Can't Keep My Hands Off You

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

“Matanong ko lang, paano ka nagcha-charge?” tanong ni Himchan kay Alym habang nagpapahid ng whitening night cream at nakaharap sa salamin ng dresser niya.

Napatigil si Alym sa pag-ayos ng kama ni Himchan at nag-isip. “Wala akong nakatagong kaalaman ukol dyan. Wala ba akong charger na kasama sa box na pinanggalingan ko?”

Umiling ang ulo ni Himchan. “Ilang percent na ba ang battery mo?”

“Pitumpu’t limang porsyento po. Nababawasan ako ng tatlong porsyento kada oras.” ANO? Gago talaga yun, mabilis maubos ang baterya ko tapos hind ko alam kung paano magcharge. Edi sana pinatay niya na lang ako. Pero di pwede, andito ang Himchan ko eh.

Tumayo si Himchan sa pagkakatayo at walang patumpik ay niyakap si Alym.

“Ilang percent ulit ang battery mo?”

“Pitumpu’t limang porsyento… at madadagdagan.” Ay taray, nagchacharge pala ako gamit ang init ng katawan. Hayup talaga yun, akala niya walang hahawak sakin. Mas may pag-asa na ako maging tao! At makaka-score pa ako kay Himchan, haha!

So ibig sabihin dapat katabi ko siyang matulog sa gabi? Hindi na rin siguro masamang may katabing magandang babae tuwing gabi, at yakap mo pa. Kung tao lang ba siya edi sana mas masaya.

“Bukas nga pala samahan mo ako sa palengke, tsaka para matutunan na rin kitang mamalengke. Isa yun sa pinaka-importante mong matutunan, lalo na kapag maarte ka sa pagkain. Tsaka…”

Lalaking makuriri sa lahat ng bagay. Hindi ko alam kung nakakatuwa ba o hindi. Pero mabuti na yun, kasi ako hindi. Malamang marunong mag-makeup to. Maingat nga sa balat. Totoo pala ang mga lalaking metroual. Akala ko si G-Dragon lang yun. Pero kahit anong ugali ipakita niya sakin di ko pa rin mapigilan ang saril ko na titigan siya. Di kaya nagkakaroon na ako ng atraksyon sa kanya? Baliw na ako. Sabagay may bago pa ba?

“… hintayin mo ako at kukunin ko lang ang mga ecobag. Bawal kasi plastic dito.”

 

Medyo pareho rin pala ang pamilihan samin dito sa Pilipinas, sabi ni Alym sa sarili habang naglalakad papasok sa 062612 Wet and Dry market. Napatingin siya sa amo niya nang hilahin siya sa braso.

“Wag kang lumayo at baka mawala ka. Hindi pwedeng mangyari yun,” sermon ni Himchan habang hawak siya sa pulsuhan.

Kung kamay ko lang ba hawak niya di ba edi masaya. Pero kakilig yung sinabi niya na di ako pwedeng mawala. Sarap mag-assume. Charot.

Una nilang pinuntahan ang wet market. Nakita ni Alym ang iba’t-ibang uri ng lamang-dagat at karne na kinukunsumo ng mga Pilipino. Tinalansikan siya ng tubig ng mga buhay na tilapia habang pinapaliwanag ni Himchan na pinakamarasap iulam ang mga bagong patay na isda. Nandiri siya nang makita niya ang mga nakasabit na lamang-loob ng mga manok, baboy at baka. Nanibago siya sa mga gulay na nakita niya tulad ng kangkong, Baguio beans, ampalaya, okra at sigarilyas, pati mga prutas tulad ng mangoosten, dragon fruit, kamias, siningwelas, chico at pinya. Sinubukan niyang sauluhin ang iba’t ibang klaseng processed meat katulad ng ham, embutido, longganisa, tocino, hotdog, fishball, kikiam, chicken ball, squid ball at cheesestick.

Nang matapos silang mamili sa wet market, sa dry market naman sila nagpunta. Naaliw si Alym sa mga maliliit at may batik na itlog ng pugo. Natakam siya sa mga makukulay na kakanin. Napanganga siya sa mga bagay na ngayon niya lang nakita: bunot, walis tambo, walis tingting, salakot, banig at trapo. Nalula siya sa dami ng mga pirating relo, cell phone, headphones, laruan, DVD, sapatos, tsinelas, bag, atbp. Nanibagoo siya sa itsura ng uling.

Ang kanilang dalawang oras na pamamalengke ay biglang naputol nang may tumawag kay Himchan. Bumitaw siya sa pagkakahawak niya sa pulsuhan ni Alym at sinagot ang tawag. Matapos ng kanilang usapan ay hinila ni Himchan si Alym pauwi.

Ang daya… Nabitin ako masyado ah. Sino kaya yung tumawag sa kanya?

 

“Pakiayos na muna ang mga pinamili natin at may tatapusin lang muna ako ah,” bilin ni Himchan kay Alym pagkapasok nila sa bahay, nagtatatakbo papuntang kwarto.

Habang inilalagay niya ang mga binanlawang karne sa freezer, iniisip pa rin ni Alym ano ba ang dahilan at nagmamadaling umuwi ang amo niya. Iniisip niya kung sino ba yung tumawag sa kanya at nagkaganun siya. Pero bigla niyang pinaalala sa sarili niya na isang supervisor sa isang call center si Himchan. Hanggang sa pagtago ng mga gulay at iba pang bilihn sa crisper ay iniisip niya pa rin ang tumawag kay Himchan.

Hala, baliw na nga ako. Mapag-angkin sa bagay na hindi naman akin. Kaloka.

Nang matapos niyang maitago ang kanilang mga pinamili, kinuha niya ang ecobag para labhan. Pasimpleng sumilip siya sa ikalawang palapag kung anong ginagawa ni Himchan. Narinig niyang nagsasalita sa wikang Ingles ang amo at tila seryoso ang tono.

Baka kausap niya yung boss niya tungkol sa trabaho. Teka nga, ano bang pake ko kung sino kausap niya? Sino ba naman… mali, ano ba naman ako sa buhay niya para makialam sa mga pinaggagagawa niya. Isang hawak na aliping bakal lamang ako. Ewan, maglalaba na nga ako. Bwisit ang drama-drama ko. Eh robot naman ako eh!

Hinila niya ang mga paa niya palabas papuntang labahan.

Sinilip ni Alym ang battery level niya at nagulat siya dahil 37% na lang siya. Napangiti siya nang bigla niyang maisip na kelangan niya ng init ni Himchan, paraan para mahawakan siya muli.


Long time no update. Tamad magsulat eh. Muehehehe. Kung may bayad lang ba to. Hayyy...

Usap tayo sa Twitter~ @legityaminohime

Di na ako ganong nagbubukas ng Tumblr at FB. Katamad eh.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD