Now It Starts

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

Nagising si Daehyun mula sa mahimbing na pagkakatulog nang may maamoy siyang sinangag. Tinanggal niya ang mga nakabalot na braso ni Youngjae sa katawan niya at nagmartsa papuntang kusina. Natameme na lang siya nang makita niya ang babaeng katabi ni Himchan sa kwarto niya ang nagluluto ng naamoy niya.

Lumingon ang babaeng nagluluto at binati niya siya. “Magandang umaga po.  –tungo–  Saglit na lang po at maluluto na ang sinangag. Pwede po muna kakayong maupo at magkape. Gusto niyo po ba ng creamer sa kape ninyo?”

Tumungo na lag siya bilang sagot. Pagkabigay sa kanya ng kapeng may mamahaling creamer (dahil maarte si Himchan) ay hinigop niya agad at napaso ang dila.

Nasaktan ang dila ko, di nga ako nananaginip.

Pero paglingon niya ay nawala ang babae. Napatayo siya at pinuntahan ang lugar na huli niyang nakita ang babae. Sinilip niya ang niluluto niyang sinangag kanina. Agad siyang kumuha ng kubyertas at sumandok hanggang sa mapuno ang plato niya. Pag-upo niya ay nilanghap niya ang bagong lutong sinangag at nagulantang.

“Korean fried rice? Sosyal!”

Walang kaalam-alam si Daehyun na hinila ni Himchan ang misteryosong babae para kausapin.

Sabi ni Himchan sa kanyang robot maid habang nakahawak nang pirmi sa mga balikat ni Alym, “Hindi ko alam kung naiintidihan mo ako pero kailangan mo akong pakinggan. Una, makipag-usap ka nang normal. Walang formal whatever. Pangalawa, magpalit ka muna ng damit. Dala ko ang isang t-shirt at tokong. Pangatlo, tawagin mo lang ako sa pangalan ko. Hindi nila pwedeng malaman na robot ka, okey? Huh?” Lalong dumiin ang mga kamay niya sa balikat ng robot habang tinititigan siya sa mata.

Naglakad sila pabalik sa kusina nang magkahawak kamay. Natulala ang lahat sa kanila at naubo pa si Daehyun na puno ang bibig ng sinangag.

Nakaupo si Yongguk sa pinakaharap ng lamesa, si Junhong sa kanan ni Yongguk, si Jongup sa tabi ni Junhong at ang magnobyo sa kaliwa ni Yongguk.

Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa labi ni Yongguk. Binitawan niya ang hawak niyang kutsarang may laman pang sinangag para palakpakan ang magkahawak kamay. Nagtingin ang apat at ginaya siya.

“Congratulations sa aming NGSB na katropa at may girlfriend na siya!” hiyaw ni Yongguk habang patuloy sa pagpalakpak.

Biglang bumanat ng joke si Daehyun, “Kaya pala walo yung upuan kasi anim tayo tapos yung isa para sa gelpren mo. Yung isa para sa anak niyo…”

Binatukan ni Youngjae si Daehyun at pinagsabihan, “Ngayon lang nagka-girlfriend, anak agad?!”

“Upo na kayo, ate, kuya Himchan,” sabi ni Junhong habang nakanguso sa dalawang upuang katapat ng upuan ni Yongguk at upuan niya.

Lumapit ang dalawa sa upuan. Hinila ni Himchan ang isang upuan para kay Alym at sumunod ang robot. Pagkaupo ni Alym ay umupo na rin si Himchan, malapit kay Youngjae.

“Anong pangalan mo?” tanong ni Jongup kay Alym. Bago pa makasagot ang tinatanong niya ay dinagdagan pa niya. “Saan ka nakatira? Koreano ka ba? Ba’t ang puti mo? Ano bang nakita mo kay Himchan? Paano kayo nagkakilala? Paano ka napa-oo niyan? Alam mo bang ikaw ang first girlfriend niya? Ikaw pang-ilang boyfriend mo na siya? Anong trabaho mo? Maarte ka rin ba sa lotion?”

Tinakpan ni Junhong ang bibig ni Jongup bago pa siya magtanong ulit.

“Pagpasensyahan mo na ate, tahimik naman usually ‘tong si Jongup. Siguro na-excite siya kasi nga ikaw ang first girlfriend niya. Lahat kami ay masaya para sa inyong dalawa.”

Hinawakan ni Himchan ang kamay ni Alym at nagpaliwanag, “Pagpasensyahan niyo na at di siya kumikibo, mahiyain kasi siya. Nagkakilala kami sa Puregold, dun sa E-Special. Lagi kasi kaming nagkikita dun hanggang sa lumapit ako at nakipagkilala. Tapos ayun, matapos ang ilang araw naging magaang ang loob naming sa isa’t isa at naging kami. Pinalayas siya sa nirerentahan niya kaya ditto muna siya sa ngayon. Pero kahit ganto, wala kaming ginagawang masama o kung ano man yang iniisip niyo.”

Napangiti na lang silang apat (maliban kay Jongup na nakatitig nang mabuti kay Alym) nang maalala nila ang nakita nila sa kwarto ni Himchan kahapon.

“Alym nga pala ang pangalan niya. A-L-Y-M. Alym… Alym Yagnun. Nagluluto siya sa isang karinderia. Ayun. Umm… Masarap ba ang luto niya?”

Nilunok ni Daehyun ang natirang sinangag sa bibig niya at sumagot, “Oo, grabe! Korean karinderia ba yung pinagtatrabahuhan niya?”

Tumungo si Alym bilang tugon.

“Pero minsan lang sila magbukas. Sa ngayon, hindi lumilitaw yung amo niya,” dagdag ni Himchan.

“Ano ba naman yan Himchan. Nung naging kayo minalas naman si Alym. Yan pala ang consequence na maging boyfriend ka,” biro ni Youngjae, na binatukan agad ni Daehyun.

“Pagpasensyahan mo na itong si Youngjae, minsan kung magjoke offensive,” sabi ni Daehyun kay Alym.

“Nagkataon lang naman, grabe ka Youngjae,” sabi ni Yongguk habang pinagmamasdan si Himchan at ang unang nobya niya. “Mabuti pang tapusin nating kumain para makapagligpit na tay at makauwi sa kanya-kanyang bahay.”

 

“INGAT KAYO SA PAG-UWI!” sigaw ni Himchan sa kanyang mga kaibigan na naglalakad na puawi habang hawak pa rin ang kamay ni Alym. Pagkatapos ay pumasok sila sa loob at ni-lock ang gate. Nang nakapasok sila sa bahay, niyapos nang mahigpit ni Himchan si Alym.

“Salamat at naintindihan mo ang sitwasyon ko! Maraming salamat at nakisama ka!” Pinakawalan ni Himchan ang robot at dinagdag, “Hindi ko talaga alam ang gagawin kanina. Halos mabaliw na ako… Buti na lang andyan ka. Salamat talaga at niligtas mo ako mula sa kahihiyan sa mga kaibigan ko.”

Dumiretso si Himchan sa banyo, iniwan ang kanyang robot na nakatingin lang sa kanya.


Woot woot! Update nanaman~ Ang tamad ko talaga OTL

Oy comment-comment din pag time... -.-

Bigyan niyo naman ako ng karma di ba T-T

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD