag-iisang single dito satin? Ganun ba yun?!?”

Hinawakan sa magkabilang balikat nina Jongup at Junhong si Himchan bago pa magwala.

“Beast mode kaagad tong si Himchan. Nagjoke lang eh,” paliwanang ni Youngjae. “Pero salamat at inamin mo na wala ka talagang jowa at super single ka pa rin.”

Hagalpakan ng tawa ang lahat matapos ang banat ni Youngjae.

Edi wow.

 

“Andito na ‘ko~” awit ni Himchan pagkapasok niya sa bahay. Nakita niya ang living room na walang Alym na naglilinis.

“Baka nasa kwarto, nagpapahinga,” sabi niya sa sarili habang paakyat ng hagdan patungo sa kanyang kwarto.

Isang buntong-hininga ang lumabas sa mga butas ng ilong ni Himchan nang makitang walang Alym na natutulog sa kama. Napansin niya bigla na wala ang laundry basket sa may bungad na katapat ng switch ng ilaw. “Naglaba siguro,” kausap pa rin niya ang sarili habang naghuhubad ng damit para makapagsuot ng pambahay. Pagkatapos magpalit ng damit ay dumiretso siya sa likod ng bahay niya kung nasaan ang labahan, bitibit ang hinubad niyang dress shirt, slacks at medyas.

Kung alam mo lang/Itong puso ko ikaw ang tanging sinisigaw/Di ka na magtatanong na kung bakit ba ikaw/Ang laging sinunsundan at minamasdan nitong aking mga mata/Kung alam mo lang na minamahal kita/Di ka na magtatanong pa~

Napatigil si Himchan sa kanyang narinig. Sumilip siya mula sa likod ng pintuan papuntang labahan at nakitang nakanta si Alym habang naglalaba ng mga sinuot niya noong nakaraang linggo.

Teka, kelan pa ako nakinig ng Sagpro Krew? Bakit niya alam yung kantang yun? Saan niya naman nakuha yun? At bakit siya nakanta este nagrarap habang naglalaba? Anong meron? Nahack ba yung system niya? Hinack ng Sagpro ang robot ko? Eh di ba taga-Makati yung mga yun? Teka, bakit naman nila ihahack robot ko? Epekto ata to ng wala pang tulog.

Tumayo si Alym para isampay ang mga tapos-nang-banlawang damit. Habang pumipiga siya ng slacks, lumapit si Himchan para tanungin siya. Dahil nga sa di pa siya nakakapagpahinga kaya wala sa wisyo, di niya napansin na naapakan niya ang bareta ng Ariel. Naalerto bigla si Alym habang nagsasampay kaya nung pagkasampay niya ng mga dress shirt niya ay sinambot niya si Himchan.

Nagkatitigan ang dalawa ng 0.5 na Segundo habang hinihila sila ng gravity.

Di ba sa Hana Yori Dango naging kissing scene yung ganitong sitwasyon? Pwede rin kayang mangyari yun? tanong ni Alym sa sarili habang nararamdaman ang hila ng core ng mundo.

Pwedeng mangyari, pwedeng hindi. Pero di ko na papalagpasin ‘to, sabi ni Himchan sa loob-loob niya.

Dahil umaasa si Alym sa pwedeng mangyari, hinayaan niya na masalo ng katawan niya si Himchan. Habang si Himchan ay inaanggulo ang sarili para magawa ang bagay na matagal na niyang gustong gawin.

At dahil sa kalokohan ng dalawa, nagkalapat ang mga labi ng isa’t isa. Habang nakapikit ang kanilang mga mata, hinayaan nila ang mga sarili nila na namnamin ang sandaling maaaring di na maulit. Nakaramdam sila ng kakaibang kuryente.

 

“PUNYETA NAWALA YUNG SUMPA!” dagundong na rinig sa ilalim ng karagatan. Isang misteryosong nilalang na nagtatago sa isang kweba ang nagwawala. “HUMANDA KA SAKIN KIM HIMCHAN!”


Hi /iKON voice/ long time no see~

Hirap ang buhay may trabaho eh. Tas nakakawalang gana pa ang buhay ko. Lel, madrama.

Penge ng comments at upvote!!! #desperado

TWO DAYS NA LANG COMEBACK NA NG B.A.P PUTANGINA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD