Deer in the Headlights

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

Mga ilang minutong paglalakad papuntang kwarto ni Himchan bago nakabalik sa realidad ng mundo si Alym. Namula bigla ang mukha niya nang makita niya ang kamay ni Himchan na nakahawak sa kamay niya.

Bakit ba palagi ka na lang nakakakilig? Bwisit ka, tanong ni Alym sa sarili habang naglalakad sila.

Pagkasara ni Himchan sa pinto ay nakaramdam ng matinding kaba si Alym.

Ano ang gagawin namin dito sa kwarto niya at kelangang isara ang pinto? Omigod.

"Tulungan mo akong mag-impake," utos ni Himchan habang iniabot niya ang isang malaking duffel bag.

"Hah?" tanong ni Alym nang kunin niya ang bag. "T-Teka san po kayo pupunta?"

"Anong ako lang, siyempre kasama ka. Di ako papayag na maiwan ka lang dito sa bahay nang mag-isa. Tsaka... ah..." biglang napansin ni Himchan na medyo halata ang pagkakeso niya, "Sinong tutulong sakin sa pagpasan ng mga pasalubong ko?"

Leche ka, ginawa akong kargador. Umasa pa ako. Hay...

Nakabusangot na nagtitiklop ng damit si Alym, iniisip na magiging full-time chimay siya kung san man sila magpunta. Wala naman siyang alam na ibang lugar sa Pilipinas kaya di niya mahulaan kung saan sila papunta. Base sa mga damit na iniimpake niya, hula niya na pupunta sila sa isang lugar na katamtaman ang lamig at medyo mahangin.

Wala na namang kamalay-malay si Alym na habang muryot na muryot siyang nag-iimpake ay palihim na pinagmamasdan siya ni Himchan.

Bakit ba pag andyan siya, okey na ako? Paggising ko sa umaga, siya ang makikita ko, buo agad ang araw ko. Para akong tanga dito, lagi naman kaming magkasama sa bahay pero kahit kelan di ko masabi sa kanya. Kaya di ako nagkaka-love life eh. Pero paano kaya kung...

"Tapos na po ako, meron pa po bang ibang iimpake?" sabay istorbo ni Alym sa pagtitig ni Himchan sa kanya.

"Ah eh... damit mo siyempre. Ako na bahala sa iba kong gamit."

Para namang ang dami kong damit para iimpake, sabi niya sa sarili habang tinatago ang kanyang limang bra. Itinago niya rin ang kanyang best friend na diary. Buti pa to, madaling kausap. Di nga lang sumasagot.

Pagkatapos nilang mag-impake ng ng damit nila ay tumigil sila para kumain ng hapunan.

"Matutulog tayo nang maaga, mahaba ang byahe natin. Buti na lang at may eroplanong palipad papuntang Batanes," paalala ni Himchan kay Alym na naghuhugas ng plato.

Batanes? Saan yun? Anong meron dun? Konektado ata ako sa wi-fi, ma-check ko nga.

Kelan lang nalaman ni Alym na may kakayanan siyang makakonek sa internet para makapagsaliksik sa isip. Medyo nahihirapan lang siya dahil nga sa Koreano siya ay Naver ang default search box niya. Palagi niya tuloy binabago sa Google kaya inaabot siya ng tatlong minuto bago makahanap ng sagot sa tanong niya.

Maganda ang lugar na ito, pang-music video. Sarap kumanta ng I tas paikot-ikot dun sa damuhan, sabi niya sa sarili niya habang nakikita niya ang Google Results ng Batanes.

Nagulantang siya nang tapikin siya sa balikat ni Himchan habang pinagmamasdan ang mga larawan ng Batanes, kaya siya nawalan ng balanse. Buti na lang at nasalo siya ni Himchan. At katulad ng nangyayari sa mga telenovela, imbes na tumayo agad si Alym ay nagkatitigan muna silang dalawa. Kaya lang, hindi nagkalapit ang mga labi nila dahil biglang na-lowbat si Alym.

Wrong timing, ang daya.

 

Dahil medyo mahaba ang byahe nila ay nag-ultra power saving mode si Alym, dahilan kaya di niya nanamnam ang mga na oras na magkatabi sila ni Himchan. Hindi niya rin napansin na nakasandal pala siya sa balikat sa buong byahe, kaya ngiting hanggang noo naman si Himchan.

Pagbaba nila ay sumalubong ang isang marching band sa kanila. Isang pamilyar na mukha ang humalik sa pisngi ni Himchan at sinakal ng yakap.

"Kay tagal din nating di nagkita, anak," bulong ng babaeng mahigpit ang yakap sa kanya.

Lumapit ang isang lalaking namumuti ang buhok at nakiyakap din.

Nararamdaman ni Alym na palaglag na ang luha sa kanyang mga mata. Buti pa siya, may handang maghintay para salubungin siya. Eh ako, paano pag bumalik ako samin? Sino ang handang yumakap at humalik sakin? Wala naman eh... Hay...

Nanlulumo niyang pinapanood ang kanyang amo habang naliligo siya sa pagmamahal ng mga magulang niya at ng barangay.

Ang kanyang ama ay sikat na alkalde sa Batanes habang ang kanyang ina ay konsehal sa Chanarian. Maraming tao ang tuwang-tuwa sa kanila sa dami ng kanilang magagandang programang ginawa at ginagawa nila.

Sa sobrang panlulumo ni Alym ay di niya napansin na maraming babaeng nakaaligid kay Himchan. Mga matang kumikislap at bibig na naglalaway ang mga nakabantay sa bawat kilos at hininga niya.

Pagdating nila sa kanilang munting tahanan ay balik sa dating gawain si Alym. Agad siyang naghanda at naglabas ng pamalit ni Himchan.

"Masyadong masipag ang nobya mo, anak. Hija, magpahinga ka naman. Maupo tayo at kumain muna," sabi ni Mrs. Kim.

Nanigas sa hiya habang namumula ang mukha ni Alym. Kasingpula ng hawak niyang pulang t-shirt ni Himchan ang kanyang pagmumukha. Isang maliit na ngisi ang lumabas sa labi ni Himchan.

Bago pa makapagpaliwanag si Alym ay nagsalita ang maligayang lalaki, "Tama si nanay. Kain muna tayo at magpahinga. Baka na-jetlag ka rin," sabay dampot sa kamay niya ala-Koreanovela na akala mo kinagwapo niya.

Damang-dama ni Alym ang pagdagundong ng kanyang puso sa matinding kaba, hiya at ligaya. Kasama niya lang naman sa hapag-kainan ang mga magulang ng lalaking mahal na niya na iniisip na siya ay nobya ng kanilang anak. At gusto niya sanang isipin na nakisama si Himchan sa iniisip ng magulang niya dahil gusto niya rin, pero nagdadalawang-isip siya dahil baka napilitan lang din siya.

"Akalain mo sa tagal ng panahon, ngayon lang nagdala ng babae dito si Himuchan. Siya ba ang una mo o unang dinala mo rito?" tanong ni Mrs. Kim habang sumasandok ng kanin.

Bumusangot si Himchan habang nanguya. "Nanay naman eh. Di ba pwedeng kumain muna bago sumagot ng mga katanungan niyo? Namiss ko luto niyo eh."

"E di yang gelpren mo ang tanungin ko," sabay lingon sa katabi ni Himchan. "So hija, anong nakita mo sa anak ko at nauto ka nito?"

Nanlaki ang mata niya sa gulat. Tinignan niya si Himchan, nangungusap gamit ang mata na iligtas siya mula sa kanyang ina. Isang tungo na nangunguhulugang "bahala ka na, kaya mo yan" ang kanyang pakiusap kay Alym.

Hingang malalim si Alym sabay sagot na, "Mabait po siya sa lahat, hindi matapobre, maalaga, nakakatawa lalo na pag nag-iinarte sa balat tsaka... tinanggap niya kung ano ako."

"Wow, pang-telenobela ang sagot. Nako anak, pang dramarama pala kayong dalawa eh. Yung mga corny na palabas sa hapon," biro ni Mr. Kim.

Siniko ni Mrs. Kim ang asawa niya. "Para namang di ka corny dati. Ikaw nga kinuwento mo na pinarusahan ka ng sirena nun, parang may sirena ba noon. Nako hija, pagpasensyahan mo na tong tito mo. May saltik lang talaga to minsan. Pagkatapos nating kumain eh tumungo na kayo sa kwarto niyo."

"Magkasama sila sa kwarto?!"

"Aba, ano naman kung magkasama sila?"

"Eh kung makabuntis si Himchan aber?!"

"Edi mabuti, may apo na tayo. Bente-siyete anyos na yang anak mo. Nakapagtapos ng pag-aaral, may trabaho tsaka matanda na yan. Matanda na rin tayo. Gusto ko rin naman ng kalarong apo."

"Di ba dapat ikasal muna sila?"

"Wow, nahiya naman ako sayo. Diba nauna akong magbuntis sa ate ni Himchan bago tayo ikasal? Wag mo akong paandaran ng ganyan."

Habang nagtatalo ang mag-asawa ay hinila na ni Himchan si Alym papunta sa kwarto nila.

"Pagpasensyahan mo na sila nanay at tatay, palagi talagang nagtatalo sila tungkol sa mga ganung bagay. Pero kahit kelan di sila naghiwalay. Normal lang talaga silang ganun," paliwanag ni Himchan pagpasok nila sa kwarto nila.

Ba't ganun? Palagi naman kaming magkasama sa kwarto pero dito kabadong-kabado ako na parang may mangyayari samin pero wala naman. Sakin pa umasa ng apo eh robot ako. Hay...

"Mauna ka nang matulog, may gagawin pa ako. Baka malowbat ka pa," paalala ni Himchan sabay pasok sa banyo.

"Eh paano po ako magchacharge kung ako lang po ang matutulog?"

Hala anong pinagsasasabi ko?! Nako naman, medyo obvious na ako!!!

"Ay, oo nga no. Saglit lang Alym ha, maliligo muna ako," sabay hubad ng t-shirt ni Himchan.

Pulang-pula ang mukha ni Alym habang pinagmamasdan niya ang kanyang amo papasok ng banyo. Bakit kelangan pa niyag maligo bago kami matulog? Bakeeeeeet...

At habang nasa loob naman ng banyo ay nag-iisip nang malalim si Himchan.

Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila na robot lang siya pero mahal ko siya? Pano ko sasabihin sa kanila na imposibleng magkaroon ng apo sila sakin? Eh kahit nga si Alym di niya alam. Paano na kaya ito? Lintik, para naman akong bida sa drama. Ang corny tuloy.

Ipinagpatuloy niya ang pagkuskos ng Dove sa kanyang maarteng balat habang patuloy sa pagdadrama.

Simulan ko na siguro sa pag-amin sa kanya.

Sa sobrang tagal ni Himchan na maligo, nakatulog si Alym na di pa tapos magsulat ng diary entry niya. Paglabas niya ng banyo ay tumumbad ang isang nakaplakdang Alym sa kama habang may nakabuklat na notbuk sa ilalim ng mukha niya. Agad-agad siyang nagbihis at dahan-dahang hinila ang notbuk.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD