If I Fell

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

Paggising ni Himchan sa tanghali ay nagpasalamat siya sa Poong Maykapal dahil natapos na ang kanyang madugong araw. Wala na ang mga nakakagimbal na deadline, mga epal na boss, mga mas epal na empleyado at mahahabang job interview. Agad-agad siyang bumaba sa kusina para kumain at makita ang kanyang robot maid.

“Magandang umaga, Himchan,” bati ni Alym sa kanya.

Isang ngiti ang isinagot ni Himchan.

Nagkatinginan saglit ng dalawa, pagkatapos ay katahimikan. Lumingon si Alym at dumiretso sa lababo para kunin ang nilutong kimchi fried rice at bagong kulong kapeng barako. Pagkapatong ng pagkain sa hapag ay tumayong pirmi sa tabi ni Himchan.

“Bakit di ka na lang tumabi sakin?” alok ni Himchan pagkaharap kay Alym.

“Para san po?”

“Para di ka madaling ma-lowbat na nakatayo dyan. Conserve energy, di ba?” sabay hila niya sa kamay ni Alym.

Pahapywa na pula ang naging kulay ng mga pisngi ni Alym na pilit niyang itinatago kay Himchan. Nararamdaman niya ang mabilis na tibok ng kanyang makinang puso. Pinagmasdan niya ang magandang kamay ni Himchan na hawak-hawak ang kamay niya. Pagkabitaw ni Himchan sa mga kamay niya ay umupo siya nang pirmi, kunyari walang nararamdaman.

“Ano nga pala… umm… Rest day ko kasi ngayon. Kung gusto mo punta tayo sa–”

Isang “Baru raru ba ba du raru” ang nagpatigil kay Himchan. Sinilip niya ang cellphone niya at sinagot ang tawag ni Youngjae.

“HIMUCHAN!”

“Kailangan ba talagang sumigaw?”

“Ay sorry naman, na-excite lang. Punta ka ditto samin.”

“Bakit, anong meron?”

“Importanteng selebrasyon! Punta ka, dito sa Angel’s Burger.”

“O sige, dahil mahal kita pupunta ako kahit di ko alam ang–”

“Di tayo talo, may Daehyun na ako.”

“Tangina nito.”

“Joke lang, to naman. Punta ka ngayon ah! Bawal ma-late.”

Nang matapos ang kanilang usapan sa telepono, kumunot ang noo ni Himchan. Hindi niya alam kung pipiliin niya bang puntahan ang kanyang kaibigan o mamasyal kasama si Alym.

Pero di naman kami eh, ano bang karapatan ko para magdrama nang ganito, sumbat ni Himchan sa sarili. Tsaka robot lang naman siya, walang nararamdaman. Lagi naming ganito. May bago pa ba?

Dahil merong matalas na pandinig si Alym (kasi nga robot siya), narinig niya ang buong usapan. Nakaramdam ng matinding panghihinayang.

Wala na, di na kami matutuloy. Siguro kung may sinabi ako tungkol sa sarili ko baka magbago isip niya. Eh maniniwala ba siya sakin pag sinabi ko? Paano pag naisip niya baliw lang ako o kaya literal na may sira. Pero kasi…

“Hi-Himchan…”

Napalingon si Himchan sa kanya. Bumilis lalo ang tibok ng makinang puso ni Alym. Huminga siya nang malalim para humugot ng lakas ng loob.

“Himchan… Ma… Mah–”

Biglang nakaramdam ng matinding electric shock sa katawan si Alym. Nangisay at nahulog siya bigla sa sahig. Sinalo siya ni Himchan na naramdaman din ang kuryente. Tiniis ni Himchan ang sakit ng kuryente maihig lang si Alym sa sofa.

“Ano kayang nangyari dito? Nagkamalfunction? wag naman ganun, di ako handa. Puta. Tatawag ba ako ng technician? Tangna magka-issue pa lalo pag tumawag pa ng ibang tao. Eh kung papuntahin ko na lang sina Youngjae. Kung sasabihin ko naman sa kanila to, maiintindihan nila ako.”

Gumalaw ang mga kamay ni Alym at nagsalita siya. “A-Ayos lang ako, Himchan. Puntahan mo na… na ang mga kaibigan mo.”

“Eh… Sigurado ka ba? Ano ba kasing nangyari sayo? Baka may sira ka o virus o kung ano… Sigurado ka bang okey ka lang? Di kaya lowbat ka lang?”

Aligagang-aligaga si Himchan. Hindi niya alam kung ano bang gagawin niya, Pinag-iisipan niyang kunin ang cellphone niya at itext ang mga kaibigan niya na hindi siya makakapunta o isasama na lang si Alym. Kagat-kagat niya ang labi niya habang nag-iisip nang biglang niyakap siya ni Alym.

“Ayos lang ako, Himchan. Pumunta ka na sa mga kaibigan mo.”

Yumakap pabalik din si Himchan sa kanya.

Bakit kasi ganito…

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD