Beautiful Machines

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

“Himuchan! Sabay tayo!” habol ni Youngjae kay Himchan bago pa makasakay si Himchan sa jeep. Pumasok sila sa loob ng jeep at nag-usap.

“Bakit di mo kasabay si Daehyun? At saan ka galing? Call center agent ka na rin ba?”

“Hinde ah, galing ako sa mansion ng kapatid ko. Kinukulit ako na pakilala ko na raw yung kinakasama ko. Kaso natatakot ako…”

“Bakit naman? Ilang taon na rin kayong magkasama ni Daehyun ah.”

“Di naman nila kasi alam na lalaki ang ka-live-in ko. Eh kung sipain ako palabas ng pamilya ko. Ayoko rin naming masaktan si Dae syempre.”

“Alam ba nilang queer ka?”

“Mm… oo.”

“Eh yun naman pala eh. Sabihin mo na.”

“Di naman kasi sila nagsabi kung tanggap nila ako o hinde. Nung umamin ako, tinitigan lang ako ng mga magulang ko. Yung kapatid ko niyakap lang ako. Ay ewan!”

“Kung ako sayo, sabihin mo na lang. Aantayin mo pa bang galing sa iba? Teka, kilala ka ban g pamilya ni Daehyun?”

“Oo. Ayun, okey lang sa kanila. No big deal, ganun. Napagkamalan pa nga akong babae ng kapatid niya. Kaloka.”

Dinukot ni Himchan ang leatherette wallet niya at naglabas ng bente. Iniabot sa katabi niya at sumigaw ng “Bayad po! Dalawa, isang Puregold, isang barangay shed.”

Barangay shed ang tawag sa babaan ng jeep papuntang Brgy. 062612. Nakuha ng lugar ang pangalan dahil may waiting shed ito na katabi ng barangay lookout. Ang simpleng paliwanag dito ay (barangay lookout - lookout) + (waiting shed - waiting) = barangay shed.

Siniko ni Youngjae si Himchan. “Uy salamat ah. Pero ba’t sa Puregold ka bababa?  May bibilhin ka?”

Napangiti na lang si Himchan sabay kamot sa ulong wala namang kuto.

“Yaman na kasi nito! Rits bits!”

Gumanti si Himchan ng batok at sumagot, “Gago to. Rich ka dyan, may pera lang. Kalahati ng pera ko napupunta sa mga magulang ko sa Batanes. Tapos magbabayad pa ako ng kuryente, tubig, mabagal na wi-fi, telephone, postpaid, tapos credit card pa, SSS, Phil Health, insurance, WALA NA!  – hingal–”

“Chill man, chill,” pinapakalma ni Youngjae ang nagwawalang Himchan, akbay-akbay siya at hinihimas ang likod. “Ipaglaban mo yan sa korte suprema. Uy malapit ka nang bumaba.”

Nagpara ang isang babaeng halatang nagpapak ng glutathione at galit sa red lipstick pagkadaa ng jeep sa Puregold. Hinintay ni Himchan na bumaba ang babae bago siya sumunod. Pagtapat ng kanyang 2K na leather shoes mula Rusty Lopez sa kalsada ay kinawayan siya ng boyfriend ni Daehyun.

“Bili mo ko ng Clover Chips! Yung pinakamalaki ah! Tsaka Sweet Corn, limang supot!” pahabol ni Youngjae pagkaandar ng jeep.

Ba naman yun, lasang pambata. Kung makasabi, parang nanay niya ako ah. Magpabili na lang kasi siya kay Daehyun. Parang matatanggihan naman siya nun, sabi niya sa sarili habang naglalakad patungo sa E-Special. Magkano kaya yung robot? Siguro mahal. Tsaka gagana ba dito yun? Bakit ba siya made in Korea eh Japan ang mahilig gumawa nun. Lalo na yung mga dolls nila, totoong-totoo. Di kaya doll yung nasa display?

Biglang natawa si Himchan sa iniisip niya. Pumasok siya sa loob at nagtingin muna ng mga ibang paninda. Manghang-mangha siya sa mga rice cooker mula Japan dahil mukha silang mga maliliit na robot. Natutukso siyang bumili ng isa – lalo na yung kulay pink – pero naalala niyang malayo pa ang sweldo day.

“Ows, di nga? Three K lang yung robot? Bakit naman?”

“Eh mukha naman kasing walang bibili. Maliban na lang kung mayaman at manyak ka.”

“May isa atang bibili. Hayup.”

Narinig ni Himchan ang usapan at agad pinuntahan ang robot. May isang lalaking nasa edad singkwenta na tinatawaran ang presyo ng robot sa halagang one five (P1, 500). Umeksena siya at sinabi sa salesman, “Bibilhin ko na yan. Walang bawas presyo.”

Tumigil lahat ng tao sa tindahan at tinitigan siya.

“Ireregalo ko sana sa kapatid ko,” palusot niya sa mga matang nanlilisik sa kanya.

 

“Langya, bakit ba kasi ang bigat nito? Wala man lang delivery boy yung tindahan na yun. Litse,” reklamo ni Himchan habang hila-hila ang box ng robot. “Porcelain ba to kaya sobrang bigat? E di sana bumili na lang ako ng vase.”

Nagpasalamat si Himchan sa Poong Maykapal dahil naipasok niya nang maayos ang robot. Hirap na hirap siya dahil kasingtangkad niya ang box at dalawang beses ng lawak ng waistline niya ang lapad ng box. Inihiga niya ang box sa kanyang sofa at binuksan ang box. Sinilip niya ang loob at nakitang balot ng bubble wrap at Styrofoam ang robot.

Bawal na Styrofoam ah. Ay, sa Korea nga pala to galing. Inilabas niya rin ang pack na may lamang complete maid uniform set at remote control. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang inilabas ang robot na naka-French maid uniform at inilapaga sa sahig. Binaligtad niya ang box at itinaktak – nagbabakasakaling may lamang iba – pero wala. Hindi naman niya maintindihan ang mga nakasulat sa labas ng box dahil Korean. Tinaggal na lang niya ang bubble wrap na nakabalot sa robot.

“Hindi kaya si Miku Hatsune to? Ay, Miku Zatsune kasi itim at pula yung buhok.”

Inialis niya yung box sa sofa at pinaupo ang bagong biling robot.

“Paano ba paandarin to? Wala namang manual eh. Nu to, joke?”

Nagligpit muna siya at nag-ayos ng mga pinamili niya habang yung robot ay priming nakaupo sa sofa niyang black.

Nang matapos siya, binuhat niya ang robot papuntang kwarto. Inilapag niya sa kama niya tapos at nagtatatakbo patungong banyo. Pagbalik niya ay humilata siya sa tabi ng robot maid.

“Sandali lang, onting pikit lang tapos maglalaba ako…”

At di na namalayan ni Himchan ang oras.


Update update yehet! Hello to my fab readers, syempre diyosa ako, dejk XD

Twitter: @legityaminohime

Tumblr/ask me : legityaminohime.tumblr.com/ask

Comment din naman kayo T^T

Note: baka next year ko pa to mapagawan ng poster. Gusto niyo bang i-post ko to sa Wattpad?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD