That Girl

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

Katatapos lang ni Himchan sa mga eksena niya para sa commercial ng Conti's. Diretso siya sa pwesto niya sabay salubong sa kanya ni Alym. Agad-agad siyang pinunasan ng pawis at inabutan ng bote ng tubig.

"Hindi naman ako ganung napagod, kaya wag naman masyado sa pagpunas ng pawis. Kumain ka na ba? Kain tayo sa Jollibee mamaya?"

"Sige ba. Chickenjoy with spaghetti ba ang order natin?"

"Tsaka Peach Mango Pie!"

Habang abala ang dalawa sa pag-uusap kung anong oorderin sa Jollibee, pinagchichismisan na pala sila ng staff.

"Ang swerte ni ate, kasama si Himchan maghapon," bulong ng makeup artist sa tagalinis.

Sagot ng tagalinis, "Oo nga eh. Hashtag how to be you po."

"Nako, gagawin ko ang lahat magpalit lang kami ng trabaho ng bruhang yan."

Dahil abala sa pagchi-chikahan ang mga ibang staff, naglakas loob ang food stylist na lumapit kay Himchan at inabutan siya ng Mini Mango Cake at sobreng may lamang sulat. Pagkaabot niya kay Himchan ay tumakbo palayo ang dalaga.

Eto nanaman tayo, may epal nanaman eh, sabi ni Alym sa sarili. Kita mo naman ate na ang saya ng usapan namin, eepal ka.

"Kainin natin to mamaya. Pag-uwi natin i-diretso mo agad sa ref to ah. Sa ngayon, sa Jollibee ko pa rin gustong kumain," sabi ni Himchan habang tulala pa rin si Alym dahil sa selos.

Napansin ni Himchan na hindi kumikibo ang babaeng nagpapatibok ng puso niya kaya niya tinapik ito sa balikat.

"Huy! Tulala ka na dyan. Sobrang pagod na yan. Uwi na tayo, tara," sabay hawak ni Himcahn sa kamay ni Alym.

Oo, pagod na akong umasa sayo, sabi ni Alym sa loob-loob niya habang nililigpit ang mga gamit ni Himchan. Pagod na akong magselos kahit wala naman akong karapatan. Ano ba namang buhay to, puro hugot ako. Leche.

 

Walang kamalay-malay ang dalawa na na-blind item na pala sila sa mga tabloid.

Commercial model, P.A. ang jowa?

Jolalay ng model, nilalandi ang alaga?

Endorsement model at P.A., huling naglalandian sa set ng commercial?

Nalaman na lang ni Himchan ang mga pangyayari nang i-mention siya sa tweet ni @himchansprincess na may kasamang larawan ng mga tabloid headline.

Talaga ba...buntong hininga ni Himchan sa sarili. Eh kung sabihin ko na girlfriend ko siya nang matahimik sila. Kaso ni miski si Alym hindi alam.

Marami tuloy ang nagtatanong, "Sino ang maswerteng PA? At totoo ba ang mga chismis?

Payo sa kanyang isa pang manager na si Yongguk, "Wag ka na lang magsalita. Antayin mong mamatay ang issue. Magsasawa rin ang mga tao."

"Magsalita ka, linawin mo sa lahat na wala namang kayo, second manager mo lang siya, ganern," sabi naman ni Youngjae.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD