Hinahanap ng Puso

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

Isang araw, may isang gwapong lalaking nagngangalang Kim Him Chan na naghahanap ng kanyang babaeng mamahalin. Mula pa noong pagkapanganak niya ay wala pa siyang naging nobya, kahit kalandian man lang. Hindi niya lubos na maintindihan kung bakit ganun na lamang ang kapalaran niya kahit gwapo naman siya.

Ang masakit pa ay siya lang ang walag nobya sa mga katropa niya. Ang kanyang kaibigang underground rapper na si Bang Yong Guk ay nobya ang sikat na mang-aawit sa kanilang barangay na si Song Ji Eun, ang mga mang-aawit sa Tamang Sakto Bar na sina Jung Dae Hyun at Yoo Young Jae ay maglive-in partner, ang magaling na choreographer ng Mataas na Paaralan ng Matoki na si Moon Jong Up ay kasintahan ng pianist ng simbahan na si Elsa Letitgo, at ang heartthrob ng barangay 062612 na si Choi Jun Hong ay exclusively dating si Ms. 062612 2014 na si Cherry Kamatis.

Binigyan na siya ng mga payo ng mga kaibigan niya tulad ng pagtuon ng pansin sa mga bagay na meron siya tulad ng magandang trabaho bilang supervisor ng Teleperformance sa Makati, pagsubok sa speed dating, online dating sites o kaya paglandi sa Facebook, at pati yung sikat na iDate – ngunit walang nangyari. Kahit yung mga pangit na desperadong magkajowa ay hindi siya pinatos.

Hindi niya naman pinapansin ang problemang ito noon. Kahit na tinutukso siyang bakla noong hayskul ay wala siyang pakialam. Kahit na nung nagkolehiyo siya ay nilalayuan siya ng mga kaklase niya sa takot na mahawa sa pagiging forever alone. Pero nung nagkatrabaho na siya, dun na nagging malaking bagay ang kanyang pagiging NGSB. Ilang beses siyang hindi tinanggap sa trabaho dahil sa bagay na yun. At hindi niya matangap na ayaw sa kanya ng mundo dahil lang doon.

Humingi na rin siya ng payo sa kanyang mga magulang.

Sabi ng kanyang ina, “Pogi ka naman anak eh. Baka naman hindi pa talaga binibigay sayo ni Lord ang babaeng para sayo. Wag kang magmadali anak, hindi ka naman pangit eh. Tsaka mahal ang tuition fee mo, kaya unahin mo muna pag-aaral kaysa paglalandi. Pero kung mayaman siya at maganda, sige anak push mo yan. Susuportahan pa kita. Para makalipat na kami sa Batanes at hindi na ako mapagod kakatinda ng ulam, kakanin at meryenda.”

Sabi naman ng tatay niya, “Nak, wag kang kasi desperado. Malaking turnoff yun sa mga babae. Dapat tamang landi lang pero may onting pa-hard-to-get. Yung papansin ka pero cool ka pa rin. Kumbaga ikaw yung mangingisda tas susuungin mo yung malawak na dagat. Tapos dapat maganda ang net mo, tsaka matibay kundi makakatakas ang mga isda. Pero wag masyadong maliit yung butas, kasi mapapasama pati yung maliliit na isda. Baka mapagkamalan kang Mang Kanor. Hay nako, dapat kasi naging mangingisda ka na lang para may katulong ako ditto. Pero mabuti na yang nag-aaral ka, para makatikim naman ako ng patbingsoo.”

Sinubukan niya ring humingi ng payo kay Papa Jack at Kuya Jobert pero hindi pa sinasagot ang kanyang mga tawag. Kahit Wanted Sweethearts sinubukan niya pero kahit kelan ay hindi pa siya napili.

Gusto niya rin sanang humingi ng payo sa kanyang mga kapatid ngunit ayaw na niyang guluhin pa ang kanilang mga buhay sa piling ng kani-kanilang pamilya.

Pati simbahan nilapitan niya, humihiling na bigyan siya ng masaya at mahabang love life o kaya ipatindi sa kanya bakit ba ayaw siyang bigyan ng masaya at mahabang love life.

Paghiling sa pagdaan ng 100 eroplano, paggawa ng 100 paper cranes, paghiling sa wishing well, pag-alay sa mga anito sa Benguet, paghiling sa shooting star at kahit pagpapagawa ng gayuma ay ginawa na niya ngunit wala pa rin.

Nagpapakatatag na lang siya at nagpapantasiya sa 2NE1, Girl’s Day, A-Pink, SISTAR, 4L, f(x), AKB48, Brown Eyed Girls at kay Lee Hyo Ri.

“Hanggang kelan ba to…” bulong niya sa kanyang sarili habang nanonood ng Miss Korea.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD