Love_3

Inlove ako kay Cho Kyuhyun.

Coincidence.

 

Lumipas ang mga araw at sabado na.Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang katangahang ginawa ko.Simple lang naman ang gusto kong mangyari.Mag park siya sa tamang lugar.Pero parang ako pa tong napasama.Hiyang-hiya na talaga ko.Ba't siya pa kasi ang nasa loob nang kotseng yun eh.Bakit siya pa.Napasabunot na lamang ako sa buhok dahil sa pag kairita.Napahiya ako sa kanya.Yun ang ayaw umalis sa isipan ko.

Dumiretso ako sa banyo at naligo.Pagkatapos kong maligo tumingin ako sa salamin.Mukha na akong zombie.Yung week kasing to na-depressed talaga ko.Bakit ba ako nade-depressed eh wala naman siyang pakialam sakin.Di niya ako kilala eh.Isa lamang ako stalker.S T A L K E R..Pano to parehas kaming lalaki.Hala ayoko na munang isipin yang mga bagay na yan.Dapat na akong mag focus sa darating na pagsusulit namin.

Lumabas ako nang banyo at nagbihis.Napatingin ako sa paligid at nakita ko si ate na nakatayo sa tapat ng pinto.Oo bukas pintuan ng kwarto ko.Nagkakitaan na kaming lahat kaya okay lang.Pati pamilya ko rin sila.

''Anyare? Ba't ganyan mukha mo.Maaga pa para sa halloween.'' napabuntong hininga na lamang ako.

''Wala to ate.Ikaw anong ginagawa mo dito.May kailangan ka?''

''Anong wala.Halika nga dito.Gusto mong yakap diba?'' napakabait talaga ni ate.Niyakap ko na lang rin siya.

''Teka lang ate.Anong kailangan mo? Bihira ka kayang pumunta sa kwarto ko ah'' at kumalas sa mahigit niyang yakap.

''Gusto lang mag mall.Kasi ang boring sa bahay.Napapagod na ako mag refresh ng mag refresh sa mga social sites.Kaya ako nandito gusto ko mag bonding tayo.'' masiglang sagot niya.Mall? mas gusto ko pang pumunta ng 7-eleven.Hindi dahil sa down ako ah.May bibilhin lang.

''Anong gagawin natin don.'' tanong ko.

''Ang slow mo talaga.Mamasyal.Kakain at maglalaro sa quantum.Ayaw mo ba nun.'' sambit nito habang inuuga ako.

''Gusto ko kaso wala akong pera.'' palusot ko lang to.Ayoko talaga umalis nang bahay.Ang sama nang kutob ko.Parang may magyayaring masama.

''Ano pa bang ine-expect mo? Andito ako.Para san pa ang pagiging ate ko sayo.'' -_- 

Wala rin.Kailangan ko talagang sumama.

--

[Sa Mall]

Hila-hila ako ni ate.Pero ako parang zombie na naglalakad.Sumusunod lang sa bawat hila niya.Kulang na lang mangagat ako.Tumitingin tingin kasi kami sa paligid.Ang boring dito.Oo maraming tao pero mapapansin mo na nagpapalamig lang ang mga ito.Ano bang ine-expect mo.Tanghaling tapat eh.

''Ate uwi na tayo.'' pangungulit ko.Tiningnan lamang ako nito.

''Kakarating lang natin uuwi na agad? Edi sinayang lang natin gasolina nang kotse ko.'' ngumuso na lamang ako.''Wag kang KJ.Madaming gwapo dito sa mall.''

''Gwapo? Baka mga feeling gwapo.'' bulong ko sa hangin.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko gamit ang kanang kamay ko.Yung kaliwa kasi hawak ni ate.Diba nga hinihila niya ako.

Binuksan ko ang Wifi nito.At lumabas ang sandamakmak na connection.Yung iba galing sa mga stores at yung iba galing sa mga may dalang pocket wifi.

Kinonek ko ito sa ''SM WIFI'' pagkatapos nung bubuksan ko sana yung facebook pero nagulat ako nang bigla ako hinila ni ate.Napadapa ako dahil sa impact.Hinihintay kong tulungan niya ako pero kumukinang lang yung mata niya.

May nakita siyang store na punong-puno nang mga damit at mga high heels. =.=

Mapagkamalan pa akong jowa nito pag sinama niya ako diyan.

Wag naman sana.

--Sa loob ng store--

Oo nasa loob kami.Malas naman oh.Dapat babae yung sinama niya hindi ako.

''Dun na lang ako maghihintay sa la--'' napatahimik ako nang nakita ko si.Sino pa ba.

Nanatili lamang ako sa tabi ni ate.Hindi ko magalaw buong katawan ko.Naiilang ako na natatae.Paano na to.

Tumingin ako sa kanya at nagtaka.Anong ginagawa niya dito.Puro mga pambabae tinda dito eh.Eh ako biktima lang.

Baka naman may reregaluhan siya.Reregaluhang babae.BABAE.

Napalunok ako.

Iniisip ko palang masakit.Nahulog na nga talaga ako at wari ko lupa ang sasalo sakin.

Biglang humarap sakin si ate na ikinagulat ko.

''Eto ba maganda? Tingnan mo oh para akong prinsesa.'' sambit nito habang nilalagay sa harapan ng damit niyang t-shirt yung dress na kulay violet.

''Oo ate maganda.Uwi na tayo.'' paiyak na talaga ako sa loob ko.

Kinakabahan na talaga ako.Diba dapat namang hindi ako kabahan dahil nakalimutan niya na yun diba.Pati hindi niya ako kilala.Kinumbinse ko ang sarili ko.

''Mamaya na pagkatapos nito.Maglalaro tayo at kakain.'' sabi ni ate habang nakangiti.Wala na talagang takasan pag tinakasan ko kasi si ate baka magalit sakin yan at itakwil ko.Oo itakwil talaga.

''Sige na nga.Basta bilisan mo diyan.'' Baka kasi mapansin ako nito eh.

Kala mo naman magkakilala.

Nginitian ako nito at pinisil ang pisngi ko..

Na naman.

=u=

--

Natapos na rin si ate sa pamimili sa mga damit at mga high heels.Dumiretso kami sa counter at dali dali siyang nagbayad.Buti at wala na rin si kyuhyun.Sana nga.

''I recieved 5,000 php ma'am.Total=4,350.Here's your change.Come again.'' sabi nung nasa counter na babae.Nilagay agad ni ate yung sukli sa wallet niya at sinimulan ko nang buhatin ang mga pinamili nitong damit.Next Stop:Quantum.

Sinimulan na naming maglakad papalayo pero ...nasalubong namin siya.Oo siya.Siya na naman.Hindi naman sa nagsasawa ako sa mukha niya talagang kumakabog lang yung puso habang nakikita siya.

Biglang ngumiti si ate at niyakap si kyuhyun.Wow ang sakit ha.Sa harap ko pa talaga. 

Tinanggap naman ito ni kyuhyun.

Close talaga sila ..

''Ngayon lang kita nakita sa personal.Ang gwapo mo pala talaga.'' pagpupuri ni ate dito.First time lang sila nagkita? O.O Kami pangalawa na ngayon.

''Hahaha.Ang ganda mo in person.'' sabi nito.Yung boses niya.Napapataas balahibo ko.

''Nambola pa.Anong ginagawa mo dito?'' tanong ni ate.

''Ah.May binili lang ikaw?''

''May binili lang rin''

Para namang invisible dito.Sobrang assuming ko.As if naman na natatandaan pa ko nito.

Nagpatuloy ang pag uusap nila samantalang ako..Nakikinig lang.Alangan.

''Sino yung kasama mo?'' rinig kong tanong ni kyuhyun.Buti naman napansin narin ako.Para na akong tuod dito sa kinatatayua ko eh.

''Ah eto.Kapatid ko.Cute no.'' ngiting ngiting sabi ni ate.

Pinagmalaki pa talaga yung bagay na yun.Pero hindi na ako makakatanggi cute naman talaga ako eh.

Nakita kong tumango na lamang si kyuhyun.Tango lang??!

''By the way.Pwede bang sumama sa inyo.Gusto ko rin kasing mamasyal.'' 

Talagang iniba usapan.Kaboteng to.

''Oo naman tara.'' masiglang sunghap ni ate.

Sabi na nga ba eh.Masamang idea na pumunta sa mall ngayon.

Maghahanda na akong maging poste.

Siguradong mamaya iisipin nila sila na lang ang natitira sa planet earth.

 

T__T

Itutuloy..

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamishi #1
Na curious ako sa huli... salamat ng marami... nag enjoy akong basahin at hintayin ang bawat update mo... huwag ka sanang mag move on... hehe... salamat uli!
HeeApprentice
#2
Chapter 25: Mej "im lost" dun sa last part.
Pero sfkkhdsfjj cho kyuhyun naman eh. So cheesy xD

sige sige, Yewook story. Pwede yung from the start? Lol, demanding xD
kyuminsauce
#3
Chapter 25: ang bobo mo kyu
kimwookie
#4
Chapter 25: ,waaaahhhh.ateng.maganda!! Congrats,nktpos kn,naman.ng Story !aantayin.q.ung side story.ng YeWook.ha..hehehe.,
syet,nka2kilig.ang.ending !!buti nlng nd.ngtagumpay.ang.kbyo!!
kimwookie
#5
Chapter 24: waaaaaahhhhh !! pakyu Siwon!! mga trenta!! kaw kaya ibigti ko ????
hahaha pero inperness!! ang tanga mo Cho!! hahaha ang cheesy moh nkakasura!!
hahaha mamats sa update ate!!!
HeeApprentice
#6
Chapter 24: Ay gagi. Ambobo ni kyohyon. Hoy! Napasobra ka naman ksi sa pagka cheesy eh. Sinong may gusto na iwan bigla sa ere? Gaguhan. Gagi talaga xD
teddybearry
#7
Chapter 24: jusko. sana di mahilig mag mabasa si kyu ng wattpad. juskooo. di epektib cho! wag ka magpauto! rhyme. hagahaga
HeeApprentice
#8
Chapter 23: Ay pta xD sorry sa word. Pero eeeeeeeek. Sshkkfssjsdjkd gagi ka cho kyuhyuh, dami mong alam adfkc
kimwookie
#9
waaaaaaaaaahhhhhhhhh!! ... pampakalma nagpupuyos kong damdamin para sa SM!! (wataword!!)
hahaha kilig!!!
galing mo talaga ate!!
ano kayang gagawin ni Kyuhyun!!??
at ate penge namang YeWook moment jan!! hahaha
gomawo!!!

#DEVILwillROCK
kimwookie
#10
Chapter 22: waaaaaahhhhhh!!!!!! ate!!!!! bakit ba ngyn ko lang binasa tong update moh.... nkakaasar ako!!!! kiligToDaBones!!!! katuwa tlga si YesungMahLabs!!!! tenkyu s nkakakilig na update!!!!

#sujuisontheway!!!